Chapter 8

NAPABALIKWAS ng bangon si Hirana, dahil alam niyang mag-uumaga na. At wala pa siya sa bahay nila. Kailangan pa niyang magluto nang kanilang almusal. Mag-iigib pa ng tubig para sa buong araw nagagamitan ng Amang at Inang niya. Araw-araw ganon ang kanyang ginagawa ayusin muna ang iiwan sa magulang bago pumunta sa bayan.

Tumingin siya sa kanyang katabi pero wala ito."Huh nasaan siya?" tukoy niya sa kasamang lalaki kagabi. Timingin siya sa kanyanv paligid nasa mismong silid na siya. Kinapa ang sarili baka panaginip lang ang nangyari sa kanila ng lalaki kagabi. Masakit ang kanyang dibdib lalo na sa ibaba ng puson niya. Kung ganon totoo ang lahat sinama siya nito sa kanilang mundo. Ngayon lamang niya napagtanto. Na hindi tao ang lalaking iyon. Pero hindi niya maikaila mas guwapo pa ito sa tao. Oo nga naman engkanto eh. Wala yatang panget na engkanto lalo pa at ito ay isang prinsipe. Ano bang nangyayari sa iyo Hirana. Bumigay ka na agad lahat pa binigay mo eh, ilang araw palang kayong nagkikita. Nagkikita lang ha, hindi nangliligaw. At may halikan na nagaganap. Sadya bang mga pilyo ang mga ganon uri nang nilalang. Ngayon nakuha na nito ang lahat sa kanya. Magpapakita pa kaya ito sa kanya. At paano kung magbunga ang kanilang ginawa? Ano maging itsura ng kanyang anak magmamana ba ito sa ama na may matulis na tenga? Pag nangyari ito sigurado katatakutan sila ng mga kanayon. At paano rin niya sasabihin sa magulang kong sakaling mabuntis nga siya. Napabuntong-hininga na lang sa kanyang katangahan. Katangahan ba o siya ay umiibig sa lalaking may matulis na tenga? Tumayo na siya. Madilim pa sa labas binuksan niya ang ilaw lumapit sa salamin ng aparador. Sinipat ang sarili medyo namamaga pa ang labi napakagat siya saka sinalat ito. At sumilay ang kay tamis-tamis na ngiti sa labi. Sino ba naman ang hindi mapangiti sa nangyari kagabi. It is a wonderful night napakasarap na gabi.

"Totoo kaya ang nangyari sa amin?" Tila hindi pa siya makapaniwala. Eh, nakikita na ang ebidensiya. Hindi siya nakumtento hinubad ang damit naiwan lang ang pang ibabang loob niya. Namamaga rin ang dalawa niyang dibdib tanda na namalagi ang labi ng lalaki rito."Ahhh! Ganon pala iyon, ang sarap sa pakiramdam. Kakaiba talaga siya. Kaya pala ang daming nag kakaanak, eh. "

Nagdamit na siya naupo sa kama."Bahala na," nahiga siya kaso tumilaok na ang mga manok tanda na oras para bumangon na siya.

Ayaw man sana niyang tumayo, dahil mabigat ang katawan at nananakit pa. Nang maalala ang nangyari sa kanila ng lalaki. Napapikit siya napagapang ang palad sa katawan."Ahhh," ungol niya. Ano ba ang nangyayari talaga sa kanya. Naaalala lang ang ginawa nila kagabi nag-iiba na siya. Tila ba nais niyang muling maangkin ng lalaki.

Tumilaok muli ang panabong na manok ng kapit bahay nila"Istorbo kang manok ka! Maadobo kita makita mo!" hindi naman siya galit naiinis lang. Tumayo na siya kinuha ang tuwalya upang maligo na. Mag-uumpisa na naman siyang makikibaka sa kanyang panghuhula.

SA SILID ni Kiro, masayang siyang bumangon dahil sa nangyari na ang kanyang ninanais para sa kanila ng binibini.

"Wala nang makakapaghiwalay pa sa atin, mahal kung binibini. Akin na akin ka na." Tumayo na siya tinungo ang kanyang paliguan.

Paglabas niya sa kanyang silid pasipol-sipol pa si Kiro.

"Kamahalan, mukhang kay ganda ng umaga mo?" ani El.

"Hindi lang maganda kundi masaya pa ako, El."

"Ilang babae ba ang dumalaw sa iyo kagabi, Kamahalan?"

"Walang dumalaw El, kundi ako ang nagdala rito."

Napakunot ng noo si El."Kamahalan, anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito.

"Malalaman mo rin, El. Teka nasaan sina Inang reyna at Amang hari?"

"Nasa hapag kainin na sila Kamahalan, pinatatawag ka nga nila."

"Sige, El. Maiwan na kita."

Yumukod ito naka isang hakbang palang si Kiro ng magsalita siyang muli."El."

"Ano iyon, Kamahalan?"

"Ikaw ba ay dinalaw ng mga babae kagabi?" Sumilay ang pilyong ngiti sa labi.

Napayuko ito nahihiya. Meron ngang tatlong babae ang nagtungo sa kanyang pahingaan kagabi. Siya ay nagpakasaya buong magdamag.

"Alam ko na, sige maiwan na kita, El."

Yumukod muli ito.

Pagpasok ni Kiro sa hapag kainan."Magandang umaga, Akin Ina, Ama." Nakapaskil pa rin ang matamis niyang ngiti sa labi.

Napansin ito ng kanyang ina."Hmmm, may ibig sabihin ang ngiti mong iyan, Kiro. May maganda bang nangyari kagabi, ha?"

"Papaanong hindi ngingiti ng ganyan ang atin anak. Eh, huling gabi ng tag-saya kagabi, akin Reyna." ngiting-ngiti rin ang hari.

"Hmmm, ano ba ang iyong ikinasasaya, Kiro?"

Tumingin siya sa magulang."Ina, Ama. Kasama ko siya kagabi."

"Sino?" ang ama.

Tumango naman ang reyna dahil alam nito ang ibig sabihin ng anak.

"Ang akin, binibini, Ama."

"Ang iyong, binibini. Sino naman siya, Kiro?"

"Bukas, Ama. Dadalhin ko siya rito upang inyong makilala siya."

"Hmmm, mabuti naman. Isa ba siyang prinsesa? At saan kaharian siya nanggaling?"

Napatingin si Kiro sa ina, tumango ito bilang sang-ayon na sasabihin sa ama na hindi ito isang prinsesa kundi isang tao.

"Ama, hindi ka ba hahadlang kung hindi isang prinsesa, ang akin napupusuan."

"Hindi prinsesa o kung ganon sino siya rito sa palasyo?"

"Hindi siya tagarito Ama, sa kabilang mundo nakatira ang akin, binibini."

Humarap ang hari sa anak."Kung ganon, sinuway mo ang batas natin, Kiro."

"Ano ang iyon parusa sa akin, Ama?"

"Alam mo ang kaparusahan, Kiro!"

"Nakahanda ako akin Ama."

Napabuntong-hininga ng malalim ang hari. Masakit para sa kanya na patawan ang anak ng parusa. Maging isang ordinaryong tao sa kanila na walang tulong magmula sa kanila. Magwawakas lamang ang kanyang panginging ordinaryo pag may isisilang na papalit sa kanya bilang prinsipe o prinsesa. Kaya nga may tag-saya sa kanila upang makapunla siya ng maging anak niya mapa babae man o lalake ito. Pero kung wala mawawala sa kanya ang trono na maging hari.

Dalangin ni Kiro na ang nangyari sa kanila ng binibini ay magbunga ito. Para sasangayon ang lahat sa kanila kung hindi sila ay hindi na magkikita pa dahil mawawalan din siya ng kapangyarihan.

"Ama, bago mo ako parusahan, puwede ko ba siyang puntahan?"

"Akin Hari, puwede bang huwag ng parusahan ang atin anak. Hayaan na natin siya sa tingin ko naman ay masaya siya sa binibining na pinili."

"Sige bibigyan kita ng magandang parusa, Kiro."

May pananabik sa puso ni Kiro na marinig ang magandang paruhasang ito. Basta ba may kaugnayan ito sa babaeng iniibig ay papayag siya."Sabihin mo, Ama."

"Manirahan ka sa mundo ng iyong, binibini."

Kay tamis ng ngiti ni Kiro."Talaga, Ama?" pati ang kanyang boses ay excited rin.

"Ayaw mo ba?"

"Ama, gustong-gusto ko!"

"Sige, pagkalabas mo sa kaharian natin magsasarado ang pinto patungo sa mundo nang mga tao, magbubukas lamang ito pag isinilang na ang iyon anak."

Nasiyahan din ang reyna sa narinig. Okay na ito kaysa naman maghihirap ang kanyang anak sa kanila."Paano kung malaman ng ating mga kalahit na wala rito si Kiro, akin Hari? Tiyak sila ay magtataka at kung malaman nila ang totoo, tiyak sila ay magagalit sa iyo akin hari."

"Gagawa ako nang paraan, aarin akong gumawa nang kanyang replika habang wala siya rito sa atin, akin reyna."

"Mabuti kung ganon, akin hari sana walang makakaalam nito kundi tayo lamang na tatlo."

Nasiyahan si Kiro sa narinig."Samalat. Ama, may hihilingin sana ako sa iyo."

"Ano ito?"

"Puwede ko bang isama si El? At ama, sana hindi mo ako tanggalan ng akin kapanyarihan."

"Sige para may katulong ka roon. Oo hindi para narin sa iyon proteksiyon sa sarili, Kiro."

"Kiro, mag ingat ka, alam natin mapanganib ang mundo nang mga tao. Baka mapaano kayo?"

"Ina, huwag kang mabahala, alam kung nariyan lang kayo ni ama para protektahan ako di ba?"

Ngumiti ang ina sa kanya. Oo hindi niya maaring pabayaan ang anak. Kahit na sarado na ang pinto sa pagitan nila. May kapanyarihan siyang nakikita kung ano ang mangyayari sa anak sa labas ng kanilang mundo.

Masayang kumain ng agahan si Kiro, mamaya na siya pupunta sa mundo ng mga tao. Mauna muna siya tatawaging na lang si El, may kailangan din gawin ito bago umalis. Talagang mahal na mahal siya ng magulang ang kanyang kaligayahan ang laging hangad nila. Kahit na hindi ito dapat. Alam niyang mahirap ito para sa ama. Panlilinlang din ang gagawin nitong paggawa ng kanyang replika bilang Kiro.

Pagkatapos silang mag almusal nang tumayo na ang magulang para magtrabaho na."Sandali lamang, Inang reyna, Amang hari," aniya.

Huminto sila."Bakit, Kiro. May sasabihin ka pa ba sa amin?" tanong ng hari.

Umiling si Kiro naglakad siya matungo sa harapan ng magulang, siya at lumuhod at yumukod bilang pasasalamat niya sa magulang."Patawad, Ina, Ama. Sa gagawin kong ito alam ko malaking sakrepisyo ito para sa inyo. Salamat!"

"Gawin mo lang ang nararapat, Kiro. Upang ikaw ay magbalik agad dito sa atin kaharian."

"Oo Ama, para rin makita ninyo ang akin binibini." Tumayo na siya limapit sa ina niyakap ito."Salamat Ina, sa iyon suporta." Kay higpit nang kanyang yakap sa ina.

"Maging masaya ka lamang anak. Masaya na rin ako, sige na humayo ka na dalhin mo ang dapat mong dalhin sa mundo ng mga tao." naluluhang turan ng reyna.

Kumalas sa pagkayap sa ina si Kiro. Humarap sa ama yumukod siya rito bilang pamamaalam niya.

UMAGA palang maramin ng nagpapahula kay Hirana."Oh, suwerte yata ako ngayon araw, ah," ngiting-ngiti siya.

Pumasok si Mira sa loob ng kubo niya.

"Bakit?" tanong agad Hirana rito.

"Wala naman. Ubos na kasi ang paninda ko." masayang balita nito.

"Talaga? Hmmm, ako nga rin nakarami na puwede na akong umuwi. Pero mamaya na maaga pa naman, siya pang kikitain ko pag may magpapahula pa."

"Kung ganon mauna na ako sa iyo, Hirana."

"Sige, Mira. Para makapagpahinga ka ng maaga."

Tumango at lumabas na.

Nang wala na si Mira, napasandal sa sandalan ng upuan si Hirana. Saka siya pumikit.

Mabuti na lang tinuruan siya ng kanyang lola para maghula At saka palagi siyang sumama para tignan ang galaw ng yumaong Lola. Nang mawala ito siya na ang pumalit. Sa una mahinirapan siya kasi kailangan mong mag konsentrasyon ng isip at puso sa bawat huhulaan mo, minsan nagkakamali rin siya. Pero kalaunan naging gamay na ito lalo na sa palad ng isang tao nababasa niya ang kapalaran rito. Minsan may hindi siya nababasa na hindi maganda. Nagsisinungaling na lang siya.

"Magandang araw sa iyo, bininining Hirana," wika ng isang baritinong tinig.

Napangiti si Hirana. Ang alam niya ang prinsipeng kasama kagabi ito. Pagmulat ng mata. Hindi ito ang nakita nakaramdam ng pagkadismaya sa puso niya si Hirana.

"Kamahalan?" Napatayo siya saka yumukod dito.

"Ako nga, binibining Hirana. May iba ka pa bang inaasahan?"

Sa totoo lang meron ang lalaking nagbigay ligaya sa kanya. At nananabik siyang makita ito.

"Huh? Wa-wala naman, Kamahalan. Kahit na ikaw hindi ko inaasahan na darating ka sa akin munting kubo."

"Napadaan kasi ako, kaya naisipan kung pumasok dito sa kubo mo. Hmmm, manghuhula ka pala, puwede mo ba akong hulaan, binibining Hirana?"

"Oo. Naman, Kamahalan." Itunuro niyang umupo na ito.

Tumalima naman kaagad ang prinsipe.

"Anong gusto mong gagamitin kung panghula, Kamahalan?" magalang niyang tanong.

"Kung saan ka magaling, binibining Hirana."

Hinawakan ni Hirana ang palad ng prinsipe.

Titig na titig naman ang prinsipe sa binibining nakayuko."Ang ganda niyang pagmasdan," anito sa sarili. At alam niya sa sarili na may gusto siya rito. Napangiti siya bigla.

Lumitaw bigla si Kiro sa kubo ni Hirana. Nang makita ang ginagawa nito naningkit ang kanyang mata. Lalo ng mapag-sino ang hinuhulaan ng kanyang mahal na binibini. Ang kanyang karibal, at alam niyang may gusto ito kay Hirana sa titig palang nito. Lalo siyang nainis ng makita ang ngiti nito.