Chapter 9
HINDI muna nagpakita si Kiro kay Hirana. At may naiisip siyang kapilyuhan para sa binibini. Lumapit siya likuran nito hinaplos ang balikat saka banayad na minasahe ito.
Napaintig si Hirana ng maramdaman na may mainit na palad na humahaplos at may kasama pang masahe sa kanyang balikat. Alam niyang ang ginoo ito. Putik gusto niyang umungol sa ginagawa nito ang sarap kasi sa pakiramdam niya. Kaso nasa harapan ang isang prinsipe.
Napakunot ng noo ang prinsipe. Nararamdaman niya ang paggalaw ng katawan ni Hirana. Akala niya dahil sa ginagawa nitong panghuhula sa kanya kaya ganon ang nakita."Ano ang nararamdaman mo sa palad ko, binibining Hirana?" tanong ng prinsipe.
"Mainit," Mabilis niyang tugon ang sinasabing mainit ay ang palad na nasa balikat na nagmamasahe pa sa kanya.
"Sino ang mainit akin binibini? Siya ba o ako?" Bulong ni Kiro, sabay halik pa sa tenga nito.
Nabitawan ni Hirana ang palad ng prinsipe. Dahil sa kilabot na nadarama sa panghalik ng ginoo sa kanyang tenga. Gusto niyang sawayin. Kaso hindi niya magawang ibuka ang bibig baka magtaka ang prinsipeng nasa harapan.
Nagtataka naman si prinsipe Hamil, bakit nag-iba ang reaksyon ng binibini."Ano ang nangyayari sa iyo, binibining Hirana?" tanong nito.
Pinagapang ni Kiro ang palad sa likod ni Hirana. At hinalikan pa ang batok nito.
Napaderetso ng upo si Hirana."Ka-kamahalan, tapos na po akong hulaan ka!" medyo na nautal pa siya. Kailangan niyang madaliin ang ginagawa kahit na pa wala siyang nakikita sa guhit ng palad nito. Bago pa siya nito mahalata.
"Ano ang iyon nakita, binibining Hirana?"
"Wala naman po Kamahalan, maganda ang iyon hinaharap sa mga darating na panahon."
Bumalong muli si Kiro."Mas maganda ang hinaharap natin akin binibini. Makulay, masaya, puno ng tamis."
Sobrang kabog ng dibdib ni Hirana. At may kiliting hatid sa bawat himaymay nang kanyang dugo ang bulong nito. Pagdating talaga sa lalaking elf eh, para siyang nawawala sa sarili. Tuwing may ginagawa ito sa kanya, her blood really responding well. Gusto nang isip at puso na damhin muli ang mainit nitong haplos at halik. Kagaya nang una nilang pag-iisa she want his lips liking all over her body. Pero sa ngayon kailangan muna niyang kontrolin ang sarili dahil kaharap niya ang isang prinsipe.
"Gaano ka ganda ito, binibining Hirana?"
Ngumiti si Hirana sa Prinsipe."Nasa iyo kung paano mo pagandahin, Kamahalan. Dahil nasa iyon naman na ang lahat."
"Hmmm, natitiyak kung maganda ang kakaharapin natin, binibining Hirana. Napaganda mo pag ikaw ay ngumingiti, pinasisigla mo ang puso ko." deretsong nitong sabi.
Nawala ang ngiti ni Hirana napalitan ito nang pagkunot ng kanyang noo napatingin siya sa prinsipe."Ano ang ibig mong sabihin, Kamahalan?"
Kay tamis ng ngiti ni prinsipe Hamil."Ninanais kung ikaw ay maging akin Prinsesa, binibining Hirana," walang gatol nitong turan.
Sa narinig ni Kiro lumipat siya sa likuran ng prinsipe. Kinumpas ang kamay para makita siya ni Hirana. Naikuyom niya ang kamao."Hindi naman ako papayag na mangyari ang nais mo si bininining Hirana. Ay akin lamang," aniya sa sarili. At hinihintay ang itutugon ng babae sa prinsipe.
Sa sandaling iyon gusto ni Kiro, takutin ang prinsipe, o kaya naman itapon ito sa mundong walang tao kundi mga hayop lamang ang kasama para hindi na makabalik pa sa mundo nila. Pero hindi siya ganon uri ng elf. Sila ay mababait kaya nga hiwalay sa kanila ang mga masasamang na elf.
Hindi mapakali si Hirana lalo na at nasa tabi nito si prinsipe Hamil. Galit yata ito dahil nakakuyom ang palad. Hindi naman niya kayang ibigay ang sarili sa prinsipe sapagkat meron na siyang mahal. Oo mahal na niya ang lalaking engkanto."Huh? Kamahalan, hindi po ako isang prinsesa. O kaya isang maharlika, hindi ako nababagay sa isang katulad mong prinsipe."
"Hindi naman mahalaga sa akin, kung hindi ka prinsesa o may dugong maharlika, ikaw ay akin gusto ko, binibining Hirana."
Napalunok si Hirana. Hindi maaring tumanggi ang sino man sa nais ng isang prinsipe. Kung ikaw ay tatanggi kamatayan ang hatol sa iyo. Ito ang batas ng mga kaharian.
Kahit hindi sakop ni prinsipe Hamil ang bayan nila, puwede itong kumuha ng babaeng tinatangi. Pero kailangan na makipag-usap siya sa amang hari. Kung papayag ito ang magulang ng babae ang kakausapin nila. Walang hi-hindi sa mga Hari. Dahil kung ikaw ay tututol kamatayan ang katapat lahat nang pamilya mo. Lalo pa at kung makikipag usap sila sa haring sumasakop sa kanilang nayon.
Makakatangi ba siya kung sasang-ayon ang pagkakataon kay prinsepe Hamil. Ayaw naman niyang madamay ang Inang At Amang. Kung siya lang hahamakin ang lahat matangihan lamang ito.
"Pero, Kamahalan, mas maraming babaeng nababagay sa iyo sa inyong kaharian."
"Alam kung ikaw ay nabigla sa akin pahayag binibining Hirana, bibigyan kita ng pagkakataon makapag-isip at kausapin ang magulang mo sa sinabi ko sa iyo."
Naku pagsinabi na sa inang at amang niya ito. Tuwang-tuwa pa sila, sabi nga ng inang niya nababagay siya sa mga may dugong maharlika na lalake. Pag siya raw maging kabiyak ng isang maharlika maganda ang buhay niya. Eh, prinsipe na ang nag-aalok sa kanya na maging prinsesa. Kahit ayaw niya pag sinabi nila sige wala siyang magagawa kundi sundin ang gusto nila.
Tumingin siya kay Kiro. Nakikita niya sa mata nito ang kanyang isasagot sa prinsipe.
Tumayo si Hirana. Napasunod nang tingin si prinsipe Hamil dito.
"Kamahalan, hindi ko matatanggap ang alok mo sa akin."
Sa narinig ni Kiro sa isang iglap niyakap niya mula sa likod si Hirana."Pinasaya mo ako akin binibini." aniya.
Napasinghap si Hirana sa ginawa nito. Hinayaan lang niya ito ayaw niyang itaboy sabihin umalis ka muna baka isipin ni prinsipe Hamil ito pinagsasabihan niya. Pero sa isip at puso gustong-gusto ang pagyakap nito sa kanya. Para bang nais niyang pumikit damhin ang napakabanayad na hatid nito sa katawan.
Tumayo na rin si prinsepe Hamil."Hindi mo dapat sinasabi iyan, binibining Hirana. Dahil para sa akin ikaw ay sapat na. At nais kung makasama sa akin tabi bilang prinsesa ko."
"Hindi sapat sa iyo ang maging prinsesa, akin binibini. Dapat reyna ang nararapat sa iyo na kaya kong ibigay." sabi naman ni Kiro.
Nalito tuloy ang isip ni Hirana, pero ang kanyang puso iisa ang nais niya ang lalaking nakayakap sa kanya. At para bang nais na niyang itaboy ang si prinsipe Hamil, para makapag solo sila. Dahil may pananabik siyang nadarama nang makita ang pinag-alayan ng sarili.
"Mahirap ang alok mo Kamahalan, hindi ako sanay sa maranyang buhay. Na buhay prinsesa."
Siguro kung hindi lamang dumating ang prinsipeng engkanto. Napakadali para sa kanya ang magdisisyon. Sino ba siya para tanggihan ang isang prinsipe. Kahit na hindi niya mahal ito. Kaso mahal na niya ang engkantong may matulis na tenga. At ito ang gusto niyang makasama sa buhay.
"Masasanay ka rin, binibining Hirana. Tinitiyak ko ito sa iyo. At tiyak na magugustuhan mo ang buhay ng isang prinsesa sa piling ko."
Alam ni Hirana ito kaso ayaw sumunod ng puso isa lang naman ang tiyak na gusto ang nakayakap sa kanya. Ano ba ang tamang sasabihin niya sa prinsipe? Para hindi na siya nito muling dalawin pa.
Hindi naman na umikmik pa si Kiro, maligaya siya sa naririnig na sagot ng binibini. Napapikit siya lalong humigpit ang pagkayakap niya sa babae. Para bang sinasasabi na hindi ka niya makukuha sa akin sapagkat akin ka lamang.
"Hindi ako nangangako sa iyo, Kamahalan. Hindi."
"Bakit binibining Hirana? May nagmamayari na ba sa iyon puso?"
Gustong isagot ni Hirana na Oo kamahalan, at isa rin prinsipe na katulad mo. Kaya lang hindi katulad mong tao.
"Oo sabihin mong si prinsipe Kiro ito, akin Hirana," turan ni Kiro rito.
Pero hindi maaring sabihin ito ni Hirana. Dahil isa itong prinsipe kung iba lang kagaya ni Tinor harap harapan talaga niyang sasabihin hindi kita gusto."Wala, Kamahalan, nais ko munang makasama ang akin Inang at Aman, dahil sila ay matanda. Pagsisilbihan ko muna siya hanggang sa huli nilang hininga."
Ramdam ni prinsipe Hamil ang pagtangi ng binibini sa kanya. Pero hindi siya papayag na tanggihan nito, may alas siya para makuha ito. Alas na mapapasakanya ang babae si haring Kahil."Ang pasya ay hindi manggagaling sa iyo, binibining Hirana."
Alam na ni Hirana ang ibig nitong sabihin. Ang hari ay siyang magpapasya. Ito ang batas ng kanilang bayan na walang sinuman ang susuway dito dahil kamatayan ang katapat. Kung sakali baka siya palang ang unang mapaparusahan. Pero hindi niya ialang-alang ang magulang para lang sa kaligayahan niya. Dahil mahalaga sila sa kanya.
"Hihintayin ko ang pasya, Kamahalan," sabi na lang niya.
"Kung ganon tutungo na ako sa palasyo upang kausapin ang inyong hari, binibining Hirana."
Gustong isagot ni Hirana sa prinsipe na sobrang atat ka naman Kamahalan. Ura-urada susugod sa hari. Tumango na lamang siya rito.
"Paalam. Binibining Hirana, hindi ito ang huli magsisimula palang tayo. Sa muli natin paghaharap ikaw ay akin prinsesa na."
"Hindi ko ito hahayaan na mangyari akin binibini. Hindi, dadaan muna siya sa ibabaw ng katawan ko. Kung kailangan gamitin ko ang akin salamangka ay gagawin ko upang hindi ka niya makuha sa akin."
Hinintay ni Hirana na lumabas sa kubo si prinsipe Hamil bago niya harapin ang kanyang ginoo.
Gusto niyang ihatid hanggang sa pinto ng kubo niya ang prinsipe bilang pag galang niya kaso parang hindi niya kanyang ihakbang ang paa dahil sa usapan nila. Higit sa lahat ang ginawa ng ginoo sa kanya.
Nang makalabas na si prinsipe Hamil. Umikot siya paharap sa ginoo. Isang matamis na halik ang isinalubong nito sa kanya.
Hindi kayang tangihan ni Hirana ang halik ng ginoo. Kusang sumunod ang labi sa bawat galaw ng labi nitong may pananabik.
Nang iwan ng ginoo ang kanyang labi. Nagkatitigang sila saka humaplos ang palad nito sa kanyang pisngi. Napapikit siya nakakapaso ang init ng palad nito. At para bang may nais na gustong gawin higit pa sa halik. Nakahanda siya sa ano man nais nitong gawin sa kanya.
"Ipangako mo sa akin. Akin binibini, na hindi ka sasang-ayon sa nais nito. Akin ka lamang. "
Napamulat si Hirana. Ngumiti siya ngiting walang katiyakan. Alam niyang gagawin lahat ni prinsipe Hamil para makasal sila.
"Ayokong mangako Ginoo. Narinig mo naman ang sinabi niya di ba? Wala sa akin ang pasya nasa kamay ng, hari."
"Wala akong pakialam sa hari. Akin Binibini, mangako ka sa akin na tatangihan mo ito."
"Paano ang Inang at Amang ko? Sila ang sasalo sa parusang kamatay ko, iyan ay hindi ko papayagan, kahit na matanda na sila." Hinding-hindi siya papayag na wala sila sa mundong ito nang dahil sa kanya utang niya ang buhay sa mga ito na dapat ay kanyang suklian bilang paglilingkod niya sa kanila habang sila ay nabubuhay pa.
"May tiwala ka ba sa akin. Akin binibini?" Hindi rin naman siya papayag na may masamang mangyari sa kanyang binibini at magulang nito. Itatago niya ang mga ito hanggang kaya nang kanyang kapanyarihan. At hanggang magbunga ang kanilang pag-iibigan para makabalik sila sa kanilang mundo. Pero may agam-agam siya paano kung kakatakutan sila ng ama at ina ng kanyang binibini. Saka na siya mag isip ang mahalaga sa ngayon kapiling niya ang babaeng piniling makasama habang-buhay.
"Tiwala? Hindi ko naman siguro ibibigay ang katawan ko sa isang katulad mo na hindi ko kilala at ibang nilalang pa, kong wala akong tiwala sa iyo. At naniniwala ako sa tinitibok nang akin puso."
Sa narinig kaagad na siniil ng halik sa labi ni Kiro ang kanyang binibini.
Nag paubaya si Hirana. Ito rin ang nais ng kanyang kaluluwa ang muling makasama ito.
Kinumpas ni Kiro ang kamay para isarado ang pinto nang kubo saka inilagay ang karatulang SARADO.