FINALE
"AKIN HARI, tignan mo bumukas na ang pinto!" masayang turan ng reyna.
"Isa lang ang ibig sabihin niyang, akin Reyna. May lalaruin na tayong munting sanggol."
Ngumiti ang reyna."Ano kaya siya akin Hari. Prinsesa ba o Prinsepe?"
"Hmmm, alin man sa dalawa akin Reyna, pero mas gusto ko ang Prinsesa."
"Sang-ayon ako sa iyo akin Hari, nais ko rin na Prinsesa."
"Malalaman nating ito. magdating nila rito akin Reyna."
Tatatango naman ang reyna bilang pag sang-ayon sa sinabi ng kanyang hari.
NAKATINGIN lang ang mga tao sa kay Hirana. Tuwang-tuwa si Kiro, alam niya ang dahilan kung bakit nag kaganon ang kanyang binibini.
"Hirana, bakit?" Tanong pa rin ni Kiro habang hinahagod ang likod nito.
"Ewan ko ba, bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko at gusto kung magsuka," napapangiwi pa siya dahil may pait ang kanyang panlasa.
"Ako alam ko kung bakit, Hirana."
"Huh?" Saka nilingon ni Hirana ang Ginoo.
"Oo, Hirana."
"A-alam mo? E, ano?"
"Maging Ina at Ama na tayo."
Kahit alam ni Hirana na magdadala lalo nang kapahamakan ang kanyang pagdadalangtao. Napaluha siya sa saya."To-totoo?"
"Oo, kaya huwag kang mag-alala sa maaring parusa mo, dahil walang magaganap nakaparusahan sa iyo!"
"Paano?"
"Uuwi na tayo sa atin kaharian, Hirana. Doon mamumuhay ka nang payapa sa piling ko."
Tumayo si Prinsepe Hamil, dahil alam niya na meron nang laman ang sinapupunan nang binibining sinisinta
"TAKSIL!" dumadagungdong na wika ni Prinsepe Hamil. Habang papalapit sa binibini.
Mabilis na napalingon sina Hirana at Kiro rito.
"Pa-paano ako naging taksil, Prinsepe Hamil?"
"Hindi mo ba alam na pagtataksil ang ginagawa mo sa akin! Hindi man kita asawa pero alam mong may gusto ako sa iyo. Pero nagawa mo rin sumiping sa ibang lalaki! Para sa akin ay isa itong pakikiapid!"
"Hindi, Prinsepe Hamil. Dahil wala akong pagmamahal sa iyo. At wala tayong binitawan pangako sa isa't isa. Kaya hindi ako nagtaksil sa iyo, Kamahalan."
Lumapit ang Hari at mga konseho sa kanila.
Sobrang pag-alala naman ang nakapaskil sa mukha ng inang at amang ni Hirana.
Kung sila lang kaya nilang lusutan ang pasura pero si Hirana ay hindi dahil hindi bukas ang salamangka nito bago kasi binigay sa kanila ang sanggol na si Hirana noon sinarado ng ama ang kanyang kapanhyarihan upang mabuhay siyang payapa sa mundo ng mga tao. Napatingin sila kay Kiro masaya ang aura nang mukha nito dahil buntis na ang babaeng mahal. Nawala ang kanilang takot para sa anak nila dahil hindi pababayaan ng Prinsepe ito.
Tamang dumating sina Mira at El.
"Kamahalan, anong nangyayari rito?" tanong ni El.
"Narito sila upang sabihin ang hatol nila sa Binibini."
"Paano na ito, Kamahalan. Hindi pa magbubukas ang pinto para sa atin?"
"Nagbukas na El, may nakapasok na sa sinapupunan ng akin Binibini."
"Kung ganon ano pa ang hinihintay natin, Kamahalan. Tayo na habang hindi pa huli ang lahat kay Binibining Hirana."
Sumenyas si Kiro kay El na mamaya na sila papasok sa kanilang kaharian.
"Hirana, bakit narito ang Hari at si Prinsepe Hamil?"
"Mahabang paliwanag, Mira. Saka ko na sasabihin sa iyo."
"Wow ha, ang haba ng buhok mo Hirana, dalawang guwapo ang nagmamahal sa iyo, pero sino ang pipiliin mo?" Matalino si Mira kaya na gets na ang nangyayari.
"Siyempre ang mahal ko!"
"Alam ko na, ang naka boom na."
Siniko ni Hirana si Mira dahil magsasalita na ang hari.
Sumesyas si Kiro sa dalawang matanda na maghanda ano man ang hatol ng hari kay Hirana."El, nakahanda ka na ba?"
"Oo. Kamahalan!"
"NAPAG-USAPAN ng mga taga konseho na papatawan ka ng kamatayan, Binibining Hirana, pupugutan ka sa plaza. Pero sa nakikita ko sa ngayon nakakapanghinayang kung madadamay ang nabubuhay sa iyong sinapupunan. Ang tingin ninyo sa akin ay masama, pero pagdating sa mga bata natutunaw ang puso ko. Kaya ngayon babaliin ko ang batas ng kaharian mula sa araw na ito, wala nang parusahang kamatayan lahat ay pantay na. Ang tanginh kaparuhasan ng taong magkakasala ay isang daan latigo ang ipapataw na parusa. Humayo ka Binibining Hirana, palakihin mo ang iyong anak sa magandang asal."
Napangiti ang lahat maliban kay Prinsepe Hamil."Hangal ka. Kamahalan! Ang isang Hari ay hindi dapat nagpapakumababa!" paangil nitong turan.
"Ikaw palang ang nagsabi sa akin na hangal ako. Prinsepe Hamil, iyan ay hindi ko matatangap, nasa kaharian kita kaya papatawan kita ng kaparusahan sa kahangalan mo!"
Nahintatakutan bigla si Prinsepe Hamil, mabilis itong tumakbo sa kanyang sasakyan kaagad na umalis na.
Alam nang hari na kahit kailan hindi na papasok sa kanilang kaharian ito, oras na makita nila huhulian at papatawan ng kamatayan. Kahit na anak pa niya ito pero isa siyang ama hindi naman niya hahayaan na mamatay na lamang ito.
Lumuhod si Hirana at ang kanyang amang at inang, bilang pasasalamat nila sa hari.
Umalis na ang hari at taga konseho. Ngiting-ngiti si Hirana."Kiro, ang saya-saya ko!" yumakap siya rito.
"Ngayon wala nang gusot. Alam ko na maging maayos na ang lahat sa ating."
"Oo, Kiro."
Lumapit ang inang at amang ni Hirana sa kanila."Anong gagawin nating ngayon?" tanong matandang lalaki.
"Uuwi na tayo, sa kaharian doon masaya tayong maninirahan."
"Te-teka. Teka lang muna. Ano KAHARIAN? ang ibig sabihin nito isa kang Prinsepe Kiro? At ikaw naman El, ay ano? takang-taka na tanong ni Mira.
"Tama ka, Mira. Prinsepe si Kamahalan. Ako ay ang kanyang kawal lamang!" may lumbay na tugon ni El.
"El, para sa akin ay hindi kita kawal kundi isang matalik na kaibigan!" pagtatama ni Kiro.
"Oh my gosh. Hirana, kung ganon maging Prinsesa ka na. Ahhh, maari mo ba akong kunin na alalay mo?"
"Oo ba, Mira. Pero..." panbitin ni Hirana sa sasabihin.
"Whatever na pero pa iyan, Hirana. Go ako!"
"Hindi rito sa mundo nating, Mira. Kundi sa malayong kaharian."
"Hirana, kahit saan pa iyan. Basta ba kasama kita at si..." Nakangiting tumingin si Mira kay El.
Siniko naman ni Kiro si El. May pagkamahiyain kasi ito kaya napakamot na lang sa ulo niya.
"Kung ganon nakahanda na ba kayo?" tanong ni Kiro.
Masayang-masaya ang amang at inang ni Hirana, dahil muli silang makakaapak sa sinilangan lupa.
"Teka lang naman. Not so past, kukuha muna ako ng damit ko at magpapaalam kina Ina." sabi ni Mira.
"Mag tour ka muna roon Mira, tapos uuwi ka rin." sabi ni Hirana.
"Ay bongga! Ano pa ang hinihintay nating gora na tayo!"
Hindi naman tuluyan iiwan ni Hirana ang mundo ng tao, kung gusto nila ano man oras puwede silang dumalaw sa kanilang tahanan.
PAGBUKAS nang pinto sa kaharian nila Kiro nakaabang na ang tao sa palasyo sa pagdating nila.
"Maligayang pagbabalik, Prinsepe Kiro." Anang ng mga kawal at mga kababaihan.
Nakangiti ang hari at reyna na sumulubong sa kanila. Kay Hirana agad nakatuon ang kanilang pansin.
"Siya ba ang maging Prinsesa mo Kiro anak?"
"Opo Ina, alam kung magkakasundo kayo."
"Nararamdaman ko nga, Kiro."
Napatingin ang hari sa Amang at Inang Hirana."Maligayang pagbabalik sa kaharian," aniya sa dalawa.
Yumukod ang dalawang matanda."Kamahalan, salamat!"
"Siya na ba ang bata noon?" Tanong ng reyna na kay Mira nakatingin.
"A-ako! No! Isa lamang po akong hamak na tindera mahal na Reyna." sabat ako niya.
"Ina, ang akin Prinsesa, ang tinutukoy mo," tugon ni Kiro.
"Buhay nga naman hindi mo akalain na kayo pa ang magkakatuluyan."
"Akin Reyna, ang tawag diyan tadhana."
"Kung ganon siya ay totoong tao?" tukoy ng reyna kay Mira.
"Oo. Ina."
"Kung ganon hindi siya maaring narito, kung wala siyang ugnayan sa ating."
Nalungkot ang mukha ni Mira. Ganon din si El, akala pa naman niya makakasama niya ang binibining bumihag sa mahiyain niyang puso.
"Ihatid na ninyo siya sa pinto." utos ng hari.
"Ina, maaaring dumito muna siya kahit isang araw lang?"
"Hindi puwede, alam mo ang mangyayari sa kanya. Dahil tunay siyang tao."
Ang taong titira sa kanila ng mahigit sa isang araw ay matutunaw. Kaya pala si Hirana ay hindi dahil may dugo siyang duweno. Habang magtatagal siya sa kaharian lalabas ang kanyang tenga na matulis. Kung pupunta naman siya sa mundo ng tao mawawala ito.
"Ama, teka lang muna paano makakatira rito si Mira?"
Nais ni Kiro na malaman para maging masaya si El, katulad niya. At gagawin ang lahat makapasok lamang ang babae sa kanilang tahanan.
"Ah, isa lang naman, Kiro."
"Ano Ama?" may pananabik sa boses ni Kiro.
Ganon din kay El dalangin niya na sana ay madali lang ang paraan para makatira si Mira sa kanila.
Ginagap ni Hirana ang kamay ni Mira na ng lalamig.
"Makakapanirahan siya rito. Kung mabuntis siya ng tagarito sa ating!"
Nanlaki ang mata ni Mira sa narinig. Kailangan pa nilang magtampisaw sa kaligayahan. Eh di wow para sa kanya.
Siniko ni Kiro si El saka bumulong."Trabahuin mo ha, El! Makakaasa ba ako?"
"Oo. Kamahalan."
Inihatid na ni El si Mira sa pinto. Ni walang salitang namutawi sa lalaki. Inis na inis naman si Mira sa katorpehan nito.
"Hirana, akin Binibini. Isa lang ang hihilingin ko sa iyo ngayon."
"Ano?"
"Ang basbas nang ating pagsasama. Sa harapan ng Inang at Amang mo. Sa akin Inang Reyna at Hari, hinihiling ko na samahan mo ako sa akin buhay ngayon at magpakailanpaman."
"Oo. Kiro, sa iyo na ngayon ang buhay namin ng maging anak nating."
"Iniibig kita nang lubos. Binibining Hirana!"
"Mahal na mahal kita, Kiro."
Niyakap saka hinalikan ni Kiro sa labi ang babaeng humula sa kanya.
Isang araw lang ang lumipas ikinasal na sina Hirana at Kiro. Naging masaya ang buong palasyo. Lalo na at darating ang isang munting Prinsesa sa kanila.
---
Nakasimangot si Mira habang nangunguha ng bato sa dulo ng talon isang linggo na ang lumipas wala pa rin El, na nagpapakita sa kanya. Nananabik siyang makapasok sa palasyo. At ang isa pang pinanabikan niya siyempre ang pagsasalo nila para makabuo.
"Hmp! Torpe kasi!" bubulong-bulong siya."Baka napapangitan siya sa akin. Dahil guwapo siya kahit na matulis pa ang tenga." Parang gusto niyang maiyak bigo naman ba ang kanyang puso. Akala niya may gusto ito sa kanya."Umasa pa naman ako. Paano kasi pinaasa niya ako pasabi sabi pa na masaya ako pag kasama kita. Awww Shit na shit ang sakit!"
Paglusong niya sa tubig may paa siyang nakita nanlaki ang mata sa ilalim ng tubig. Biglang kumabog ang kanyang dibdib."Si El!" Mabilis siyang umahon.
"Marami ka na bang nakuha, Binibini?" seryoso ito.
Awtomatikong napangiti na si Mira."Wala nga, eh. Malas ako sa araw na ito."
"Hindi malas suwerte nga. Meron akong nakuha."
"Talaga? Patingin nga."
Nilahad ni El ang palad na puno ng bato. Kukuha sana si Mira.
"Ops!" Saka tiniklop ang palad.
"Bakit patingin lang ako?" Hinabol pa ang kamay ni El.
Ngumuso si El, humihingi ng halik. Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Mira, alam niyan torpe ito kaya siya na ang gagawa ng hakbang. Sa isang iglap magkahinang na ang kanilang labi.
Nakangiti naman nakatingin sina Kiro at Hirana sa dalawa. Sinundan kasi nila si El kung saan pupunta at tama nga ang kutob nila makikipagkita ito kay Mira.
"Bagay sila di ba?" sabi ni Hirana.
"Oo parang tayo lang noong una," may ngiting turan ni Kiro.
Maya maya hindi na nila nakita pa ang dalawa at alam nila kung saan pupunta ang dalawang iyon upang makabuo upang makapasok na sa kaharian si Mira.
Magkahawak kamay na maglakad pabalik sa kaharian sina Kiro at Hirana.
WAKAS!