Chapter 14
MASAYANG umuwi ang apat lalo na si Mira, dahil may bato siyang dala-dala. Pagdating nila sa bahay nila Hirana maraming nakahandang pagkain sa hapagkainan.
"Wow piyesta!" bulaslas ni Mira.
Nagtaka naman si Hirana, kung saan kumuha ng pangbili ang amang at inang sa dami nilang inihanda.
Napansin ito ni Kiro inakbayan niya ang kanyang binibini saka bumulong."Huwag ka nang magtaka pa, Hirana. Ang Amang at Inang mo ay may salamangka rin."
"Ganon, eh di. Hindi totoo ang mga pagkain iyan?"
"Tunay. Hindi ko naman hahayaan na lahat ng bagay sa paligid mo ay gawa ng salamangka, Hirana. Ang gusto ko lahat ay totoo lalo na ang pagmamahal ko sa iyo."
Napangiti si Hirana sa tinuran ni Kiro.
"Halina kayo at kumain habang nainit pa ang mga ito," sabi ng inang ni Hirana.
Napatingin si Hirana sa inang inaakala. Hindi man ito ang tunay na ina, sa kanyang puso ituturing pa rin ito na totoong ina niya. Naramdaman naman niya ang pagmamahal ng isang magulang sa kanila mula nang siya ay bata pa.
Masagana silang nagsalo-salo sa tangahalian. Bumalik sila sa kubo para magpahinga sandali.
"Hirana, may ibebenta ako bukas tiyak pag-aagawan nila ito." May kinang sa mata ni Mira habang binubusisi ang mga bato sa palad.
Sumang-ayon na lang si Hirana sa tinuran ni Mira. Baka pagsinabi niya ang totoo hindi maniwala ito."Magkano naman ang mapagbentahan mo riyan, Mira?"
Iniisa-isa ni Mira ang mga bato."Hmmm! Mga dalawang pong pilak, Hirana."
"Aba, tiba-tiba ka niyang. Marami siyang nakuha ah. Hmmm, may napansin ako, Mira."
"Napansin sa bato ba?"
"Hindi kay, El."
"O, anong meron sa kanya, mabait nga siya kasi binigay niya sa akin ang kanyang nakuha di ba. Ay bonggang-bongga talaga!"
"Oo mabait siya. Hindi mo ba napansin meron siyang pagtatangi sa iyo, Mira."
Nanlaki ang matang tumingin si Mira kay Hirana."Di nga, Hirana?"
"Kumwari ka pa, Mira. Pero ang totoo may gusto ka rin sa kanya di ba?"
Lalong pinalaki ni Mira ang mata. Kunwari lang niya ito totoo naman ang tinuran ni Hirana.
"Asus. Mira, kilala kita ikaw ang babaeng mabilis tumibok ang puso."
"Nagmana lang ako sa iyo ba, ikaw rin naman di ba? Super in love ka sa kanya." Nguso pa ni Mira kay Kiro.
"Paano nakakainlove siya eh. Boom kaagad siya."
"Kung ganon na boom ka na, Hirana? Aba mamaya niyang bundat ka, ha!"
Hindi na sumagot pa si Hirana pero makikita sa mata na sumang-ayon sa sinabi ni Mira, dahil daig pa ng tala sa pakislap.
Sa pag-lipas ng mga araw nasa puso ni Hirana ang takot na baka bigla na lang sumulpot ang Hari para sabihin ang hatol ng konseho sa kanya. Hanggang sa naging buwan ang lumipas wala pa rin balita mula sa palasyo. Kaya medyo nakahinga ng maluwang si Hirana sa isip niya baka nalimutan na nang hari ang tunggol sa kanya.
Naging magkamabutihan naman sina El at Mira. Masaya si Hirana para sa kaibigan. Alam niyang hindi lulukuhin ng lalaki ito, di katulad ng mga kalalakihan na napupusuan ni Mira. Lahat tumitingin sa panglabas na anyo.
Isang araw habang nag-uusap sina Hirana at Kiro sa kubo. Sina El at Mira naman ay nasa dulo ng talon nangunguha nang bato.
"Kiro, kinakabahan ako!"
"Kinakabahan para saan, Hirana?"
"Hindi ko alam basta. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon."
"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, ang isipin mo magkasama tayo walang masamang mangyayari." Niyakap niya ito para makalmahin sa nadaramang kaba.
Napapikit si Hirana, gustuhin man niyang ipanatag ang nadarama pero ayaw mawala.
Sana wala ito. Sana hindi pa. Sana mamuhay na kami ng payapa walang iniisip na trahedya. Sa isip ni Hirana. Pero alam niyang darating ang kanyang kinatatakutan ang mahatulan ng kamatayan. Kilala si Prinsepe Hamil ang lahat ng nais dapat ay dapat isakatuparan ito. Mabuti man o masama dahil ayaw na mapahiya sa mga kilalang matataas na tao iba't ibang palasyo mula sa timog at hilaga.
Hindi paman nawawala ang kaba ni Hirana. Nagmamadaling lumapit sa kanila ang kanyang amang.
"Hi-hirana anak, Kamahalan. Nakita ko ang Hari at ang mga taga konseho sa daan." hiningal pa ito.
Napakalas sa pagkayap si Hirana kay Kiro. Saka tumingin dito na may takot sa mata.
Hinawakan ni Kiro ang pisngi ng binibini."Alisin mo ang takot mo Hirana, narito ako naniniwala ka ba sa akin?"
"Higit pa sa buhay ko Kiro. Ang tiwala ko sa iyo!"
"Kung ganon hintayin natin ang kanilang pagdating. At dinggin ang panig nila para sa hatol."
Niyakap muli ni Hirana ang ginoo. Tama nga ito dapat hindi siya kabahan dahil kaya nitong gawin ang imposible para sa kanya.
Pumikit si Kiro para tawaging si El. Kailangan niya ito ano man ang mangyari mamaya sabay-sabay silang susuong sa kanilang palasyo. Kahit hanggang pinto lang muna sila.
"MIRA, tayo na," anyaya na ni El ng marinig ang pagtawag ni Prinsepe Kiro sa kanya.
"Ha? Mamaya na iilang palang ang nakuha nating!" pagtutol nito.
Kailangan gamitin ni El ang kanyang salamangka upang may ipakitang bato sa babae."Heto, marami naman na akong nakuha, Mira."
Kunot ang noong tumingin si Mira kay El."We di nga? Ang bilis mo naman paano mo nagawa?"
"Mabilis talaga akong manguha ng bato, Mira."
"Bat kanina ang bagal bagal mo?"
"Siyempre para makasama ka nang matagal." totoo ang kanyang sinabi.
Awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Mira. Ang ganon salita ay nagpapaligaya sa kanya. Sa tingin niya mag level up pa ang kaninang pagtitinginan higit pa sa mutual-understanding.
Naglalakihan ang hakbang ni El habang pauwi na sila. Hindi naman niya puwedeng gamiting ang salamangka para agad agad na makauwi.
"KAMAHALAN, nariyan na ang Hari at mga taga konseho at si Prinsepe Hamil." ang matandang lalaki.
Magkahawak kamay silang lumabas nang kubo.
"Kamahalan, Prinsepe Hamil. Mga alagad ng palasyo. Magandang hapon sa inyong lahat," salubong ni Hirana saka yumukod.
Walang reaksiyon sa mukha ni Prinsepe Hamil. Sumama siya sa Hari, para alamin kung ano ang ipapataw ng konseho sa babae.
"Kamahalan, pumasok muna tayo sa loob," anyaya ng amang ni Hirana. Inilahad ang kamay para padaanin sila.
Naglakad naman ang Hari patungo sa kubo. Ang kinikilalang magulang ni Hirana, gumawa muna sila ng tsaa para sa mga manauhin.
"ANONG gagawin natin asawa ko? Kamatayan ang naghihintay sa atin ngayon!" natatakot na sabi ng babae.
"Lugring, alam ko hindi tayo pababayaan ni Prinsepe Kiro."
"Sana nga!"
"Magtiwala tayo sa kanya. Alam ko ganon din si Hirana, tara na Lugring."
Pagdating sa kubo isa-isang binigyan muna ng tsaa ang mag asawa ang lahat ng manauhin nila.
Humigop muna ng umuusok na tsaa ang hari bago nagsalita."Masarap ang tsaa gusto ko ang lasa. Anong klaseng tsaa ito?"
Nagkatinginan ang mag-asawa tsaa mula sa kaharian pa nila ito kaya masarap ang lasa para sa tao.
"Tsaang gubat po iyan, Kamahalan."
Hindi naman umimik si Kiro. Tama ang ginawa nila na magsinungaling.
"Ipapahanap ko ito sa gubat." sabi ng hari.
Tumango ang mag-asawa hindi sila nabahala gamit ang kanilang salamangka meron makikita sa gubat na ganon ang dahon.
"Mahal na Hari, ano napag-usapan ninyo para sa amin?" lakas loob na tanong ni Hirana.
"Ang napagkasunduan namin ay---"
Biglang nasapo ni Hirana ang bibig kaya napahinto sa pagsasalita ang hari."Hmmm!"
"Hirana, bakit?" nag-alalang tanong ni Kiro.
Napatayo bigla si Hirana tumakbo papalabas saka nagsusuka siya.
Nagkatingin naman ang lahat. At alam nila ang ibig sabihin ng ginawa ni Hirana.
"Buntis siya!" ang hari.
Ngumisi si Prinsepe Hamil. Sobra pa sa kamatayan ang hatol ni Hirana. Pagtataksil ito sa kanya kung buntis nga ito. Kahit wala pa silang ugnayan pagtataksil na ito dahil na sabi niyang kanyang palakasalan ito.