Chapter 13

"HIRANA, sino sila? My gosh ang guguwapo nila promise!" Kukurap-kurap pa ang mata ni Mira.

Ginamit agad ni Kiro ang kanyang mahika para makapag palit ng anyong tao sila. Nang hindi magulat ang babaeng bagong dating.

"Mi-mira, maupo ka." anyaya ni Hirana rito na kay Kiro siya nakatingin ngumiti naman ito sa kanya.

"Aba siyempre tatangi pa ba ako!" Mabilis siyang naupo sa pagitan nila Kiro at El. At ang kanyang tingin pakanan pakaliwa ito hindi alam kung kanino ba ito itutuon sa dalawang lalaki.

"Bakit narito ka, Mira?"

"Yayayain sana kita sa dulo ng talon, gaya nang dati nating ginagawa, naghahanap ng bato." tugon niya na hindi man lang tinignan si Hirana.

Napailing na napangiti na lamang si Hirana sa nakikita kay Mira, sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa dalawang lalaki na parehong guwapo pero siyempre iba pa rin ang itsura ni Kiro."Puwede bang huwag ngayon, Mira," tanggi niya.

Dito na tumingin si Mira sa kay Hirana."Kung sabagay nga naman hindi rin ako aalis pag ganito ang nakikita mo," ngiting-ngiti pa siya."Teka sino sila? Hindi mo pa ako sinasagot, Hirana."

Tumingin si Hirana kay Kiro. Tumango ang Ginoo sa kanya."Si-siya si Kiro, kasintahan ko, Mira."

"Ano? Kasintahan mo na! Wow ha ganon kabilis. Eh, ngayon ko lang siya nakita! Aba, Hirana. Saan mo siya natisod sana isinama mo naman ako?"

Ngumiti si Hirana kay Mira. Hindi niya kayang ipaliwanag ang lahat dito sa ngayon.

"Oy, Hirana. Ano na?"

"Teka, anong kukunin ninyo sa dulo ng talon, Binibini?" tanong ni Kiro kay Mira. Sa tingin niya hindi pa handang magsabi si Hirana rito ang tungkol sa kanila o sino siya.

"Mga batong iba't ibang kulay ibebenta namin, isang bato tatlong pilak ang halaga. Di ba bongga!"

Nagkatingin sina Kiro at El. At may pumasok sa isip nila.

"Samahan namin kayo manguha ng bato."

"Kiro." may patatanggi sa boses ni Hirana.

"Talaga?" ani naman ni Mira, na excited.

"Oo. Tara na tamang-tama maligo tayo sa talon, di ba ito ang lagi mong ginagawa, Hirana," may pilyong ngiti sa labi ni Kiro.

Kunot noong napatingin si Hirana kay Kiro."Alam mo?"

"Binabantayan kita."

"Binubusuhan mo ako!"

"Hindi tinitignan lang kita."

"Nakita mo na noon pa ang katawan ko?"

Takang-taka si Mira sa daloy ng usapan ng dalawa.

"Kasama mo akong naliligo."

Napangiti na lang si Hirana."Bastos!" bulong niya sa Ginoo.

"Wala naman akong ginagawa sa iyo sa talon, ikaw nga ang meron."

Pinanglakihan ng mata ni Hirana si Kiro.

Aliw na aliw naman si El, kay Mira, wala siyang sinasabi basta nakatingin lang siya sa babae.

"Pst, Hirana. Masekreto ka ha." bulong niya.

Ngumiti lang naman si Hirana kay Mira.

"Maiwan muna namin kayo, maghahanda lang kami ng makakain natin," ani ng mag asawa.

"Tama, sa pagbalik namin nakahanda na ang pagkain," sabi ni Kiro.

"Oo. Kamahalan," tugon nila.

Kumunot ang noo ni Mira, sa narinig niya."Kamahalan? Sa Prinsepe at Hari lamang ito na sambit niya?"

"Mira, tara na sa dulo ng talon. Di ba ito ang pinunta mo sa akin?" anyaya na ni Hirana, para makaiwas sa katanungan nito.

"Ay, bongga! Tara na excited ako dahil may kasama tayong guwapo!" Pati tono ng boses ni Mira mas excited pa.

Kaagad na nilang tinungo ang talon sa pinakadulo nito. Walang nagpupunta rito, may takot ang iba dahil may kung ano raw na nagpapakita. Sina Hirana at Mira, hindi man lang natatakot tuwing nagpupunta sila pero minsan lang sila nagagawi kung may mahaba silang oras.

Nang makarating sila sa dulo talon nangtanong si Kiro."Hindi ba kayo natatakot naparito, mga Binibini?"

"Alam mo Kiro, gusto ko iyan pagtawag mo sa amin ng Binibini, nakakadalaga. Eh, masarap damhin sa puso!" ibang sagot ni Mira.

Ngumiti lang si Kiro a kanila Binibini ang tawag nila sa mga kababaihan, ito ay para sa mga walang asawa lang. Kung meron na sa mismong pangalan na lang nila tinatawag.

"Bakit naman kami matatakot, Kiro? Meron ba dapat?" tanong ni Hirana.

"Hirana, di ba meron kuwento tungkol dito." tugon ni Mira.

"Kuwentong matatanda ito, Mira. Saka wala pa naman nangyari di ba?"

"Anong wala hindi mo ba nabalitaan, kung sabagay lagi ka sa kubo mo."

"Wala naman lagi pa nga ako rito sa talon tuwing uuwi na ako deretso ako rito upang maligo."

"Ay huwag mong alamin, Hirana para bongga!"

"Ako alam ko ang kuwento sa dulo ng talon na ito," sabat ni El.

"Talaga? Sabihin mo dali!" mabilis na sabi ni Mira.

"Mamaya na iyan lumusong muna tayo sa tubig. Maligo na tayo habang naghahanap nang bato," sabi ni Kiro.

"Mabuti pa nga para makarami tayo di bongga, para may ibenta tayo di ba, Hirana?"

Tatatango naman si Hirana.

"El, doon kayo dito naman kami!" bulong ni Kiro rito.

"Masusunod, Kamahalan," na sense ni El, na tila may gagawin ito.

"Mira, doon tayo para marami tayong mahanap."

"Ay. Gusto ko, para solo sila at tayo," ngiting-ngiti ito.

Alam ni El, na may gusto ang binibini sa kanya sa pananalita palang nito. Kahit naman siya tinamaan dito, kailangan niyang kumilos nang mabilis para makasunod sa kanyang Kamahalan.

Habang sumasalok sa ilalim ng tubig si Hirana, sumisid rin si Kiro, pinigil ang kamay ng binibini na kukuha ng mga bato para piliin kung may batong kakaiba.

"Hmmm," ani lamang ni Hirana.

Ngumiti ng pilyo si Kiro. Saka lumapit siya kay Hirana sinakop ang labi nito.

Hindi naman tumutol si Hirana, bagkus tinungon pa niya ang mapusok nitong halik.

Nang iwan ng Ginoo ang labi niya bumaba ito patungo sa kanyang giniginaw na dibdib."Kiro," wika niya hindi na siya magtaka kung bakit nakakapagsalita siya sa ilalim ng tubig. At nakikita niya ang mga iba't ibang uri ng mga bulaklak papataas.

Tumaas muli ang labi Ginoo sa labi niya sabik na tinugon ito. Kaso biglang gumapang malayo ang labi nito."Hmmm," parang ayaw niyang humiwalay ito.

Nagtungo ang labi ni Kiro sa tenga ng binibini bumulong."Maghanap na tayo bato, iyan muna sa ngayon mamayang gabi na ang kabuuan."

Kanina pa nakatanaw si El sa dalawa kaso wala na siyang nakikita pa at alam na niya ito.

Abala si Mira sa kakadukot ng bato sa ilalim ng tubig lulubog lilitaw siya para tignan ang nakuha. Sa huling paglutang sa tubig.

"Ay. Wala! Nakakalungkot naman!" Matamlay nitong wika.

Ngumiti si El."Meron na ako!" masiglang wika niya.

"Ay. Bongga! Patingin nga!" Masayang lumangoy patungo sa lalaki si Mira.

Taglay ang salamangka pinakita ni El, ang tatlong piraso ng bato na iba't ibang kulay.

"Wow! Ang galing! Akin na lang ito ha."

"Oo ba, pero may kapalit."

Tumangin si Mira sa lalaki."Ano?"

Nahihiyang ngumuso si El. Napahagikgik naman si Mira.

"Kiss lang pala, Eh. Walang problema basta akin na ito ha!"

"Iyong-iyo na iyan, Mira."

Sumenyas si Mira na halikan na siya nito sa pisngi. Napakamot naman sa ulo niya si El. Sa totoo lang torpe siya hindi marunong manligaw. Si Prinsepe Kiro, pa nga ang gumagawa ng paraan para may makasalamuha siya sa kanyang kama. Pero pagdating sa kama aba tiyak dito siya hindi mahiyain todo bigay para masaya ang kasama.

Dahan-dahan nilalapit ni El, ang labi sa labi ni Mira. Tamang lumitaw sina Hirana at Kiro.

At napatingin si Hirana sa kinaroroonan nila. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita."Mira!" Sigaw na tawag niya ito.

Gulat na napatingin sina El at Mira sa dalawa.

Sumimangot si Mira."Naman eh. Istorbo ka may kiss na sana ako!"

Sayang. Sa isip naman ni El.

"Hirana, naman. Andoon na kaya."

"Hmp!" Umingos pa siya.

"Ayaw mo ba na sina, El at Mira, ay magkatuluyan?"

"Manligaw muna siya, hindi kagaya mo nang hahalik na lang bigla, eh."

"Gusto mo naman di ba? Hindi ka tumatanggi."

"May magagawa pa ba ako kung ginamitan mo ako ng salamangka mo."

"Akin minamahal na Binibini, ang pag-ibig ko sa iyo ay walang salamangka. Ikaw pa nga yata ang gumamit nito sa akin. Dahil nahumaling ako sa taglay mong ganda."

Ngumiti nang kay tamis si Hirana. Ramdam niyang ang wagas na pagmamahal ng Prinsepe sa kanya.

"Hirana, may nakuha na kaming bato!" sigaw ni Mira.

"Sila lang ba tayo rin naman." Nilahad ni Kiro ang palad na may limang batong kumikinang-kinang.

"Madaya ka, eh. Gumamit ka nang salamangka mo!"

Tumawa naman si Kiro. Wala na siyang kawala sa binibini. Kinabig na lang ito niyakap nang kay higpit."Mahal na mahal kita, akin Hirana!"

"Ganon din ako Ginoong Kiro!" Yumakap din siya rito.

Pumikit si Hirana dalangin niya na sanay wala nang hahadlang pa sa kanilang pag-iibigan. Pero alam niyang may nagbabadyang panganib sa kanyang buhay dahil kay prinsepe Hamil.