Chapter 12
PANANGDALIAN lamang ang pagkagulat ng amang at inang ni Hirana, nang makita nila si Kiro.
Napakunot noo naman si Kiro dahil iba ang pakiramdam niya sa dalawang matanda tila ba may ugnayan sila sa kanya na kaisa niya ang dalawa. Pero binalewala niya ang nadaramang ito dahil magulang ito ni Hirana alangang naman na isa rin silang elf.
Nagulat na lang si Hirana sa biglaan pagluhod nang dalawang matanda. Lalo siyang nagulantang sa isinatinig nila.
"Kamahalan," sabay na wika ng dalawang matanda.
Lalong kumunot ang noo ni Kiro. Bakit kamahalan ang tawag nila sa kanya. Ang ibig bang sabihin nito ay kilala siya ng dalawang matanda? Tama ba ang kanyang sapantaha sa dalawang matanda na kasapi rin sila sa kanyang mundo.
"Amang, Inang, anong ibig sabihin nito? At kilala ba ninyo siya?" Nasa mukha pa rin ni Hirana, ang pagtataka sa kinilos ng dalawa.
"Patawad, Hirana, anak!" Panabay muli ng dalawa.
"Patawad? Para saan hindi ko kayo maintindihan?"
"Ako man ay nalilito, Hirana. Parang may tinatago sa iyo ang magulang mo. Bakit tinatawag nila akong kamahalan? Ang nakakakilala lamang sa akin ang tumatawag nito."
"Amang, Inang. Sagutin ninyo ang amin katanungan."
Tumayo ang dalawang matanda."Sige pakinggang niyo kami," naupo sila sa silya ganon din sina Hirana at Kiro.
"Ngayon, Amang, Inang, magsabi kayo nang totoo sa amin anong alam ninyo?"
Napatingin muna ang dalawang matanda kay Kiro.
Tumango naman si Kiro sa dalawa.
"KAMAHALAN," tawag ni El, na nasa labas ng kubo.
Tumayo muna si Kiro, sinalubong ang lalaki."El, mabuti naman at narito ka na?"
"Pinapunta na ako na ng mahal Reyna, dahil hindi mo naman ako tinatawag pa, Kamahalan."
"Halika, pumasok tayo sa loob."
"Kahit na ganito na ang anyo ko, Kamahalan?"
"Ikaw ba gusto mong magpalit anyo, El?"
"Oo naman, Kamahalan. Gusto rin maging magandang lalaki."
Tumango si Kiro, pumasok na sila sa loob.
"Sino siya, Kiro?" Tanong agad ni Hirana sa kasama ng Ginoo.
"Hirana, siya si El, ang akin matalik na kaibigan at isang makakapagkatiwalaan na kawal ng palasyo. El, siya si Binibining Hirana."
Hindi tumugon si El, ang mata sa dalawang matanda nakatuon.
Kunot noong nagtanong si Kiro sa kawal niya."El, kilala mo ba sila?"
Tumingin si El, kay Kiro, pero hindi nagsalita. Naguguluhan si Hirana, bakit ganito ang magulang. Ibig bang sabihin nito hindi siya tao, kagaya rin niya ang kanyang Ginoo?
"El, tinatanong kita."
"Ka-kamahalan! Oo. Kilala ko sila."
"Kilala mo ang Amang at Inang ko? Paano nangyari ito? Teka..." napatitig si Hirana sa dalawang matanda na nakayuko.
"El, sino sila kung kilala mo? Ipaliwanag mo para malinawagan si Binibining Hirana." Ang naglalaro sa isip ni Kiro, iisang lahi lang siya ng kanyang mahal na binibini. Pero paanong nangyari ito normal naman na tao ang babae. Dapat nong pumunta sila sa palasyo nagbago ang anyo nito pero hindi naman.
"Kamag-anak ko po sila, Kamahalan. Kapatid ni Ama, si Tiyo Ento."
"Ano?" Napalakas na wika ni Hirana."Amang, Inang, totoo ba ang sinabi niya? Kung totoo ano ako gaya rin ba ninyo?" Magkakasunod niyang tanong.
Walang imik pa rin ang dalawang matanda hinihintay nilang pagsalitain sila ni Kiro.
"Hmmm, kung ganon iisa lang lahi lamang tayo. Paano kayo napunta sa mundo ng mg tao, Ento? At paano ninyo naging anak si Binibining Hirana?"
"Si Hirana, kalahating tao, kalahating duwende. Umibig si Kenro, sa Inang tao ni Hirana. Na tinutulan ng parehong mundo nila. Pinakiusapan ako ni Kenro na alagaan ang anak nila ituring na anak namin. Para walang makakaalam dahil pati ito ay idadamay sa kamatayan hatol sa magulang niya."
Napaluha si Hirana sa rebelasyon ng itinuring na magulang. Pinunasan ni Kiro ang luhang umagos sa pisngi nito. Saka niyakap para maging panatag ito.
Bumaling si Kiro sa dalawang matanda."Sino si Kenro, sa palasyo?" tanong niya.
"Isang mataas na kawal nang Hari si Kenro, may mataas na pinag-aralan at mataas din ang antas ng pamumuhay. Pero ng makilala niya ang napagandang si Hira. Agad na minahal niya ang babae. Sinuway ang bawal para sa pag-iibigan nila."
"Kamahalan, parang ikaw rin si Kenro. Sinuway ang hindi dapat para sa pag-ibig," sabi ni El.
Napangiti si Kiro. Puno nang pagmamahal na tumingin kay Hirana. Ginagap ang palad ng babae hinalikan ito tanda ng lubos na pag-ibig niya rito.
"Kung ganon wala naman palang problema, ano man oras puwede na tayong bumalik sa palasyo."
"Hindi puwede, Kamahalan. Hindi pa tapos ang parusa mo."
Ngumiti si Kiro, malapit nang matapos ang parusa ko, El."
Tatatango naman ito nakuha na niya ang ibig sabihin ng Prinsepe.
"Amang, Inang, nasaan ang puntod ng totoo kung magulang?" tanong ni Hirana.
"Wa-wala, Hirana!"
"A-anong wala?" paus na wika niya.
"Hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kanila. Nagtago muna kami kasama ka nong sanggol ka palang para makatutuhanan na anak ka namin sa amin paglantad."
Napaiyak si Hirana, hindi man nagkulang sa pagmamahal ang itinuring niyang magulang. Pero ngayon nalaman niya totoo, iba rin pala ang mararamdaman mo may pananabik sa puso na makita ang tunay mong magulang pero wala na sila.
Niyakap ng mahigpit ni Kiro si Hirana. Hinayaan lang niya na umiyak ito.
Nang natahimik na si Hirana."Babalik tayo sa palasyo."
"Kamahalan, sarado pa ang pinto. Alam mong hindi ito magbubukas."
Napabuntong-hininga si Kiro. Alam niya ito kailangan nilang maghintay ng isang buwan. Baka sakaling magdadalang-tao na si Hirana.
"Isang buwan," aniya.
"Kamahalan, paano kung ilabas na agad ng konseho ang hatol kay, Hirana?"
"Huwag kang kayong mag-alala, hindi mahahatulan ang akin Binibini. Hindi ako papayag."
Nagkatingin silang lahat. Iisa ang nasa isip nila sana hindi pa agad lumabas ang hatol kay Hirana.
"Yahoo, Hirana. Are you there?" tawag ni Mira, na nasa trangkahan ng bahay dahil walang sumasagot sa kanya."Naku pumasok na yata ang babaeng iyon, pero bakit hindi ko nakitang dumaan sa tapat ng bahay, baka hindi siya pumunta ng bayan ngayon rest day ba. Hmmm." Dahan-dahan na pumasok ito sa bakuran. Yayayain niya si Hirana, na pumunta sa dulo ng ilog para pumulot ng mga batong ibat ibang kulay para ibenta nila. Malaki rin kasi ang kita pag meron silang mapupulot kahit ilang piraso lang.
Bukas ang pinto ng bahay kaya pumasok na si Mira."Hirana, yahoo. Ako ito si magandang Mira. Andito ka ba?" Malumanay niyang wika baka kasi magising ang magulang nito.
Walang tugon kahit na kaluskos man lang sana."Umalis na nga siya," lumabas siya napatingin sa kubo."Andoon pala siya." May natatanaw siyang tao. Maingat niyang tinungo ang kubo.
"HIRANA, okay ka na ba?" Malambing na tanong ni Kiro.
"Oo."
"Mabuti naman para marelax ang katawan mo."
"Kamahalan, mukhang maganda rito, ah."
"Gusto mo ba rito, El?"
"Kamahalan, siyempre bagong kapaligiran," may pagkapanabik niyang sabi.
"Hello, Hirana. Mira are here..." Napatingin siya sa mga kasama nito."Oh my gosh! Totoo ba itong nakikita ko?"
"Mi-mira?"
Nakatingin lang ito sa kanila, hindi makapagsalita natulala.
"Kiro, anong nangyari sa kanya?"
Ngumiti si Kiro."Hindi ko alam wala naman akong ginawa. Wala akong pinakawalan na magic. Ikaw El, meron ba?"
Wala rin imik ito nakatingin lang din kay Mira.
Siniko ni Kiro ito."Tinamaan ka, El?"
"Sapol, Kamahalan!" Hindi man lang tumingin ito kay Kiro.
Ngiting-ngiti si Kiro. Sa nakikita naman niya sa babae may simpleng ganda ito na hindi mo inaakala. At tiyak niyang tinamaan ng pag-ibig ang mahiyain puso ng kaibigan.
After five minutes na pagkatutula ni Mira."HIRANA! My gosh!" tili pa nito na para bang nakakita ng daan multo. At nakahandang habulin siya.