Chapter 1

MAGBUBUKANG-LIWAYWAY palang nakahanda si Hirana, nakaluto na siya ng pagkain iiwan sa amang at inang. Pati tubig sa bangang malaki puno na ito. Hintayin muna niyang magising ang dalawa bago siya umalis. Linggo ngayon maraming tao sa pamilihan, araw pa ng sahuran at tag-ani pa ng mga pananim ng mga magsasaka. At iba pang naani sa mga bukirin. At isa pang kinabubuhay ng mga tao sa kanila ay pagmimina ng ginto sa bundok o kaya sa mga ilog.

Inilagay sa ulo ang bandana niyang bulaklakin may hikaw na mamalaki para tugma sa magiging manghuhula niya. Sabi ng mga nahuhulaan niya totoo ang kanyang hula makikilala nila ang kanilang naging kabiyak. Minsan naging tagapayo rin siya ng may problema sa buhay at sa pag-ibig. Aba siya pa ang kikitahin niya malaking tulong na ito sa pangangailangan nila sa araw-araw.

Marunong naman talaga siyang magbasa ng kapalaran sa palad. Dahil tinuruan siya ng kanyang ina. Ang bolang kristal palamuti niya ito sa kanyang puwesto para totoong-totoo ang pagiging manghuhula niya."Anong oras na bakit hindi pa gising sina Inang at Amang?" kailangan na niyang pumunta sa bayan. Pupuntahan na sana ang magulang sa tulungan nila ng lumabas na ang ama.

"Anak, aalis kana ba?" tanong agad ng ama ng makita siya nito.

"Opo, Amang, para makarami ako ngayon araw. Tag-ani ngayon di ba?"

"Tama ka, Anak, ang gamot ko huwag mong kakalimutan, ha.” Paalala nito sa anak.

"Opo, iyan naman po ang una kung bibilhin, Amang." May sakit ang ama sa puso. Minsan na itong naateka mabuti na lang nakayanan pa ito. Pero nagtataka siya sa ama malakas pa rin ito. Minsan nga nakikita niya na parang hindi ito naatake.

"Salamat Anak, ang bait mo talaga nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil ikaw ang ibinigay niya sa amin."

"Amang, oblikasyon ko bilang anak ninyo na pagsilbihan kayo ni Inang, mahina na kayo ako ang malakas."

"Paano na lang kung mag-asawa kana, Anak? Wala nang tutulong sa amin ng Inang mo."

"Amang, asawa na agad ang sinabi mo, wala nga akong nobyo, eh."

"Aba bakit naman, Hirana? Isa ka sa pinakamagandang dalaga dito sa atin, ah."

"Si Amang, talaga oh. Pinuri pa ako," kay tamis ng kanyang ngiti.

"Totoo naman ang sinabi ko, Ah. Pag ang mga kakilala ko pagnalaman nilang Anak kita, aba panay ang papuri nila sa iyo na ganda-ganda ng Anak ko."

Totoo ang sinabi ng ama. Kahit nga sa bayan pag may dayo na nagpapahula sa kanya sinasabi nilang ang ganda-ganda niya. Minsan pa nga habang naglalakad siya may nagbibigay na lang ng bulaklak sa kanya. At sa tingin niya eh, napitas ito sa tabi-tabi ng bahay.

"Amang, aalis na ako. Ang almusal ninyo nasa lamesa na. Pakisabi narin kay Inang na umalis na ako."

"Sige Anak, mag ingat ka, ha."

"Amang kayo na ang bahala rito." Kinuha na niya ang bag naroroon ang gamit sa panghuhula. Baraha, bolang kristal, at kung ano-ano pang abubot niya.

Lumabas na siya sa bahay nila. Sumakay sa lumang bisikleta. Gamit pa ito ng ama ng hindi pa naatake sa puso kahit nga gusto pa nitong gamitin hindi niya pinayagang baka bigla na lamang siya atakihin muli habang sakay nito mahirap na baka mabangok pa ang ulo pag natumba.

Habang tinatanaw ang anak na papalayo.”Patawad, Hirana,” usal nito. Kung sila lamang ng asawa ang masusunod hindi ganito ang buhay na nakangisnan ng anak. Pero nangako sila sa isang tao na maging simple lamang ang buhay nila. At kailangan niyang magkuwari sa lahat nang bagay para makatotohanan ang lahat.

SA isang mayaman kaharian dito nakatira si prinsipe Kiro. Isang Elf, sila iyong may mga mahahabang tenga na patulis sa dulo. At may malakas na kapangyarihan. Kahit saan siya magpunta nagagamit ito. Kahit sa mundo ng mga tao. Pero walang naglakas loob na lumabas sa kanilang mundo. Dahil kamatayan ang hatol kung sino man ang mangahas na sumubok na lumabas. Ang sabi ng ama ni Kiro ang mga Elf ay para lamang sa Elf, lahi sa lahi. Hindi puwedeng umibig sa ibang lahi lalo na sa mga tao.

"Kamahalan, saan ka pupunta?" naglalakihan ang habang ni El para maabutan si prinsipe Kiro. Hinihingal pa ito ng tumabi sa prinsipe.

"Gusto kung mamasyal El, naiinip ako. Teka bakit narito ka?"

"Nakita kasi kitang naglalakad Kamahalan, kaya sinundan kita. Saan ka naman mamasyal ngayon, Kamahalan?"

"Naisip ko sa mga mundo ng tao."

"Ano? Kamahalan, alam mong hindi ka puwedeng pumunta roon, mapapahamak ka lamang, saka bawal sa atin na lumabas dito."

"Alam ko, El. Pero hindi ko naman ipapakita ang akin tunay na anyo."

"Ha? Anong gagawin mo, Kamahalan?"

Sa isang kumpas ng kamay ni Kiro nag anyong totoong tao na siya.

"Ano sa tingin mo sa akin anyo, El?"

"Kamahalan, para kang iginuhit ng isang taong mang-uukit perpekto. Pero may isang hindi mo maitago, Kamahalan."

"Isang? Ano ito?"

Itinuro ni El ang tenga niyang matulis na parang karayom. Napahawak naman si Kiro rito.

"Ito ba? Walang problema, El."

Unti-unti na itong lumiliit kapareho sa tenga ng tao."Ano, El. Tama lang ba ang laki nito?"

"Taong-tao kana, Kamalahan."

"Sige na paghinanap ako ni Amang Hari, sabihin mo nagpapahinga lamang ako."

"Kamahalan naman, alam mong hindi ako puwedeng magsinungaling sa atin, Hari. Saka alam mo ang hatol sa iyo pagnahuli ka. Ipaalala ko lang sa iyo kamahalan ang hatol ha, dahil anak ka ng hari eh, hindi ka hahatulan ng kamatayan. Tatangalan ka lang naman ng kapayarihan at ang pagiging prinsipe mo. Maging isang normal ka na lamang na elf. Ang mas matindi pa maging mahirap ka kailangan mong magtrabaho para may makain. Di ba hindi ka sanay sa ganon buhay?" kay haba-haba na paliwanag nito.

Napailing na lang si Kiro ilang beses na nitong pinapaalala ang mahabang linya nito.

"Hindi nila malalaman kung hindi mo sasabihin, El."

"Pero, Kamahalan. Hindi lang ikaw ang mananagot ako rin."

"Kaya nga, El. Kaya tumahimik ka, dahil ikaw ang unang mahahatulan dahil alalay kita."

Hindi nakaimik si El totoo ang sinabi ni Kiro. Saka alam niyang hindi ito pababayaan ng inang reyna. Dahil anak ito ng pinakamataas na hari sa kanila.

"Pero, Kamahalan?" may protesta sa tinig niya.

Ngumiti si Kiro dito. Wala naman makakapigil sa kanya sa nais niyang gawin. Saka susubukan lang naman niya ito."El, ngayon lang ito. Titignan ko kung ano ang meron sa mundo ng mga tao."

"Minsan lang ha, hindi na mauulit, Kamahalan?"

"Oo, kung ganon bahala ka sa isasagot mo sa Amang hari, kung magtanong saiyo, El." Sa isang kumpas ng kamay naglaho na siya.

Napakamot na lang sa ulo niya si El, tiyak siya naman ang masesermonan ng Hari at Reyna. Sadya kasing may katigasan ng ulo si Kiro, kung ano ang nais siyang ginagawa. Kahit na alam na masama. Ang tangin hiling niya sana eh, ang hari at reyna ang makakalam sa pagpunta ni Kiro sa mundo ng mga tao. Dahil pagtatakpan nila ang kanilang nag-iisang anak.

"HIRANA, may ipapayo ka ba sa akin?" ang kapapasok na si Mira, nagtitinda ito sa labas ng kung ano-anong anting-anting kuno.

"Ano naman bang payo ang gusto mo Mira. O mas tamang sabihin gusto mo ng gayuma!" nakangiting sabi.

"Kahit naman sabihin kung Oo, hindi mo naman ako bibigyan di ba?"

"Dahil wala ako nito. Pero mabilis lang naman mang gayuma sa lalaki kung nanaisin mo hindi mo na kailangan gumamit pa ng gayuma, Mira."

"Talaga?" Kumikinang ang mata nito. Nasiyahan sa narinig.

"Oo."

"Paano, sabihin mo na sa akin, Hirana?" Sobrang kagalakan sa tinig nito.

"Teka. Sino ba kasi ang lalaking ito, Mira?"

"Si Tinor, Hirana."

Napatitig si Hirana, kay Mira. Aba crush kaya niya si Tinor. Guwapo, makisig ang pangangtawan laging nakahubad baro ito para bang pinagyayabang ang katawan may aning na monay. Pero isang hamak na kargador ito ng kung ano-ano.

"Hoy! Hirana, huwag mong sabihin may gusto ka rin kay Tinor, kung sabagay ang kisig kasi ng lokong lalaki na iyon, eh. Lahat nahuhumaling sa kanya. At may narinig pa akong sabi-sabi tungol sa kanya, aba magaling daw siyang kumabayo lalo sa gabi."

"Oy, grabe ka naman, Mira. Pero teka kanino mo naman nalaman na magaling si Tinor, kumabayo sa gabi, ha?"

"Sabi-sabi lang naman, Hirana. Ano may gusto ka rin sa kanya?"

"Crush lang naman. Pero ayaw kung maging nobyo. Kung salat kami sa yaman. Mas lalo na sila, Mira."

"Kung ganoon ipaubaya mo na sa akin si Tinor ha, kasi kung maging karibal kita, walang-wala ako sa ganda mo, Hirana."

"Sa'yong-sa'yo siya, Mira."

"Sige, sige turuan mo na ako." masiglang nitong sabi.

Tamang wala pa naman siyang costumer. Pinagtiyagaan muna niya si Mira, kuripot kasi ito.

"Ganito, Mira. Tignan mo ako. Titigang mo siya na may halong sekwal. Tapos ngumiti ka at kunting kagat sa labi mo." Todo demostrasya si Hirana.

"Oh, sige ako naman. Ganito ba?" Sumasayaw ang mata nito kinagat ang labi lumabas ang mala rabbit nitong ngipin.

Gustong tumawa ni Hirana sa nakikita. Pero ayaw niyang madismaya ito."Tama ganyan nga, Mira." sabi na lang niya kahit kasi anong gawin nito walang pagbabago sa itsura Mira pa rin.

"Ay salamat, Hirana. Mamaya gagawin ko pagdaan ni Tinor."

"Galingan mo, ha. Mira, para mapasaiyo si Tinor, ng walang kahirap-hirap."

"Oo, Hirana. Akin ka ngayon, Tinor." Dumukot ito ng salapi isang papel dati kasi barya ang binibigay nito sa kanya. Aba galante ito ngayon dati wala pang kalahati kung magbayad.

Isang oras ng wala si Mira. Tengga pa rin si Hirana walang pumasok."Hay, mahina yata ngayon. Marami naman tao?" napabuntong-hininga pa siya.

Nilaro-laro niya ang kanyang baraha pangtangal inip. Minsan habang binabalasa ito nag wish siya na sana maging magaan na ang kanilang buhay. Pero tumanda na siya wala pa rin pagbabago ang kanilang pamumuhay, sobrang salat kung wala siyang kita hindi makakainom ng gamot ang ama. Nagtitiyaga muna ito sa dahon-dahon na kinukuha pa niya sa gubat malapit sa talon.

Napatingin sa pinto si Hirana, kunot ang kanyang noo kasi hindi niya narinig na may pumasok sa pinto. Kung meron tutunog ang mga nakasabit na palamuti rito. Kahit saan pa dumaan taong pumasok costumer ito.

"Magpapahula ka ba, Ginoo?" Sabay tayo niya.

Napatingin ang lalaki sa kanya nakamansid kasi ito sa mga nakadisplay sa dingding na mga larawan ng kung sino-sinong lumang tao.

Walang salitang namutawi kay Kiro, nakatitig lang siya sa maamong mukha ng babaeng nasa kanyang harapan.

Wala rin mahagilap na salita si Hirana. Tamang sabihin natulala siya sa kaharap. Si Tinor guwapo sa kanyang paningin. Pero ang lalaking ito perpekto para sa kanya. At sa tingin rin niya mayaman sa pananamit palang mamahalin na may dugong Maharlika lamang ang puwedeng makapag suot nito.

"Ano ang pangalan mo Binibini?" tanong nang lalaki sa baritong tinig.

Doon natauhan si Hirana."Hindi na mahalaga kung ano ang pangalan ko, Ginoo. Ang tanong ko magpapahula ka ba?" magalang niyang tanong dito.

Kahit walang ipapahula si Kiro. Sa totoo lang hindi siya naniniwala sa hula-hula meron din sa kaharian nila ang ganito.

"Kaya mo ba akong hulaan, Binibini?"

Salubong ang kilay ni Hirana. Aba siyempre kaya niya manghuhula kaya siya.

Napansin ni Kiro ang aura ng mukha ng dalaga. Napangiti siya ng lihim kahit na ganon ito maganda pa rin.

"Tatanungin kitang muli, Ginoo. Magpapahula ka ba o hindi? Kung hindi umalis ka na, baka naligaw ka ng napasukan mo."

"No, I came to the right place." nagtaka naman si Kiro bakit ganon na salita ang lumabas sa kanyang bibig.

Aba galing nga ito sa maharlikang lahi dahil sa pananalita nito."Maupo ka, Ginoo."

Tumalima si Kiro.

"Anong gusto mong gagamitin ko, Ginoo. Ang baraha o ang bolang kristal?"

Nakamansid si Kiro sa dalaga. Na amuse siya sa pananalita nito at kilos."Kahit na ano kung alin ang gamay mo sa dalawa, Binibini."

"Patingin ng palad mo, Ginoo."

Nilahad ni Kiro ito. Paghawak ni Hirana sa palad ng lalaki. Gusto niyang bitawan ito paano kasi nakakapaso ang init nito tuloy bigla siyang kinabahan. May sakit yata ito ah. At mataas ang lagnat.

Napapikit si Kiro ng dumampi ang palad ng dalaga sa palad niya. Biglang nagbago ang pagkilos ng kanyang dugo naging mabilis kasama ng kanyang puso. Isa lang ang ibig sabihin nito. Meron sekwal o higit pa ang nararamdaman niya sa oras na iyon.

"May sakit ka ba, ginoo. Ang init mo kasi?" Hindi niya binitawan ang palad nito.

"Wala, Binibini. Sadyang mainit lang ang panahon dito sa inyo."

Hindi na nagtaka si Hirana sa sinabi ng lalaki na mainit dito sa inyo. Baka nga nanirahan ito sa ibang bansa.

Hinimay ni Hirana ang guhit ng palad ng lalaki. Napapikit siya upang isaulo ang guhit ng palad nito at maisip ang tamang sasabihin dito o makita sa imahinasyon ang nararapat na sabihin dito, kaso iba nakikita sa ginoo nakikipagtalik ito at ang babae ay nasa ibabaw nito.

"Ahhh, ang bastos naman niya." Kitang-kita niya ang ginawa ng dalawang nilalang sa isip. Kinabig nang lalaki ang babae hinalik-halikan ang leeg tapos ang balikat nito. At tumingin ito sa kanya na nakangiti.

Naiilang si Hirana sa nakikita ng isip, gusto na sana niyang tapusin kaya lang ano ang sasabihin niya rito ang nasasaksihan ba. Baka magbago pa ito.

Nang humarap ang babaeng kasiping ng lalaking nasa harapan napamulat bigla si Hirana. Saka mabilis na binitawan ang palad ng Ginoo.

Paanong hindi niya bibitawan ang palad nito dahil ang babaeng kasiping nito ay siya mismo.