CHAPTER 4- Phone call

ISSABELLE'S POV

_________

"Ms. Sab? Ms. Sab, gising."

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo nang maramdaman ang kamay na tumatapik sa aking balikat. Tiningnan ko kung sino ang gumigising sa akin at tumambad sa harap ko si Manong Cris.

Hindi kaagad ako nagsalita sa halip ay tinuon ko ang tingin ko sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. It's already 3 in the morning ngunit hindi parin mahagilap ng mga mata ko si Kaist.

"Hindi parin ba umuuwi si Kaist?" Malungkot kong tanong kay Manong Cris. Hindi niya ako diretsang sinagot ngunit umiling-iling siya.

"Mas mabuti pa po kung pumasok na muna kayo sa kuwarto niyo at magpahinga. Mamaya niyo na lang po ibigay itong cake na ginawa ninyo para kay Sir Kaist."

Naparoon ang tingin ko sa strawberry cake na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at pinag-bake ko siya ng cake kahit hindi niya naman kaarawan.

I just want to make an effort for him. Katunayan, ito ang unang beses na nag-bake ako ng cake kaya medyo nahirapan ako.

Gusto ko sanang ibigay ito kaagad sa kanya pagdating na pagdating niya ngunit para yatang hindi ko na iyon magagawa.

"Sige, Manong. Ilagay mo na muna iyan sa ref." Matamlay akong tumayo at naglakad papunta sa aking silid.

Habang nakaupo sa kama, hawak-hawak ko sa aking kamay ang aking cellphone kung saan naka-display ang numero Kaist. Nag-aalala ako sa kanya. Gusto ko siyang tawagan ngunit nag-aalangan ako.

Ilang minuto rin akong nakatitig sa cellphone ko hanggang sa napagpasyahan kong matulog na lang. Hihintayin ko na lang siyang dumating.

________

Tanghali na nang magising ako. Agad akong naligo at nagsuot ng kulay puting t-shirt at maikling short pagkatapos ay bumaba na. Nadatnan ko sa sala si Manong Cris na kapapasok lang din galing sa labas ng bahay. Mukhang bagong ligo pa ito.

"Manong, hindi parin pa dumadating si Kaist?" Bungad na tanong ko sa kanya.

"Magandang tanghali, Ms. Sab." Ngumiti siya at kinindatan pa ako. "Dumating na po. Nasa kanyang silid."

"Talaga? Salamat po, Manong." Masigla kong sabi saka nagmadaling pumunta sa kusina para kunin ang ginawa kong cake.

"Fighting! Ms. Sab." Rinig kong sigaw ni Manong Cris. Liningon ko ito at nginitian sabay kindat.

Masaya ako dahil kahit papaano ay naging malapit kami ni Manong Cris. Ibig sabihin, si Kaist na lang ang kailangan kong suyuin.

Bago ko dinala ang cake sa kuwarto ni Kaist ay tiningnan ko muna iyong maiigi at baka ay nasira ang dekorasyon ngunit parang hindi naman kaya tumuloy na ako sa plano.

Kumatok ako sa pinto ni Kaist ngunit tulad noong unang beses na pumunta ako rito ay wala rin akong narinig na sagot mula sa loob.

Laban lang, Issabelle. Makakaahon ka rin.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago naglakas loob na buksan ang pinto. Sumilip ako sa loob ngunit nagtaka ako nang wala akong makitang tao.

"Nasaan siya?"

Malinis at malawak ang kanyang kuwarto. Hindi nakusot ang kumot sa kanyang kama, marahil ay tuluyan nang sumikat ang araw nang umuwi siya. Linagay ko muna ang hawak kong cake sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay luminga-linga sa paligid.

Sobrang ganda talaga ng silid na ito. Parang silid ng isang Principe.

Naparoon ang tingin ko sa mesa kung saan ko ipinatong ang cake. Sa tabi no'n ay mag nakatayong picture frame, isang batang lalaki ang nasa picture na sa tingin ko ay si Kaist. Linapitan ko iyon at kinuha para makita nang malapitan.

He really is cute... before.

Nakapukos ang atensyon ko sa litrato nang biglang may nag-play na music na nanggaling sa kung saan. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid upang hanapin kung saan iyon nanggaling at napadako ang tingin ko sa itaas na bahagi ng kama. Sa gilid ng unan ay nakalagay ang isang cellphone at iyon ang tumutunog. May tumatawag.

Nagtataka ko iyong linapitan habang hawak-hawak parin ang litrato ni Kaist. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan na naka-display sa screen. "Babe" I tried to stop myself but I ended up answering the call.

Hindi ako nagsalita. Hinintay kong ang sa kabilang linya ang mauunang magsalita. I just listened.

"Hey! Babe? Sana ginising mo muna ako bago ka umalis."

Boses ng babae.

Who is she?

Hindi ko sinasadyang mabitawan ang hawak kong litrato. Nahulog iyon at nabasag. I know what I did. Alam kong magagalit si Kaist pero mas nangingibabaw 'yung kirot sa puso na nararamdaman ko.

"Babe? Hello?"

"What do you think you're doing?!"

Napapitlag ako dahil sa biglang pagsulpot ni Kaist sa aking harapan. Napaatras ako sa takot nang makita ang nanlilisik niyang mga mata, nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa galit at halos lamunin niya ako ng buo.

Kusa kong naibaba ang cellphone na hawak ko dahil sa sobrang takot. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. Nanlalamig rin ang aking mga kamay.

"Anong karapatan mong pumasok sa kuwarto ko! At..." napatingin siya sa hawak ko. "WTF!" Natataranta niyang hinablot ang kanyang cellphone mula sa kamay ko.

"S-sorry! P-pasensya n-na." Yumuko ako sa harap niya.

"Hello-" Sinubukan niyang sagotin ang tawag ngunit naputol na ito.

"You, bitch!"

Sinunggaban niya ako at hinawakan ng mahigpit sa kwelyo pagkatapos ay itinulak ng malakas sa pader. Napaungol na lamang ako matapos tumama ang likod ko sa pader.

Sinubukan kong kumawala ngunit para siyang demonyo sa sobrang lakas.

Galit na galit niya akong tinitigan. "Binalaan na kita hindi ba?!" mariin niyang sabi. "Gusto mo ba talagang mamatay, ha?!"

Napapikit ako ng mariin nang tumama ang kanyang kamao sa pader, malapit sa aking mukha. Halos mawalan ako ng malay. Nanghihina ang aking mga tuhod. Kung hindi dahil sa malakas na pagkakahawak niya sa aking kwelyo ay siguradong napaupo na ako sa sahig. Nag-umpisa na ring magtubig ang aking mga mata.

Ang kirot sa puso na nararamdaman ko at ang sakit sa aking likod ay tila ba nagsama.

Habang dinadamdam ang sakit na iyon. Nagsimulang magsilabasan ang mga tanong sa isip ko.

Bakit ko ito ginagawa sa sarili ko?

Sa dami nang ginagawa kong kabutihan, ito ba ang makukuha ko bilang kapalit?

"Get out!!" sigaw niya sa aking mukha. Itinulak niya ako papunta sa gilid kaya napasalampak ako sa sahig.

"I-I'm s-sorry." Bahagya akong tumingala at kumisap-kisap ng ilang beses para pigilan ang paglabas ng luha mula sa aking mga mata. I tried, ilang beses kong sinubukan pero tila ba may sarili iyong mga utak. Isang butil ng luha ang kumawala mula sa aking mata kaya napayuko ako, ramdam ko ang init sa aking pisngi kung saan iyon dumaloy hanggang sa tuluyan ko nang hindi napigilan at bumuhos na.

Habang pinipigilan ko ang sariling kong humikbi, napatitig ako sa kanyang suot na sapatos. Ang kinis no'n, wala man lang kahit anong bahid ng dumi.

Mapait akong napangiti, kahit sa sapatos ay wala akong laban.

"I said, get out!" mas lalong lumakas ang kanyang pagsigaw.

Walang halong pagrerebelde kong pinunasan ang aking pisngi. Inayos ko ang damit kong nakusot dahil sa paghawak ni Kaist. Pagkaraan ay dahan-dahan tumayo at saka naglakad palabas ng silid.

"Stop!"

Napahinto ako sa aking paghakbang. Habang nananatiling nakayuko, dahan-dahan akong humarap sa kanya at sa aking pagharap ay napapikit na lamang ako nang biglang ihampas ni Kaist ang strawberry cake sa dibdib ko. The cake that I made... for him.

Dumikit iyon sa aking damit, ang iba ay napunta sa aking leeg habang ang kalahati ay nagkalat sa sahig.

"Umalis ka na! Kung puwedeng mamatay ka na para hindi na kita makita ulit, gawin mo! Leave!"

Gusto ko lang naman mahalin, Kaist. Gusto ko lang naman magkaroon ng pamilya dahil hindi ko iyon naranasan. Bakit hindi mo iyon maintindihan?