CHAPTER 8.5 (SPG)
NAGULAT na lamang si Carmie sa biglaang pagkabig ni Michael sa batok niya. Hindi niya inaasahang si Michael ang mangunguna sa halik na iyon lalo na at nasanay na siyang siya lagi ang unang gumagawa ng hakbang para halikan ang binata. He is kissing her senseless na para bang nakadepende na ang buhay nito sa kanya. Sinubukan pa niyang kumawala sa binata, iyon nga lang, kahit na ano pang pagpumiglas ang gawin niya ay hindi rin naman siya pinakakawalan nito. Mas lumalim pa nga ang halik na namamagitan sa kanila dahil lang sa pagiging malikot niya. Nawala lang ang labi ni Michael sa labi niya nang naramdaman na nitong kinakapos na sila pareho ng hangin.
“Too much teasing will lead us to this,” hinihingal na sambit ni Michael sa dalaga nang nagbitaw na ang mga labi nila. “And I think, this is the right time para ako naman ang mag-apply sa iyo ng mga kababalaghang ginagawa mo sa akin. Bakit kaya hindi ko itest sa iyo ang isa sa mga librong isinulat mo?”
Bago pa man makapagproseso ang utak ni Carmie nang sandaling iyon ay kinabig na siyang muli ni Michael para halikan. Hindi pa nga sapat ang pagkabig na ginawa nito sa kanya dahil hinila pa siya nito paupo sa kandungan nito. Lasing na rin ang diwa niya kaya wala na siyang pakialam pa kung may mawala man sa kanya na isang importanteng bahagi ng kanyang pagkababae. Iyon nga lang, hindi naman niya gugustuhing kunin lang iyon basta-basta ni Michael sa labas ng rest house. Aba, kahit na sabihin pang tago ang lugar nila ay hindi rin naman niya gugustuhing may makakita sa kanilang dalawa. Hindi pa rin niya sigurado kung wala bang maninilip sa kanila kung sakali mang kunin na ni Michael ang lahat sa kanya.
Nangunot na lamang ang noo ni Michael nang biglang kumawala ang labi ni Carmie sa kanya. Inakala pa niyang hindi nagustuhan ng dalaga ang ginagawa niya dahil first time lang din naman niyang manguna sa paghalik.
“Pwede bang pumasok tayo sa loob?” nahihiyang tanong ni Carmie sa kanya. “Baka kasi -”
Hindi na hinayaan pa ni Michael na makapagsalita si Carmie nang sandaling iyon. Mabilis niyang binuhat ang dalagang nasa kandungan niya. Inilapat din niya kaagad ang labi niya sa leeg ng dalaga bago pa man siya lumakad papasok sa loob ng rest house. Ni hindi na nga sila nakaabot sa kahit saang kwarto dahil isinandal na niya kaagad sa pader si Carmie. Hindi niya inakalang darating siya sa ganoong pagkakataon na magagawa niyang kunin mula sa nasabing dalaga ang kontrol sa relasyon nila. Sinipsip niya kaagad ang balat ni Carmie nang napaungol niya ito. He wants to hear mo, gusto niyang marinig nang malinaw sa tenga niya ang ungol nito kaya ginalingan na niya ang ginagawa niya sa paghalik at pagkagat sa leeg ng dalaga.
At dahil sa nakasandal naman sa pader si Carmie ay mas naging malaya ang isang kamay ni Michael nang sandaling iyon. Inilakbay na niya kaagad iyon papasok sa loob ng t-shirt na suot ng dalaga. Nakaramdam kaagad siya ng kuryente nang nahaplos na niya nang direkta ang balat nito. Marahan niyang hinaplos-haplos ang balat ni Carmie na para bang nananadya siyang tuksuhin ang dalaga nang sandaling iyon.
“Do you want to feel more?” tanong ni Michael na nasagot na lamang ni Carmie ng isang tango.
Isang mahinang tawa na lamang ang ipinarinig ni Michael sa tenga ng dalaga bago pa man siya nagpasyang aglakbayin paitaas ang kamay niya. Hindi man niya aminin ay alam niya sa sarili niyang excited siya nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayong nasapo na niya ang kanang dibdib ni Carmie. Ni hindi nga rin niya alam kung paano niya kakalagin ang bra na suot nito.
Napangiti na lamang si Carmie nang napansin niyang wala pang experience si Michael sa pagtatanggal ng mga damit niya. She is also getting impatient with him kaya kahit na hawak pa siya ng binata sa dibdib niya ay pilit pa rin siyang kumawala sa binata. Isang mapanuksong ngiti na lamang ang ibinigay niya kay Michael bago pa man siya nagpahabol sa binata papasok sa loob ng kuwarto. Inaasahan na niyang magiging flustered ang binata sa ginagawa niya nang sandaling iyon dahil mabilis itong mahiya sa mga pinagsasabi niya. Inakala niyang matatapos na agad ang gabi nila ngunit nagulat na lamang siya nang naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Michael mula sa likuran. Ni hindi na nga niya napigilan pa ang paggapang ng kamay nito hanggang sa pagitan ng kanyang mga hita.
“This is the exact scene sa CHAPTER one, hindi mo ba natatandaan?” tanong ni Michael sa dalaga.
“Ano ang ibig mong -”
“If I am not mistaken, inilagay mo pa sa libro na unfair sa akin na ako lang ang kumikilos sa ating dalawa kaya haharap ka sa akin para mahawakan mo ang pagkalalaki ko,” sambit ni Michael na siyang nagpapula sa pisngi ni Carmie.
Wala nang nagawa si Carmie nang sandaling iyon kundi gayahin ang eksenang isinulat niya sa kanyang latest na manuscript. Hinarap nga niya si Michael para lang tanggalin ang pagkakabutones ng suot nitong pantalon. Dinakma kaagad niya ang pagkalalaki nito. Nagulat pa siya nang kumislot iyon sa palad niya.
“Relax, hindi ka naman tutuklawin niyan,” sambit ni Michael sa dalaga. “Kasing-bait ko kaya iyan.”
Sinubukan pang matawa ni Carmie nang sandaling iyon ngunit hindi na niya iyon nagawa pa dahil itinulak na siya ni Michael sa kama. Sinubukan pa niyang bumangon pero dinaganan naman siya nito. Automatic na lumipad sa pagitan ng hita niya ang magic hand nito.
“Cute ka pala kapag namumula ka na sa ginagawa ko sa iyo,” nakangiting sambit ni Michael sa dalaga nang sandaling iyon.
Imbes na salita ang lumabas sa bibig ni Carmie ay isang mahabang ungol ang pinakawalan niya. Pinaglaruan ba naman ni Michael ang clitoris niya. Sinubukan pa niyang tanggalin ang kamay nito ngunit hindi naman siya sinunod ni Michael. Isiningit pa nga iyon ng binata sa loob niya na para bang may nais itong kalikutin sa pinakaloob niya.
“Daya, hindi pwedeng ako lang ang kumikilos, dapat, ikaw rin,” sambit ni Michael sa dalaga.
Kahit na napapaungol na lamang si Carmie sa ginagawa ng binata ay hinagilap pa rin niya ang pagkalalaki ni Michael para lang himasin iyon. Napangiti na lamang siya nang nakarinig siya ng isang mahinang groan mula sa bibig nito. Sinubukan pa niyang itigil ang ginagawa niya ngunit hindi naman siya pinayagan ni Michael. Halatang wala na itong balak na pakawalan pa siya nang oras na iyon. Nakagat na lamang niya ang ibabang bahagi ng labi niya nang sumagi sa paningin niya ang labi ng binata. Nagulat pa siya nang muli na naman siyang hinalikan ni Michael nang sandaling iyon. She answers that kiss with the same intensity ng ibinibigay ni Michael sa kanya.
“Do you want me to go all the way o sa ganito na lamang muna natin tatapusin ang laban?” tanong ni Michael sa dalaga. “Pwede naman nating i-edit ang part na ito kung gusto mo.”
Hindi na alam ni Carmie kung ano ang sasabihin niya nang sandaling iyon. Gusto man niyang tapusin na ang laban sa pagitan nilang dalawa ay sigurado naman siyang mabibitin lang siya kapag ginawa niya iyon. Niyakap na lamang niya si Michael nang sandaling iyon upang ibigay sa binata ang signal na okay lang sa kanya kung all the way na ang gagawin nila. Kulang na lang ay ipulupot na niya ang dalawang paa niya sa baywang ni Michael. Namula na lamang siya nang narinig niya ang mahinang tawa ni Michael.
“Relax, sisiguraduhin kong hindi magiging masakit ang first night natin,” sambit ni Michael. “Siguraduhin mo lang na hindi labag sa loob mo ang ginagawa natin dahil kapag itinuloy na natin ito ay hindi mo na mababawi pa ang virginity mo.”
“Kunin mo na, iyo naman na iyan,” sambit ni Carmie sa binata.
Hindi na nagdalawang-isip pa si Michael nang sandaling iyon at tinanggal na niya ang damit na bumabalot sa katawan ng dalaga. His eyes are feasting sa katawan nito na para bang isa itong masarap na pagkaing inihain para lang sa kanya.
“Huwag ka nang tumingin, naiilang ako,” sambit ni Carmie bago pa man niya sinubukang takpan ang hubad niyang katawan.
“Nope, you are not going to cover anything,” sambit naman ni Michael na hinuli naman ang mga kamay ni Carmie nang sandaling iyon. “Kung busog ang mata mo sa porn ay busog naman ang mga mata ko sa iyo ngayon.”
Bago pa man makapagsalita si Carmie ay naramdaman na niya ang paunti-unting pagpasok ni Michael sa kanya. Napaigik na lamang siya dahil malaki rin naman ang pumapasok sa kanya. Ramdam niyang binibiyak siya sa gitna nang sandaling iyon. Muntik pa siyang mapaiyak sa sakit.
“Hindi ko pa naisasagad, gusto mo bang tanggalin ko na?” tanong ni Michael sa dalaga.
There is no way in hell na hahayaan lamang niya si Michael na tanggalin ang pagkalalaki nito sa kalaliman niya. Kahit na sabihin pang nanghihina siya dahil sa pagpasok ng binata sa kanya ay may natitira pa rin naman siyang lakas. Ginamit niya ang lakas na iyon upang umibabaw sa binata. Napaungol na lamang siya nang bumaon na nang husto sa kanya ang pagkalalaki nito. Hinalikan naman siya ni Michael para hindi niya maramdaman ang hapdi nang sandaling iyon.
NAPAUNGOL na lamang si Carmie nang dahan-dahang gumalaw si Michael sa ilalim niya. Aminado siyang sa mga unang galaw ay puro kirot lamang ang nararamdaman niya nang sandaling iyon. Ngunit paunti-unti naman iyong nawala at ang tanging nangingibabaw na lamang sa kanya nang oras na iyon ay ang kiliting hatid ng pag-iisang katawan nila. Hindi na rin niya napigilan ang mga ungol, daing at halinghing na lumalabas sa kanya nang sandaling iyon. Hinawakan pa siya ni Michael sa baywang para itaas-baba sa ibabaw nito. Habang tumatagal ay naging mabilis na ang indayog ng katawan niya sa ibabaw ng katawan ni Michael. Wala na siyang pakialam pa kung ano man ang hitsura niya sa paningin nito. Ang mahalaga lang sa kanya nang oras na iyon ay ang pagniniig nilang dalawa.
“Fuck, so tight,” sambit pa ni Michael nang sandaling iyon. “Hindi ko alam kung magagawa ko pang makalabas bago ako labasan.”
Bago pa man makapagsalita si Carmie ay naramdaman na niya ang orgasmong nagpayanig sa katawan niya. Kasabay ng pag-apak ng paa niya sa climax ay ang paglabas naman ng tinitimping init ni Michael. Niyakap pa siya ng binata nang mahigpit habang nilalabasan ito. Napahandusay na lamang siya sa ibabaw ng binata nang natapos na sila sa bakbakan nila. Ni hindi na niya magawang idilat pa ang mata niya dahil sa pagod. Papatulog na siya ngunit gumagambala na sa isipan niya ang magiging reaksyon ni Michael pagkatapos ng isang gabing pagniniig nila.
“Bahala na si Batman kung ano ang mangyayari, hindi ko na rin naman maibabalik ang virginity niya,” sambit ni Carmie sa kanyang sarili bago pa man siya tuluyang tinalo ng antok nang oras na iyon.