CHAPTER SIX
HINDI man aminin ay nakaramdam ng pagkaasar si Michael nang bigla na lamang nawala sa kanya ang atensyon ni Carmie. Hindi niya itinago ang pagkaasar niya sa dalaga habang magkasama sila sa iisang kotse . Mas lumala pa ang pagkaasar niya nang narinig niya ang mahinang tawa ng dalaga.
‘”Sabihin mo, nabitin ka ba sa ginagawa natin?” tanong ni Carmie sa isang nanunuksong tinig. “I can say na may naramdamdaman akong tumigas kanina sa iyo.”
Ibinaling na lamang ni Michael ang paningin niya sa labas. Ayaw na niyang pakinggan pa ang ibang mga sasabihin ni Carmie dahil siguradong masisiraan na siya ng bait kapag nakinig pa siya. Nagulat na nga lang siya nang biglang kinuha ni Carmie ang mukha niya kahit na nagmamaneho pa ito. Ni hindi nga siya nakapalag nang hinalikan na naman siya nito sa labi. Pasalamat na lamang siya dahil wala naman silang kasalubong nang sandaling iyon. Bago pa man niya masermunan si Carmie ay inunahan na siya nito.
“Tell me honestly, gusto mo bang ituloy natin ang ginagawa ko sa iyo kanina?” tanong ni Carmie sa binata. “Pwede ko g gusto mo, sabihin mo lang.”
Isang sour look na lamang ang ibinigay ni Michael sa dalaga, “Seriously, iyan pa talaga ang naiisip mo? Paano kung nabangga tayo kanina?”
“Relax, alam ko ang ginagawa ko,” sagot naman ni Carmie. “Isa pa, hindi kita hahalikan kung hindi ka nabitin sa ginawa natin. Seriously, sex talaga sa kotse? Iyon ang gusto mong first time natin? Hindi ko iyon naisip ah!”
Isang glare na lamang ang ibinigay ni Michael sa dalaga nang sandaling iyon. Kahit na nakaglare pa siya ay ramdam naman niyang hindi apektado si Carmie. Bakit? Sapagkat alam niyang namumula nang matindi ang pisngi niya nang mga oras na iyon. Ang malala pa, sinabihan na siya ng dalaga na cute siya kapag namumula siya.
“Sa tingin ko ay kailangan kong pakinggan ang editor ko tungkol sa sinasabi niyang revisions,” nakangiting sabi ni Carmie sa binata. “Of course, hindi ko rin naman gugustuhing isipin ng readers na sex life lang natin ang pinag-uusapan sa libro kaya gagawa ako ng bago.”
“Huh?”
“You know, kahit na hindi mo pa sabihin ay alam ko namang nahihiya ka lang aminin sa akin na nagigising ang junjun mo kapag nababasa mo ang mga akda ko,” sambit ni Carmie sa binata.
“Itinulad mo pa ako sa iyong puro porn at bromance ang laman ng utak,” sagot naman ni Michael.
“Listen to me first bago ka pa mambara,” sabi agad ni Carmie. “As I was saying, may tumitigas sa iyo kapag nababasa mo na ang manuscript ko so napagdesisyunan ko nang huwag nang ipagkalat pa ang future sex life natin. Gamitin na lang natin ang book na iyon as reference sa kung anong posisyon ba ang akma sa ating dalawa.”
Kung hindi lang siguro nagmamaneho ng kotse si Carmie ay siguradong nakaltukan na ni Michael ang dalaga. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakaibang confidence ang dalaga sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Pasalamat na nga lang siya dahil kahit na ganoon ang sitwasyon ay wala namang ibang nakakarinig sa kanila nang sandaling iyon.
“So, okay lang naman sa iyo na hindi ko na i-publish iyon, hindi ba?” tanong ni Carmie na muntik nang tanguan ni Michael.
MALALIM na ang gabi ngunit hindi makatulog si Michael. Seriously, paulit-ulit lang sa isipan niya ang mga pinagsasabi sa kanya ni Carmie. Hindi niya alam kung paano siya nakakatagal sa mga panunukso ng dalaga sa kanya. Ang alam lang niya ay darating ang araw na mawawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili dahil lang din sa dalaga. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Hindi naman sa hindi niya magugustuhan si Carmie. Iyon nga lang, ayaw naman niyang magustuhan si Carmie dahil lang sa katawan nito. Kung sakali mang magugustuhan niya si Carmie, kahit na alam naman niyang imposible iyon, magugustuhan niya ang dalaga dahil tanggap na niya ito kahit na sobrang weird pa nito. Napaasik na lamang siya nang napansin niyang ginugulo ng dalaga ang utak niya. Gusto na talaga niyang matulog pero hindi niya alam kung makakatulog pa nga ba siya.
“Brad, kung hindi ka makatulog, kumuha ka na ng beer, uminom ka,” sambit ni Jed na napansin pala ang pagiging malikot niya nang oras na iyon. “Malay mo, sa pag-inom mo ay makalimutan mo ang feelings mo sa kanya, tulad ng ginagawa niya sa akin.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Michael nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang humugot ang kaibigan niyang kasama na rin niya sa kuwarto.
“Nasa tapat lang naman tayo ng 7/11 kaya walang problema kahit ngayon ka bumili,” sambit ni Jed sa binata. “Idamay mo na lang ako dahil hindi rin ako makatulog.”
Napakamot na lamang ng ulo si Michael nang sandaling iyon, “Trip mo palang uminom, naghanap ka pa ng utusan.”
“Sige na, bumili ka na at nang may kasama ako sa pag-inom,” sagot naman ni Jed in a pleading tone. “Broken na nga ako eh.”
Napailing at napahinga na lamang nang malalim si Michael. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang oras na iyon. Pakiramdam niya ay iyak-tawa na lamang siya dahil sa kabaliwang taglay ni Jed.
“Wala naman sigurong masama kung papatulan ko ang kabaliwan ni Jed,” sambit ni Michael sa kanyang sarili. “Hindi rin ako makakatulog ngayon at weird ang mga bagay na pumapasok sa utak ko ngayon eh.”
“Nga pala, isikreto mo ang pagpasok ng beer dito at baka mahuli pa tayo ng landlady natin,” sambit ni Jed. “Masermunan pa kaagad tayo bukas.”
Papunta na sa 7/11 si Michael nang nakita niya ang isang kotseng pamilyar sa kanya. Muntik na siyang mapatakbo pabalik sa boarding house ngunit hindi na niya iyon nagawa pa dahil nakita na rin siya ng may-ari ng nasabing kotse. Ang akala pa naman niya ay isang magandang desisyon ang ginawa niyang pagsunod sa sinabi ni Jed. Hindi na siya nagulat pa nang nilapitan siya ni Carmie.
“Hindi ka naman matutulog ngayon, hindi ba?” tanong ni Carmie sa kanya.
“Huh?”
“Tara, samahan mo ako, uwi tayo sa Bulacan!”
STRESS, iyan ang nararamdaman ni Michael nang sapilitan siyang isinama ni Carmie papuntang Bulacan. Hindi niya alam kung bakit isinama na naman siya nito gayong wala naman silang naging pag-uusap tungkol doon.
Seriously, hindi pwede ang ginagawa mo,” sambit ni Michael sa dalaga. “Sa pagkakaalam ko ay bibili lang ako dapat ng beer.”
“Alam ko,” sagot naman ni Carmie sa binata. “Inutusan ko pa nga si Jed na sabihin iyon sa iyo eh.”
“What?! Inutusan mo? Sino ang inutusan mo?!”
“Tingin mo ba ay susunod ka sa akin kung ako ang magsasabi sa iyo nang personal?” tanong naman ni Carmie. “Sigurado naman akong lalabas ka kung may magpapalabas sa iyo.”
“Weird ka talaga, uso ang text,” pambabara naman ni Michael. “Kahit nga tumawag ka pa eh.”
“Mas mabuti nang maging weird,” mabilis na sambit ni Carmie. “At least, alam mong sa iyo ko lang inilalabas ito.”
“Bakit ba kasi kailangan mo pa akong isama sa Bulacan? Ano ba ang mayroon?” sunod-sunod na tanong ni Michael sa dalaga.
“Sabihin na lang nating tatakasan muna natin ang Manila kasi masyado nang toxic sa utak natin,” sagot naman ni Carmie.
“Para namang may alam kang puntahan sa Bulacan,” inis na sabi ni Michael. “Baka naman kaya mo lang ako isinasama kasi makikita mo na naman ang first love mo.”
“Selos ka na ng lagay na iyan? Huwag kang mag-alala, sa iyo lang ako,” sabi naman ni Carmie. “Actually, pinapasama ka talaga nila dahil ang alam nila ay boyfriend kita.”
Napatakip na lamang ng mukha si Michael nang sandaling iyon, “Kailan iyan sinabi sa iyo?”
“Uhm, three hours ago,” sagot naman ni Carmie. “Mag-inarte ka pa nang mahalikan ulit kita. Baka magkabigayan tayo ng virginity dito sa loob ng kotse kapag hindi ka nagtino riyan sa kinauupuan mo.”
Namula na lamang si Michael nang sandaling iyon. Isang ‘ehem’ na lamang ang pinakawalan niya para mawala ang akwkward feeling na bigla na lamang niyang naramdaman nang sandaling iyon.
“Eh di natahimik ka rin,” nakangiting sabi ni Carmie sa binata. “Ganoon na ba talaga ako ka-effective sa iyo?”
Sasagutin na sana ni Michael ang dalaga ngunit nagtimpi siya. Kailangan niyang protektahan ang puri niya at all cost. Hindi siya papayag na magalaw siya ni Carmie dahil lang sa pagiging pabebe niya.
“Relax, mahalay man ang utak ko ay hindi kita gagalawin without your consent,” sambit ni Carmie sa binata. “Busog pa ang mata ko sa porn kaya hindi kita kailangang akitin. Kusa ka ring lalapit sa akin.”
“So kailangan ko pang magpasalamat sa porn?” tanong ni Michael sa dalaga.
“Yep, alam kong inaantok ka so sige lang, kung trip mong matulog ay matulog ka,” mabilis na sabi ni Carmie sa binata. “Gigisingin na lang kita kapag nasa DRT na tayo.”
“Ayaw, baka halayin mo pa ako kapag natutulog ako,” sagot naman ni Michael. “Sabi mo ay sa DRT ang punta natin, right?”
“Oo, kakasabi ko lang,” sambit ni Carmie.
“Itabi mo muna ang kotse mo, palit tayo, ako na ang magmamaneho,” sabi agad ni Michael. “Ikaw ang matulog.”
“Michael…”
“You better listen now hangga’t sinisipag akong imaneho ang kotse mo,” sabi ni Michael.