CHAPTER TWELVE
NAPANGUSO na lamang si Carmie. Napanguso na lamang siya dahil naghukay na naman siya ng sarili niyang libingan. Hindi niya inakalang mauuwi na naman sa bakbakan ang tuksuhan nilang dalawa ni Michael. So far, alam niyang masakit ang katawan niya dahil hindi siya tinantanan ni Michael. Imagine, siya ang unang nagwagayway ng puting bandila bago pa man sila sumapit sa third round. Thankfully, kahit na halimaw sa kama ang boyfriend niya ay kaya pa naman nitong makinig sa pagsusumamo niya. Tinapik pa siya ni Michael sa puwet nang natapos na sila.
“Huwag mo namang panggigilan ang puwet ko,” sambit ni Carmie sa binata. “Akala ko ba ay finish na?”
“Finish na nga, naniniguro lang na hindi ako nananaginip ngayon,” sagot naman ni Michael.
“Huh?! Napunta na ba sa iyo ang kaweirduhang taglay ko?” tanong agad ni Carmie sa binata.
“Hindi, nagsasabi lang ako ng totoo,” sagot naman ni Michael.
Magsasalita pa sana si Carmie ngunit hindi na iyon natuloy dahil bigla na rin naman siyang niyakap ni Michael nang sandaling iyon. Hindi naman niya magawang makapalag nang oras na iyon dahil alam niyang hindi na sila matutulog kung sakali mang masagi niya ang pagkalalaki ni Michael.
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Carmie nang sandaling iyon. Naisip na rin niyang mas mabuti na ring nasa tabi pa rin niya ang binata kaysa naman sa makita niyang nagbibihis na ito pagkatapos ng bakbakan nila. At least, hindi pumasok sa isipan ni Michael na parausan lang siya nito ng libido.
“Alam kong gising ka pa,” sambit ni Michael in a muffled tone. “Matulog ka na kung gusto mong makapagpahinga pa tayo nang maayos.”
Wala nang nagawa si Carmie nang sandaling iyon kundi ang ipikit nang mariin ang mata niya. Kailangan na talaga niyang matulog kung ayaw niyang magtumbling na naman sa ibabaw niya si Michael.
Napangiti na lamang si Michael nang nakita niyang sinunod na siya ni Carmie. Inihigpit lang niya ang pagkakayakap niya sa dalaga nang sandaling iyon. Hindi naman kailangang may mangyari sa kanila sa bawat oras na magkasama sila dahil sa totoo lang ay sapat naman sa kanya na nakayakap siya sa dalaga. May mga pagkakataon lang na kailangan talaga niyang galawin si Carmie dahil lagi na lang nitong hinahamon ang pagkalalaki niya. Ni hindi nga niya alam kung bakit trip na trip ng girlfriend niya na hamunin siya gayong ito naman ang laging unang sumusuko sa kanila. Isang halik sa noo ang ibinigay niya sa dalaga bago pa man siya nagpasyang mahiga ulit. Pinagmamasdan lang niya ang dalagang nasa bisig niya. Ni hindi na nga niya namalayan pa kung paano siya nakatulog. Ang alam lang niya ay mukha ni Carmie ang huli niyang nakita niya bago pa man siya nagpatangay sa pagod at antok.
Iyon nga lang, hindi naman nagtuloy-tuloy ang tulog niya dahil biglang nagring ang phone niya. Pagtingin niya, nakita niya ang phone number ni Anthony. Dahil sa nawala na rin naman ang antok niya ay napagpasiyahan niyang sagutin iyon kahit na katabi pa niya si Carmie. Sigurado namang may kinalaman lang sa editing ang problemang itinawag nito sa kanya.
“Napatawag ka?” tanong ni Michael sa binata. “May problema na naman ba?”
“Hindi ko na kasi maintindihan ang ipinupunto ng writer ko, baka naman pwede mo akong tulungan bukas,” sambit ni Anthony.
“Kung hindi mo na alam kung ano ang ipinupunto niya ay talampakin mo na siya na kailangan niyang gumawa ng isang malaking revision para maging parallel ang bawat CHAPTERs niya,” sagot naman ni Michael. “Tingnan ko na lang bukas kung ano ang mairerecommend ko sa iyo.”
“Sige, ganoon na nga lang,” sabi agad ni Anthony. “End call na tayo at baka magselos pa ang girlfriend mo sa akin. Mahirap na.”
Natawa na lamang si Michael nang sandaling iyon. Hindi imposibleng mangyari ang bagay na iyon lalo na at alam naman niyang weird si Carmie. Siguradong maski lalaki ay pagseselosan nito nang wala sa oras.
KINABUKASAN, kahit na sabihin pang wala pa sa huwisyo si Carmie ay nakita niyang nakabihis na si Michael at naghahanda na sa pag-alis. Pinagmasdan na lamang niya ang nobyo niya nang sandaling iyo. Napansin naman ni Michael ang pagtitig niya sa likuran nito.
“Ipinagluto na kita ng breakfast, kumain ka muna bago mo gawin ang trabaho mo,” sambit ni Michael sa dalaga. “Huwag mong subukang magpalipas ng pagkain at siguradong isusumbong kita kay Tito Arman.”
Napanguso na lamang si Carmie nang sandaling iyon, “Wala namang sumbungan. Hindi naman na ako nagpapalipas ng gutom eh. Kailan pa kayo naging close ni Dad?”
Ngumiti na lamang si Michael nang sandaling iyon, “Hindi mo na kailangang malaman pa kung kailan ka niya inihabilin sa akin. Ang mahalaga lang ay hindi siya tutol sa relasyon natin.”
Bago pa man makasagot si Carmie ay isang halik sa noo ang natanggap niya nang sandaling iyon. Napahigpit na lamang ang pagkakahawak niya sa kumot na nakatabing sa kanya nang sandaling iyon. Napanguso na lamang siya dahil hindi naman halik sa labi ang nakuha niya nang oras na iyon. Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Michael nang nakita nito ang pagnguso niya.
“Huwag ka munang ngumuso at baka sabihin mo na naman sa aking pinaghukay ulit kita,” sambit ni Michael. “Alam mo naman siguro kung ano ang epekto ng pangusong ginagawa mo sa akin.”
Nailapat agad ni Carmie ang labi niya nang wala sa oras. Kailangan na niyang paalisin ang binata kung gusto niyang maipahinga nang maayos ang katawan niya.
“Sige na, pumasok ka na, matutulog pa ako,” sambit ni Carmie sa binata. “Nagpapatulong pa sa iyo si Anthony, hindi ba?”
“Narinig mo ang usapan namin?” tanong agad ni Michael.
“Oo naman, hindi naman kasi mahina ang boses mo,” sagot ni Carmie. “Para ngang ipinarinig mo pa talaga sa akin ang usapan ninyo.”
“Ah, so hindi ka nagseselos?” tanong agad ni Michael.
“Nagseselos, alangan namang awayin ko na lang lahat ng makakasama mo,” pag-amin ni Carmie. “Eh di nasakal naman kita.”
Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Michael nang sandaling iyon. Masyadong honest si Carmie sa mga nararamdaman nito.
“Sige, next time, isasama kita sa Lion Heart Publishing House para makilala mo ang mga taong hindi mo na dapat pagselosan,” sambit ni Michael.
“Hindi na. Ipakita mo lang na pwede kitang pagkatiwalaan, okay na,” sagot naman ni Carmie. “Ayaw kong maging possessive sa iyo.”
“MUKHANG seryosohan na talaga ang namamagitan sa inyo ah,” panunukso agad ni Anthony sa binata. “Kailan ang kasal?”
“Kasal agad? Hindi pa nga lumilipas ang isang buwan, kasal na agad ang nasa isip mo,” pambabara naman ni Michael. “Ang akala ko ba ay magpapatulong ka sa akin? Bakit parang inaalam mo pa kung ano ang mayroon sa love life ko?”
“Wala, curious lang,” sagot naman ni Anthony. “Basahin mo na ang manuscript niya at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.”
Hindi na nagsalita si Michael nang sandaling iyon at sa halip ay sinubukan na niyang basahin ang manuscript na ibinigay sa kanya ni Anthony. Nangunot na lamang ang noo niya nang napansin niyang may katulad iyon na estilo. Sa unang tingin ay mapagkakamalang si Carmie ang nagsulat at hindi ang writer ni Anthony.
“Anthony, ganito ba talaga ang writing style ng writer mo?” tanong niya agad sa binata. “Para kasing familiar sa akin ang estilo niya.”
“Bagong estilo raw niya, gusto raw niyang subukan ang estilo ng ibang writers,” sagot naman ni Anthony. “Bakit? May kamukha ba?”
Hindi kaagad nagsalita si Michael nang sandaling iyon at sa halip ay kinuha niya ang isa sa mga libro ni Carmie. Ipinasuri niya kay Anthony ang dalawang akda. Napansin na lamang niya ang pagkunot ng noo nito.
“Hindi naman sa sinasabi kong ginaya na ng writer mo ang writer ko,” sambit ni Michael. “Iyon nga lang kasi baka magkaroon ng comparison between the two writers kung hahayaan mo siya sa ganyang pagsusulat niya. She already established her own name in her own way kaya mas makabubuti kung ipagpatuloy na lang niya iyon. Isa pa, magkaiba ang nilagay niyang teaser sa plot so nalayo kaagad ang kwento niya.”
“So mas makabubuti ba kung ipapaulit ko na sa kanya ang buong manuscript?” tanong agad ni Anthony sa binata.
“As much as possible, oo,” sagot naman ni Michael. “Ipaliwanag mo na lang sa kanya na gagawin niya iyon dahil makukulong lang siya sa anino ng ibang writer kung babaguhin pa niya ang estilo niya.”
“I see, salamat sa tulong,” mabilis na sabi ni Anthony. “Tatawagan ko na si Trixie para malaman niya ang dapat niyang gawin.”
“Tell her na wala namang masama kung may susubukan siya na isang bagong genre,” sabi agad ni Michael. “Ipaintindi mo lang na hindi niya kailangang manggaya ng ibang writer dahil pwede naman siyang gumawa ng research bago siya magsulat.”
“Got it! Bata pa naman si Trixie eh, sigurado namang maiintindihan niya ang point of view ng isang editor,” sabi agad ni Anthony.
Isang tango na lamang ang isinagot ni Michael nang sandaling iyon. Of course, kailangan din naman niyang pangalagaan ang estilo ni Carmie at iyon naman ang tatak na kilala ng mga readers. Siguradong magkakaroon pa ng direct comparison sa pagitan nina Carmie at Trixie kung sakaling hindi ibabalik ng huli ang original writing style nito. Napainat na lang siyang bigla dahil sa stress na dinala ni Anthony sa kanya. Kinuha na lang niya ang phone niya at binuksan iyon. Tiningnan niya ang picture ng isang tulog na Carmie na nakasave sa gallery niya. Napangiti na lamang siya na parang timang dahil paunti-unti na ring nawawala ang stress niya.
“Siguro ay pwede ko namang isama si Carmie rito nang pormal para malaman nila kung ano ang relasyon namin,” sambit ni Michael sa kanyang sarili.