CHAPTER ELEVEN

UMANGAT na lamang ang isang kilay ni Michael nang ipinabasa na sa kanya ni Carmie ang unang draft ng ipapasa na nitong manuscript. Inakala niyang magtitino na ang dalaga dahil sa may relasyon nila. Mali nga lang ang akalaniya dahil mas lumala pa ngayon ang mga eksenang nababasa niya. Pamilyar pa sa kanya ang ibang scenes dahil inilagay n Carmie ang mga nangyari sa kanila bago pa man niya ito sinagot.

“Seriously, kwento pa rin natin itong isinulat mo,” sambit ni Michael sa dalaga. “Dinagdagan mo nga lang ng imahinasyon ang ibang eksena. Para ngang lumala pa eh.”

“Hindi naman malala ah,” sagot naman ni Carmie. “Mas malala pa nga ang ginawa natin kaysa riyan. Wholesome pa nga ang CHAPTER na iyan kung tutuusin.” dagdag pa niya na ginawang inosente ang boses.

Namula na lamang si Michael nang ipinaalala sa kanya ni Carmie ang namagitan sa kanila sa Bulacan. Heck! Naisahan na naman siya ng girlfriend niya nang sandaling iyon. Mukhang tutuksuhin na naman siya nito.

“Huwag mong sabihin sa aking may balak ka pang isulat ang pinakahuling ginawa natin sa Bulacan,” sambit ni Michael sa dalaga. “Subukan mo lang at susunugin ko na nang tuluyan lahat ng manuscript mo.” pagbabanta pa niya sa dalaga.

Ngumuso na lamang si Carmie nang narinig niya ang sinabi ni Michael, “Hindi ba talaga maganda ang manuscript na ginawa ko ngayon?” tanong pa niya sa binata.

Sasagutin na sana ni Michael ng hindi ang dalaga nang nakita niyang parang mangiyak-ngiyak si Carmie. Hindi naman sa hindi talaga siya nagagandahan sa bagong manuscript na ipinababasa ng dalaga sa kanya. Nagkataon lang na nailang siya dahil kwento na nila iyon. He wants to keep his relationship with her in private dahil gusto niya ng privacy.

“Sabihin mo lang kung hindi ka proud sa akin para magbago ako ng manuscript,” nakangusong sabi ni Carmie sa binata.

Napahinga na lamang nang malalim si Michael nang sandaling iyon. Nagtampo pa kaagad ang dalaga sa naging reaksyon niya sa manuscript.

“Alam mo namang proud ako sa iyo eh,” sambit ni Michael sa dalaga. “Wala namang problema talaga kung erotic writer ka. Ang akin lang naman ay gusto kong magkaroon ng privacy ang relasyon natin. I mean, hindi mo naman kailangang isulat lahat ng nangyayari sa relasyon natin.”

“Para namang totoo iyang sinasabi mo,” napapailing na sabi ni Carmie sa binata. “Eh ni minsan nga yata ay hindi ka man lang tinablan sa mga isinulat ko.”

“Sabihin na lang nating mas malaki ang percentage ng pagkailang ko habang ineedit ang mga gawa mo,” sagot naman ni Michael.

“Kung sa isinusulat ko pa lang ay ilang ka na, paano pa kapag ginawa na natin ang mga nakasulat diyan?” tanong agad ni Carmie.

“Gusto mo bang subukan natin ang isinulat mo?” tanong naman pabalik ni Michael.

Namutla na lamang si Carmie nang wala sa oras, “Sapat na ang nakikita ko sa mga porn, thank you. Wala pa akong balak na -”

Hindi na nagawa pang tapusin ni Carmie ang sasabihin niya dahil hinalikan siya ni Michael sa labi, smack nga lang. Kahit na sabihin pang smack lang iyon ay sapat na rin iyon para mapaatras siya sa binata. Iyon nga lang, kahit na napaatras pa siya ay hindi naman siya hinayaang makalayo ni Michael. Mabilis siyang nakulong nang wala sa oras. Napalunok na lamang siya nang napalapit na ang mukha ng binata sa mukha niya. Amoy na rin niya ang hininga nitong amoy mint na para bang nang-aayang halikan ang binata. Papalapit na ang mga mukha nila nang narinig nila ang pagbukas ng pinto.

“Carmie, what is the meaning of this?!” gulat na tanong ng isang estranghero sa dalaga.

Naitulak na lamang ni Carmie ang binata nang wala sa oras. Isang goofy ngunit kabadong ngiti pa ang pinasilay niya sa labi bago pa man siya nagsalita.

“Dad!”

“You,” sabi agad ng lalaki sa dalawa, “Me, usap tayo nang masinsinan.”

LITERAL na gumagapang ang kaba sa dibdib ni Carmie habang nakatitig sa kanilang dalawa ni Michael ang ama niyang si Arman. Hindi niya alam kung tatanggapin ba ng ama niya ang relasyon nilang dalawa lalo naman hindi alam ng matanda ang ginawa niya sa binata. Ni hindi nga nito kilala si Michael. Para ngang hindi niya nabanggit sa ama niya ang tungkol sa binata kahit noon pang nagsisimula pa lang siya sa pagsusulat. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya ng ama niya ng isang masamang tingin. Meaning, hindi siya pwedeng magsalita nang oras na iyon.

“Your name, young man,” sambit ni Arman in a stern tone.

“Michael po,” sagot naman ni Michael.

“Trabaho,” mabilis na sabi ni Arman.

“Editor po sa isang publishing house, sa Lion Heart Publishing House po,” detailed na sagot ni Michaekl.

“Ah, sa Lion Heart Publishing House,” napatangong sabi ni Arman. “Ikaw ba ang editor ng anak ko?”

Isang tango na lamang ang isinagot ni Michael nang sandaling iyon. Well, wala namang masama kung sasabihin niya sa ama ng dalaga kung ano ang una nilang relasyon bago pa man nito nakita ang isang bagay na dapat ay silang dalawa lang ni Carmie ang nakakaalam.

“So, alam mo naman siguro kung ano ang nilalaman ng mga isinusulat ng anak ko?” tanong agad ni Arman sa binata.

“Opo. Alam na alam ko po,” pag-amin ni Michael.

“Kung ganoon ay masasabi mo sa akin kung ano ang estilo niya sa pagsusulat,” sambit ni Arman. “Talaga bang wild ang anak ko sadyang weird lang siya?”

Nagulat na lamang si Michael sa naging tanong sa kanya ng ama ni Carmie. Hindi niya inakalang lalabas ang ganoong katanungan lalo na at mukha itong seryoso. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya lalo na at taglay naman talaga ni Carmie ang mga ganoong katangian. Muntik na siyang mapatalon sa kinauupuan niya nang tumawa nang malakas ang mas nakatatandang lalaki.

“Sa tingin ko ay hindi mo kayang sagutin ang katanungan ko dahil taglay niya ang mga katangiang sinasabi ko,” sambit ni Arman sa dalaga. “Pero sa tingin mo ba ay sapat na ang mga katangiang iyon para halikan mo na lang basta-basta ang anak ko?”

“Dad…”

“Manahimik ka Carmencita at hindi ikaw ang kausap ko,” sabi agad ni Arman sa dalaga. “Ni hindi ka man lang nagsabi sa akin na may karelasyon ka na. Kung hindi ko pa kayo maabutan ay siguradong magkakaapo kaagad ako nang hindi ko nalalaman.”

Napanguso na lamang si Carmie nang sandaling iyon. Nawala talaga sa isipan niya na sabihan ang tungkol kay Michael. Lagi rin namang busy sa negosyo ang ama niya kaya nawalan na sila ng panahon na makapag-usap.

“May relasyon po kaming dalawa,” sambit ni Michael. “Pero siya po ang nanligaw!”

“What?! Ikaw ang niligawan ng dalaga ko? Paanong -”

“Dad, totoo po, ako po ang nanligaw sa kanya,” sabi agad ni Carmie bago pa man masabon ni Arman ang boyfriend niya. “Turo ninyo naman po sa akin na sundin ko lang ang puso ko, hindi po ba?”

Napailing na lamang si Arman nang sandaling iyon. He finds the situation too odd for him, “Sinabihan nga kitang sundin mo ang puso mo, pero hindi naman kita tinuruang manligaw.”

“Wala nga pong ligawan na naganap eh,” panlalaglag agad ni Michael.

Napayuko na lamang si Carmie. Siguradong siya na ang sasabunin ng ama niya dahil inilaglag na siya ni Michael. Handa na siyang aminin sa ama niya ang mga ginawa niya nang inunahan siya ni Michael.

“Pero kahit na nabaligtad ang sitwasyon namin tungkol sa ligawan ay sisiguraduhin ko po sa inyong hindi ko po lolokohin ang anak ninyo,” sambit ni Michael sa isang seryosong tinig. “Weird man po siya ay handa naman po akong ipaglaban siya kung sakali mang tutol kayo sa relasyon naming dalawa.”

Napahinga na lamang nang malalim si Arman nang sandaling iyon. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang problema kung ano ang estado ng lalaking magugustuhan ni Carmie. Ang kanya lang naman ay ang gusto niyang masiguro na hindi masasaktan ni Michael ang dalaga niya.

“You better know na hindi kita sasantuhin kapag pinaiyak mo ang Carmencita ko, got it,” sambit ni Arman sa binata. “You are her first boyfriend kaya siguraduhin mong pahahalagahan mo ang katotohanang iyon.”

Napatango na lamang muli si Michael nang sandaling iyon. Wala naman siyang balak na saktan ang babaeng nanligaw sa kanya. Carmie is a rare piece of gem na dapat niyang alagaan.

“Huwag po kayong mag-alala, sasakyan ko po ang mga kaweirduhan niya sa buhay,” paniniguro ni Michael sa nakatatandang lalaki.

“ANG akala ko ay magagalit na talaga si Dad dahil sa relasyon natin,” sambit ni Carmie nang umalis na si Arman. “Grabe ka, inilaglag mo ako.”

“Mas mabuti na ring magpakatotoo na tayo agad kaysa sa malaman pa niya sa iba kung paano nagsimula ang relasyon natin,” sagot naman ni Michael. “Ano ang gusto mo? Mapalo tayo ng walis tambo dahil lang sa kakaiba mong trip?”

Hindi na lamang nagsalita nang sandaling iyon at sa halip ay niyakap niya si Michael. Hinalikan pa niya sa pisngi ang nsabing binata.

“Kaya ako ay sa iyo eh,” mabilis na sabi ni Carmie sa binata. “Halata namang mahal na mahal mo ang kaweirduhan ko. Ano? Gusto mo na bang bigyan natin ng apo si Dad?”

“Tumigil ka nga at baka masakyan ko pa ang kakaibang trip mo nang wala sa oras,” sagot naman ni Michael. “Ang tanong: handa ka ba?”

Napalayo na lamang si Carmie nang sandaling iyon. It seems like naghukay na naman siya ng sarili niyang libingan nang sandaling iyon.