CHAPTER ONE

TO become an editor sa Lion Heart Publishing House na siguro ang pinakamalaking pangarap ni Michael na natupad niya sa buhay niya. Why? That is simply because alam niyang sikat ang nasabing publishing house sa pagpapublish ng mga akda mula sa mga sikat at papasikat na writer. Iyon nga lang, hindi rin naman naging madali ang pagpasok niya lalo na at marami rin naman ang tulad niyang nangangarap na makapasok sa nasabing kumpanya. Thankfully, siya ang pinalad na makapasok dahil nakitaan siya ng potensyal pagdating sa pag-eedit.

“Michael, natapos mo na ba ang isang story na kasama sa red period natin?” tanong ni Juris sa binata.

“May pinaulit pa ako sa writer ko at hindi ko nagustuhan ang flow ng story niya,” sagot naman ni Michael.

“Makakaabot ba ang author mo this Friday?” tanong ulit ni Juris.

“Yes, magagawa namang maihabol bago dumating ang Friday,” confident na sagot ni Michael.

Napatango na lamang si Juris nang may naalala siya, “Si Carmie ba ay makakasama rin sa red period ngayon?”

“Nope, hindi naman nakaline up ang bago niyang story,” sambit ni Michael. “After five months pa ulit ang release niya kung sakali.”

“Sa tingin mo ba ay makakaabot siya sa deadline na iyon?” tanong ni Juris.

“Sa tingin ko, sobra pa ang five months sa kanya,” sagot naman ni Michael. “Mabilis namang magsulat ang isang iyon at may napagkukuhanan naman siya ng mga eksena niya sa kwento.”

“Well, hindi naman na bago ang bilis niya lalo na at spontaneous naman ang utak niya bilang isang writer,” sambit ni Juris. “Ang inaalala ko ay ikaw. You always find her works weird and awkward.”

“Kahit naman siguro ay makikita ang weird side niya kapag nababasa ang mga akda niya,” depensa agad ni Michael.

“Actually, readers do not find it weird lalo na at ang alam lang naman nila ay matino naman ang writer na si Carmie,” sagot naman ni Juris.

“Mas mabuti na ring hindi nila malaman kung gaano ka-weird ang iniidolo nilang writer para hindi sila maging awkward kapag may fan meeting si Carmie,” pangangatuwiran ni Michael. “Hindi na baleng ako ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao.”

Natawa na lamang si Juris sa sinabi ni Michael. Sa totoo lang ay nahihiwagaan pa rin siya sa tuwing nagrereklamo ang binata sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya nakikita ang pinag-uusapan nilang writer bilang isang taong may weird personality. Sa tingin pa nga niya ay alam lang talaga ni Carmie kung paano nito ilalahad ang bawat eksenang isinusulat nito in a unique and refreshing way.

“Kung wala ka na rin namang gagawin mamaya ay daanan mo na ang writer mo para malaman mo kung may development na ba sa mga ginagawa niya,” sabi ni Juris sa binata. “Ireport mo kaagad sa akin kung ano na ang development para malaman natin kung paano tayo makapag-aadjust agad.”

Isang tango na lamang ang ibinigay ni Michael nang sandaling iyon. He has no other choice kundi ang harapin ulit ang iniiwasang writer. Hindi na rin naman niya kasi pwedeng ibigay pa sa iba si Carmie lalo na at baka mashock ang ibang editors kapag nalaman nila kung ano ang tunay nitong estilo sa pagsusulat ng isang akda.

Ibabalik na sana ni Michael ang buong atensyon niya sa kanyang trabaho nang dumating si Raine. Kahit na sabihin pang bagong kasal ang nasabing babae ay hindi pa rin nababago ang hitsura nito na para bang mas lalaki pa ito sa asawa nitong nasa sales department.

“Buti at hindi ka kinagalitan ng asawa mo dahil ganyan pa rin ang ayos mo,” sambit ni Michael na halatang bitter dahil single pa rin.

“Sanay naman na siya sa ganitong ayos ko, wala namang problema sa kanya kung mukha pa akong mas lalaki sa kanya,” sagot naman ni Raine. “At least, walang ibang titingin sa akin, siya lang.”

“Baka naman ginagamit lang niya ang hitsura mo para maideny niya sa ibang babae na may asawa na siya,” sabi agad ni Michael.

“Kung ganyan ang kaso ay hindi na sana umabot sa kasal ang relasyon namin,” sagot naman ni Raine. “Manligaw ka na kasi para hindi ka na bitter sa akin. Sa pagkakaalam ko ay available naman si Carmie.”

Umasim na lamang ang mukha ni Michael nang binanggit ni Raine ang pangalan ni Carmie.

“Sabi ko nga sa iyo, kahit na siya na lang ang nag-iisang babae ay hindi ko pa rin siya liligawan,” sabi ni Michael. “Hindi ako tatagal sa pagiging weird niya.”

ISANG malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Michael nang nakarating na siya sa bahay ni Carmie. Kahit na hindi na siya kumatok ay makakapasok pa rin siya lalo na at alam naman niya ang password ng lock sa bahay nito. Iyon ang unang bagay na ibinigay ng dalaga sa kanya nang nagkakilala na sila bilang writer at editor. Nang tinanong niya kung bakit ibinigay nito sa kanya ang nasabing password ay sinabi lang ni Carmie na hassle lang sa kanya ang pagpunta sa pintuan para pagbuksan siya kaya kailangang kabisado niya ang number combination ng password nito.

Pumasok na agad si Michael sa loob ng bahay ni Carmie at dumiretso na siya sa mini library nito kung saan laging nagtatrabaho ang dalaga bilang isang writer. Napailing na lamang siya nang nakakita na naman siya ng yaoi manga sa sahig. Hindi na siya magugulat pa kung magmukhang basurahan ang nasabing library dahil burara sa gamit si Carmie. Wala naman sa loob ang dalaga kaya napagpasiyahan na rin ni Michael na ayusin na muna ang mga gamit na nakakalat doon. Pagkatapos niyang maglinis ay napansin na rin niyang buhay ang laptop na madalas gamitin ni Carmie. Dahil wala naman si Carmie ay napagpasiyahan na niyang silipin ang manuscript na ginagawa nito.

“At paunti-unti nang ipinaubaya ni Michael kay Carmie ang pagkalalaki niya.”

Muntik nang maisara ni Michael ang laptop ni Carmie nang nakita niya ang isang eksena sa bago nitong manuscript. Wala naman talaga siyang pakialam kung ganoon ang daloy ng kwento nito dahil kilala naman si Carmie bilang isang erotic writer. Ang hindi lang talaga matanggap ng kalooban niya nang sandaling iyon ay ang katotohanang ginamit ni Carmie ang pangalan niya sa akda nito nang walang paalam. Biglang uminit ang ulo niya nang sandaling iyon kaya hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at sinugod niya ang dalaga sa loob ng kwarto nito. Wala na siyang pakialam pa kung ano man ang maabutan niya. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang maaway ang nasabing dalaga nang oras na iyon.

“Carmie gumising ka!” sigaw pa ni Michael nang nakita niyang tulog na tulog ang dalaga sa kama nito.

Isang masamang tingin agad ang ibinigay ni Carmie nang nagising siya. Hindi niya inakalang magigising siya nang wala sa oras dahil lang sa panggugulo ni Michael sa kanya. Mas lumala pa ang iritasyon niya nang sinigawan na naman siya nito na para bang may ginawa na siyang kakaiba sa binata.

“Ano naman ngayon kung Michael ang pangalan ng bidang lalaki?” tanong ni Carmie sa isang iritableng tinig. “Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang Michael sa mundo ah.”

Wala namang masama kung ginamit mo ang pangalan ko eh, kaso bakit naman ginamit mo sa isang bastos na paraan?” tanong naman ni Michael.

Imbes na mainis sa sinabi ni Michael ay napangisi na lamang si Carmie nang sandaling iyon. Something clicks in her mind nang sandaling iyon.

“Affected ka ba sa nabasa mo? Do you find me attractive na ba?” sunod-sunod na tanong ni Carmie sa binata.

“The hell! Hindi ko makikita ang sarili kong attracted na sa isang katulad mo,” sagot naman ni Michael. “Weird ka kaya!”

“Really? Hindi ako weird ah!” nakangising sambit ni Carmie. “Nagkataon lang na bromance ang reference ko lagi kaya mukha akong weird. Mas may buhay pa kasi ang mga kwento nila kadalasan kaysa sa mga straight couple.”

“Kahit na! Hindi pa rin tama ang ginawa mo sa akin!” depensa naman ni Michael. “Ganoon na ba ako kadali sa paningin mo?”

Hindi sumagot si Carmie nang sandaling iyon at sa halip ay nilapitan lang niya ang naiinis na binata. Dahil sa paglapit niya ay napaatras naman si Michael. Mas lumawak ang pagkakangisi niya nang nagawa na niyang itrap ang binata sa pagitan niya at ng pader.

“Baka naman pinagnanasaan mo na ako kaya ka ganyan?” tanong ni Carmie in a seductive tone.

“Of course not! Hindi mangyayari iyon!” sigaw naman ni Michael sa pagmumukha ni Carmie.

“Hindi nga ba talaga?”

Bago pa man makapagsalita si Michael laban kay Carmie ay naramdaman na niya ang paglalakbay ng kamay ng dalaga sa kanyang katawan. Seriously, apektado talaga siya sa mga ginagawa ng dalaga lalo na at lumalabas na mas mahina siya pagdating sa panunukso nito. Nagulat na lamang siya nang bigla na lamang tinampal ni Carmie ang tiyan niya.

“I might be an erotic writer dahil sa panonood ko ng porn at yaoi, pero sinisiguro ko sa iyong virgin pa ako,” sambit ni Carmie in a low tone. “Hindi ko naman kailangang isangkalan ang katawan ko para lang makuha ang eksenang gusto kong isulat.”

Namula na lamang si Michael nang sandaling iyon. No, hindi siya namumula dahil apektado siya sa ginawa ng writer sa kanya, namumula siya dahil naiinis siya. Palagi na lamang siyang pinaglalaruan ni Carmie kapag napagtripan nito.

“Sabihin mo lang sa akin kung ano ang trip mo at nang mabara kita kaagad,” inis na sabi ni Michael na nakakulong pa rin kay Carmie nang sandaling iyon.