Chapter 44

“Si Miko? he is my friend, my best friend. Nalaman ko ng ilang araw na gusto niya ako. But, hindi ko tinanong yun sa kanya o pinag-usapan man lang ang feelings niya sa kin dahil ayaw kong, after that, mailang kami sa isa't isa. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil napakahalaga niya sa akin. Mabuti siyang kaibigan. Unang lalakeng matalik na kaibigan ko siya."

“Shut up, Mylene! Lahat nalang pinapaikot mo. Pakiramdam mo ba na importante ka sa lahat? Dahil lahat ng lalake kahit mga sikat ay nagugustuhan ka. Ano bang klaseng matapang na gayuma ang nilagay mo sa iyong pabango?”

“Mikaela. Can we stop this? Let's stop this. Pag-usapan nalang natin ng maayos. Huwag na natin palakihin ito at gawing komplekado. Tinuring kitang totoong kaibigan kaya napasakit sa akin ang nangyayari ngayon. Pag-usapan nalang natin 'to, Please! ”

“Iyan na ba, ang huling speech? Ganun talaga, Mylene. Sana naman, may aral kang nakuha, huwag agad magtiwala sa mabuti at magandang ipinapakita ng kapwa mo. Dahil in the end, ikaw lang ang mapapahamak, ikaw lang ang masasaktan gaya ng nangyari sayo ngayon.” Lumapit siya kay Mylene. Ipapainon niya kay Mylene, ang hawak niyang maliit na baso na may halong poison.

“Handa ka na bang mamatay? Pinili ko talaga, poison ang papatay sa iyo para hindi ka na mahirapan kesa torture.”

“ Please, atop this!”

“Sorry, naka-ready na ang lahat.” Huminto si Mikaela dahil my tao sa labas ng pinto. Sinigaw ang pangalan ni Mylene.

“ Mylene!!” si Miko 'to.”

“Alam mo ba, sa susunod na linggo ko pa 'tong gagawin sa iyo pero after malaman kong pinuntahan ka rito ni Miko, napadali tuloy ang kamatayan mo. Ayokong maging masaya ka!”

“Miko, tulungan mo ako..!!” buong lakas na sigaw ni Mylene kaya kahit nasa loob sila ng kwarto, malinaw narinig ni Miko ang paghingi niya ng tulong.

“Mylene!! What happen??!!”

Bumuka ang bibig ni Mylene dahil sa pagsigaw niya kaya mabilis ibinuhos ni Mikaela ang tubig na may poison sa bunganga ni Mylene.

Nakailag man siya ngunit nalagyan pa rin ng ilang patak ang bibig niya. Hinawakan ni Mikaela ng bibig para isara ito.

Sinuntok niya pa ang tiyan ni Mylene at pinigilan ang paghinga sa ilong para mailunok ang ilang tubig nailagay sa bibig niya.

Oo, nalunok nga ito ni Mylene. Malakas ang gamot na yun kaya mabilis ang epekto. Nakita ni Mikaela na nahihilo si Mylene.

Nagulat siya sa pagpasok ni Miko. Buti nalang talaga, dumaan yung may-ari ng apartment. Nakakuha agad siya ng duplicate ng susi.

“Mikaela?!” nagulat siyang makita si Mikaela.

Nakita niyang nasa sahig si Mylene at walang malay kaya inuna niyang matulungan ang kaibigan. Kinuha niya ang phone niya para tumawag ng ambulansya.

Tumatawang lumabas ng kwarto si Mikaela. “Hahaha. I killed her! Hahaha.” Nababaliw na talaga siya.

Binuhat niya si Mylene. Doon sila mag-aantay sa labas para pagdating ng ambulansya, maisakay agad siya.

“Mylen!! Gumising ka!! Mylene!! Please!! Please!! Gumising ka!!” tinapik niya pa ng mahina ang pisngi nito.

Kahit nasa hospital na, patuloy niyang binanggit ang pangalan ni Mylene. Napaiyak na siya.

“Hanggang diyan nalang kayo sir,” sabi ng nurse sa kanya.

“Mylene, wag kang bumitaw. Lumaban ka, alam kong matapang ka, marami ka ng pinagdaanan, alam kong kaya mo yan, malalagpasan mo ito.” umupo siya at kinalma ang sarili.

Ilang oras siyang naghintay. Nang makita ang paglabas ng doctor, agad niyang pinuntahan upang itanong ang kalagayan ng kaibigan.

“Gising na po ba siya?”

“Hindi pa,” sagot ng doctor

“Base sa findings namin, nakainom siya ng poison. Matapang ang ganiting uri ng poison buti nalang agad siyang naidala rito at naagapan, kundi, baka, yun ang dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi ko masasabi kung kelan siya magigising. Ang mahalag, safe na siya from the poison. ” napabuntong hininga si Miko. Kahit papaano, mapapanatag na siya dahil safe na ang kaibigan.

Nakaupo sa sofa si Axelle. Pinapanood niyang nilalagay sa sasakyan ang mga maleta nila ni Allyson.

Nagtagumpay man siya sa paghihiganti ngunit nalulungkot at may awang nararamdaman kay Mylene dahil sa ginawa niya.

Nang naglakad si Mylene sa matinding ulan, gusto gustong niyang habulin at ihatid sa kanila dahil baka magkasakit.

Nakaramdam siya ng matinding awa pero pinigilan niyang huwag manaig iyon sa kaniya.

Sa totoo lang, sa ilang araw niyang kasama si Mylene, bumalik ang feelings niya sa babeng iyon pero pinigilan niya.

At kahit napigilan niya, malaking epekto sa kanyang nararamdaman ang ilang araw ng kanilang pagsasama na puno ng magagandang nangyari.

“Axelle, bakit tulala ka?” tanong ng kanyang mommy.

“Bumalik siya sa kanyang malay.

“Ah, wala ito.”

Tinabihan siya sa pag-upo nina Allyson at mrs Maldrid.

“Mamimiss kita. Don't worry, pagkatapos naming asikasuhin ang mga negosyo namin dito, susunod agad kami ng daddy mo pati ang parents ni Allyson.” doon na sila maninirahan.

“Tsaka, tumawag ako sa titirhan natin doon, excited na silang makita tayo,” wika ni Allyson.

“Magugustuhan mo sila, Axelle. They are very nice and polite and kind. Mababait sila, magiliw at masayang kasama,” dagdag ng kanyang mommy.

Ngumiti siya sa dalawa. Desidido na siya, pumunta sa Amerika. Gaya ng sabi niya kay Mylene, kakalimutan niya nalang ang mga nangyari rito.

Sinabi ng isang katulong, tapos na nilang ilagay sa van ng lahat ng gamit ng dalawa.

Tumayo si mrs Maldrid. “Okay. Maghanda na kayo. Mayamaya, aalis na kayo. Maiwan ko muna kayo, may kukunin lang ako sa aking kwarto.”

Humiga si Allyson sa balikat ni Axelle. “ kapag nakarating na tayo roon, igagala kita sa paborito kong lugar na pinupuntahan ko. Ang ganda roon.”

“Tara na, ihahatid ko kayo sa airport.” pansing tahimik lang si Axelle.

Tumayo si Axelle pati si Allyson.

Nasa harap na sila ng Van. Tumingin si Axelle sa bahay nila.

“Nang umalis ako rito, that time, hindi ko ito namiss pero ngayon..”

Lumapit sa kanya ang mommy niya, nilagay ang kamay nito sa balikat niya. “ Binili namin 'to ng daddy mo bago kami nagpakasal, bago ako nabuntis. Mamimiss ko rin ito.” tumingin siya kay Axelle. “Tara na!”

Nang aakmang papasok na sa loob ng van ang tatlo. Lumapit sa kanila ang isang maid.

May binigay ang maid kay Axelle ng nakabalot na malaking bagay.

“Ano yan? Tsaka, saan galing?” tanong ng mommy ni Axelle.

“ Sabi ng motor driver, para po ito kay sir Axelle. Dagdag niya pa, matagal na raw itong pina-deliver ngunit nagkaroon ng aberya kaya ngayon lang nakarating. Pasensya na po raw." Naglakad na paalis ang katulong.

“Buksan ko muna 'to bago tayo umalis,” wika ni Axelle.

“Oo, curious din akong malaman kung ano yan,” pagsasalita ni mrs Maldrid.

Tinanggal ni Axelle ang cover. “Isang painting,” sambit ni Allyson.

“Anong klaseng pagpipinta yan? Kanino naman kaya galing ang painting na 'yan. May idea ka ba, Axelle?" Tanong ni mrs Maldrid. Tahimik lang si Axelle.

Ang painting na ito ay galing kay Mylene. Unang painting niyang ginuhit dahil sa inspirasyon kay Axelle.

Naaalala ni Axelle ang lugar sa painting, sa isang coffee shop. Panahon na nagtatrabaho si Mylene hanggang 12 am. Ito yung araw na, sinalubong niya sa labas ng pinto si Mylene at hinigpit na niyakap.

Naramdaman niya sa kanyang kamay sa likod ng painting ang isang nakadikit na bagay.

Tiningnan niya ito. Isang papel na nakita ma may nakasulat.

Binasa niya ito,

“ Axelle! Unang painting ko ito. Ang resulta ng pagiging inspired ko sayo! Ito yung ireregalo ko sa monthsary natin. Wala kasi akong maisip na iba, alam kong mayaman ka, nasayo na lahat. Umisip ako ng ibang bagay, something espesyal, ito yung naisip ko, ang magpinta.

Naaalala mo pa ba itong scene na ito? Yung pinta ko? Kung nakalimutan mo na, ipapaalala ko sayo, puyat akong nakatulog sa coffee shop. Nang pauwi na ako, lumabas ako ng gate, sinalubong mo ako ng mahigpit na yakap kaya nagulat ako. Nagmamakaawa kang maging boyfriend ko, dahil ayon sayo, naaawa ka sa akin. Wala akong kakampi, wala akong karamay, wala akong katulong, mag-isang lang ako. Sinabi mo, kapag naging tayo na, hindi na ako mag-iisa, may kakampi na ako, may karamay na ako, may katulong na ako. Pinangako mo sa akin, kapag sinagot kita, mamahalin mo ako, hindi mo ako sasaktan, hindi mo ako papaiyakin at hindi mo ako iiwanan, hinding hindi mo ako iiwanan. Aalagaan at mamahalin mo ako ng sobra sobra hanggang sa tumanda tayo.

Dagdag mo pa, kapag dumating tayo sa puntong susubukan ang ating relationship, magkaroon ng matinding pagsubok ang ating pagsasama, ipaalala mo lang sa akin ang scene na ito, ang ginuhit ko, dahil, ang scene na ito, ang magpapaalala sa sagradong pangako ko sayo.” Bumilis ang tibok mg puso ni Axelle. Hindi niya maipaliwanang ang kanyang nararamdaman. Naging emosyonal siya. Napaiyak siya kaya nagtataka ang dalawa sa kaniyang biglang pag-iyak.

Doon niya napagtanto ang maling ginawang ganti niya kay Mylene. Paano niya ito nagawa sa taong pinakamamahal niya.

“Ano bang nakasulat anak? May pangalan ba?”

Humarap si Axelle sa dalawa. “ I'm sorry!”

“Anong ibig mong sabihin? At bakita ka ba umiyak?”

“Mahal ko si Mylene, mommy. Malinaw na sa akin ang lahat. Mahal ko siya mom, I'm sorry, Allyson. Sinubukan siyang kalimutan siya but I can't lalo na ngayon. Sorry, mahal ko talaga siya. Mahal na maha ko siya!” ngumiti si Allyson kay Axelle..

“Don't worry, Naintindihan ko. Sa katunayan, napansin ko, sa gitna ng paghihiganti mo. Laging kang distructive dahil sa kanya. It means, mahal mo talaga siya. Ayaw ko naman pilitin ka sa relasyong nabuo sa pagkakasundo lamang. Hindi lang magiging maganda ang kinalalabasan. You can go!! Tell her, kung gaano mo siya kamahal” sabay nilang nginitian ang isa't-isa.

“Thank you!” tumingin siya sa mom niya. “I'm sorry mom!”. Tumakbo siya paalis sa kanila.

“Axelle!! Bumalik ka rito! Axelle!!” sigaw niya.

Pinababa ni Allyson sa mga katulong ang nga gamit ni Axelle. “ Sige po, tita. Aalis na po ako. Ako nalang po ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Don't worry po, hindi mapuputol ang pamilyang turingan natin.”

“Napakabait mo talaga hija kaya ako ay nahihiya sa iyo sa ginawa ng aking uniko hijo. Ako ng humihingi ng tawad. Huwag kang mag-aalala, kakausapin ko siya.”

“ Wag na po tita, ayaw kong pilitin si Axelle, sa totoo lang, masaya ako dahil nahanap niya na ang kanyang happiness. Sige po, alis na ako.”

Tinulak ni mrs Maldrid ang katulong na nagbigay ng painting.

“ Bakit mo kasi pinakita ang painting na yun?!!” galit nitong sigaw. “Tuloy, bumalik sa dati ang anak ko! This is your fault! Hindi ko ito palalagpasin. You're fired! Umalis ka sa mansion ko. Ayoko kong makita ang pagmumukha mo, because you remind me, what happened today!!”

“Ma'am sorry po!”

“Maibabalik ba ng sorry mo ang mga pag-alis namin kanina? Ha? Kapag bumalik ako ulit ng kwarto, dapat nakaalis ka na!!”

“Ma'am, please! ” hindi pinakinggan ni mrs Maldrid ang pagmamakaawa ng kanyang kasambahay.

Nakasakay ng kotse si Axelle ngayon, dala niya ang painting ni Mylene.

“Mylene, patawarin mo ako?! Patawad! Patawad!” niyakap niya ang painting.

“Maraming salamat dahil dumating ka, ginising mo ako sa katotohanan kung gaano ko kamahal si Mylene.

Inabot niya ang bayad sa driver, mabilis siyang bumaba.

Tumakbo siya ng mabilis papunta sa apartment ni Mylene.

Kumatok siya sa pinto ng apartment ni Mylene. Sinigaw niya ang pangalan ni Mylene.

“Mylene!! Si Axelle 'to!”

“Mylene, pwede ba tayo mag-usap?” baka natutulog pa kaya doon siya nagsisigaw malapit sa pader ng kwarto ni Mylene.

Nakita ng may-ari ng apartment si Axelle. Tinawag niya ang binata.

“Bakit mo hinahanap diyan si Mylene, hindi mo ba nabalitaan ang nangyari sa kanya?”

“ Hindi po, ano pong nangyari sa kanya?”

“Sinugod siya sa ospital, nakita ko mula sa bintana ng apartment ko. Hindi ko alam ano reason. Nakita ko wala siyang malay, tsaka, yung kasama niyang lalake, nag-iiyak.”

Tinanong ni Axelle kung saang hospital sinugod si Mylene.

Tumakbo siya palabas ng Apartment. Nag-aabang siya ng masasakyan. Natataranta na siya. Patumba tumba na parang lasing dahil pati siya nawawala na sa sarili sa kakaisip kay Mylene, sa matinding pag-aalala niya.

Naisip niya, baka, nagsuicide si Mylene dahil sa ginawa niya. “ This is my fault. Sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo. Sorry! Sorry Mylene! Sorry!”

Nang makarating siya sa ospital. Tumatakbo siya pumasok sa loob. Tinanong niya sa nurse ang room ni Mylene.

Nangg makita ni Miko si Axelle, sinalubongan niya ito ng malutong na suntok.

“This is your fault!! You hurt and left her tapos bigla bigla kang magpapakita. Ang lakas at ang kapal mo talaga!!” hindi nilabanan ni Axelle si Miko dahil deserve niyang masuntok, deserve niyang mapagsabihan ng ganun

“Is she okay!” pag-alala niyang tanong.

“Talaga? Ngayon, concern ka? Eh mas masakit pa yung ginawa mo kesa sa nangyari sa kanya.”

“Bro. maniwala ka man o hindi, nagsisisi ako, pinagsisisihan ko yung ginawa ko. Pinamulat sa akin ng painting na ito, na mali ang ginawa ko, at kung gaano ko siya ka mahal. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya.” tinanggal ni Miko ang kamay niyang nakahawak sa damit ni Axelle.

Tahimik na bumalik sa upuan si Miko. Lumapit sa kanya si Axelle. “ Anong kalagayan niya? Ayos lang ba siya? Anong nangyari”

“Someone tried kill her by poisoned her. Mabuti nalang naidala siya agad sa ospital. Sabi ng doctor, safe na siya. Dagdag niya pa, hintayin nalang ang paggising niya.”

“This was my fault. This was my fault.”

“Oo talaga, kasalanan mo! Alam mo bang gustong gusto kitang bugbugin dahil sa ginawa mo sa kanya. Pero inisip ko si Mylene, ayaw niyang gawin ko yun. Nakaka-inggit. Ikaw ang lagi ang iniisip niya kahit nasasaktan na siya.”

“Kaya nga lubos ang pagsisisi ko. Kinokonsensiya ako ngayon.”