Chapter 45: Wakas
“ Alam mo, mali ka about sa nangyari noon, hindi niya intensyong hiwalayan ka. Dahil alam niyang masasaktan ka ng husto. Masakit sa kanya ang ginawang paghihiwalay sayo. Araw araw siyang malungkot. Tsaka, hindi siya tumanggap ng pera mula sa parents mo, kahit piso.
Ang parents ni Mylene ang siyang tumanggap ng pera. Napapayag nila si Mylene dahil pinalabas ng mama niya na may malubhang sakit ang isa niyang kapatid. Biktema rin si Mylene Axelle. Tsaka, ikaw mismo, ang may alam sa ugali niya. Mabuti siyang tao. ” Lalong nakonsensya si Axelle sa mga sinabi sa kanya ni Miko.
Totoo ang sinabi ni Miko. Siya ( Axelle ), alam niya mismo, ang totoong ugali ni Mylene.
Pumasok na sa room ni Mylene ang dalawa dahil pwede na. Ngunit, si Miko, saglit lamang siya dahil may aasikasuhin pa siya, yung taong nagtangkang patayin si Mylene.
Kampante siyang iwan si Mylene dahil nandiyan naman si Axelle.
Nilagay ni Axelle ang painting sa harap na pader ni Mylene.
“Alam mo ba, itong painting na ito, ang gumising sa akin mula sa katotohanang, mahal na mahal kita. Mylene, totoong pinapatawad na kita, Alam mo bang, totoo yung mga pinapakita ko sayong concern at pagmamahal (during his revenge). Sana, patawarin mo sana ako sa ginawa ko. Patawarin mo ako Mylene. Pinagsisihan ko ang ginawa ko sayo. Sana rin, gumising ka na. Please!, gumsing ka na.” niyakap niya si Mylene.
“Sa paggising mo, sana, matanggap mo po ako.”
Buong maghapon at maggabi binantayan niya si Mylene.
Inutusan niya ang driver na magdala ng pagkain at ng mga damit niya, nagbibihis at naliligo siya sa banyo ng room ni Mylene. Ayaw niyang iwan si Mylene. Gusto niya, siya unang makita ni Mylene kapag gumising ang dalaga.
Tatlong araw ng lumipas ngunit hindi pa nagkakamalay si Mylene.
Nabalitaan ng pamilya ni Mylene ang nangyari sa anak nila kaya humarorot ang buong pamilya sa pagpunta sa ospital na kinaroroonan ni Mylene.
“Ito na ba yung room na sinabi ng nurse, pa?”
“Oo. Tara pasok na tayo!”
Tumayo si Axelle ng makita sila. Naroon din sa loob si Miko.
“Bakit nandito ang lalakeng yan? Siya ang dahilan kung bakit walang malay ang anak namin. Ginulo niya ang buhay ni Mylene.” galit na sigaw ng papa ni Mylene. Pinigilan siya ng asaw niya dahil aakma niyang susuntukin si Axelle.
“Ginulo? Matagal ng magulo ang buhay ni Mylene dahil sa hinding magandang pagtrato niyo sa kanya. Since elementary, you let her na magtrabaho. Binuhay niya ang sarili niya mag-isa, kahit napapagod na siya, pagod na pagod na siya, but she choose not to surrender. Puyat at pagod galing sa trabaho, pagdating sa bahay, pagtatrabahuin niyo pa siya. Bukod dun, pinagkaitan niyo siya ng pagmamahal ng isang anak, ng isang pamilya. I don't want to question you being as her parents but, kayo mismo ang unang nanakit sa kanya, kayo mismo ang unang ginawang magulo at miserable ang buhay niya!” tahimik ang mag-asawa sa sinabi ni Axelle dahil totoo naman.
“One thing, mahal namin ang isa't-isa. Dahil sa pagtanggap niyo ng pera sa mga magulang ko, you ruined our relationship. ”
“Tama na yan, Axelle. Nasa harap niyo si Mylene. Yan ba ang gusto niyong marinig niya? her love ones ay nag-aaway, sa ganito pang kalagayan niya?” tumingin sa bintana si Axelle. Kinalma niya ang sarili niya.
Lumapit ang pamilya niya kay Mylene. “Anak!” umiyak at niyakap ng mama ni Mylene ang anak.
“Sorry! Sorry anak! dahil sa trato namin sayo noon, dahil sa ginawa namin ngayon. Sorry! Sana mapatawad mo kami. Pangako, kapag gumising ka, aalagan ka namin ng higit pa sa pinapangarap mo. Nagsisisi kami sa mga ginawa naming hindi maganda. Patawad!” hagolgol na iyak ng mama niya.
“Tsaka, anak, isinuli na namin ang perang tinanggap namin. Bininta namin yung bahay, pati yung sasakyan. Nagsisisi kami, tama ang sinabi ng boyfriend mo, kasalanan namin ang lahat ng ito. Kaya sana, patawarin mo kami. Anak, gumising ka na. Maraming nag-aabang sa paggising mo.” Naiiyak na rin ang tatay ni Mylene. Pati ang mga kapatid niya ay humingi ng tawad.
Humingi rin ng tawad si Axelle sa mag-asawa. Hindi lang napigilan niya ang kanyang emosyon. Ganun din ang ginawa ng mag-asawa, humingi sila ng tawad kay Axelle.
Kinausap si Axelle ng mama ni Mylene. Sinabi niya ang katotohanan, tungkol sa pag-iimbento ng mama niya about sa video. “Ginawa yun ng mommy mo para tuluyan maghiwalay kayo ni Mylene.” Yung video na yun ang dahilan kung bakit nagawa ni Axelle ang paghihiganti.
Umalis muna siya sa hospital para kausapin ang mama niya tungkol sa lahat ng ginawa nito.
Tumayo ang mag-asawang Maldrid ng makita si Axelle.
“Finally, nandito ka na, dalawang araw kang wala, kasama mo ba ang babaeng iyon?” bungad sa kanya ng mommy niya.
“Totoo ba, gawa gawa niyo lang ang video na pinakita niyo sa akin para tuluyan kaming maghiwalay kami ni Mylene?” hindi makasagot ang mommy niya.
“Mom!” sigaw ni Axelle.
“Lower your voice, I'm still your mother!"
“So, totoo nga, paano niyo ito nagawa sa akin, mom? Parang ikaw mismo ang sumaksak sa akin. Hindi mo alam, gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ko. Bakit po kayo ganyan?!” Pagod na ako mom! Pagod na ako!” may ilang luhang lumabas sa mga mata ni Axelle. Umalis siya at umiyak sa itaas.
“What you've done? Look at his face, sinaktan mo ang anak natin.” sigaw sa kanya ng asaw niya
“Ang ginawa ko ay para lamang sa kanyang kabutihan.”
“ Enough! Let's stop this. Pabayaan natin siya sa love life niya. Pabayaan nalang natn sila. Pagod na rin ako!"
“Pero..” hindi pinatapos ang sinabi niya, naglakad palabas ng bahay ang kanyang asawa.
Bumalik sa hospital si Axelle. Araw araw niyang binabantayan si Mylene. Hindi siya umuwi sa bahay niya.
One night, habang nakatulog sa gilid ni Mylene. Nagising siya dahil may humihimas sa kanyang buhok.
Tinaas niya ang kanyang noo para makita. Natuwa siya dahil gising na ito. Mahigpit niyang niyakap si Mylene.
“ I'm sorry sa ginawa ko.” nilagay ni Mylene ang daliri sa bibig ni Axelle. Tandang, hindi niya na kailangan ang paliwanag.
“Tulog ako na parang gising. Mahirap man paniwalaan pero naririnig ko ang mga nangyari nang mga nakaraan, pati na yung mga sinabi mo. Kalimutan nalang natin ang mga hindi mabuting nangyari, magsimula nalang tayo ng panibagong chapter ng buhay natin.” speechless si Axelle. Masayang ngiti ang kaniyang pinakita kay Mylene.
Nang pumasok sa loob ang mga magulang niya, natuwa sila dahil gising na ang anak.
Niyakap nila ito ng mahigpit. “Patawarin mo kami anak ko! Patawad!” sigaw na mangiyak ngiyak ng mama niya.
Pati si Miko, masayang makitang gising na si Mylene. Niyakap niya rin ito ng mahigpit.
“Sa wakas, gising ka na!” hinawakan ni Axelle ang tenga niya. Hinila paalis kay Mylene. “Paraparaan ka rin, eh no!” tumawa sila sa ginawa ni Axelle.
Sa school, sinalubong si Mylene ng kanyang mga kaklase, nag-effort pa sila. Nilagyan ang white board ng “Welcome back Mylene!” sinalubong din siya ng mga paputok.
“Hey,” sambit niya kay Iza. Niyakap siya nito. “ Miss na miss kita. Thank you dahil ayos ka lang!!”
“Mylene, welcome back!” bati sa kanya ni Kan at Zan.
“Thank you sa inyo guys! Sa effort niyo!” hindi na tinago ng dalawa ang relasyon nila sa maraming tao pati sa school.
Bumalik na rin si Mylene sa bahay nila. At ngayon, ang mga magulang niya, pati ang mga kapatid, ay busy'ng pinaglilingkuran si Mylene.
Ngayon, alam niyang hindi na ito panaginip.
Magkatabing nakatayo ang magkaibigan na sina Mylene at Miko sa rooftop.
“ Magkakilala pala kayo ni Mikaela?” tanong ni Mylene kay Miko.
“Oo, kababata ko siya. Mabuti siyang tao kaya nagulat ako sa ginawa niya sayo. Siguro, dahil sa sakit niya yun sa utak. Dinala siya ng mga magulang niya sa bahay ng mga may problema sa utak para magamot siya.. Ako na yung humingi ng tawad sa ginawa kaniyang ginawa niya sa iyo.
“She loves you, kaya nagawa niya yun. Walang rason para hindi ko siya patawarin. Besides, naging kaibigan ko rin siya, kahit ganun. Tsaka, pagod na ako, ilagay sa puso ko si galit. I want to live happily. Kakalimutan ko lahat ng mga hindi magandang nangyari.” humarap sa kanya si Mylene.
“You're amazing!” napangiti na lamang siya sa sinabi ni Miko.
Dahil sa maraming mga nangyari, na-miss ng dalawa na sina Mylene at Axelle na gumala.
Bumili ng ice cream ang dalawa. “Na-miss ko ang ganito nating bonding,” wika ni Mylene.
“Ako rin, pati ang paglalakad natin na magkasama.”
Nagkuwentuhan sila habang naglalakad pauwi. Hindi sila uuwi sa kani-kanilang bahay. Bagkus, doon sila magpapalipas ng gabi sa bagong biling apartment nila.
Oo, binili ni Axelle ang apartment, for their privacy.
“Talaga? Romance ang papanuurin nating pillikula ngayon?” nagtataka siya dahil gustong manood ng romance ang kanyang girlfriend.
Kinuha ko sa bulsa ang phone ko dahil may tumatawag.
Tinawagan ako ng daddy ni Axelle. Sinabi niya, pumanaw na si Axelle.
Gaya ng napapanood o nababasa nating love story, kapag may nangyaring masama sa bida nabibitawan ang dala nila, ganun din ang nangyari sa akin.
Bukod sa nabitawan ang mga dala ko ay naunahan pa ako ng isang Ale sa pag sakay sa taxi.
Kinuha ko sa bag, ang huling tulang sinulat ni Axelle, tinitigan ko ng may tumulong luha sa mga mata ko.
Hindi ko napigilang hindi umiyak dahil sa sobrang sakit. Sobrang sakit. Buti na lang ay may dalang akong black eye glass, sinoot ko iyon para hindi halata habang naghihintay ng masasakyan.
Tuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko, lalo ng nakita ko ang boyfriend ko na wala ng buhay, humagolgol ako sa pag-iyak.
Ayaw paawat ang mga luha, nag-uunahang lumabas.
Dama ang nararamdamang pighati na nais akong damayan.
Marami kaming pinagdaanan bago naging official ang relationship namin kaya sobrang nakakalungkot at sobrang sakit dahil ganito lang magiging wakas namin.
“Hindi ko matatanggap ito", sinisigaw ko rin sa loob ang pangalan niya. Humagolgol ako sa pag-iyak. Tuloy tuloy ang paglabas ng mga luha ko.
Isang linggo ang dumaan, bago siya nilibing dahil hindi rin tanggap ng pamilya ng boyfriend ko ang biglaang pagkawala niya.
Nauna silang umalis. Nagpaiwan ako, gusto kong sariwain ang mga alaala naming dalawa.
“Ayaw kong maniwala na wala ka na. Ayoko! Kung panaginip lang ito, gusto ko ng gumising.” ayaw papigil ng mga luha ko.
Sinabi ko ulit sa kanya ang naramdaman ko ng una kaming nagkita, unang pag uusap, unang pag tawa at unang naramdaman ko ng sinagot ko siya.
Naiisip ko ang mga alaala namin, lalo akong naiiyak. Sobrang sakit talaga. Hindi ko matanggap.
Masaya akong nakilala ka Axelle, masayang masaya ako. Ikaw lang ang lalakeng mamahalin ko. Ikaw lang!
Itong huling tulang sinulat mo ay aking iingatan at sisiguraduhin,
Nawala ka man pero itong tula na ito, hindi mawawala. Hindi mawawala ang natatanging alaala mo.
“Maraming salamat sa lahat lahat! Huhuhu. Maraming salamat sa pagamamahal mo. Maraming salamat!” Lalo pang humagolgol sa pag-iyak si Maylene.
Umiyak siya ng umiyak. Lalo siyang maiyak nang maisip wala na si Axelle. Can't believe na wala na siya.
“Huhu, Axelle..!!"
Four years later.
Nakatayo si Mylene habang tinitingnan ang kanyang unang painting na iginuhit.
Naka-display na ito, sa isang sikat na museum sa Pilipinas. Binili nila ng kalahating million kay Mylene.
Nagkaroon ng tatlong awards si Mylene dahil sa painting na ito. At naging simula rin sa pag-usbong ng kanyang career sa larangan ng pagguhit/pagpinta.
Sa ngayon, may sampung na-ipinta na siya. Lahat iyon, binili ng malaking presyo. Pati sa ibang bansa, gusto ang mga likha niya. Lahat ng likha niya, alaala iyon nila ni Axelle.
Multimillionaire na siya ngayon sa Pilipinas. Nakabili sila ng malaki at mamahaling bahay pati kotse. Bumili rin siya ng ilang properties, pati yung apartment, pinalipat niya sa pangalan niya.
Ayon sa kanya, balewala ang tagumpay na ito dahil wala si Axelle, wala ang taong pinakamamahal niya.
May tumabi sa kanyang mayamang matandang babe. Nakatitig sa painting, "Ang ganda diba?" sabi sa kanya ng babae.
"Oo. Pero mas maganda yung nais ipabatid ng painting."
"Oo, napanood ko yung paliwanag ng gumuhit niyan" Hindi niya makilala si Mylene dahil iba na ang hitsura nito kumpara noon. Tapos, may soot pa siyang black eye glass.
"The reason siguro kung bakit pinag-aagawan ang painting na yan, tapos patuloy tumataas ang presyo, hindi dahil sa guhit kundi sa nais ipabatid. Maraming nakakarelate, lalo na ako. Sa tuwing, tinitingnan ko ang painting na yan, naaalala ko ang namayapa kong husband." Tumingin si Mylene sa matanda. Nakita niya ang emosyon ng matanda.
"Ako rin, naaalala ko yung pumanaw kong boyfriend. Apat na taon ng lumipas ngunit sariwa pa rin ang sakit." may ilan pang pinagkwentuhan ang dalawa. Relate sila sa mga nangyari sa kanilang love life. Lalong nagulat ang matanda ng unti unti niyang makilala si Mylene.
Sobrang masaya siya dahil na-meet at nakipagkwentuhan sa gumuhit sa high demand na painting.
"Axelle, Hinding hindi kita makakalimutan, hinding hindi, dahil nakaguhit na ang pangalan mo pati na ang mga alaala natin sa puso ko. Mananatili ang mga alaala mo, sa puso ko, habambuhay." Malungkot siya nakatingin sa labas ng coffee shop. Kung saan ipinagtapat ng binata nag kaniyang nararamdaman sa dalaga.