Chapter 38
Kaya pala, parang iba yung iniisip niya nung mga nakaraan. Sa sinabi ni Allyson, naawa ako sa kanya. Maybe, tama sila.
Hannggang sa matapos ang game, nakatoon ang isip ko ngayon sa isang bagay, kung sasagutin ko ba ba si Axelle or hindi.
Kaya nga hindi ko namalayan ang pag-annouce ng nanalong team
Tinanong ko si Allyson. “Ang team ni Zan.” tiningnan ko ang score sa board, isang puntos lang ang lamang ng team nila Zan sa team nina Axelle.
Sinabi rin ni Allyson, isa si Axelle sa napili ng coach sa bagong team na makikipag compete next week to other school.
Kahit hindi man sila nanalo, masaya ako dahil kasali siya sa bagong team.
Nagpaalam na sa akin si Allyson. Bumaba siya para batiin si Axelle.
Lumapit sa akin ang dalawa kong kaibigan. “Tara na, baba na tayo!” hikayat sa akin ni Mikaela.
“Parang ayaw kong bumaba,” sabi ko sa kanila.
“Halika na!!” pinagtulungan nila akong binaba.
Sino ba ang una kong babatiin?
Lumapit sa akin si Zan. “Hey" kaway niya sa akin, kaya sa kanya akong unang lumapit.
“Congrats!” masayang bati ko sa kanya.
“Congrats guys!” bati ni Mikaela.
“Congrats lalo na sayo Jim!” kilig na sabi ni Iza sa crush niya.
“Thank you!"
Hindi rin nagpahuli ang bruhang Kan, niyakap niya si Zan. “Congrats Zan. Alam kong, kayo ang mananalo. Ang galing mo talaga. Gusto mo bang sumama sa akin sa france, doon natin ipagdiwang ang pagkapanalo mo."
Napatawa nalang ako sa sinabi ni Kan. Desperda ang babae na masolo si Zan.
“No thanks, gusto kong ipagdiwang dito kasama ang mga kaibigan ko!”
“Pwede naman natin silang isama, kaunti lang naman kayo, eh.” Hindi siya tumingin kina Mylene.
“No thanks nalang Kan. Mas gusto ko rito magdiwang," sagot ni Zan kay Kan.
Nakita kong badtrip ang bruha.
“ Paniguradong, malaking pagdidiwang ito. Saan ba gaganapin?”
Nabigla si Mylene sa pagsabat ni Axelle. “Sa mamahaling restaurant. Don't worry, treat ko dahil sa pagkasali ko sa bagong team.”
“ Oo. Sige na. Mamaya. Ano pang hinihintay natin?!” excited na sigaw ni Mikaela.
“O, kahit ngayon na,” sabat ni Iza.
“Paalam muna tayo kay Coach.” Tumingin kami kay coach.
“Okay. You can go. Sayang hindi ako makakasama sa inyo dahil may immediately business kasi ako eh ngayon. Enjoy nalang kayo!”
“Opo, coach!”
“Well. That's good. Okay, uuwi mo na ako para magbihis. I will wear a very beautiful expensive dress!” Tumingin ang bruha sa akin para inggitin ako.
“Bakit pasunsyo ba yung pupuntahan niya? Kahit magsoot pa siya ng gown, walang may pake!” bulong ko.
“You want na ihatid kita, Mylene?” napabalik ang bruha ng marinig ang sinabi sa akin ni Zan.
“Hay naku! Huwag mo na siyang ihatid, madumi siya. Ako nalang ihatid mo, wala akong driver, eh.” sabat ni Kan.
Ang sarap sapakin ng babaeng ito! Kahit kelan talaga, nakakainis siya!
Hindi pinasin ni Zan ang sinasabi ni Kan. He ignored her. “Ano Mylene, payag ka ba?”
“Wag na, tsaka, malayo rin yung bahay ninyo sa lugar ko,” pagdadahilan ko sa kaniya.
“Pwede naman tawagan ko nalang ang kasambahay namin para hatiran ako ng damit. Doon na ako sa bahay ninyo magbibihis.”
“Huwag na Zan. I don't want to bother you. Tsaka, may dadaanan din ako.” pagsinungaling ko para hindi niya na ako ihatid pa.
“Okay. It's up to you.”
“Ako nalang ihatid mo Zan. I need a driver! ” hindi pa rin siya pinansin.
“Just text us nalang ang address sa amin, Axelle.” Tinawag niya ang mga kaibigan at naglakad sila paalis. Nainis si Kan dahil hindi siya pinansin. Hinabol niya si Zan.
“Zan naman!!” hindi lumingon si Zan sa kaniyang pagtawag.
“Mylene, sumabay ka na sa akin. Ihatid na kita sa dadaanan mo,” alok ni Mikaela.
“Oo. Ihatid ka nalang namin,” sabat ni Iza.
“Wag na guys! Malayo at papasok yung dadaanan ko. Wag kayong mag-aalala sa akin. Kayong dalawa, umuwi na kayo para makapamili ng magandang susuutin!” iyan ang sabi ko sa kanila na nakangiti.
“Gusto ko talaga naming ihatid, eh!”
“Sige na. Umalis na kayo. Wag na kayong ano diyan.” Nagpaalam sila at nakikita ko na parang ayaw nilang umalis lalo na si Mikaela dahil gusto niya akong ihatid.
Hindi ko napansin, wala na si Axelle. Naglakad na ako palabas ng court.
Iniisip ko yung scholor ko, sana man lang matanggap ako. Ayaw kong iiwan ang mga kaibigan ko. Maganda pa naman yung ma-benefit ng isang kasali sa scholar.
Sa kakaisip ko habang nakayuko, bumulaga sa harap ko si Axelle. “Ay, kabayo!! Ano ba, nanggugulat ka naman, eh!!”
“Na-miss mo ba ako? Sabi sa akin ni Allyson, panay ang tingin mo sa akin. Masaya naman akong malaman na namimiss ka ng taong mahal mo. Kinilig naman ako,” nakikita ko yung inosenteng ngiti niya.
May kinuha sa bulsa si Mylene. Isang lumang papel, binigay niya ito kay Axelle. “What's this? Dito mo ba sinulat na mahal mo ako?” pagbibiro niya at curios siya kung anong nakasulat sa papel.
“Just open it at tingnan mo ang nilalaman.” excited siyang binuksan ito at tiningnan kung ano ang nakasulat.
“A poem? This is my last poem na sinulat. Saan mo ito nakita?”
“Yes, a poem. Doon yan sa apartment mo.”
Ang poem na ito ay tungkol sa masayang nangyari sa buhay ni Axelle. Binuod niya lahat ng good memories nangyari sa kanilang dalawa ni Mylene. Sinulat niya ito, bago ang third monthsary nilang dalawa.
Mahalag ang tula na ito kay Axelle. Naitapon niya lamang ito dahil sa galit.
Nang makita niya ang tula, naging emotional ang mukha niya. He keep it to his pocket.
Maya maya, kinuha niya sa bulsa niya at binigay kay Mylene. “Para talaga 'to sa 'yo. Ibibigay ko ito sayo nung third monthsary natin, as one of my special gift. Keep it!”
Tumingin siya kay Mylene. “Kapag sinagot ba kita as my boyfriend, hindi mo ba ako susukuan? Hindi mo ba ako iiwan? Ipaglalaban mo ba ako? Pipiliin mo ba ako?”
Ngumiti si Axelle. “Oo. Hindi kita susukuan, hindi kita iiwan, pipiliin kita araw-araw, ipaglalaban kita. Mamahalin kita. Hindi kita sasaktan.”
“Okay. Ask me, as your girlfriend.”
Umayos ng tayo si Axelle. Ang position nita ay parang nagpropose. “Mylene Gomez, can you be my girlfriend? my buddy? my partner? Can you be my wife?”
“Wife ka diyan!" Ngiti niyang banggit.
“Sige na, answer my question! ”
“Oo na, Yes. I want you to be as my boyfriend.” Niyakap siya ni Axelle. Sa tuwa ay kinarga niya si Mylene.
“Hoy, baba mo nga ako, nakakahiya!”
“Wag ka na mahiya diyan. Hayaan mo nalang ako. Masaya lang ako, sobra! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Masayang masaya ako Mylene!” napaiyak pa si Axelle.
“Umiyak ka?” tinanong sa kaniya ni Mylene.
“Tears of joy lang ito. Sobrang saya ko lang ngayon. Finally, tayo na ulit.”
Nasa likod pala namin si Allyson. “Congrats!!” bati niya sa aming dalawa.
“Thank you!”
“Maiwan ko muna kayo dahil may date rin ako. Enjoy kayo ha!”
“Ang bait niya talaga. Komportable ako sa kanya.”
“Yes, mabait na tao siya.” humarap sa akin si Axelle. “Wait, bakit ka pala nandon sa apartment? Totoo bang narinig ko, about sa pag-alis mo sa inyo? Ano ba nangyari?”
“They lied to me. Tuloy, nasaktan kita sa mga kasinungalingan. Ayaw ko ng magtiis sa kanila at magmakaawa sa pagmamahal nila. I'm tired!” malungkot kong kuwento sa kaniya.
“Naintindihan kita.” May kinuhang bagay si Axelle sa bag niya.
He give me a certificate, tungkol iyon sa scholar ko.
“Para hindi ka na lumipat, ayaw kong magkahiwalay ulit tayo.”
“Lilipat lang naman ako, hindi naman tayo maghihiwalay.”
“Naisingit mo pa talaga ang pamimilospo na yan.” Ngumiti siya sa sinabi ni Axelle.
“Ayaw kong mapalayo sayo. Ayaw kong mabawasan ang oras kahit minuto na hindi kita kasama, hindi kita nakikita. Mahal kita! Tsaka, don't worry sa pangangailangan mo dahil ako magpo-provide non.”
“Ano ka ba. Kaya kong suportahan ang sarili ko.” hindi mo pagsang-ayon sa kaniyang sinabi.
“Husband mo na ako ngayon kaya responsabilidad na kita. Happy akong tulungan ka!”
Napangiti ako sa sinabi niyang “Husband mo na ako.”
“Axelle, appreciate ko yung concern mo. Ayaw kong umasa sayo. Ang gagawin ko ay babalik ako sa trabaho ko sa karenderya.”
“Wag na kasi. Nandito naman ako, kaya kitang suportahan, kahit ang luho mo. Let me.”
“No!”
“Ayaw kong mapuyat ka ulit. Ayaw kong mapagod ka ng husto.” pagbibigay na dahilan ni Mylene.
Nakita niyang hindi sang-ayon si Mylene. “Okay. Papayagan kita magtrabaho pero isang trabaho lang. Doon sa dating pinagtatrabahuan mong karenderya. Mas safe ka roon. Kapag hindi ka papayag, hindi rin ako papayag. Ganun kita ka-mahal. Iingatan kita.”
“Na-touch naman ako. Okay, deal!” Naglakad na sila palabas ng gate. Magkahawak ang kanilang kamay.
“Pwede bang huwag na lang tayong pumunta sa selebrasyon. Magdate nalang tayo," wika ni Axelle habang inaakbayan ang girlfriend.
“Wag kang ano diya. Tsaka, kasama sa pagdiriwang, yung pagkasali mo sa team.”
“Nextweek na yung competition. I need to practice more to improve yung galing ko sa pagbasketball. Kahit hindi kami manalo, dapat mas marami yung points ko kay Zan.”
“Why you always look to him as competitor?”
“Parang hinahamon niya ako eh, tsaka competitive akong tao. Ayaw kong magpatalo, lalo na pagdating sayo, kaya nga naghired ako ng magaling at expert na player sa basketball para gumaling ako sa basketball. Ilang araw lang, malaki yung improvement ko,” pagyayabang ni Axelle.
“Oo nga, eh! Nagulat ako dahil bigla kang gumaling sa basketball pati yung the way ka magshoot ng bola.”
“Para walang mapintas sa akin yung Zan na yun. Pwede bang huwag mo ng ituloy ang date mo sa kanya? Nagseselos ako, eh!”
“Promise yun. Kailangan kong tuparin yun para may isang salita ako.”
“Nagseselos ako, eh!”
“Ito nalang, para hindi mo na laging iisipin ang date namin, i-mo-move ko nalang bukas ng gabi para matapos na yung kase-selos mo.”
“Obviously naman, wala akong magagawa.”
“Wag ka ng malungkot.” Ginugulo niya yung buhok ni Axelle.
“Ang cute mo sa mukha mo na yan,!” sabi ko sa kaniya.
Nandito ako sa loob ng aking kwarto. Nagsusukat ako ng damit. Ayos na ito, hindi naman party ng mayaman ang dadaluhan ko. Wala akong pakialam kung magustuhan nila ang damit ko or hindi
Axelle, insisted, na sunduin ako rito sa apartment dahil gusto niya rin makita ang apartment na dati niyang tirahan.
Umupo ako sa aking munting higaan. Tumingin ako sa malaking salamin.
“Dapat hindi ako magsisisi na pinili ko siya. Sasabay nalang ako sa daloy ng buhay. Wala na akong pakialam sa mga mangyayaring hahadlang sa relationship naming dalawa. Wala na akong pakialam sa parents niya. I'm tired of running and escaping from negativity. For once ngayon, gusto kong subukan lumaban na hindi sumusuko. Gusto kong magpakatatag.
Alam kong hindi ako nag-iisa. May kasama ako, si Axelle. Hindi ko na siya susukuan. Babawi ako sa kanya. Ipapakita ko rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Pinakita niya sa akin, magpahanggang ngayon, ang pagmamahal na totoo.
Lagi kong binabalewala ang pagmamahal niya pero ngayon ay hindi na. Pareho naming susuklian ang bawat pagmamahal namin sa isa't isa. Pareho naming pahahalagahan ang mga araw na magkasama kaming dalawa. I will be a good girlfriend to him, as he is, also, a good boyfriend to me.
Ngayon ay masaya ako. Masayang masaya ako.
Narinig ko ang boses ni Axelle kaya ako ay lumabas ng kwarto para pagbuksan siya.
Tiningna niya ako, mula paa hanggang mukha. “Bakit may mali ba sa hitsura ko?” curious na tanong ko sa kanya.
“No. You look so beautiful! As always.” She look at me while smiling.
“Sanay na akong binabati ng ibang tao na maganda ako. Alam kong maganda ako.” pabiro ko sa kaniya.
“Well, I agree. Araw araw kang maganda!” ngumiti kaminsa isa't isa sa kaniyang sinabi.
“Tama na ngayang ka-sweetan mo diyan. Buti nalang ay walang masyadong langgam dito,” pagbibiro ko. Pareho kaming tumawa.
“Okay. Let's go!”
“Wait.” Tiningnan niya ang paligid ng apartment.
“I missed this place. Parang bumalik yung memories nating dalawa.” Tumingin siya sa akin. “Lipat nalang kaya ako rito.”
“Pagtatiyagaan mo ito? May malaking condo ka naman, may aircon pa. Maganda at maayos yun kesa rito.”
“Mas gusto ko rito. Kung nasaan ka ay dapat naroon ako para mabantayan at maprotektahan kita!”
“Asuss, tara na nga, baka ma-late pa tayo!” Hinalikan niya ako sa pisngi ko, sabay takbo.
“Ikaw talaga!” Nakangiti kong sigaw.
“Hintayin mo nga ako! Axelle!” Humarap siya sa akin, tumakbo habang nakangiti. Nagulat na lamang ako dahil kinarga niya ako. Iniikot niya ako habang tumatawa.
“Ano ba! Ibaba mo na ako!”