Chapter 36

“Sinabi ko sayo, dahan dahan. Akin na, ihipan ko.”

Pinapanood niya si Axelle habang hinihipan ang pagkaing kakainin niya. Nakangiti siyang tinitigan ang binata.

“Ikaw kasi eh, lagi kang nagmamadali.”

Nawala siya sa malay kaya nabanggit niya ang words na, “Ang cute mo pala!” tumingin sa kanya si Axelle. “Totoo ba yung narinig ko, tinawag mo akong cute? Ikaw ha!" Ngiti niyang tingin sa binata.

“Ha? Ang ibig kong sabihin, ang cute ng pag-ihip mo para kang cartoon. I love cartoons!” palusot ni Mylene.

“Nagpapalusot ka pa.” inabot niya kay Mylene ang isaw.

“Ano? May dumi ba sa mukha ko? Bakit ka nakatingin sa akin?” pagtataray niyang tanong kay Axelle.

“Bakit may batas na ba ngayon na nagbabawal titigan ang isang tao?”

“Pilosopo? Wag nga, hindi ako makapag concentrate rito!”

“Atlas, you admitted na hindi ka makapag concentrate dahil sa poging mukha na ito!” ngiting asar sa dalaga.

“Ang taas talaga ng tiwala mo sa sarili mo, eh noh!”

“Oo dahil yun ang dumadagdag ng kapogian ko!”

“ Im wondering saan ka kaya kumukuha ng unlimited na confident?”

“Limitless ang confident mo!”

“Talagang lang. Sige nga, ipagsigawan mo nga ng tatlong beses diyaan sa harap, yung ayaw mong nililihim mo, yung ayaw mong may makaalam sa secret mo.” Tumayo si Axeele.

“Seryoso?”

He followed what Mylene said to him. Ngumiti siya kay Mylene bago sumigaw ng kaniyang ayaw malaman ng dalaga.

Napatayo si Mylene sa sinisigaw ni Axelle kaya lumapit siya para pigilan ito.

“I love you, Mylene!!!” iyon ang sinisigaw ni Axelle. Kahit tatlong beses na, ipinagpatuloy pa rin sa pagsisigaw. Tumingin sa kanila ang maraming tao.

“Ano ba, Axelle!! Stop it!! Stop!!” Hinila niya ang binata papunta sa upuan nila.

Pinipigilan niya ang bibig nito dahil sigaw pa rin ng sigaw. That is the reason kung bakit natapilok siya

Napahawak siya sa harap na damit ni Axelle kaya pareho silang natumba.

The funny thing is, nagkahalikan sila. Ngumiti naman si Axelle habang gulat na gulat naman si Mylene.

Bakit ba laging nahahlikan akong ng kutong lupang ito? Bakit lagi sa lips? Higitb sa lahat, bakit lagi in public?

Feeling niya nanigas ang katawan niya. Habang tumatagal sa posisyon nila, naaalala niya ang dati. Naaalala niya ang unang unexpected na pagki-kiss nila. Naaalala ang malambot na labi ng binata, ang pabango niya na hindi nakakaumay amoyin. The truth is, he loves it. Gusto ng ilong niyang amoyin ang pabango na yun.

Unti unti niyang napansin ang mga taong nasa paligid nila. Tinulak niya si Axelle. Mabilis siyang tumayo.

“Ano bang kahihiyang ito?! Another hilarious na nangyari sa buhay ko!”

“Miss ang sweet niyo naman ng karelasyon mo!” sabi ng isang binatilyong walang ngipin.

“Oo nga. Parang nanonood lang kami ng romance.”

“Pwede ulitun niyo.” pagbibiro ng isang mama.

Tuwang tuwa naman si Axelle sa mga comment ng mga tao roon. Ngayon, nakakuha siya ng malaking puntos.

Kinuha ni Mylene ang bag sa table, nagmamadali siyang umalis sa lugar na yun. “Ayaw ko ng bumalik sa lugar na ito. Kahit ito yung lugar na may masasarap na nagbebenta ng street foods. Hindi na ako babalik dito!!!” inis na sigaw niya. Aaw niya ng bumaik dahil nahihiya siya sa nangyari.

“Hey! Hintayin mo ako!”

“Hintayin mo, mukha mo!! This is your fault!” bulyaw niya kay Axelle.

“You always blaming me!!”

“Sinong gusto mong sisihin ko? Ha?!”

“Hindi naman yun nakakahiya yung nangyari kanina.”

Nang marinig ni Mylene ang sinabi niya, humarap siya sa binata. Sa inis, kinuha niya yung ilang bottle sa daanan at binato kay Axelle.

“Hey, Stop it?”

“Wag mong itulad sa iyo na sobrang kapal ng pagmumukha mo!” sigaw niya habang binabato ang plastic na bottle kay Axelle.

“Okay. Fine. Sorry na! Sorry sa ginawa ko kanina.” Huminto sa pagbabato si Mylene. Naglakad siya paalis. Tumakbo si Axelle upang makasabay sa dalaga.

“Masarap ba ang halik ko? Gaya ng dati,” sa sinabi niya, tiningnan siya ni Mylene ng hindi maganda.

“Just kidding.” Pumunta siya sa harap ni Mylene. “Para mawala na yang ganyang expression ng mukha mo. Idadala nalang kita sa lugar na makakarelax ka.”

“Ayaw ko nga, baka kung ano na naman yan.”

“Huwag kang mag-aalala, this is not a prank or something not nice. Surely makaka-relax ka sa place na yun.”

“Fine. Siguraduhin mo lang na hindi mo na naman ako pinagtitripan.”

“Promise.” Ngiti niya kay Mylene.

Pumunta ang dalawa sa isa sa isang malaking yate. Sa katunaya, si Axelle ang may-ari ng yate. Ito ay regalo ng mga magulang sa kanya nung nakaraang nagbirthday siya.

Hinawakan niya ang kamay ni Mylene habang naglalakad sa pinakagitna ng yate.

“First time kong makasakay nito. Masaya ako dahil, sa wakas, nakaapak na ako sa yateng isa sa pinapangarap ko noon.” Umikot si Mylene. Tiningnan niya ang paligid.

Lumapit siya sa gilid para lumanghap ng sariwang hangin. Pinikit niya ang nga mata niya“ I liked this kind of my feelings right now, I feel free from stress, I'm really happy.” Bigla siyang nagulat dahil nagsilabasan sa itaas ang fire works na hinanda ni Axelle. Napasigaw siya sa saya. Iba-iba ang kulay ang lumalabas kaya lalong kumulay ang gabing iyon para sa kanila.

“This is a very good and great night!”

“Masaya ka ba sa sorpresa ko?”

“Yes. I'm very happy right now!”

“Pwede ba kitang maisayaw?” Binigay niya ang kamay kay Axelle.

“Seeing you smile it makes me feel more better. That is what I want for you, dapat palagi kang maging masaya.”

“It's weird. I mean, it's weird for me right now, hearing your sweet voice.”

“Ganito naman talaga kapag nanliligaw diba? Dapat sweet para sagutin sila ng nililigawan nila. But in my case, bakit hindi mo pa ako sinasagot. I want you to be my girlfriend once again. I really miss you. I miss my mahal ko. Please say yes and comeback to me!”

Pakiramdam ko ngayon. Bumabalik ang feelings ko sa kanya. Hindi naman talaga nawala ang feelings ko sa kanya. I just keep it, para sa katahimikan. Pero sa patuloy na pinapakita niyang nararamdaman, bumabalik at lumalabas ang dating nakatagong nararamdaman ko sa kanya.

I'm in love again to him. And I cannot stop it what I feel to him. Kapag patuloy siyang ganito baka hindi ko kayanin.

“Axelle. Pwedeng magkaibigan nalang tayo. Masaya naman tayo bilang magkaibigan diba? I mean, hindi naman natin kailangan maging magkarelasyon para lang mag-usap tayo o magkaroon tayo ng komunikasyon. We can be friends at anytime, we can chat each other at anytime and anywhere. Can we be friends nalang?”

Bigla niya akong niyakap. “Pero gusto ko yung malalim na relasyon natin, not just being your friend or just be a friend, I want to be your boyfriend. Malaya akong ipagsigawan in public na mahal kita, na girlfriend kita. Please be my girlfriend?”

“I'm sorry.”

Hinimas himas ko ang likod niya.

“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi tayo pwede dahil sa katayuan natin sa buhay. Ayaw ko na ng gulo. Langit at lupa ang pagitan natin. Hindi kayang abutin ng lupa ang langit. Hindi kita kayang abutin.”

Tumingin siya sa akin, “Bababa ako para maabot mo ako. Kaya kong isuko ang yaman ko para sayo. Pipiliin kita dahil mahal kita. Simula nang makilala kita Mylene, hindi na naging mahalaga sa akin ang pera, ang yaman ko. Dahil ikaw ang pinakamahalagang kayamanan ko Mylene.” Tinulak ko siya ng dahan dahan. Naglakad ako palabas ng yate. Malungkot ang boses ko ng nagsalita ako.

“Sorry, I'm really sorry! Alis na ako. Kita nalang tayo sa school. Huwag mo na akong ihatid. Magpapasundo nalang ako kay papa." Malungkot akong umalis sa yate.

Tumalikod ako para tingnan siya. I saw him sitting on the back in the side of yatch. Nakayuko siya habang nakalagay ang dalawang kamay sa ulo niya.

Axelle. Kung alam mo lang din kung gaano ako kalungkot right now.

I lied to him na may susundo sa akin. Ginawa ko yun para hindi niya na ako ihatid pa.

“Nandito na po ako!” pumasok ako ng pinto. Nakita kong walang tao sa sala.

Narinig kong may nag-uusap sa kusina kaya pumunta ako. Sina mama at papa ang nag-uusap, babatiin ko sana sila ng marinig ko ang pinag-uusapan nila, na-shock ako sa narinig.

“Totoo ba yung nakita mo kanina, magkasama sina Axelle at Mylene?”

“Oo.”

“Naku, hindi maganda 'to, kapag nalaman ng parents ni Axelle. Gulo na naman ito.”

“Oo. Tsaka baka bawiin sa atin ang perang rewards nila sa atin.”

“Hindi mangyayari iyon. Hindi naman alam natin nagkikita sila hanggang ngayon. Tsaka, hindi rin alam natin na doon pumapasok si Axelle sa pinapasukan na school ni Mylene.”

“ Hindi ito pwede mangyari. Dapat hindi mapunta lang sa wala ang ginawa ko. Yung pagpapanggap natin sa pangatlo nating anak na babae na may malala siyang sakit para mapilitan 'tong si Mylene, hiwalayan si Axelle para bayaran tayo ni Mrs Maldrid.”

“Tsaka yung isang ginawa mo pa.”

“Wag mo ng ipaalala yun.”

Nakita kong papunta sa sala sila kaya nagpretend akong nakaupo sa sofa.

Nakita ko ang reaksiyon nila ng makita ako.

“Parang nakakita kayo ng multo, ah!”

“Kasi naman anak ang tahimik mo diyan,” palusot ng mama ni Mylene.

“Oo anak. Nandiyan ka na pala. May sasabihin pala kami ng mama mo.”

“Hulaan ko, ililipat niyo ako ng school dahil nandon din nag-aaral si Axelle,” inunahan ko na silang sabihin iyon.

“Ah, si Axelle, doon din pala siya nag-aaral? Hindi namin alam,” wika ng mama niya, pakitang inosente ang mukha niya

“Tsaka, totoo ba na, pinagpanggap niyong may malalang sakit ang pangatlo kong kapatid para mapilitan akong hiwalayan si Axelle? Totoo ba yun?”

Nagulat sila sa tanong ko. Ilang segundo bago sila sumagot ng pautal-utal. “Kasi naman anak, ano. Totoo naman may sakit ang kapatid mo.”

“Pero pinalabas niyong malala.” Tumayo ako at nagsalita, “ Pwede niyo naman sabihin sa akin ma, pa, na kailangan natin ng pera na hindi na dapat may masaktan pa sa mga kasinungalingan, kaya ko naman ibigay sa inyo ang sahod ko, ang buo kong sahod, pwede naman na huminto ako sa pag-aaral at magtrabaho nalang para tustusan ang pangangailangan ninyo, ang pagpapagamot ng kapatid ko. Dahil sa kasinungalingan na yan, may nasaktan!! May nagsuffered!!” hindi ko na mapigilan sumigaw. I can't control my emotions kaya naging emotional ako. All this time, they lied to me.

“Anak. Tumataas na ang boses mo. Tandaan mo, magulang mo pa rin kami," wika ng papa niya.

“Oo nga, yun lang magagalit ka na, hindi naman yun big deal, ha!”

“Oo nga? Yun lang magagalit ka na? Hindi naman yun big deal? Talaga ma? pa? Tanong ko lang po. Ampon ba ako? Ampon po ba ako? Dahil simula bata magpahanggang ngayon, yun yung nararamdaman ko.

Baka hindi ako tunay na anak ninyo kaya pinapahirapan niyo ako, kaya wala kayong pakialam sa akin. Alam niyo bang, pagod na ako. Pagod na pagod na ako ma, pa. Pagod na pagod na ako!” Naiiyak na ako.

“ Anak. Kalimutan nalang natin 'to. Masaya naman tayo diba ngayon? kalimutan nalang natin ang mga nangyari. Magsisimula tayo diba, ng panibagong magandang memories?”

“Kaya ko yun ma. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa inyo, natatakot ako sa mga kasinungalingan ninyo. Kaya niyo akong ipagpalit sa pera.

Paalala ko ma, pa, anak niyo ko. Hindi ako kung sino sino lang. I'm your daughter. Gusto ko malaman, ano ang ibang tinatago niyo sa akin? Narinig ko yun kanina, mas malala ba yun, ha?”

“Anak..” lalapitan sana nila ako ngunit ako ay umatras.

“Natatakot na ako sa inyo!” Pinunasan ko ang mga luha. Umakyat ako sa itaas para kunin ang mga gamit ko.

Lahat ng damit ko nilagay ko sa maleta pati lahat ng gamit ko.

Sinalubong nila ako sa pintuan. “Anak, saan ka pupunta? Please! Huwag mong gawin ito.”

“Sorry. Parang hindi ko kayang magpretend na walang nangyari. Tsaka, pagod na rin ako, eh. At wag kayo mag-aalala kaya ko ang sarili ko. Just pretend gaya ng dati, wala kayong pakialam sa akin.” Umalis ako ng bahay namin.

Hindi ko nakitang sumunod sila dahil tama naman ako. Bata pa lang, they ignored me. Pinabayaan nila akong lumaking mag-isa sa deskarte sa outside world kaya alam kong kaya ko ito

Doon ako nangupahan sa nirentahan dati ni Axelle. Pasalamat ako dahil yun pa rin ang may-ari at ganun pa rin ang price ng apartment.

Medyo inamag na siya. Matagal na rin kasing napabayaan. Nilagay ko muna ang mga gamit sa gilid.