Chapter 32

“We told freny!! na may gusto sayo si Zan. Siya na mismo nagsabi sayo na pumunta ka. Mark that time na unavailable sa schedule mo para wala kang ibang pupuntahan,” singit ni Mikaela.

“Ang haba talaga ng hair mo. Edi, ikaw na ang maganda!” Iza hug her.

Nagulat na lamang kami sa narinig naming boses. Umupo kami ng maayos dahil dumating na ang titser namin.

Siya si Mr. Chinyo. Sabi nila may lahing chinese siya, parang halata naman sa mukha niya, hugis ang mukha niya ay chinese. Wala na siya masyadong buhok sa ulo. Siguro sa stress. Lagi siyang parang galit, stress.

Sabi ni Iza na sabi nila, simula magturo yan dito sa school, wala pang nakakitang tumawa yan or ngumiti. Laging seryoso ang mukha niya kaya nga natatakot ang mga istudyante sa kanya kaya pumapasok sila ng maaga para hindi mabigyan ng punishment.

“Okay. First reporter, pumunta agad dito sa harap. Habang dinidikit sa white board ang manila paper ninyo. Mag-umpisa ng magsalita ang speaker ng grupo ninyo to explain your report. Faster! Marami pang magrereport!” Nakita kong parang naginginig sa takot ang first group lalo na yung speaker nila.

Buti nalang huli kaming magrereport. Tsaka, buti nalang hindi ako ang speaker. Hahaha..

Araw araw itong nagpapa-report si mr Chinyo. I mean, kapag natapos na ang lahat makapagreport, magbibigay ulit siya ng ire-report.

Favorite subject niya ata ang pagrereport. Eh, pati kami gusto niyang maging favorite rin namin ang pagre-report.

In my side, wala naman problema sa akin gaya ng mga pagre-report kahit ako pa yung speaker.

Lahat ata ng mga subject teacher namin, masasabi kong terror. Grabe sila sa mga assignments, quizzes, oral, report at ilan pang mga maraming bagay.

Ang buhay istudyante para sa mga tamad ay nakakapagod pero sa aming mga masisipag ay challenging.

May isa pang subject teacher namin na mahilig sa mga groupings na palaro.

Ito na nga nasa grupo ko si Axelle pati si bruhang kan na ito. Buti nalang nandito si Zan para hindi ko naman akuhin lahat ng pagpoproblema ng dalawang ito.

Sa subject teacher namin na si Mrs. Loida, laging apat na miyembro sa isang grupo. Araw araw may palaro rin siya. Araw araw din nagkakaroon ng groupings. Dagdag pa, sa apat na miyembro, kailangan dalawang lalake at dalawang babae kaya nga ayaw ko sa larong ito lalo na kapag si Axelle ay nasa grupo ko. First time kong maka-grupo siya ngayon!

“Ang gagawin niyo ay kailangan mailagay sa kahon na ito ang ibibigay ko mamaya na papel na puso. Paramihan ng ilalagay sa loob ng isang minuto.

Babae ang maglalagay ng heart na papel sa kahon habang karga siyang lalake.”

“Ano?!!” sigaw ko sa isip ko.

“Ang tawag sa larong ito. Bride holding the heart!”

“Korne naman 'tong si Ma'am. Paniguradong in love siya. Puro pag-ibig ang tema sa mga naging laro namin.”

“Ang grupo nina Mylene, Axelle, Zan at Kan ang unang maglalaro.”

Tiningnan ako ng masama ni Kan na tila hindi nasisiyahan na ako ay parte ng grupo.

“Manigas ka diyan sa inis! Wether you like or not, kagrupo mo ako. Akala mo siguro masaya ako na maging kagrupo kita. Really?!”

Kaming apat ay pumunta na kami sa harap. “Galingan natin, Mylene!” nakangiting cheer up ni Zan sa akin.

“Oo,” ngiti ko namang sagot sa kanya.

Sa inggit ng bruha ay pumagitna siya sa amin ni Zan. Ngayon ay katabi ko na siya. Tinulak niya pa ako gamit ang bewang niya kaya napaakbay ako sa balikat ni Axelle. Natuwa naman ang loko sa posisyon namin.

Mabilis akong umalis tsaka umayos akong tumayo. “Ikaw ha, in public talaga!” ngiting pang-aasar niya.

I ignored him, bahala siya kung ano ang isipin niya.

I don't notice na nakaakbay siya sa akin, biglang kong tinanggal ang kamay niya, sabay tulak.

“Please! Umayos ka nga diyan!” mahinang bulyaw ko sa kanya.

“Eh, ikaw kasi unang nagpapapansin, ngayong pinapansin na kita, ganyan ang trato mo sa akin!” pamimilosopo niya.

Nagsalita ang teacher namin,

“Tigilan niyo na yang kaharutan ninyong dalawa!” Buti nalang walang minensyon na pangalan si ma'am.

Ito naman kasing lalaking ito napakaharot. Bawat kilos nalang. Bakit kasi naging part pa ito ng grupo.

Tanggap ko itong bruha na ito kahit we don't like each other pero siya, maging part ng grupo? Baka kung anong kalokohan pa ang gagawin nito. I hope wala.

“Okay guys, you have one minute to play the game. More na heart na mailagay sa box, that will be good. Okay. Pumwesto na, umayos na kayo sa posisyon ninyo!”

“Nagdadalawang isip ako. Bakit ba kasi!!” Pagrereklamo ko.

Ayaw ko man kausapin si Kan but I have no choice to beg her na makipagpalit ng partner. As I expected, she will refuse. Kaya ang ginawa ko, nang marinig ko ang sigaw ng titser namin na ready, bigla akong nakipagpalit ng posisyon kay Kan. Ngumiti ako kay Zan at sinabing tara na. Masaya siyang binuhat ako.

Galit na galit si Kan sa ginawa ni Mylene pero wala na siyang magagawa dahil naroon na ang dalawa sa harap.

Nainis din si Axelle sa ginawa ni Mylene.

“I can't believe what you've done, you are so naughty talaga! Pinili niya yung dambuhala na yun?!" inis na bulong niya.

“Dati si Miko ang kakompetensiya ko, tapos ngayon ang dambuhalang ito. Bakit ba hindi ako nilulubayan ng kakompetensiya na yan!”

Binuhat niya si Kan. Humabol sila sa dalawa. Binilisan ng grupo nila para makarami ng heart na mailagay sa box.

Natuwa pa rin si Mylene kahit naka second placer lang ang grupo nila. Points ang rewards nila, parang quiz na rin.

“Ano bang matutunan natin sa quiz na ito?" bulong ng isa nilang ka-klase.

Bumalik na ako sa mga kaibigan ko, nakikita ko pa rin ang inis ni Axelle sa ginawa ko lalo na si Kan.

Hindi niya napigilan ang sarili, Hindi ko napansin nasa likod siya. Hinatak niya ang buhok ko.

“Freny!!” sigaw ng dalawa kong kaibigan. Nais man nilang tumulong ngunit humarang ang dalawang kaibigan ni Kan.

“Umalis kayo sa dadaanan naming mga bulate kayo!" sigaw sa kanila ni Mikaela.

“Ha. ha. ha.”

“How dare you to call us like that!”

Lumapit ang dalawa kina Iza at Mikaela, nagsabunutan sila.

Nagdadalawang isip si Iza kung makipagsabunutan din siya. She scared but seeing her friends in trouble. “Kailangan nila ang tulong ko.” Nilakasan niya ang loob. Sinalubong niya ang pagsugod ng dalawa.

“Mga witches talaga ang grupo ninyo. Mga bruha kayo! Why you always ruin our day, as always, mga kulang kayo sa pansin. Loner siguro kayo kaya kailangan niyo lagi ng atensiyon,” lakas ng loob na sabi sa kanila ni Iza.

“Loner? Kayo ang loner at loser!!”

Ngumiti lang si Axelle habang pinapanood nagsasabunutan sina Mylene at Kan. “Malas niya dahil higit pa sa lalake ang binubully niya. Akala niya siguro aatrasan siya ni Mylene.”

Inawat ni Zan ang dalawa. “Guys! Please stop this!”

“Ikaw nakakainis ka ng babae ka! Lahat talaga ay aagawin mo! Ganun ka ba kagahaman!” Kahit pinaghiwalay na sila ni Zan, sumusugod pa rin siya.

“Wag kang magpatawa. Walang inaagaw sayo. Assuming ka lang talaga!!”

“ Assuming pala, ha.” kumawala siya sa pagkakahawak ni Zan. Sinugod niya si Mylene.

Nagsabunutan sila ng buhok. Sinira ni Mylene ang ayos ng buhok niya.

Pareho na sila nakahiga sa sahig. Nagtulungan na ang mga lalake para maawat sila.

Ganun pa rin ang ayos ni Axelle. Nakapanood lang siya sa bakbakan ng dalawa habang kumakain.

Si Jim naman nakaprotekta kay Iza kaya siya lagi ang nabobogbog.

Tumingin siya kay Iza na parang hindi nasasaktan, purely and sincerely smile.

Tumigil sila sa rambulan nang teacher na mismo ang umawat upang tumigil na ang kanilang kaguluhan.

“Sino ang source ng kaguluhan na ito?!" Malakas na bulyaw galing sa next subject teacher nila.

“So, kayo palang dalawa, ms Gomez and you Kan?! Malaki pa naman ang expectation ko sa inyo!”

“Ma'am, fault ni Mylene ang nangyari. All of this. Kasalanan niya lahat ng kaguluhan na ito. Siya ang dapat managot!”

“Talaga?! Eh, ikaw nga itong unang sumugod sa akin, eh! Sinungaling ka talagang babae ka!”

“Ikaw ang sinungaling. Reyna ka talaga ng kaguluhan!”

“Ikaw naman, bruha ka ng kaguluhan!”

“Enough!!” sigaw ng subject teacher nila. Napatahimik ang dalawa.

“Okay. Dahil pareho kayong sinungaling. I mean, walang umaamin sa totoong dahilan ng gulong ito.”

“Ma'am, believe me, siya ang nagsimula ng kaguluhan na ito.”

“Matamaan ka sana ng kidlat sa kasinungalingan mong babae ka!”

“Oh dear, takot ang kidlat sa akin.”

“Yes, obviously, sino naman hindi matatakot sa mukha mo.”

“Enough!! wala talaga kayong respeto, ayaw niyo talagang umawat sa bangayan ninyo dalawa, ha?! Seriously kahit nasa harap ako?! Ha?!”

“Sorry, ma'am!” hingi kong tawad sa kanya.

Ayaw magpatalo si Kan. “Ma'am, I'm really really sorry for being a bad student. I promise, this is the last time you saw me to fight with other student. Sorry talaga ma'am !” May payuko yuko pa siya.

“Ayaw mo patalo talaga kahit sa ganito. Madrama ka pa. Watch my good drama!” bulong ni Mylene.

Kinuha ni Mylene ang kamay ng kanilang subject teacher. “Ma'am, kung hindi pa sapat ang sorry, tatanggapin ko, any punishment na ibibigay mo sa akin para lang mapatunayan ko sa inyo na sincere ako sa paghingi ko ng tawad.” Paawa effect ang mukha niya para lalong maawa ang subject teacher nila.

Lumapit si Kan sa kanilang dalawa. “Inggetera ka talaga, kahit talaga sa ganito, seriously?!”

“Ano bang ginawa ko ha?!" Pa-inosente kong pamimilosopo sa kanya para lalo siyang mainis.

“Tama na yan!! Ang kukulit ninyo talaga. Ayaw niyo talagang huminto. Ayaw ko ng pahabain ang usapan na ito. Okay. Hindi ko kayo ipapa-guidance, palalagpasin ko ang mga nangyari ngayon,” ngumiti ang dalawa sa narinig nila sa subject teacher.

“Pero, para magtanda kayo, mamayang uwian bago kayo lalabas ng gate, pumunta kayo sa auditorium at maglinis kayo doon dahil bukas gagamitin ang room na iyon. Understand?!”

“Ma'am, puwede ba sa next day nalang, manonood kasi kami ng laro sa court," singit ni Kan.

“Sa akin ma'am, ayos lang po.”

“Mabuti naman, Mylene.” ngumiti siya sa akin.

“ I forgot pala ma'am, parang nawalan na akong ganang manood kaya ayos lang din sa akin,” pa-epal na sabati ni Kan.

“Okay. May nakatagong cctv doon kaya makikita ko kung mag-aaway kayo, ulit. Tandaan ninyo, gagamitin yun bukas kaya siguraduhin ninyong malinis iyon. Naintindihan ninyong dalawa?”

“Opo.”

“Okay. Bumalik na kayo sa kanya-kanya ninyong upuan. Kayo talagang mga bata kayo, naubos ninyo ang oras ko sa pagse-sermon sa inyo.”

“Freny, ayos lang sayo hindi ka makakapanood sa rematch?!” malungkot na tanong ni Mikaela sa kaniya.

“I have no choice. Tsaka, marami pa namang rematch na magaganap.

“We take video nalang para kahit papaano, mapanood mo,” wika ni Iza.

“Oo nga,” sang-ayon ni Mikaela.

Tumango lang ako sa kanila.

Naglakadlakad ako papunta ng auditorium ng biglang sumulpot si Axelle.

“Gusto mo bang tumakas? I will help you.”

“Hindi ako tulad mo kaya tantanan mo ako.” deretso ang lakad ko papuntang auditorium.

“Talaga? Ayaw mo bang makauwi ng maaga or makagala. Alam mo bang may magandang bukas na pasyalan malapit dito. Nakita ko sa online, maganda ang lugar na iyon.”

Humarap ako sa kanya. “Busy ka ba Axelle?”

“Hindi naman, sasama ka ba sa akin, sa gala? that's why, you ask me that question?”

“Hindi. Gusto ko lang sabihin sa 'yo, stop bothering me. You see, may gagawin pa ako!

Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob. Nakita kong nakaupo sa isang upuan ang kaibigan ni Kan.

“Now, you're here. Ang tagal mo naman.” Lumakad siya papunta sa akin. “Well, I inform you, that my friend Kan, She can't help you to clean sa auditorium na ito, may sakit siya. Biglang umatake ang allergy niya. Nagpaalam na siya sa teacher natin.”

“Tayo-tayo lang dito kaya you can tell me the truth tungkol sa kaibigan mong nagpapanggap na may sakit dahil ayaw niyang maglinis. Sabihin mo sa maarte mong kaibigan, galingan niya naman sa pagdadrama!”

“Whatever!” Naglakad siya paalis.

“Babae 'tong talaga ay nakakainis! She can't fool me!"

“Pa'no ba 'yan, ikaw nalang mag-isang maglilinis dito. Kaya mo ba? Nandito naman ako. I can help you, all the time.” pabidang Axelle.