Chapter 31
Lumibot ako para madaling makapasok ako sa classroom.
Malas ba o masuwerte ako dahil nakasalubong ko ang bruhang Kan na yan. Kasama niya ang dalawa niyang kapatid.
Naglakad siya para lapitan ako. I saw her na para siya yung biktema. Eh, ako yung biktema rito. Sinalubong ko siya ng taas noo.
“How dare you, hindi ko nakalimutan ang ginawa mo sa akin kagabi!" inis na bulyaw niya sa akin
“Ha! Ikaw ba talaga ang may lakas ng loob para sigawan ako. Eh, ako yung ni-lock mo sa banyo, tapos may tinapon ka pa sa loob na gas.”
“Huwag mo akong bina-block mail, hindi iyan uubra sa akin!!”
Nakita kong sasabunutan niya ako kaya inunahan ko siya. Nakita kong lumapit ang dalawa niyang kaibigan.
I fight them back. Kahit tatlo pa sila wala akong pakialam. Pinagtulungan ako ng tatlo. Sanay ako sa basag ulo kaya easy lang 'tong mga ganito.
Pareho na kaming nakahiga sa bermuda. Inawat ako ng dalawa para hindi masabunutan ang master nila.
Kinuha ng dalawa ang dala nilang tumbler. May laman yun iyon ng juice.
Inutusan sila ni Kan ibuhos sa akin ang laman. Nakita kong akma na nilang ibuhos sa akin. Mabilis akong umalis posisyon ko, gumulong paalis kaya si Kan ang nabuhusan.
Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Nilakasan ko ang pagtawa para mainis siya sa kabobohan ng dalawa niyang alepores.
Tumingin siya sa akin. Tinapon niya papunta sa akin ang dalawang tumbler. Yung isa lang tumama sa akin.
Binalik ko sa kanila ang pagbato ng tumbler kaya napatakbo sila. Hindi ko na sila hinabol. I'm tired para makipagpatentero sa mga immature na yun.
Medyo hindi pa nawala sa akin ang trauma ko sa paglock ni Kan sa akin sa banyo. Baka i-lock niya rin ulit.
Instead na maghugas ako ng damit pati yung kamay ko sa dumi sa banyo. Doon ako sa likod ng auditorium maghuhugas ng kamay.
Kinuha ka ang host, hinugasan ang maduming bahagi ng palda tsaka yung dulo ng uniporme pati na ang kamay ko.
Pagtalikod ko, I saw Zan, tumatakbo papunta rito. Napalunok ako ng laway
Wala siyang soot na damit. Tumutulo ang mga pawis sa matipuno niyang katawan. He is really hot and attractive. Napalunok ako ng laway ng lumapit siya sa akin.
Utal utal yung pagsasalita ko, I can't concentrate dahil malapit siya sa akin, wala pang damit. He looks very attractive.
“Puwede bang pahiram ng host? huhugasan ko lang yung madumi kong tuhod.”
“Okay.”
Tumitig siya sa kin. “You look beautiful today, ha!” Mas lalo akong naiilang sa sarili ko sa kaniyang sinabi.
“Ta.. laga?! Thank you!”
Inabot niya na sa akin ang host. “Sige, mauna na ako. Muntik ko na palang makalimutan. Mamaya pala may laro kami, pumunta ka.”
“Okay. Pupunta ako.”
Umalis na siya. Lumakad ako papunta sa isang upuan.
Nakakapagod naman 'tong araw na ito. Sumakit ang balikat ko sa rambulan namin ng tatlong bruhang yun.
Nang patayo na ako, nakita ko si Axelle. Naghubad siya ng damit kaya napatalikod ako. “Baka isipin niyang binubusuhan ko siya, madumi pa naman ang utak non!”
Kinuha ko ang headset ko, nagkunwari akong nakikinig ng music. May pagalaw galaw pa ang aking katawan para convincing talaga.
I heard, tinawag niya ako. Pero dahil nagkukunwari akong nakikinig ng headset, nagkunwari akong hindi siya marinig.
Bigla nalang akong nagulat dahil binato niya ako ng isang bagay. Tumama sa gilid ng ulo ko.
Tumingin ako sa kanya. Kinausap ko ang isip ko, ano ba dapat reaksiyon ko? Bahala na!
“Ang sakit ha! Bakit ba?!”
“Alisin mo nga yung dumi nasa likod ko, hindi ko kasi makita!”
“Really. Hindi mo pala alam na may dumi sa likod mo tapos sasabihin na aalisin ko ang dumi sa likod mo. Maaga pa, para sa trip mo!”
“Gusto mo bang lumapit ako diyan para ipakita sa 'yo? Ha?”
“Sa iba mo na nga yan ipagawa. Hindi mo ba nakikita na babae ang kausap mo.”
“Seriously?! Ilang beses na natin 'to ginagawa kaya huwag ka ng mahiya diyan!” biglang sigaw niya.
“Baliw talaga 'tong gagong 'to,” bulong ko.
“May pinapakinggan akong music. Mahalaga ito.” Binalik ko ang headset sa tenga ko.
“Talaga? Bluetooth ba yan. Kahit hindi naka-connect sa phone, may music pa rin napapakinggan?!
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa bulsa ko, nakita kong nasa labas ang dulo ng headset ko.
“Baka natangay lang ng hangin. Alam mo naman na mahangin dito,” pagpapalusot ko.
“Magpapalusot ka pa, ha. Ayaw mo talagang pumunta rito? Gusto mo yata, ako ang pupunta diyan para makita tayo ng mga istudyante!”nakangiti niyang sigaw.
“ Bakit ka ba sumisigaw diyan hindi naman ako nasa malayo?”
“Trip ko lang. Pupunta ka ba dito o hindi?! O ako ang pupunta diyan?”
“Ito na!! Tatayo na!! Tingnan mo naman naglalakad na ako papunta diyan diba?
“Why he always smile at me?” bulong ko.
“Kaya ayaw mo bang pumunta rito at tulungan ako dahil nadi-distruct ka aa akin dahil wala akong shirt? Dahil ba sa abs ko?” pang-aasar niya kay Mylene.
“You wish!” Binigay niya sa akin ang host.
“Naisip ko palang mababasa ang buo kong katawan kaya punasan mo nalang gamit ang kamay mo.”
“What!! Are you serious!?”
“Yes. Wag ka nga maarte diyan, ginagawa mo naman yan dati. Tsaka, konti lang naman ang dumi na yan.”
“Inuto talaga ako ng lalakeng ito. Napapadalas na ang pang-uuto niya sa akin. Akala ng lalakeng na ito matitinag ako sa ganda ng katawan niya. Jusko, mas maganda pa ang katawan ni Zan sa kanya. Parang kinikilig ako kay Zan.” Tinapon ko ang host.
“Mag-isa mong hugasan ang likod mo. Tsaka, kung gusto mong makita ang likod mo, manalamin ka sa glass wall na yan." Naglakad ako paalis.
Habang naglalakad ako paalis. Naririnig ko ang mga pinagsasabi niya but ignored him. Bahala siya!
Napatalikod ako dahil binasa niya ako ng tubig.
Whe I look at him. He is now in my front. Binasa niya ang kanyang kanyang katawan. It's like, he is seducing me.
Pigilan mo sarili mo, Mylene! Huwag kang magpadala sa tukso. Kaya mo yan, malalagpasan mo yan!
“Bakit hindi ka ngayon makatingin ng deretso? Bakit natatablan ka na ba ng charm ko, ng kapogian ko?”
“I ignored him, tumalikod ako para umalis but he suddenly grab my hand at hinila papunta sa kanya.
Muntik na akong madulas dahil basa at bermuda ang kinatatayuan namin.
Kinarga niya ako. “Bitawan mo nga ako. Baka may makakita sa atin dito at kung ano pang isipin.”
“Alam mong, I love doing like this. Alam mo namang nanliligaw ako sayo. Ito yung paraan ng panliligaw ko.”
“Please! Let me go. Wala akong pakialam sa panliligaw mo, Axelle Maldrid!"
“Puwede mo ba ulit banggitin ang buo kong pangalan? Masarap pala pakinggan pag ikaw ang nagsasalita!” ngiti niya. Bakit ba sa tuwing ginagawa niya ang ganiyang pagpapa-cute ay naa-attract ako lalo sa kaniya.
Narinig ko ang boses ni Allyson kaya naitulak ko siya. Ako na mismo ang gumawa ng paraan para makaalis sa pagkarga niya sa akin.
“Allyson, wag kang mag-isip ng kung ano, I can explain!” Nakita kong tumawa siya.
“Bakit? Wala naman masama sa nakita ko," nagulat ako sa sinabi niya. Tiningnan ko rin si Axelle, he still smiling.
“Hindi ka ba magagalit dahil nakita mo kami ng boyfriend mo, alam mo na, yung posisyon na yun!” Tumawa ulit siya.
“Anong masama doon? Ang sweet niya nga, eh! Bagay kayong dalawa.”
“Wait. Hindi ko maintindihan.”
“Kinuwento na sa akin ni Axelle ang sinabi niya sayo kagabi sa party patungkol sa status ng relationship naming dalawa.”
“Totoo yun?
“Yup!”
“Seryoso?” tumango siya.
“But, huwag kayong pahahalata sa maraming tao. I mean, sa media baka malaman ng parents namin. Basta alam na yun ni Axelle kaya maiiwan ko na kayo para ituloy niyo na yun yung kanina.”
“Hey, mali yung iniisip mo!” Tumalikod si Allyson nakangiti.
“See! Totoo yung sinabi ko, hindi ako nagsisinungaling kaya pumayag ka ng ligawan kita. Ayaw mo bang magkabalikan tayo?”
Bigla akong nalungkot sa narinig ko kay Axelle “Ayaw mo bang magkabalikan tayo?”
Sa katunayan, masaya ako dahil hindi siya galit sa akin, gusto niyang makipagbalikan sa akin. But I need to face the reality, ang totoong reyalidad, his parents specially his mom ay ayaw sa akin, ayaw sa relationship namin.
Mahinang malungkot na boses ang narinig niya mula sa akin, “Alam mo naman na hindi tayo pwede. Ayaw sa akin ng mga magulang mo. Ayaw ko na ng gulo, Axelle! I hope, maintindihan mo ako. Mauna na akong pumasok sa room natin. Ikaw, bilisan mo diyan, masungit pa naman yung first subject teacher natin. Ayaw na ayaw yun ng late!” Hindi niya ako pinigilan. Dahil siguro, naramdaman niyang seryoso ako sa mga sinabi ako, yung mukha ko, seryoso na malungkot.
As usual, sinalubong ako ng mga katanungan ng mga kaibigan ko tungkol sa aming dalawa ni Axelle.
“Bakit ngayon ka lang freny? Kanina ka pa namin hinihintay!” wika ni Iza.
“Oo nga, tsaka kuwentuhan mo naman kami tungkol sa nakaraan niyo ni Axelle,” sabat ni Mikaela.
“Sige na freny, hindi ka talaga namin tatantanan sa pagtatanong," dagdag pa ni Iza.
“ I know. Kaya ito na, ikukuwento ko na sa inyo!”
“Excited akong malaman ang love story ninyo and how it ends?” Ito talaga si Iza. Siguro, mahilig siya manood ng romance movie.
“Guys! Walang magandang love story sa amingg dalawa puro lang mga paghihirap at paghahadlang.”
“Ngayon pa lang nalungkot na ako sa mga sinabi mo, parang alam ko na yung nangyari, gaya ng nangyayari sa napanood kong drama,” wika ni Iza.
“Ang sasabihin ko nalang sa inyo kung paano nagtapos ang relationship namin."
Naging seryoso ang aking mukha habang ako ay nagkukwento? “Alam niyo naman pagdating sa status sa buhay, walang panama ang mahirap sa mayaman. This unfair world taught me a lesson, hindi pwede magsama ang mahirap at mayaman. Gaya ng langit at lupa, malayo ang pagitan nila. Imposibleng maabot nila ang isa't-isa.
Ganun din nangyari sa aming dalawa ni Axelle. Ayaw sa akin ng mga magulang niya dahil sa status ng buhay ko. Hindi raw ako nababagay sa anak nila. Sisiraan ko lang daw ang magandang kinabukasang inayos nila para kay Axelle.
Maraming nangyari, kahit anong laban namin, iisa lang ang resulta, iisa lang ang outcome, sinasabing hindi kami bagay sa isa't isa. In the end, naghiwalay kami,” malungkot na kuwento ko sa kanila.
“That's life. Wether we like it or not, accept man natin o hindi. We can't insist sa mga bagay na ganyan na mangyayari.” Niyakap ako ng dalawa kong kaibigan.
“Naaawa ako sayo freny.” Niyakap ako ng mahigpit ni Mikaela.
“Freny. One more last question, naka-move on ka na ba sa kanya? Umaasa ka ba na magkabalikan kayo?” mga tanong sa akin ni Iza.
Nakita niyang pumasok si Axelle. Nakangiti ito sa kanya.
“Kahit aasa ako, hindi pa rin puwede maging kami. Kapag hindi ako mag move on, ako lang magsa-suffer ng pain. I have no choice but to let go every pieces of memories na kasama siya. Giving up on him it doesn't mean I don't love him anymore but giving him a better life. I chose to gave up on our relation than ruining his beautiful future. May mga bagay na kailangan natin i-give up, hindi dahil sumuko na tayo kundi mas mabuting unahin natin ang kapakanan ng kabutihan kesa sa personal nating kaligayahan.”
“Na-touch naman ako sa sinabi mo freny, lalo tuloy ako naawa sayo," wika ni Mikaela.
“Nakakalungkot lang dahil hindi na kayo pwede magkabalikan dahil may girlfriend na si Axelle. Tsaka, malaking gulo kapag sinubukan niyo maging kayo ulit.” Naisip tuloy ni Iza kung ganun mangyari sa kanila ni Jim. Mayaman naman siya ngunit baka sa ibang way sila hindi maging puwede.
“Kaya mo yan freny. Nakikita naming naka-move on ka na. Tsaka, nandiyan naman si Zan, available na available. Alam ko ring gusto ka ni Zan. Kaya freny, give him a chance.” Iniba ni Mikaela ang ihip ng hangin. Nawala tuloy ang lungkot namin.
“I forgot to tell you guys. May re-match palang mangyayari mamaya. Manood tayo ha?!” excited na balita sa amin ni Iza.
Pumasok ang grupo ni Zan, lumapit sila sa kina Mylene.
“Hi Iza!” bati ni Jim sa kaniya.
“Hi rin!” nahihiyang sagot ni Iza kay Jim.
“Mylene, pumunta ka mamaya sa rematch. Aabangan ko ang pag cheer up mo sa akin.” Nakakatunaw na ngiti galing kay Zan. Naglakad na sila papunta sa upuan nila.