Chapter 8

Nagsisimula na silang kumain nung makabalik ako sa aking upuan. Nakita kong nilagyan ni Callum ng karne ang aking plato nung papa-upo na ako.

“Kain ka na” sabi niya na parang wala lang yung ginawa niya. Umupo ako at tiningnan ko ang kaniyang ginagawa.

“Mauubusan ka na kaya nilagyan ko na yung plato mo” sabi niya at nilagyan ulit ang plato ko. Tumigil siya sa paglalagay sa plato ko at tinapata niya ako ng alcohol.

Tiningnan ko siya nang nagtataka.

“Kamay mo” sabi niya kaya ilahad ko ang aking kamay at inispriyan nya ang aking palad.

“Kain ka na” sabi niya at bumalik sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Kinuha ko yung chopstick ko at inilipat ko yung ibang karne sa kaniyang plato.

“I can’t eat it all” I said nang tumingin siya sa’akin. Nakita kong nagpipigil siya ng ngiti sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin.

Matapos nun ay nag simula na kaming kumain dalawa. Nakakarami na nang kain yung anim kami nagsisimula pa lang.

Nakita kong nasa malayo yung bote nang softdrinks kaya tatayo na sana ako para kunin yun pero inunhan na ako ni Callum at siya ang kumuha at nagsalin sa akin ng baso.

“Thanks” mahinang sabi ko. Tiningnan niya lang ako at nginitian.

Nang maubos namin ang aming order ay tinawag ko ang waiter para mag bayad. Nang makita ang bill namin ay agad akong napatingin sa waiter.

“Do you accept card?“ I ask

“Yes Ma’am” sagot namna niya sa’akin at inilabas ko naman ang aking wallet kunin ang aking card.

“How much is it?” tanong ni Amara

“Why? You’ll pay?” I ask her while giving my black card to the waiter.

“Hindi, nagtatanong lang eh” sabi niya at ngumisi sa akin.

Umalis na yung waiter para I process yung payment ko, napansin kong na tahimik yung mga kasama namin ni Amara kaya nilingon ko sila.

Ngayon ko lang napansin na nakatitig sila sa akin simula noong hinugot ko ang aking black card.

“Anak ka ba ng mafia boss?” tanong ng katabi kong si Callum.

“What? What mafia boss?” tanong ko at bahagyang natawa sa tanong niya. Napakinggan o ring umawa si Amara sa narinig niya kay Callum

“Grabe….. Gaano ka kayaman lodi?” tanong ni Isaac sa akin. Hindi ko siya sinagot at binalingan yung waiter.

“Mas mayaman pa sa akala mo” rinig kong sabi ni Amara kay Isaac at napasinghap naman ito kasabay ni Nash at Arvin.

Matapos makapg-bayd ay umalis na kami sa resto at naglakad papunta sa parking.

“Uuwi na kayo?” tanong ni Kyle

“Oo, Hinahanap na rin ako ni kuya” sagot ni Amara at tumango naman ko sa kaniya.

“Una na kami” sabi ko sa kanila.

“Salamat sa libre” sabi ni Vin

“Salamat na busog ako, no cap” sabi ni Arvin at tumango naman si Isaac na nasa tabi niya at nag thumbs up naman si Kyle at Nash sa akin.

“Welcome” sabi ko sa kanila at lumapit sa kotse ko.

“Take care” rinig kong sabi ni Kyle kay Amara.

“Ingat” sabi ni Callum na nasa tabi ng kotse nya. Tumango naman ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng kotse ko.

Nauna naman kami sa kanila paalis at nakita kong magka-sunod ang kotse namin ni Callum.

“Wag na kaya akong umuwi sa bahay” sabi ni Amara habang nakatingin sa kaniyang phone.

“Saan ka naman pupunta?” tanong ko sa kaniya habang nag dradrive.

“Sa bahay mo” sabi niya at agad namanng tumawa nang makita akong umirap dahil sa sinabi niya.

“Eh kasi si kuya, isang araw lang nawala sa bahay kung ano anong bansa na ang ginawa.” Reklamo niya habang nirereplyan ang kaniyang kuya.

Malapit na kami sa subdivision nila nang mapansin kog na kasunod pa rin sa amin si Callum.

Nang lumiko ako papasok ay dumaretso naman ang kaniyang kotse.

“Nandyan pala sila mommy” sabi ni Amara nang makita ang kotse ng magulang niya sa may labas nila.

Tinaggal niya ang kanyang seatbelt at tumingin sa akin.

“Samahan mo ako papasok” sabi niya at nag puppy eyes pa nga. Inirapan ko sya at pinatay ang makina ng kotse ko at lumabas.

Sabay kaming pumasok sa kanilang bahay at agad naman kaming sinalubong ng kaniyang kuya na nakabantay sa may pintuan.

“Good evening kuya Charles” bati ko sa kaniya at bumeso bago pumasok ng tuluyan sa kanilang bahay.

“Good evening Chin” bati niya rin sa akin at agad naman niyang nilapitan ang kaniyang kapatid.

“Aray ko kuya naman ehh” rinig kong reklamo ni Amara sa kaniyang kapatid.

Dumaretso ako kanilang dining area para bumati kila tita ang tito.

“Oh! Chin you’re here” sabi ni tita nang makita niya ako.

“Good evening tita” bati ko at humalik sa kaniyang pisngi

“Good evening tito”bati ko rin kay tito at yumakap naman sa kaniya.

“What brings you here” tanong ni tita sa akin.

“Amara did, hinatid ko lang po kasi kumain kami sa labas” sagot ko sa kaniya at pumasok naman ang magkapatid na nagbabangayan pa rin.

“Is that so? Have some dessert here” alok sa akin ni tita pero umiling lang ako.

“No thank you tita, I have to go na rin po kasi nagiintay na sila Nanay sa bahay” sabi ko sa kanila.

“Don’t lave me here, Chin. Help!” Amara said while clinging to by arms

Inalis ko iyon at tumingin kay kuya Charles.

“I have to go” sabi ko sa kaniya at tumingin naman kila tita.

“Bye, tita, tito” sabi ko and waved my hand to them. Tumango naman sila tito sa akin

“Oh, thank you, drive safely” paghabol ni kuya Charles kaya tinaas ko lang ang aking kamay bilang paalam.

I drove to the next subdivision where my house is located.

Nag-park ako sa garage namin at pumasok sa loob ng bahay. Na abutan kong nasa sala sila Nanay kaya agad nila akong nakita.

“Oh kamusta ang volleyball mo? Pasok ba?” tanong ni tatay sa akin. Lumapit ako sa kanila ng nakasimagot at nag-mano.

“Okey lang yan kung hindi ka nakapa – “

“Sinong may sabing hindi ako nakapasok?” putol ko sa sasabihin ni nanay at ngumiti sa kanilang dalawa.

“Ayy, sinasabi ko na nga ba! Hindi magpapatalo it ng anak natin eh.” Masayang sabi ni tatay at niyakap ako. Yumakap din sa akin si nanay na ang laki ng ngiti.

“Congrats anak” sabi ni nanay habang naka yakap sa akin

“Salamat Nay” bulong ko sa tenga niya. Tiningnan ko siya at ngumiti.

“Labas tayo? Sa sabado?” tanong ko sa kanila.

“Ay wag na I pagluluto nalang kita sa sabado, mahal sa labas dito a lang tayo sa bahay” sabi naman agad ni nanay sa akin.

Alam kong hindi talaga siya papayag pero sinubukan ko lang kasi ang tagal ko na rin silang nailabas para mamasyal at mabibili ng mga damit. Kaya minsan kapag nasa labas kami ni Amara ay bumibili ako ng ilan ilan na damit sa kanila kahit na pinapagalitan ako ni nanay at gumagastos pa raw ako sa kanila.

“Ay sya umakyat ka na at mamahinga alam kong pagod ka mula sa try out mo, tapos lumabas pa kayo ni Amara” sabi ni nanay.

“Sobrang pagod ko nga nay, nabigla ata yung katawan ko kanina sa try out” sabi ko at yumakap sa kaniyang leeg at hinalik halikan ang kaniyang pisngi.

‘Nakuu! Gusto mo bang buhatin ka ni tatay? Kawawa naman ang aming baby na yan” sabi naman ni tatay at akmang bubuhayin nga ako.

Mabilis naman akong na palayo kay tatay at tumatawa ng tiningnan siya.

“Tay naman, hindi na ako baby. Sa taas a po ako, magpahinga na rin po kayo.” paalam ko sa kanila at humalik sa kanilang pisngi bago umakyat sa kwarto ko.

Nang makapasok sa aking kwarto ay agad naman akong dumaretso sa loob ng banyo ko para maligo. Hindi naman ako nagtagal sa pa liligo dahil gabi na rin naman.

Napatingin ako sa litrato na nsa side table ko, umupo ako sa kama ko at tinitignan ang mukha ni mommy at daddy.

“Mom, Dad nakapasok po ako sa varsity, makatipid po ako sa pera kasi may matatanggap po akong Scholarship, alam ko pong kaya naman na bayaran yung tuition ko pero para maka-save lang ang money” sabi ko at bahagyang natawa dahil alam kong hindi papayag si daddy na hindi ako mag-bayad ng tuition dahil kaya naman namin yung bayaran.

Nai-imagine ko silang nag-de debate ngayon, tulad noon nung nalaman nilang wala silang babayaran na tuition nung high school ako kasi varsity player ako.

Gusto ni dad na bayaran yung tuition ko kasi sabi nya kaya naman daw bayaran, si mom naman okey lang na hindi magbayad para hindi na makadagdag sa gastusin namin kahit na hindi naman kami nagigipit.

“Okey lang dad na hindi na natin bayaran ang tuition ko, makaka-save tayo ng money o hindi kaya sa aki na lang yung pambayad sa tuition ko para pambili ng gusto ko, kung gusto mo talaga pong gumastos” pag-uulit ko sa sinabi ko noon sa kaniya

“Alam mo ba dad si Tita mama at Amara gusto na ako magka-boyfriend” natawa ako kasi ni imagine ko ang kunot-noo niyang mukha.

“Alam ko naman yung rules mo sa akin dad na, dapat kilala mo yung mga naliligaw sa akin” pagpapatuloy ko

“Pero wala pa naman akong pinapakilala sayo diba?” natawa ako sa sinabi ko dahil totoo naman yun. Wala akong pinapakilala sa kaniya dahil hindi naman talaga nagpapaligaw noon pa man.

“Turning 19 na ako pero wala pa rin naliligaw sa akin, sabi ni tita ang suplada ko raw. Hindi kay a panget lang talaga ako?” tanong ko. Nakikita ko ang mukha ni Mom na naka-simangot sa akin dahil alam kong para kaming kambal kung titingnan ngayon.

“Wag po kayo mag-alala kapag may na naliligaw na po sa akin, sasahan ko po kayo agad.” sabi ko habang naka-ngiti sa harap nang litrato nilang dalawa.

“I miss you both mom, dad. I love you both po” sabi ko at binaba ang litrato nila sa side table ko.

Tapos na akong mag-skin care nang tumunog ang aking phone.

‘B! tch ka hindi mo man lang ako tinulungan kanina. Btw salamat sa samgyup sana maulit.’ Text nya sa akin

‘Hindi na mauulit, halos 6k yung binayaran ko kanina’ reply ko naman sa kaniya at bumalik sa pagbabasa.

‘Grabe naman ka kuripot nyarn’ reply niya sa akin, hindi ko na iyon pinansin at babalik na sana sa pagbabasa ng may nag text ulit.

Unknown:

‘Ang ganda ng gabi ngayon, ang daming stars’

Tumingin ako sa labas ng bintana ko at nakitang marami ngang bituin ngayon. Tumayo ako at naglakad palabas ng veranda ko sa kwarto.

Tumingin ako sa langit at dinama ang malamig na hangin sa aking balat. Napangiti ako habang nakatingin sa mga bituin, I make me feel relieved from all the things that has been in my mind. Serenity, that’s what I feel while looking to stars that bring light in the darkness.

Tumunog ulit ang phone ko kaya Napatingin ulit ako doon at binukasan ang text.

Unknown:

‘Pero may alam akong mas magandang tingnan’

Inintay ko kung mag tetext siya pero nakalipas ang ilang segundo nang hindi siya nag text kay hinayaan ko na iyon at tumingin ulit sa langit.

Matapos ang isang minutong pag titig sa langit ay pumasok na ulit ako sa kwarto para magbasa. Just whe I was about to start reading I received a text message.

Unknown:

‘Ikaw’

Napatitig ako roon at napatawa ng bahagya.

“What’s with these pick- up lines?” nakangiting bulong ko sa sarili ko at nagsimula nang magbasa para maaga akong makatapos at makatulog.