Chapter 2 Meet again
“Shuta! Hindi talaga ako maka move-on dun sa mga yummy na basketball player na pumasok kanina!” kanina nya pa yan sinasabi, yung mga basketball player na agaw pansin kanina, at kanina ko pa rin iniisip yung nangyari kanina.
Lumapit ang prof namin at binuksan ang pinto, tumambad doon ang limang lalaking naka-jersey
Nakatayo lamang ako roon sa harap habang nakatingin doon sa mga kumatok na ngayon ay kinakausap na ang prof namin. Matatapos ang pag-uusap nila ay pumasok sila sa room namin.
Sila yung anim na basketball player na naglaro sa court sa subdivision.
Napatingin sila sa akin at nababakas ang konting gulat sa mukha nila, pero sa kanilang lima may isang bukod tanging nakaturo pa sa akin habang ang isang kamay ay nasa bibig. Tsk napaka-OA
Tiningnan ko lang sila ng walang emosyon, at napatingin sa prof namin nang mag-salita ito
“Miss, kindly introduce your self first before they announce something” Miss Fernandez said
Humarap ako sa mga kaklase ko at nagpa-kilala “HI, I’m Sachin Laxamana, Zamora and I hope we get well through out the year” Sabi ko at agad na naglakad papunta sa aking upuan.
Nang maka-upo ay tumingin ako sa harap at nakitang nakatingin sa akin yung lalaking hindi tumulong sakin kanina, tinaasan ko siya ng kilay at ang lalaki mas lalong lumawak ang ngiti.
Hindi ko na siya pinansin at nakinig sa sinasabi ng kaniyang kasama tungkol sa try-out sa basketball at volleyball girls. I was actually thinking on trying out kasi ayaw ko ng mag-isip ng ibang club and organization na sasalihan, kasi required for extra curricular. I was actually aiming for scholarship kaya gusto ko rin mag try-out.
Kahit na hindi ko naman talaga kailangan ng scholarship kasi kaya ko naman bayaran yung tuition, gusto ko lang mag-tipid. It’s hitting two birds with one stone.
Tumigil yung nag sasalita at tumingin sa kaniyang kasama kasi siya na dapat ang mag sasalita. Tiningnan ko kung sino iyon at nakitang nakatingin ito sa akin. Yung kaninang tumuro sa akin, Tss
“Hoy Cal, ikaw na” siko nung katabi niya na si Kyle – Nakita ko lang sa tarpulin sa labas yung pangalan niya
Inilipat ko yung page ng aking binabasa at balak na bumalik sa pagbabasa.
“Ang ganda” sabi ni Callum o Cal dahilan ng pag-angat ng ulo ko at tiningnan siya. Siniko ulit siya ng katabi niya kaya nahimasmasan siya
“Ang ganda ng magiging katawan ninyo kung sasali kayo sa try-out, Kailan? Bukas 1-3 pm, Saan? Sa Gymnasium natin magpa-lista muna kayo sa sports club para maayos ang takbo ng try-out” Sabi niya habang nag fleflex pa ng biceps nya “See you!” Sabi pa niya bago sila magpa-alam at umalis.
“Kilala mo ba yung isa roon? Yung tumuro sayo? Tanong ni Amara habang naka-pila dito sa cafeteria
“Hindi” sagot ko, at kinuha ang order ko.
“Sabagay wala ka naman pakialam sa nasa paligid mo eh, kahit nagpakilala yung tao hindi mo matandaan ang pangalan” natatawa na sabi niya at kumain na.
Totoo naman ang sinabi niya dahil gawain ko talaga yun, kaya nagpa kakamalang mataray ako eh. Kahit hindi naman talaga.
Matapos namin kumain ay tumambay muna kami ng konti bago pumunta sa mga club and organization na merong stools dito malapit sa Gym.
Nagpalista sa music club si Amara dahil yun naman talaga ang club na sinasalihn niya. Magaling siyang kumanta at marunong mag-gitara. Pinipilit pa niya ako na magpalista rin para raw may kasama siya. Tss as if naman wala siyang makaka-usap agad doon
Nang makapag-palista siya ay sinamahan naman niya ako sa sports club na katabi lang nung club na pinalistahan dahil magpapalista ako sa volleyball
Matapos kong mag fill out ng form ay pinaghintay nila ako ng konti para sa konting briefing kung anong mga dadalhin at kung anong mangyayari bukas.
Wala kaming gagawin ngayon at bukas para ayusin ang mga sasalihan naming clubs and organization.
Pagkatapos ko ay agad kong nakita si Amara na may kausap na mga babae sa tapat ng club na pinag listahan niya.
“Yan ba yung walang makaka-usap?” Bulong ko sa sarili at napapailing na naglakad papunta sa gawi niya. Nang mapansin niyang papalapit ako ay mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti
“Nandito na pala yung bestest friend ko” sabi niya at kumapit sa king braso “Vebs ito si Ramziah” turo niya sa isang nursing student – judging on her uniform – na may malaking salamin sa mata, that makes her cute tho.
“ito naman si Victoria” Pagpapakilala ni Amara sa isang magandang Tourism Student – base on her outfit – na may magandang ngiti sa labi. Nakipag – kamay ako sa kanila at nagpa kilala
“Nice to meet you, I’m Sachin” Sabi ko ng may konting ngiti sa labi, para hindi ako mapagkamalang mataray na naman. Tss
“Garbe ang tangkad mo” nahihiya ng sabi ni Ramziah, “True, Are you a model? ” tanong naman ni Victoria
“Oh genes, my mom us to be a model” Sabi ko at namangha naman silang dalawa.
“Maangas talaga itong kaibigan ko na ito eh” panggagatong pa ni Amara kaya nailing nalang ako at bahagyang natawa
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 3pm na sakto naman tumunog ang speaker sa malapit sa amin at sinabing pumunta kami sa auditorium, kaya naghiwalay na yung dalawa at pumunta sa kanilang mga ka-department
Umupo kaming dalawa ni Amara katabi ng mga kaklase namin kanina, hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nung nasa unahan at nag basa na lamang ng libro. They were thanking us students who chose their university for developing their profession. They also said that we should participate in any club and organization that they have.
I was occupied with what I am reading when I heard my name being mentioned
“Sachin, Zamora” the emcee said, I looked at my friend with so much confusion written on my face
“Ayan kasi, hindi nakikinig, tinatawag yung mga nagpalista para sa try out bukas ng sports club” natatwang sabi nya sa akin
“Miss Zamora?” agad naman akong tumayo nang marinig ulit ang apelyido ko at naglakad papunta sa unahan kung saan nakita ko yung mga nagpalista katulad ko.
Hindi ko maiwasang hindi mailang habang naglalakad, naagaw ko kasi ang pansin nila dahil sa hindi ko agad pagtayo kanina, at dahil nasa may dulo ng auditorium ang upuan namin kanina, kitang kita kung paano ako mag-lakad papuntang unahan.
Habng naglalakad ay mga napapakinggan akong mga bulungan
“Sis, sya yung sinasabi kong first year na matangkad na maganda pa na nakita ko kanina” sabi nung isa
“Mukha siyang model, grabe!” manghang sabi naman nung kausap niya
Hindi ko na sila pinansin at tumayo sa linya ng mga nagpalista sa volleyball try out, akala ko may susunod pa sa akin pero wala na
Sinabi lang naman nila kung anong kailangang dalhin at gawin bago ang try out, ganun na rin kung anong oras mag sisimula ang try out. Tss paniguradong sasabihin din naman nila at Ia- announce yun bukas, nag aaksaya lang sila ng oras.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang may parang nagtutulakan doon. Nakita kong tinutlak tulak nung mga varsity player ng basketball yung lalaking tumulak sa akin
Nang makitang nakatingin ako ay tumigil sila at kumaway sa akin ng may malaking ngiti sa labi. Pilit binababa nung tumuro sa akin – na Cal ata ang pangalan – yung mga kamay nung mga kasamahan niya, nang hindi niya mapigilan ang kaniyang mga kasama ay lumingon siya sa akin at naki-away na rin.
Hindi ko sila pinansin at tumingin sa unahan nang mapakinggan na tapos na yung sinasabi at sinabing pwede na raw kaming umalis.
Naglakad ako pabalik sa aking upuan kanina para kuhanin yung bag ko, nakita kong naka-ngisi sa akin ang aking kaibigan habang naglalakad ako papalapit sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumuso siya para sabihing tumingin ak sa likod ko.
Lumingon ako sa likod at para tingnan ko kung ano yung nginunguso nung kaibigan ko, and there I saw the whole basketball varsity player walking behind me, while making fun of Cal who looked irritated
When one of them saw me looking at them, may sinabi siya kay Cal na nagpa-lingon sa gawi ko. My brows automatically frown when I saw him again with his signature smile while waving his hand like a shy boy. I shook my head a little and continue to to walk towards my friend whose been grinning from ear to ear.
I just rolled my eyes to her and get my bag and walk towards the exit.
“Hoy girl! Grabeee! Iba talaga ang bangis mo!” Sabi ni Amara nang makalabas kami sa auditorium
“Tss” sabi ko at inirapan lang sya.
Habang naglalakad kami palabas ng aditoruim ay nanriyan na naman yung mga matang nakatitig sa amin.
Karamihan ay mga lalaki pero may ilan-ilan na babae ang nating in sa amin habang nagbubulungan. Pansin na pansin ko sila pero ang kasama ko pranag walang pake – o mas magandang sabihin na wala talaga siyang pake sa nasa paligid niya.
“Feeling ko crush ka nung kumaway sayo eh, Diba yun yung tumuro sayo kanina sa room?” tanong ni Amara, hindi ko na siya pinansin at nag-abala na lang aking phone nang may nag-notif dito. Nakita kong nag-Text ang aking tita mama kaya binuksan ko ito.
‘Hey Gorgeous kong pamangkin! Be here at my house at 6pm, we’ll have dinner, also I have to tell you something. See you! <3’ basa ko sa Text ng aking tita. Tiningnan ko ang oras sa aking phone at nakitang malapit ng mag--5pm kaya hirap ko ang aking kaibigan na hanggang ngayon ay kung ano ano ang sinasabi
“Pero in fairness ah, may itatapat sa – “
“Pupunta ako kay tita mama, sasama ka?” pag-putol ko sa sinasabi niya
“Oo naman yes, anong oras? “ sabi niya habang hindi napakalapad ng ngiti
“6pm” sagot ko habang nag rereply kay tita mama
‘Okey, I’ll bring Amara with me, See you’ matapos kong ma reply ay tinext ko naman si Nanay para sabihin na diretso ako kay tita mama
“Did you bring your car” tanong ko sa katabi ko habang nag-te text pa rin
“Yeah I did” sagot ng isang lalaki, kaya napa-tingin ako sa kaniya and there I saw Cal standing beside me. I was confused for a second, then I heard my friend’s voice behind me.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siyang may kinakausap na kasamahan nila Cal kanina, yung Kyle habang yung apat naman ay nakikinig din sa kaibigan ko.
“I didn’t expect that I would bring home a lady today tho” Sabi ng katabi, kaya humarap ako sa kaniya at tiningnan siya
He has this brown eyes, pointed nose, red thin lips, a very sharp jaw. His skin color is not that white but not that dark, maganda rin ang katawan niya dahil sa atleta siya, hindi siya ganun kalaki katulad ng mga body builders pero mahahalaga mo yung slits nya sa kaniyang biceps.
Nakita kong pinaraanan niya ng kaniyang mga daliri ang kaniyang buhok na bagsak na may kahabaan habang nakatingin ako sa kaniya.
Kinagwapo mo yun? Tss
“That question isn’t for you mister” sabi ko habang nakatingin sa mata niya at nilingon ulit ang kaibigan ko.
Nakita kong tumingin siya sa gawi ko at ay sinabi sa mga lalaking kasama niya. Naglakad sila oaoalapit sa amin ng katabi ko na ramdam ko pa rin ang tingin sa akin, nang makalapit ay agad na nag—salita yung isa
“Matunaw naman yan pre” sabi nung may pagka moreno, Napa-tawa naman ng bahagya yung tatlo sa sinabi nito.
Edi kayo na masaya, tss
“Sorry bigla nila ako kinausap kanina eh” sabi ng magaling kong kaibigan sa akin. “Ahh best friend ko Sachin, pero pwede nyo siyang tawaging Chin nalang para hindi masyadong mahaba” baling niya sa mga lalaking kasama namin
“Arvin Lou, nice to meet you Chin!” Sabi nung mmorenong lalaki kanina, and ganda ng ngipin nya, maputi
“Zayden Kyle but you can call me Kyle para hindi rin mahaba” sabi nung kausap kanina ni Amara
“Isaac Deither, Isaac nalang” Sabi nung pinaka-maliit sa kanilang lima
“Nash Laurenz, Nash nalang ayaw ko nung Laurenz eh” sabi nung pinaka-tinitiliian kanina sa Gym, mukha siyang artista, actually lahat naman sila.
“Casimir Vin, you can call me Vin” Sabi nung pinaka tahimik sa kanila.
Tiningnan ko naman ang lalaking kanina ay katabi ko nang magsalita ito.
“Callum” sabi niya habang nakangiti “Callum Grey, Morales Adalia” pagbanggit niya sa pangalan niya at naglahad ng kamay.