Chapter 37
Sa sumunod na umaga ay inis na inis si Zoie dahil hindi siya nakatulog kagabi. Palaging naiisip niyang magkatabi sa kama sina Alem at Claire. Sa katunayan pa nga ay maraming imaheng sumulpot sa kaniyang isipan. Mga erotikang eksena sa pagitan ng dalawa.
“Grr! Kainis kayo!” sigaw pa niya. Alam naman niyang hindi siya maririnig ng mga ito.
Nag-jo-jog siya sa rancho katulad ng dati. Nakasalubong pa niya si Huapala sa kaniyang daanan. Tumigil muna siya at nag-usap sila hanggang sa dumating ang truck ni Alemana at pumarada ito sa harap ng ranch office nito.
“I think I’ll leave you now,” ang sabi ni Huapala nang makita ang nakasimangot na mukha ng amo.
Hinawakan naman ni Zoie ang kamay nito upang pigilan ito sandali habang nakangiti rito. Ginawa niya talaga iyon nang sadya. Kahit alam iyon ni Huapala ay napangiti ito sa kaniya kahit papaano.
“Zoie.” Nasabi na lang nito saka napasulyap ito kay Alemana na nakatingin pa rin sa kanilang dalawa.
“Huapala, I thank you for everything. You’re such a good friend to me. I won’t ever forget that,” taos-puso namang sabi niya rito.
“Zoie, you can count on me anytime. Remember that,” pangako nito sa kaniya.
“Thank you.” Hinalikan pa niya sa pisngi si Huapala at nagpatuloy sa kaniyang pag-jo-jog pabalik sa mansion.
***
Samantalang nakita ni Alemana na napasunod ng tingin ang kaibigan niya sa babaeng nag-jo-jog habang nakahawak sa pisngi nitong hinalikan ng dalaga. Nakangiti pa itong parang ulol sa paningin ni Alemana.
‘That woman! Is she doing this on purpose?’
Nagngingitngit na naman siya sa sobrang selos at galit. Pagkatapos niyon ay hindi man lang niya binati si Huapala katulad ng dati kahit na binati siya nito.
‘There’s nothing good in the morning,’ sa isip niya pa.
Nagmartsa na siya patungo sa loob ng kaniyang opisina.
***
Sa gabing iyon ay kasabay ni Zoie sa hapunan ang mga katulong katulad ng dati. Simula noong may mainit na nangyari sa kanila ni Alemana sa dining room ay hindi na sila sabay na kumakain. Ipinagpasalamat naman niya iyon dahil para sa kaniya ay parang torture iyon.
Dumating naman ang humahangos na butler na si Lihau habang kumakain sila ng mga kasambahay sa mansion.
“Zoie, Master Alem wants to talk to you in the library!” ang anunsyo pa nito sa kaniya.
Napatingin siya rito nang magkasalubong ang mga kilay. “Did he say what he wants?”
“No. You must hurry! He’s not in a good mood the entire day,” ang balita naman nito.
‘Why not? He was just with his lover last night, and only God knows what they did the whole night! Masaya pa ngang umalis kanina si Claire, eh!’ gustong sabihin ng dalagang naaasar.
“Fine! Tell him I’ll be there when I finished my dinner.”
Nag-aalalang nakatingin ito sa kaniya at tumango. Umalis na itong tila hinahabol ng kung sinumang demonyo sa mansion. Uminom muna siya ng juice habang napatingin sa kaniya ang ibang katulong ng mansion. Tumayo na siya at nag-excuse sa mga ito.
Sinundan na niya ang butler. Iniisip niyang maigi kung ano’ng gusto ni Alemana na pag-usapan nila. Naalala niya tuloy ang para sa selebrasyon sa Pasko. Dalawang araw na lang ay Pasko na.
Iyon kaya ang pakay sa kaniya ng lalaki? O kaya ay mayroon itong ia-anunsyo sa kaniya? Kasal? Kasal nito at ni Claire?
Nagdilim tuloy ang anyo niya. Grabe ang pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa isiping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapigilan ang sariling damdamin para sa lalaki. Mahal na mahal pa rin niya ito sa kabila ng kanilang cold war ilang linggo na ang nakalilipas.
Kinatok niya ang pinto ng library at pumasok na. Wala roon ang butler nang maisara na ang pinto. Silang dalawa lang ni Alemana.
“Master Alem—” mahinang aniya.
“Do you want me to shave off your head or your eyebrows?” Humarap ito sa kaniya habang nakasigaw ito sa kaniya.
Napakurap-kurap naman siya dahil sa narinig at napanganga pagkatapos. Hindi niya maintindihan ito. What now? What did she do? Ito ba ay dahil sa hindi maganda ang pakikitungo niya sa lover nitong si Claire? Nagsumbong kaya sa amo niya ang kairita much na blondie na iyon?
‘Grr!’
Hindi siya makasagot sa lalaki. Ano naman ang puwede niyang isagot dito? Anyway, hindi naman niya alam kung paano magsisimula para magpaliwanag dito. Hindi naman niya alam kung ano talaga ang ipinagpuputok ng butsi nito.
“Do you want me to do it, so that no men would look at you?” galit pa ring patuloy ng lalaking lumapit sa kaniya.
Napalunok siya. Ah, nakuha na niya ito ngayon. Iyon ay dahil kay Huapala. Ngunit naisip niyang wala lang dito ang pag-uusap nila ni Huapala. After all, palagi naman nitong kasama si Claire. And he even spent his night with that senseless blondie, to boot! Ano’ng karapatan nitong magalit ngayon sa kaniya? Hindi naman siya nakipagniig kay Huapala, hindi katulad nitong kasama si Claire nang buong magdamag! Kung may dapat na magagalit dito, siya iyon. Pero oo nga pala, wala siyang karapatan. Hindi naman naging sila at hinding-hindi mangyayaring magiging sila ng kaniyang amo.
‘Ah, pucha! Kaasar ka talaga, Alemana, kahit kailan! Sinasaktan mo na nga ako tapos galit ka pa sa ‘kin?’
“Why?” Napailing siya rito. “Do you hate me that much? My heart will perhaps turn to dust for waiting for you, but you’ll never know that! Why? It is because you’re my employer, and I’m your servant, bound in such an outrageous so-called family tradition!” galit na balik niya rito. Hindi na niya mapigilan pa ang sarili.
Iniwan niya itong napipi at walang salitang makalabas mula sa bibig nito.