Chapter 38
Hindi lumabas si Zoie sa kaniyang kuwarto kinabukasan dahil sa sakit na nadarama niya. Oo, malinaw nang hindi siya mahal ni Alemana at palagi lang nitong ipinamumukha sa kaniya na bawal siyang umibig dahil isa lang siyang alila sa Campbell Ranch.
Umiyak pa siya buong gabi at hindi nakatulog. Ang sama talaga ng loob niya dahil sa masaklap niyang kapalaran at wala siyang magagawa ngayon. Hindi niya rin alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng kaniyang outburst.
Nang makita naman niya ang kahong ibinigay sa kaniya ni Domenic ay naalala niyang hindi pala niya nakita ang laman niyon kaya inabot niya ito mula sa mesitang katabi ng kama niya. Napamulagat naman ang mga mata niya nang makita ang isang diamond necklace. Napahanga siya sa pagkakagawa niyon. Medyo mabigat iyon nang kunin niya mula sa kinalalagyan nito upang suriin nang mas mabuti. Nakita na lang niyang mayroon pala itong kasamang card kaya binasa na niya ito.
“My Dear Zoie,
I’m sorry if I’m going to manipulate your life this way. But would you care to be my sister-in-law? That way, I’ll always get to see you happy with my brother. Don’t get jealous with Claire. She’s nothing to him, and they’re not a thing. I blackmailed her to do this stint tonight, by the way. She won’t really spend her night with my brother. Alem doesn’t know she’s there. And I told him to not let you go or I’ll snatch you away. I know that he loves you so, so much! I think he’s still in a denial stage. But he’s just like a bull-headed person. He’ll come around. You’ll see. Maybe sooner than later.
Love always, your soon-to be-brother-in-law,
Domenic.”
Napamaang siya habang tumutulo naman ang mga luha niya mula sa kaniyang mga mata. Ang tanga-tanga naman niya. Kung anu-ano na nga ang pinagsasabi niya sa lalaki noong nag-away sila.
Bigla naman siyang napalingon sa bintana nang marinig ang tunog ng helicopter. Tiningnan niya ito habang paikot-ikot sa ibabaw ng mansion. May banner pa iyong nakasabit na nagsasabing: I don’t hate you. I even wished to propose to you, Zoie. ~ Alem.
Napalunok siya dahil dito. Medyo mahaba iyon pero naka-banner pa.
‘Kailan ba niya pinagawa ‘to?’
Napatawa tuloy siya kahit may luha sa mga mata. Halatang ipinagpaalam nito sa lahat ang tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya. Na mahal siya nito.
Para namang biglang lumuwag ang dibdib niya at may tuwa sa kaniyang pusong panay ang tumbling nang mga sandaling iyon.
Tumalikod na siya mula sa kaniyang bintana at napagpasyahang lumabas upang kausapin si Alemana ngunit bumukas na ang pinto ng kaniyang kuwarto at iniluwa roon ang lalaking pinakamamahal niya.
“Did you do that?” tanong niya ritong nakangiti sa kabila ng mga luhang patuloy na dumadaloy sa kaniyang pisngi.
“Yes! Come here. Don’t ask any questions. I want to know... to hear that you love me, too, Zoie.” Halos garalgal ang boses nitong binuksan ang mga braso.
Napayakap siya sa lalaki sa sobrang tuwa. Hindi siya makapaniwalang bati na sila na singbilis ng kidlat at magiging siya na at ito habang-buhay. Para iyong isang panaginip hanggang sa maramdaman niya ang mainit nitong labing umangkin sa mga labi niya.
“Aloha wau iā ʻoe, Zoie!” madamdaming kumpisal pa ng lalaki sa nararamdaman nito. “And because of that, we’ll have one of your relatives to take your place. I’m not going to let you work your bones to dust, so long that you’ll promise to make me happy all the days of our lives,” pabirong sabi pa nito pero seryoso itong nakatingin sa kaniya.
“Yes, we’ll do that. And I’ll... make you happy, Master Alem.” Napatawa ang dalaga at ginawaran din ng halik sa labi ang lalaking nakayakap sa kaniya nang mahigpit na parang ayaw na siyang pakawalan kahit kailan. Tila wala silang ibang salitang mahagilap dahil sa kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. “I love you, too, Master Alem… And I always will… Don’t you dare get jealous with Domenic and Huapala anymore!” babala pa niya rito bago pa man siya ginawaran nitong muli ng isang maalab na halik na nagpapahina sa kaniyang mga tuhod.
“If you promise to assure me everyday that you love me, there’s no problem with that, ku’uipo,” saad pa nito nang pabulong.
“I promise,” bulong din niya rito nang masaya at may seguridad.
Sa labas ng bintana, habang umuulan ng mga talulot ng pulang hibiscus, nagpatuloy ang paghinang ng mga labi ng dalawang nag-iibigan. Hindi man lang siya nagprotesta nang simulan siyang hubaran ng binata at gayon din ang ginawa nito.
“Master Alem…” anas niya pa nang sinimsim nito ang isang tuktok ng kaniyang dibdib. Hindi niya mapigilang huwag mapahaluyhoy dahil dito.
Inihiga siya ng lalaki sa kaniyang kama. Lalong nag-aalab ang kaniyang pagnanasang nararamdaman gaya ng sa lalaking kaniyang mahal.
“Zoie… ku’uipo… please let me love you…” bulong nito sa kaniyang tainga habang pababa nang pababa ang isa nitong kamay hanggang sa dumako na ito sa pinakamaselang parte ng katawan niya.
Napaliyad siya at napadaing. “Yes… Master Alem… love me all you want…” tugon niya.
Ramdam niyang pumosisyon ito sa gitna ng mga hita niyang ipinaghiwalay ng isang tuhod nito. Kapwa sila napapigil ng hininga nang marahang bumulusok ang matigas na pag-aari ng binata sa kaniyang masikip na kailaliman habang inaangkin nito ang kaniyang malambot na mga labi.
Napaungol siya at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng lalaki sa kaniyang isip. Wala nang ibang laman sa utak niya nang mga sandaling iyon kundi ito… at ang pagmamahal nito sa kaniya.
Walang mapaglalagyan ang kasiyahang nasa puso nila habang magkaniig silang dalawa. Dahil alam na nilang dalawa na magiging sila rin hanggang sa kanilang huling hininga.
“Ohh… Master Alem…” impit na anas niya nang dumiin ang pagbaon ng lalaki sa katawan niya upang magpunla ng maliit na Campbell.
***
Dumalo sa kanilang kasal ang buong pamilya ni Alemana at ang lahat ng miyembro ng angkan ni Zoie mula sa Pilipinas, kasama na roon ang pinsan niyang si Marilou na halatang gusto si Huapala. Ngunit hindi kasama si Auntie Lerma niya dahil yumao na ito. Hindi man lang nito naabutan ang kasal nila sa Valentine’s Day pero nagpasalamat siya sa kaniyang asawa na ngayong si Alemana na sinuportahan siya nito nang pumanaw ito.
Umuwi siyang Pilipinas kasama ito upang ihatid sa huling hantungan ang kaniyang kawawang tiyahin. Ayaw nang ipakansela ng binata ang kanilang kasal para sa sumunod na taon dahil sa buntis na si Zoie. Hindi naman ito naniniwala sa sukob, at gayon naman si Zoie. Alam niya kasing maiintindihan iyon ng kaniyang Auntie Lerma.
Isang pinsan niya na lalaki ang kinuha nila ni Alemana na siyang hahalili sa kaniyang posisyon bilang property manager sa Campbell Ranch at sa lahat ng ari-arian nito.
“How I wished Auntie Lerma was at our wedding,” naibulong pa niya sa kaniyang asawa habang nakatingin sa dagat nang magkayakap at nakaupo sa buhangin. Nasa Four Seasons Resort Hualalai sila para sa kanilang isang linggong honeymoon. Nakatingin sila ngayon sa papalubog na araw.
“I know, ku’uipo. She will always be missed.” Hinalikan pa nito ang kaniyang pisngi.
Napalingon siya rito nang may ngiti sa labi. “Hindi nga pala kita napasalamatan sa pag-aalaga mo sa kaniya noon,” sabi pa niya sa wikang Hawaiian. “Sinabi niya sa akin na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para mapabalik ang lusog niya.”
Humigpit naman ang yakap ni Alemana sa kaniya.
“It was just not enough, and it was already too late. But still, I’m so lucky to have you, to be loved by you, and to be by my side until we leave this world. I so love you, Zoie!”
“And I do love you, too, Alem... until my dying days.”
Ginawaran siya ng halik ng kaniyang Campbell Rancher na asawa. “I never thought you’re finally mine, ku’uipo. God knows how much I want you and love you! I never thought you’d feel the same. I know that we were both bound by our ancestors’ promise, and I thought there was no way around it. But here we are, together.”
Napangiti siya sa asawa. “I never thought I’d be so lucky to be desired and be loved by you, Master Alem,” aniya. Iyon pa rin ang tawag niya rito. Kahit gusto nitong alisin niya ang “Master” ay hindi niya ginawa. Parang kakaibang endearment na rin niya iyon sa asawa. Medyo “naughty” raw.
Napatawa nang mahina ang asawa sa narinig.
“I thought you would end up with Claire, and she would hate us for my eating meals with you. I wanted to brace myself if you’d one day tell me you’re marrying her, but I was wrong to believe it. I was wrong to not trust you and those hot kisses in the dining room. I just thought those were nothing. You had no idea how much I loathed the idea of you going to end up with that blonde bitch.” Pinahina niya ang tono sa huling kataga at pinakunot ang ilong.
Napatawang muli ang asawa niya. “What? How could you even think that when I had no marriage in mind when it comes to Claire? You’re the one I was dying to get hitched with. You’re the wife I was imagining that I’ll eat meals with in that dining room. No one else. I just thought you had no interest in me, whenever I saw you with my best friend or my brother. Now, that was the worst!”
Siya naman ang napatawa sa sinabi nito. “All this while, we’ve been pulling and pushing each other because of our families’ tradition. But in the end, we just can’t stop what we’re feeling for each other, Master Alem,” malambing na aniya at napabuntong-hininga nang masaya.
“Love is the strongest thing in the world, ku’uipo. Nothing can stop it, ever.”
“Aloha wau iā ʻoe, Master Alem… far, far deeper than the Hawaiian Trough.”
At muli, naghinang ang mainit na mga labing nagmamahalan…
-- Wakas --