Chapter 36

Nakita ni Lihau si Zoie na bumaba ng hagdan. Iniabot naman nito sa kaniya ang hawak nitong kahon.

“For you. Master Domenic gave it as a present before he left,” pagpaalam nito sa kaniya.

Inabot ng dalaga ang kahong may silver ribbon nang nakatingin sa mukha ng butler. Parang ayaw nitong ibigay sa kaniya ang kahon kaya naroroong iniaabot ito sa kaniya pero binabawi rin. Mukhang may malalim itong iniisip sa ngayon kaya medyo nawe-weird-uhan siya rito.

“Are you going to give this to me or not?”

“A-ahh…” anito at iniabot din sa kaniya sa wakas ang regalong mula kay Domenic.

“Thanks, but are you all right, Lihau?” alalang tanong niya rito.

“Ah… yes. Yes, I’m all right, Zoie. I’ll go now, to Master Alem’s ranch office to bring his dinner.” Tumalikod na ito at pumunta sa kusina bago pa man siya makapagsalita.

Napasunod muna siya ng tingin sa butler na parang talagang weird ngayon bago niya tiningnang muli ang kahong ibinigay sa kaniya ni Domenic. Ito kaya ang something special na sinasabi nito kanina? Ngunit bago pa niya malaman kung ano ang nasa loob ng kahon ay nakita naman niyang pumasok ng mansion na tila may-ari si Claire. Napasimangot siya dahil sa late na itong naparito ngayon na animo’y nakatira doon. Dali-dali niyang tinakpan ang box at nilapitan ang kararating lang na bisita⸺o buwisita.

“Yes, may I help you?” Sinalubong niya ito sa malaking bulwagan.

“Oh, Zoie! You’re here.” Parang natutuwa pa itong nakita siya roon. Pero as usual, plastik ang ngiting ibinigay nito sa kaniya.

“Of course, I’m here! I work here, if you need me to stress it out,” pagtataray pa niya sa babaeng Briton.

“Ah, yes!” Ang luwag ng ngisi nito sa kaniya. Ngayon ay parang totoong ngiti na ito, if she was not mistaken.

Pakiramdam ni Zoie ay may nangyayaring maganda. Bigla siyang kinain ng pagseselos. Dahil kaya may usapan ito at si Alemana?

“Well, I’m here to tell you that Alem has invited me to stay here for the night.”

Para iyong bomba sa pandinig ng dalaga at noon lang niya napansing may isang evening bag itong dala-dala. Nanlaki tuloy ang mga mata niya at saka naramdaman na lang niyang parang pinilipit at pinipiga nang husto ang kaniyang puso. Halos hindi siya makahinga dahil dito. Ngunit ipinakita naman niya sa kausap na nakabawi siya kaagad na parang walang kuwenta ang sinasabi nito.

“Ah, yes. He told me that. You may go on to the third floor, and you can choose any room you like. Everything is fresh there, the bed covers, sheets, pillow cases…”

“The third floor? I think you meant the fourth floor, Zoie,” makahulugang koreksyon pa nito sa kaniya.

Napakurap-kurap naman siya ng mga mata. Parang tinutuya na siya ng babaeng ito, ah. Naiinis na siya. Kaunti na lang at mauubos na talaga ang kaniyang pasensiya rito. Subalit pinilit niyang ngumiti rito.

“Is that a jest? The fourth floor belongs to the family of the owner of this ranch. And you’re far from being a family to them. Well... that is from what I know around here. Please correct me if I’m wrong, Claire.” Binigyan niya pa ito ng isang matipid at pilit na ngiti.

***

Napahalakhak nang mabini si Claire dahil dito. Hindi siya makapaniwalang isang tongue-lasher din si Zoie katulad ng amo nito. No wonder why Alem seemed to had fallen so hard for her.

Pero ano ba itong ginagawa niya ngayon dito? Kung hindi dahil sa pangba-blackmail sa kaniya ni Domenic ay hindi niya ito gagawin sa gabing ito nang walang mapapala at hindi na siya magsasayang pa ng oras para galitin at pagselosin ang property manager ng Campbell Ranch. Kung ayaw niyang mag-pullout sa partnership ang Campbell Ranch ay hindi niya gagawin ito para kay Domenic.

‘That son of a bitch, he is so cunning!’ naisip pa ng blondie. ‘But why didn’t I notice him after Alem cast me aside?’ Napabuntong-hininga siya.

It was too late now. If only she had made her move first on Domenic, then she would not have lost something valuable at the moment. She had already lost Alem’s affection for good. Iyon ay dahil sa Pinay na property manager nito. Hhindi man lang niya nakita at inasahan iyong mangyari. At huli na ang lahat para sa kaniya.

“Don’t worry, Zoie. You’ll be the first one to know about that. Now, tell me where exactly is Alem’s room located. Or, do you wish me to find it myself?”

***

Pinakawalan ni Zoie ang isang malalim na hininga. Pakiramdam niya ay talo na siya sa isang labanan at para iyong Battle in Waterloo kung saan ay alam na niyang talo siya.

“It’s the last one on your left. If you need someone to prepare the bed, then I’ll ask one for you.”

“That’s very good then. I’ll leave you now.” Para pa itong modelong galing sa pagrampa at umikot pa ito bago umakyat gamit ang malapad na hagdan.

Napasunod naman ng tingin ang dalaga sa Briton.

“Ha! Alem’s room? Magsama kayo!” inis na aniya at inirapan pa ito.

Napatingin siyang muli sa babaeng pumapanhik ng hagdan. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin bago siya nagtungo sa kusina na parang gustong mag-amok.