CHAPTER 20
“She’s my girlfriend, okay? Now let’s go,” tugon nya saka itinulak palabas si Louie.
Louie couldn’t believe what he heard. Mabilis nyang binaling ang atensyon kay Phoebe para dito kumuha ng sagot pero nahihiya itong nag-iwas ng tingin sa kanya.
“A-ano—” hindi malaman ni Phoebe kung paano magdadahilan.
“Ano ba?! Wag mong tignan ang girlfriend ko!” Parang bata na saad ni Evan.
Inihilamos ni Louie ang palad sa kanyang mukha saka hindi makapaniwalang nagbuga ng malalim na hininga. Agad na tumungo si Phoebe habang hinihintay ang sermon ng boss na kaharap.
“Akalain mong naloko mo si Phoebe para maging totoong girlfriend mo?” Pang-aasar ni Louie sa alaga.
Mabilis na nag-angat ng tingin si Phoebe sa dalawa. Ang kaninang pangamba na baka pagalitan sya ni Louie ay tuluyang nawala nang tapikin sya nito sa balikat saka yakapin ng mahigpit.
“Congrat—” hindi pa man nya natatapos ang sasabihin ay agad nya nang naramdaman ang marahang paghila sa kanya papalayo kay Phoebe. “Congratulations, Phoebe, and goodluck!” Louie laughed nang makita ang halos magsuntukan na kilay ng kanyang alaga.
“Umalis na tayo.” Anunsyo ni Evan habang hinihila paalis ang manager upang mailayo ito sa kanyang nobyo.
Iiling-iling naman na nginisian ni Louie si Evan sa inaakto nito. “Possesive.” Tumatawang salita nya.
Evan just brushed him off at muling parang bata na tumakbo patungo sa kinaroroonan ng nobya.
“Call your friend and sister over, okay? Maaga akong uuwi.” Nakangiting ani Evan na sa kanyang nobya ang atensyon. Isang beses nya pang hinalikan si Phoebe sa noo. At nang tangkang isasara na ng dalaga ang pinto ay mabilis nyang iniharang ang kamay saka sumilip, “And one more thing, here’s my card. Bilhin mo ang lahat ng kailangan at gusto mo.”
“Evan.” Hindi malaman ni Phoebe kung tatanggapin nya nga ba ang itim na card. Hindi naman kasi nya gustong gumamit ng pera ni Evan sa kabila ng nangyari sa kanilang dalawa eh.
“I’m leaving. Bye.”
Walang ibang nagawa ang dalaga nang ilagay ni Evan ang card sa kanyang kamay. Isang beses lang nya iyong tinignan bago inilagay sa kanyang bulsa’s ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nang matapos, bibit ang bag nya ay lumabas sya. Tinawagan nya na rin si Anne at inimbitahan sa bahay ng amo. Hindi nga ito makapaniwala na makakapunta sya sa bahay ng isang artista.
“Phoebe!” Malakas ang sigaw ni Anne habang tumatakbo palapit sa kanyang kaibigan. Agad nitong ibinagsak ang katawan nya kay Phoebe na nakalahad na ang kamay upang salubungin sya ng yakap. “Namiss kita!”
“Namiss din kita.” Nakangiting saad ni Phoebe.
Nakasukbit ang kamay sa isa’t-isa na naglakad silang dalawa papasok sa mall. Ilang buwan nya ring hindi nakita ang kaibigan kaya naman excited syang madala ito sa kanyang tinutuluyan ngayon.
“Totoo ba? Invited ba ako sa balay ng Fafa?” Namimilog ang mga matang tanong ni Anne nang sabihin nya ang imbitasyon ni Evan.
“Oo.” Nakangiting tugon ni Phoebe pero agad ding napalitan ng kakaibang lungkot ang kanyang nararamdaman nang may isa pang maalala. “Gusto nya nga rin sana imbitahin si Ate kaso….”
Huminto si Anne saka umiling, “Girl, wag na.” isinenyas nya ang kanyang kamay na huminto saka nakapikit na tumango, “Baka mag-away lang ang dalawa. Medyo bitter pa rin ang ate mo panigurado.” Nakangiwing saad nya.
“Nakikita mo ba sya sa bahay?”
“Hindi sya nauwi don, girl!” Mabilis nyang nilingon si Anne. Tumango ito para kumpirmahin na nagsasabi sya ng totoo.
“Saan kaya nagpupunta iyon?” Puno ng pagtatakang tanong nya.
Nagkibit balikat ang kanyang kaibigan, “Saan ba tayo pupunta?”
“Sa grocery.”
“Aba! Namamalengke ka na rin ngayon?”
Nakangiting tumango sya, “Wala na kasing stock sa bahay ni Evan,” tugon nya na mabilis ikinalingon ni Anne.
“E-evan? Okay ka lang?”
“Wala namang problema sa kanya kung tawagin ko syang Evan eh,” sagot nya saka kumuha ng cart at dumiretso sa mga inumin. Agad syang naglagay ng freshmilk at huminto nang may maalala. “Nga pala, wala ka bang nabalitaan?”
“Na ano ‘day?” Nagtatakang nilingon ni Anne si Phoebe. Tulak-tulak nito ang cart at mukhang buryung-buryo sa ginagawa.
“Naaksidente ako. Nabundol ako at walang malay sa loob ng—”
Hindi nya nagawang ituloy ang sasabihin nang mabilis syang hilain ni Anne saka ito paulit-ulit na ginalaw. “Ano?! Maayos ka na ba?! May masakit ba sa’yo? Gusto mo bang tumawag ako sa ospital?” Aligagang tanong nya. Mabilis nyang inilabas ang telepono pero nang hindi marinig na magsalita ang kaibigan ay agad syang lumingon dito. “Phoebe? Phoebe. Naaalala mo ba ako?” Paulit-ulit nyang inalog ang kaibigan. Si Phoebe naman ay walang buhay na nakatigtig lang kay Anne. Sa isip ay paulit-ulit nya nang hiniling na sana ay lamunin na lang sya ng lupa dahil sa kahihiyan.
“Oh my gulay! Sinasabi ko na nga ba dapat hindi kita hinayaan na gawin ang gusto ng ate mo! Kasalanan ko ito! Bilang kaibigan mo ay pinigilan sana kita sa gagawin mo! I failed! I failed as a human.” Umiiyak na lumuhod sya. Nagsimula na silang pagtinginan ng mga tao sa paligid kaya naman mabilis na umupo si Phoebe saka inalalayan ang kaibigan sa pagtayo.
“Pinagtitinginan na tayo, Anne.” Madiin na bulong nya saka binibigyan ng pilit na ngit ang bawat mapanghusgang tingin ng mga taong dumaraan.
“Phoebe!” Pagtangis ni Anne. Paulit-ulit syang nagpumiglas. Nang hindi na makayanan ni Phoebe ang bulungan at tinginan ng mga tao ay agad nyang ginawaran ng malakas na hampas si Anne saka tumayo at itinulak ang cart palayo doon sa kinatatayuan nila.
“Aray! Ano ba?!” Habol na saad ni Anne.
“Napaka-OA mo.” Walang ganang tugon nya saka kumuha ng mga gulay.
“Pangit mo kabonding.” Nakangiwing tanong nya. Nang may dumaan sa kanilang harapan ay mabilis nyang iniharang ang pareho nyang kamay tsaka malaki ang ngiting binalingan ang babaeng nanunuod sa kanila kanina, “Ate, galing ko umarte no?”
“Mukha kang tae!” Sigaw ng ale saka dumambot puno ng takot na mabilis naglakad paalis doon. Sino nga ba namang hindi matatakot, hindi ba? “Gagang ‘yon,” ani Anne.
Hindi na pinansin pa ni Phoebe ang kaibigan at tinapos na ang pamimili.