CHAPTER 21
Hindi naiwasan ni Anne ang pagtulo ng kanyang laway nang tuluyang mapasok ang condo na tinutuluyan ni Phoebe. Noon ay pangarap nya lang makakita ng artista sa malapitan pero heto ngayo't nasa bahay pa sya ng isang sikat.
"Saan ko ilalagay 'to?" Hindi nya mapigil ang paglinga-linga sa pagligid, bawat parte na tinatamaan ng kanyang paningin ay mas lalong dumodoble ang pagkamangha na kanyang nararamdaman. Elegante ang ayos ng bahay at sa unang tingin pa lang ay napapansin na talagang mayaman ang nakatira doon.
"Ako na, maupo ka na lang dyan." Saad ni Phoebe saka inagaw ang mga dala sa kaibigan. Nakangiting pinanuod nya si Anne na pabatong ibagsak ang katawan nito sa malambot na sofa. Naiintindihan nya ang kaibigan dahil iyon din ang gusto nyang gawin nang una syang makapasok sa condo.
Ignoranteng hinawakan ni Anne ang lahat ng madadapuan ng kanyang paningin. Kakatwang hindi nya maiwasan ang pagnganga sa tuwing may bago syang madidiskubre sa bahay na animo'y isa syang bata na ngayon palang nakikilala ang mundo.
"Phoebe!"
"Bakit?" Aligagang tumakbo si Phoebe patungo sa sala nang makarinig ng malakas na pagkalampag. Ang pag-aalala ay napalitan ng pagngiti nang makita si Anne na nakatayo sa harap ng malaking TV at kinakawayan iyon. "May nabasag?" Tanong nya.
Umiling lang si Anne saka sya nilingon, "Buhayin mo naman itong TV. Gusto kong manuod." Pinanuod nya ang kaibigan na kunin ang remote saka iyon ibigay sa kanya. Tipikal na remote naman at hindi naman sya ganoon katanga ika nya para hindi malaman kung paanong gagawin doon. "Napakalaki ng TV nya. Sa tingin mo magkano kaya ang bili nya dito?" Ignoranteng tanong ni Anne.
Agad na nilingon sya ni Phoebe saka saglit na nag-isip. "Siguro maski isang buwan kong pagtrabahuhan ay hindi ko maabot ang presyo nyan."
"Ganoon kamahal?" Halos lumuwa ang mga mata ni Anne sa laki at hindi makapaniwalang pinakatitigan ang kaibigan para alamin kung ngsisinungaling nga ba ito.
Seryosong tumango si Phoebe bilang tugon. Tahimik na naglakad si Anne patungo sa sofa saka nanahimik doon, "sige. Magluto ka na. Mananahimik lang ako dito. Baka makabasag pa ako dito at maibenta ko pa ang isang kidney ko."
"Sige. Anong gusto mo, sopas o spaghetti?"
"May choice talaga? Samahan na lang kita sa kusina," aniya. Panay ang pagpuna ni Anne sa mga gamit kung gaano kaganda at kamamahalin ang mga iyon habang tinatahak ang daan patungo sa kusina.
Parehas silang lumaki ni Anne sa hirap kaya nama hindi nya hinuhusgahan ito. Isa pa, ganoon na ganoon din naman sya nang makarating sa condo unti ni Evan.
"Kamusta ang pagiging alalay sa isang Evan Johnson?" Tanong nya saka naupo sa silyang naroon sa counter. "Alam mo ba kung gaano ka ka-inggitan ng mga chismosa nating kabaranggay nang malaman nila kung saan ka nagtatrabaho?" Nakangising tanong ni Anne. Agad syang umiling. "Syempre maganda ka pero medyo tatanga-tanga ka—"
"Nangpuri nga pero nanglait din." Pigil ni Phoebe sa sasabihin ng kaibigan. Nakangiwi nya itong nilingon saka binigyan ng masamang tingin.
"Wag mo sabihing hindi?!" Biglang tanong ni Anne. "Sino ba namang tanga ang papayag sa paghihigante na gusto ng ate nyang napakasinungaling?"
"Hoy Anne ha!" Hawak nya ang kutsilyo habang nakaturo sa kaibigan. Agad iyong inagaw ni Anne saka inilapag sa lamesa at iniupo si Phoebe sa bakanteng silya na naroon sa kanyang tabi.
"Aminin na natin, Phoebe. Hindi ka mahal nyang ate mo. Saka lang nagiging mabait yan kapag may kailangan eh. Hindi ko nga alam sa'yo bakit pumapayag kang magpaalila dyan."
"Hindi naman nya ako inaalila. Buong puso ko namang ginagawa lahat ng gusto nya." Buong puso. Alam nyang pagsisinungaling iyon. Kung tutuusin, naipit lang sya sa pangakong ginawa nya dahil sa pag-aalala.
Kung hindi naman sya nangako ay hindi sana sya narito pero sa kabilang banda, ipinagpapasalamat nya ang katangahan na ginawa. Dahil ngayon, may lalaki nang nagpapasaya sa kanya.
"Oh siguro, hindi ka na galit kay Evan ngayon. Baka sa susunod nyan ay maglaway ka na para kang asong ulol kapag nakikita mo sya.” Nakangiwing ani Anne, alam na alam ang mga galawan ng babaeng nagtatrabaho sa mga gwapong nilalang na tulad ni Evan. "Paalala ko lang sa'yo ha, artista yan at isa ka lng ordinaryong tao."
"Anne." Pigil nya nahinto sya sa paghihiwa at wala sa wisyong napatitig sa cutting board na nasa harapan. Hindi nya malaman kung bakit nasaktan sya sa katotohanang ipinukol ng kaibigan. Ibinaba nya ang hawak na kutsilyo saka tumingin sa kawalan.
Paulit-ulit nyang kwinestyon sa isip ang mga posibilidad na nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Lokohan nga lang ba ang lahat? Pagkukunwari nga lang ba ang saya? Peke nga ba ang mga ngiti? At parte nga lang ba ng palabas ang mga halik?
"Ayoko lang masaktan ka, Phoebe," dagdag ni Anne saka tumayo at nilapitan ang dalaga. Pilit na ngiti ang ibinigay sa kanya ng kaibigan at nagpatuloy sa pagluluto. Ngunit wala talaga sya sa wisyo kaya naman kinailangan pang agawin ni Anne ang ginagawa sa kaibigan at inalalayan nya itong maupo.
"Wag mong sabihin na tinamaan ka na?" Basa ni Anne sa kanya. Malungkot syang tiningala ni Phoebe. Ilang ulit na hiniling ni Anne na sana kalokohan lang ang nakikita nyang lungkot sa mata ng kaibigan pero hindi nya inaasahan na mararamdaman nya ang pagiging totoo habang tumatagal.
"Hindi kasalanan ang magmahal, Phoebe, pero kailangan mong tandaan na ito ka lang," inilagay nya ang isang palad sa tapat ng dibdib ng kaibigan, "habang si Evan ay heto," dagdag nya saka inilagay naman ang isang kamay sa ulunan na nagpapakita ng magkalayong agwat ng kanyang kamay.
"Babe?"
"Hoy sino yon?" Aligagang tanong ni Anne. Mabilis syang nagpalinga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap.
"Nandyan na sya." Ang lahat ng pag-aalinlangan kay Phoebe ay bigla na lamang nawala nang makita ang nakangiting mukha ni Evan sa kanyang isipan. Mas pinili nya ngayong enjoy-in ang nangyayari kaysa pag-alalahin ang sarili sa isang bagay na hindi naman sya sigurado.
"Gagi. May iba pala tayong kasama dito, bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mahina ang boses na tanong ni Anne at saka nagtago sa sandok na hawak na akala mo maililigtas sya non kung sakali mang may pumasok sa kusina kung saan sila naroroon.
Agad na nangunot ang noo ni Phoebe sa inakto ng kaibigan. "Kasama? Sino?" Takang tanong nya.
"Babe daw. Nasaan ba ang girlfriend nya?"