CHAPTER 21

DALAWANG ARAW ang nakalipas simula noong palayasin ako ni Enlil sa mansion niya.

Inaamin kong nasasaktan parin ako, kung hindi ba naman kasi ako tangang mahuhulog sa isang Enlil Chen.

Nakatunganga lang ako dito sa bahay habang iniisip kung kamusta na si mama, masyado atang busy kaya hindi niya ako matawagan.

Sila Qin at Dean halos sa dalawang araw na yon, panay sila kamusta sakin. Kesyo kamusta daw pagiging nurse ni Enlil, kung ayos pa daw ba ulo ko sa katigasan ng ulo ni Enlil, hindi ko naman masagot kasi first of all hindi ko naman kasama si Enlil.

Bumalik na ako sa klase at sa bahay, feeling ko nagback to normal na lahat pero tung nararamdaman ko, wala atang balak magback to normal.

“Cia” napatingin ako kay Morgan na may hawak na Coke at sandwich.

Umupo siya sa tabi ko at nilapag sa harap ko yung isang diet coke at egg sandwich

“Ano meron?”

“Tulala ka diyan eh, asan si luo?” tanong niya at tumingin tingin sa paligid

“Andon sa office, nagcocomplain” Bagot na sabi ko at kinuha yung sandwich sabay kagat ng malaki

“There’s something bothering you”

“Huh? Ano naman?”

“Ewan ko. This past few days lagi kang tulala, matamlay at walang gana” tinignan niya pa ako tas nginitian “Hindi lang ako sanay” sabi pa niya tapos natawa ng bahagya

Napakamot lang ako sa ulo ko at dineretso ang kain.

Ganon na ba talaga kalaki ng epekto sakin ni Enlil?

“It’s about Enlil, isn’t it?” napatingin ako kay Morgan na deretso lang ang tingin habang kumakain

“Ha?”

Tumingin siya sakin at ngumiti “Si Enlil ba iniisip mo?” Oo.

“Hindi no, eww ka Morgan. Bakit ko naman iisipin yung taong yon?”

Nagkibit balikat lang siya at tinuloy ang pagkain, naalala ko tuloy nung hinatid ako ni morgan papuntang trabaho. Feeling ko kasi that time may mali eh.

“Whatever it is Cia, binabalaan kita. Don’t get yourself involve with Chen”

“Chen? Si Enlil Chen?”

“Oo”

Napakurap kurap ako at umiwas ng tingin, parang masyado ng late yang warning mo Morgan.

“Cia…” narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago ko naramdaman ang kanyang pagtayo “You’re not Inlove with him right?”

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, ako? Inlove? Kay Enlil?

Oh no no no no no.

Marahas akong umiling iling at nagsign of the cross “Jusme Morgan, ninanais ko ang matinong lalaki okay? Hindi sa may saltik sa utak”

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko “Mabuti naman” kamo niya pa bago tuluyang umalis.

Magkaiba naman ang gusto sa mahal eh, gusto ko lang si Enlil pero hindi ko siya mahal. Jusko, never.

LAN’S POV

“Jorah! Ano na?” pairap na tawag ko kay Jorah, sobrang bagal kasi kumilos.

“Teka nga Lan, ang demanding mo”

I flipped my hair at pinameywangan siya “Excuse me Mr. Lim! We’re going to see Enlil, and I don’t want to be late”

“Sure. Sure. If only you’re not rushing me 30 minutes earlier than the expected time. Jeez, calm down will you?”

Argh! Mas lalo akong napairap, as soon as possible I say, it means whether it’s 1 hour early or 1 hour and 30 minutes early. Taking this hunk man was a bad idea! He take too long to prepare.

But I need him so I can’t complain more.

“Why do you need me by the way?”

“Dumbass. Enlil said he’s signing the agreement you’re talking about, I’ve done my part. Now you do yours”

After what happened, it magically turned back to normal. I mean Qin and Dean isn’t here to do the side thinking for Enlil and it’s just great. That means Enlil will stay as usual with me.

“Damn. I forgot about that”

“Yeah. You’re so focused on your beach house”

“Tch. It’s important to me, what do you think I’ll do? Besides it’s so hard keeping everything from Morgan. You know his detective side, it makes me so hard to think and act”

“Why don’t you just tell him everything then? He’s part of your family. Sooner or later he’ll join you”

“No.”

“Why not?”

“Because Morgan is Morgan. He’s in side of truth and justice, once he’s in, who knows what he’ll do”

“Sounds like a problem”

“Sure is”

CIA’S POV

Pabalik na ako sa bahay galing sa school, oo sa bahay namin nila mama. Wala akong choice, hindi ako pwede kila Lou, hindi din ako pwede kila Enlil. Wala akong saktong pera para mag-upa. Kaya kailangan kong umuwi dito.

Malayo pa man ako ay nakita ko na ang ilang mga lalake sa tapat ng bahay, malalaki sila at talaga namang mukhang lasinggerong mamamatay tao.

Sa takot ko ay napahinto ako sa paglalakad habang pinapanood silang katukin ng katukin ang bahay namin. Mga nakahawak ng sigarilyo at ang iba sa kanila ay may bote pa ng alak na hawak.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa makita ko silang mag sialis dahil wala silang mapalabas na tao sa bahay. Andoon kaya si papa?

Sila kaya yung mga tao ni Joson na binabanggit lagi ni papa? Mabuting idea ngabang umuwi dito?

Naglakas loob nalang ulit ako magpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay. Pinagdadasal na sana walang tao.

Nakalock.

Kung ganon hindi pa umuuwi si papa? Naglakad ako papunta sa likuran namin para doon pumasok. Laking pasasalamat ko nalang dahil bukas ang pinto rito.

Pagkapasok ko ay makalat. Parang binagyo ang bahay namin, lahat ng plato at baso ay makikita mong basag sa sahig. Maski ang upuan at table namin ay sira na din, mga kaldero at nagkalat ba kutsara. Parang dinaanan ni Yolanda.

Tuluyan pa akong pumasok at ganon din sa Sala, sobrang kalat at sira lahat ng gamit. Tumakbo ako sa kwarto ko inaasahan na makalat din ngunit hindi. Parang hindi man lang ginalaw o binuksan, lahat ng naiwan kong gamit ganon parin ang ayos.

Nililinasan kaya ito ni papa? Impossible. Walang pakealam ‘yon samin hindi siya magaaksaya ng oras para lang linisin ‘tong kwarto ko.

Nilock ko na ang pinto ay nahiga sa kama. Kamusta na kaya si Enlil? Si Mama? Hindi na muna ako pumasok sa trabaho ngayon.

Dalawang araw na ang nakakalipas, hindi na nag paramdam sakin si Lan, mas lalo na si Enlil. Tanging sila Dean at Qin nalang ang nangangamusta sakin. Pakiramdam ko eto na ulit yung buhay ko noong hindi ko pa sila kilala.

Pero pakiramdam ko may kulang na, nasanay na ako sa presensya ng tatlong mokong. Hindi ko alam. Nakakalungkot, pakiramdam ko mag isa ko.

“Bigyan niyo pa ako ng ilang buwang palugit, hahanapin ko lang ang asawa at anak ko. Alam niyo naman ang sitwasyon ko” boses ni papa…

Patulo na ang luha ko eh, bigla ko narinig ang boses ni papa. Sa may labas lang ‘yon…

“Jusko naman Keil. Ang usapan ay usapan hindi ba? Nangako ka kay Joson Keil, asan na?”

“Pangako, ngayon, pag nahanap ko ang asawa at anak ko”

“Hindi naman pwedeng gamitin mo samin yang pag-iwan ng pamilya mo sa iyo, magbayad kana ng utang pare. Baka kami pa mismo tumugis sa nawawalang pamilya mo”

“Ilang buwan lang ang hinihingi ko”

Ano ba talaga dahilan ng utang mo papa? Bakit ganon kalaki, at bakit sa mga sindikato pa? May ginagawa ka din bang kababalaghan na labag sa batas?

Pagkatapos ng usapang iyon ay pakiramdam ko kahit saang sulok ako ng bansa magtatakbo, hindi na ako ligtas.

Mas lalo lang akong natakot. Ano nalang mangyayari sakin? Samin ni mama? Kung tutugisin pa kami ng mga tauhan ni Joson. Ang pagkakakilala ko lang kay Joson ay isa siyang leader ng sindikato. Hindi lang basta basta sindikato dahil malaking malaking sindikato.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakakaiyak

Nasa ganong sitwasyon ako ng bigla ay bumalibag yung pintuan ng kwarto ko, parehong nanlaki ang mata namin ni papa. Gulat na makita namin ang isa’t isa

“Aba’t tignan mo nga naman kung sino ang nagpakita” Nakangising sabi niya ngunit kitang kita sa mga mata niya ang galit “Wala ka ng dinulot na maganda sa pamumuhay ko!” sigaw niya at dali daling lumapit sakin at kinaladkad ako palabas ng kwarto

Sinubukan kong magpumiglas ngunit mas malakas sakin si papa. Kinaladkad niya ako hanggang sa makarating kami sa kwartong siya lang ang pwedeng pumasok.

Laman ng kwarto ang iba’t ibang uri ng patalim, na para bang torture room kung tawagin…

“Pa…” naiiyak na tawag ko sa kanya habang nililibot ang tingin sa kwarto.

“Ipagdadasal mong sana hindi ka na umuwi dito!” singhal niya at pabato akong binitawan kaya napahiga ako sa sahig.

Hindi mo na kailangan banggitin dahil nasa daan palang ako pinagdadasal ko na ‘yan! Ngunit wala naman akong choice, kesa matulog sa gilid ng daan.

“Asan ang mama mo?” galit na tanong niya sakin pero hindi ako nagsalita.

Baradong barado ang lalamunan ko sa kakaiyak, andami na masyadong nangyayari. Hindi ko na kinakaya

“ASAN ANG MAMA MO?!” Galit na sigaw niya tsaka ako sinipa ng malakas sa mukha. Naging dahilan para bahagya akong tumalsik malapit sa pader.

Mas lalo akong naiyak sa sakit.

Patayin mo nalang ako Pa. Patayin mo nalang ako.

“Aba’t hindi ka magsasalita?!” at doon siya magsimulang saktan ako ng saktan

Isang sipa, dalawa, tatlo. Isang suntok, dalawa, tatlo. Tadyak, sampal, sabunot, at ilang palo.

Halos barado ang ilong ko sa dugo. Hindi ako makahinga ng maayos, gising na gising ang diwa ko at sa kalagayan ko ngayon, mas gugustuhin kong himatayin nalang at hindi na magising. Umalis si papa na para bang siya pa ang nastress sa pagbugbug saakin.

Iniwan niya akong nakahiga na halos hindi na makatayo dito sa kwartong to, ubos ang luha kakaiyak at halos hindi ako makapagsalita.

Bakit? Bakit ganto ang nangyayari? Ano ba ang nagawa kong mali para sa ganto humantong ang buhay ko?

Ni hindi man lang ako makapagtext dahil naiwan sa kwarto ko ang cellphone ko. Hirap man akong gumalaw ay pilit kong gumapang, halong limang minuto ang abutin ko para lang makagalaw.

Nagpakahirap akong gumapang hanggang sa makarating ako sa kwarto, sakto namang may tumatawag. Pinilit kong abutin sa kama ang cellphone dahil hindi ko na kayang itayo ang katawan ko, maski pagtaas lang ng kamay ay hindi ko pa magawa ng maayos.

Pagkaabot sa cellphone ay tinignan ko agad kung sino ang tumatawag, si Dean.

Hindi ako makapag isip ng tama, sinagot ko nalang ang tawag.

[Hey! It’s Dean. How are you? Mapapaaga ang uwi ko and I think sabay lang kaming makakauwi ni Qin tomorrow. Hope you can hang on until that, I know Enlil is a lot more than a headache to handle hahaha]

Hindi ko magawang umimik, habang naririnig ko ang boses ni Dean pakiramdam ko ligtas ako. Kinakalma nito ang buong pagkatao ko at gusto ko nalang magsumbong ng magsumbong.

Mumunting hikbi lang ang naisagot ko sa kanya sapagkat hirap na hirap na talaga ako. Ang sakit ng mga nangyayari

[Hey… Are you crying? Are you okay? Cia, talk to me…]

Hindi ko kaya Dean. Hindi ako okay, hindi ako makapagsalita. Gusto ko nalang mawala.

[Cia… Is everything okay? Why are you crying?]

Hindi okay ang lahat Dean.

[Why aren’t you talking to me? I better call Enlil. Wait for us]

WAG!

Pipilitin ko pa sanang magsalita ngunit pinatay na niya ang tawag. Malalaman niyang pinalaya ako ni Enlil, ano nalang sasabihin niya pag uwi?

Mas lalo akong naiyak, sana pala una palang sinabi ko na ang totoo.