CHAPTER 22
DEAN’S POV
I am rushing my way to the airport while contacting Enlil. I swear to god if something happened to Cia, I am killing my way back to Philippines.
Fuck Enlil!
[What?] with his usual tone, he answered.
“The fuck Enlil! What happened to Cia?” Tarantang tanong ko habang taranta ring nilalagay ang gamit ko sa sasakyan.
I have a very bad feeling about this, I feel like something big happened or will happen.
[Why the fuck are you asking me?] sagot niya na para bang kahit isang Cia ay wala siyang kilala.
“Why the fuck not, Enlil?! Isn’t she there?”
[No]
“What the hell!”
[Fuck Dean! Get to the point will you!]
“Since when she’s not there?!”
[Two days]
“Fuck you Enlil!”
[WHAT THE FUCK IS YOUR PROBLEM?!]
I took a deep breath, stopped what I’m doing just to calm myself. Last night I called Cia, she’s not talking and she’s crying. She’s not with Enlil which only means one thing.
DANGER.
“What the hell were you thinking? WHY DID YOU LET HER GO?!”
Hindi siya nagsalita at rinig ko sa kabilang linya ang mahinang singhal. Did something happened that day he woke up.
[I’m going]
“Let’s talk when I get home” I said and ended the call.
You have something to explain Enlil. What happened that day?
“I better call Qin” I said and dialed his number, few rings and he answered.
[I was about to call you] he said. Halata sa boses niyang taranta din siya
“Why? Something happened?”
[No one can contact Cia, Lou called me telling me she’s out of reach. I tried to call but she’s not picking up]
“I knew something happened, I called you to say same thing. I called her last night to say we’re going back today, she’s not talking but she’s crying. Hearing her cry Qin, I felt something horrible. Something’s not right”
[We better get home fast, I’ll head to Lou first]
“Oh hell Qin, I’m going too”
LOU’S POV
“Asan ka na ba Cia?” Naiiyak na bulong ko sa sarili.
Hindi ako mapakali, hindi ugali ni Cia ang malate sa school. Kadalasan isang oras siyang mas maaga bago mag bell. Pero ngayon, tapos na ang tatlong klase pero wala parin siya.
“Did you check her house?” tanong sakin ni Morgan pagkarating niya galing sa Canteen.
Ni hindi ko magawang takamin sa libreng pagkain. Kung sana lang kasi pwede ko patuluyin si Cia sa nirerentahan ko eh, kaso may karoom ako at masikip ang space. Asan ka na ba Cia? Iiyak na ako oh.
“Lou” tawag sakin ni Morgan kasabay ng mahinang yugyog
“Ha?”
“I asked if you checked her house?” tanong niya ulit
“Oo Morgan, kaso walang tao. Nakalock sa front door pati sa back door nakalock. Sinilip ko din sa bintana pero walang tao. Saan ba kasi nagsusuksok yung babaeng ‘yon eh” maiyak iyak na sabi ko
Punyeta ka kasi Enlil! Pagkatapos ka niya alagaan to the point na hindi na niya maalagaan sarili niya, paggising mo papalayasin mo lang! Pag ikaw nakita ko isusuksok ko ulit sa butas mo yung balang tinanggal sayo!
“She’s not like this” seryosong sabi pa niya
“Jusko naman Morgan sa tagal tagal mong ginusto yung kaibigan ko ng palihim ngayon mo pa naisip na hindi niya gawain ang ganto!”
Nanlaki ang mata niya at gulat na napatingin sakin, na para bang akala niya walang nakakaalam na may gusto siya kay Cia eh napaka obvious naman niya.
“Oo Morgan alam ko, hindi ako kasing manhid ni Cia!”
Naiiyak parin ako. Asan ka na ba kasi?
Halos mapuno ulit ang pag asa ko nung marinig kong magring ang cellphone ko. Dali dali kong pinulot at ipinagdasal ng mabilisan sa mga diyos, bathala, at isali na natin ang demonyo, na sana si Cia ang tumatawag.
Pikit mata kong sinagot ang tawag at inantay na may magsalita…
[This is Qin, any update?]
Puta. Kung hindi ba naman demonyo mismo ang tumawag. Hulog ka ng lupa Qin!
“Wala paaaaaaa!” umiiyak na sumbong ko
Hindi ko na kaya pigilan ang luha ko. Paano ko pa ba sasabihin ‘to sa mama niya eh wala naman akong contact doon.
Paano kung napulot na siya nila Zellal sa daan? Paano kung papa niya nakapulot sa kanya? Paano kung nakidnap na siya? Narape? Kinatay? Binenta laman loob sa mga doctor?
Lalo akong naiyak sa mga pinag iisip ko..
[Hey stop crying]
“Punyeta ka! Eh kung kidnappin ko kaya ng hindi mo alam sila Dean at Enlil. Ewan ko lang kung hindi ka humagulgol eh”
[Kidnap? You mean Cia was kidnapped?]
“Aba malay ba natin! Eh paano nalang kung nasa sulok sulok lang pala yung Zellal na ‘yon!”
[Shit! Where are you?]
“Nasa school”
[We’re coming]
“We’re? Sinong kasam—”
Pinatay na niya ang tawag. Siraulo! Wala pa makausap na matino!
Bumalik ako sa pagpapanic at naiiyak na naman lalo
“Zellal?” Napatingin ako sa nagsalita. May tao pala.
“Uy Morgan andiyan ka pa pala” iyak na sabi ko
Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Morgan.
“Yeah, and hush now. Crying won’t help”
“Ganto ko na nga lang ilabas yung panic at pag aalala ko eh! Kung gusto niyo umiyak edi umiyak din kayo! Papakealaman niyo pa ako eh”
Parang na guilty naman agad siya sa sinabi niya. To talagang si Morgan napaka bait, pwede kana sumalangit Morgan.
“I’m sorry. Are you gonna be okay alone here? I have to go somewhere”
Tinanguan ko nalang siya, tutal papunta naman na raw si Qin dito. Ayos lang di naman siguro ‘yon matatagalan.
Tinapik pa niya ako ng bahagya sa balikat at tuluyan ng umalis. I’m sorry Morgan, kahit na gusto ko magsumbong sayo ng lahat lahat, pakiramdam ko kasi hindi ko pwedeng sabihin sayo ang mga nangyayari.
GUT FEELING NEVER LIES!!!!
Nakikita ko naman na gusto niya lang talaga tumulong, pero dahil siguro wala siyang kaalam alam sa nangyayari hindi niya alam kung paano simulan. Nakakaguilty.
Ilang minuto pa ay nakita ko na ang dalawang gwapong lalaking tumatakbo palapit sakin. Kung hindi lang ako nag aalala kay Cia ngayon baka pinagpantasyahan ko pa kayo eh.
“Lou…” nag aalalang tawag sakin ni Dean
“Bakit wala pa siya?” Halos humagulgol na tanong ko “Chineck ko na sa bahay nila, pati sa pinagtatrabahuan niya. Ang sabi sakin hindi siya pumasok kahapon, hindi na siya nagpakita after” sumbong ko pa
“We’ll find her, okay? Tahan na” pagpapakalma sakin ni Qin na hindi man lang umipekto kahit konti
Hindi ko makalma sarili ko, pagkatapos ng nangyari sa Beach house ewan ko nalang.
“Now, we need you to tell us everything. Everything happened while we’re away”
Napakamot ulo ako sa sinabing ‘yon ni Dean. Ano gusto nilang ikwento ko? Huhuhu ako ba yan!
“Ewan ko din! Basta gabi ‘yon, nung araw na nagising na si Enlil. Biglang sumulpot si Cia kung saan ako nagrerenta, buti nalang umuwi yung karoom ko kaya may pinagtulugan si Cia.”
“Why?” – Qin
“Ayon na nga din unang tanong ko eh. Bakit? Gising na si Enlil so dapat balik na siya sa mansion, pero sakin dumeretso. Kaya bago matulog tinanong ko siya, hindi siya sumagot kaya Sinilip ko, syempre curious ako. Malay ko ba kung tulog na or nakatunganga lang pero umiiyak pala”
“Why?” – Dean
“Eh ikaw ba naman! Halos di makakain, bantay sa gabi, trabaho sa umaga, wala pang tulog, tapos paggising ng demonyong tulog syempre eexpect mong mala happy ending diba? Eh kung di ba naman anak ni Satanas tung si Enlil, palayasin ba naman si Cia! Alam na ngang walang pupuntahan, the fact na baka nasa paligid lang yang Zellal na ‘yan! Sinasabi ko talaga! Pag nakita ko si Enlil ipapalunok ko sa kanya lahat ng baril na meron siya!”
“PINALAYAS?!” Dean/Qin