Chapter 23: I’ll Be There

Cia’s Point of View

Nang makarating kami sa ospital, agad namang tiningnan ng doctor ang paa ko. Hindi rin kami nagtagal dahil hindi naman ito ganoon kalala. Sinabihan lang ako na huwag masyadong ilakad ang paa ko para hindi na ito lumala pa. Pagkatapos akong kausapin ng doctor ay maaari na akong makalabas. Agad naman akong inalalayan ni Aaron. Hindi na niya ako binuhat ngunit inaalalayan niya pa rin ako maglakad.

Ilang minuto rin kaming nagbyahe, akala ko ay iddederetso niya ako sa condo unit pero nasa isang restaurant kami. Hindi na ako umangal pa, gutom na rin kasi ako. Saktong-saktong tanghali na rin naman.

“Tomorrow, huwag ka munang pumasok.” Sabi niya sa akin habang naghihintay kami ng order namin.

“Ha? Bakit? Kailangan ko magtrabaho” pagmamaktol ko.

“Cia, hindi mo ikamamatay kung hindi ka magtatrabaho bukas.” Cold niyang sabi.

“Baka magtanong si mommy. Kailangan ko siyang iupdate.” Pagdadahilan ko.

“I’ll call your mom, magpahinga ka lang” sabi niya.

“Huwag na.” Tipid kong sabi saka ako yumuko. Napansin ko namang kinuha niya ang cellphone niya.

“Hello?” Rinig kong sabi niya.

“Opo, this is Aaron.” Sagot niya. “Tumawag lang po ako to tell you something” sabi niya pa. Isip-isip ko naman na baka mommy niya ang kausap niya.

“Hindi po makakapagtrabaho si Cia sa susunod na mga araw” napatingin ako noong marinig ko ang pangalan ko. “Kasi po natapilok po siya, and advise po ng doctor na ipahinga muna po ang paa niya. Ayaw niya po kasing makinig sa doctor dahil kailangan niya raw po kayong iupdate To make sure na alam niyo po, tinawagan ko po kayo” paliwanag niya kay mommy.

“Aaron!” bulong ko pero sinenyasan lang ako. Pinapahiwatig na mamaya ko na siya kausapin.

“Sige po, don’t worry. Ako na pp ang bahala sa kanya. Thank you po. I’m sorry po ulit sa nangyari” sabi niya saka niya ibinaba ang tawag.

“Nababaliw ka na ba?!” naiirita kong sabi sa kanya.

“No. Kung concern mo lang din naman ang mommy mo, iyan natawagan ko na. Hindi mo na kailangan pumasok bukas o sa susunod pang mga araw hanggang hindi magaling ang paa mo Kung kailangan kitang puntahan sa condo gagawin ko” cold niyang sabi. Hindi na ako naka-imik pa kasi nag-iinit na ang ulo ko dahil sa kanya.

Maya-maya au dumating na ang order naming pagkain. Kumain naman agad ako at hindi na pinagtuunan pa ng pansin si Aaron. Hindi rin naman siya umiimik kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Agad ko namang itinigil ang pagkain ko at kinuha ang cellphone ko sa bag. Tiningnan ko lung sino ito at masayang sinagot ang tawag.

“Hello” sagot ko sa tawag.

“Hello! Kain tayo sa labas For sure lunch break mo na” sagot ni Jizel.

“Naglulunch na ako ngayon” sagot ko sa kanya.

“Susunod na lang ako. Wala kasi akong kasama maglunch ngayon. Send mo na lang ang location.” Sabi niya saka ibinaba ang tawag.

Pagbalik ng atensyon ko sa pagkain, napansin kong nakatingin sa akin si Aaron.

“What?” tanong ko sa kanya.

“Who’s that?” tanong niya.

“Wala ka na ron” mataray kong sabi ngunit sinamaan lang niya ako ng tingin kaya nakaramdam ako ng takot.

“Si Jizel” Sagot ko saka ko siya inirapan at itinuon muli ang atensyon ko sa pagkain.

“Ms. Isang set pa ng plates and utensils Thank you” rinig kong sabi niya na siyang naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

“I know susunod si Jizel” sabi niya

“Pano mo nalamang susunod si Jizel dito?”naguguluhan kong tanong.

“I know her more than you do” tipod niyang sagot sa akin.

“Don’t tell me you like her” pang-aasar ko.

“Of course not. Iisa lang ang babaeng minahal ko after I broke up with Ella” sagot niya sa akin.

“And that’s Sam” bulong ko.

“What did you say?” tanong niya sa akin.

“Wala” sagot ko.

“I heard you pero hindi clear” pagpupumilit niya.

“Oh my gosh!” rinig kong sabi ng isang oamilyar na boses. “Magkasama kayong dalawa?” masaya niyang sabi na tila ba nang aasar saka siya umupo sa katabi kong table.

“Hindi mo sinabi na magkasama kayo” pang-aasar niya.

“Hindi mo rin naman kasi tinanong”sagot ko sa kanya.

“Eh bakit nga kayo magkasama?” tanong niya pa.

“Alam mo Jizel gutom ka na. Order ka na nga. My treat” sabi ko sa kanya saka iniabot ang menu.

Matapos kong iabot kay Jizel ang Menu at makaorder siya, akala ko ay titigilan na niya kaming dalawa ni Aaron. Patuloy pa rin siyang nang-aasar pero si Aaron parang walang naririnig. Ako lang tuloy ang pinagtutuunan ng pansin ni Jizel sa pang-aasar niya.

“Ano nga kasi Cia? Bakit kayong dalawa lang?” pangugulit ni Jizel.

“Ang kulit naman nito. Sabi ko sayo diba, dinala niya ako sa ospital dahil natapilok ako.” Pailang ulit ko nang sagot ito sa kanya.

“Eh bakit andito kayo?” pangungulit niya pa.

“Malamang nakain” sagot ko.

“Kayong dalawa lang?” tanong niya pa ulit.

“Jizel ang dami mong tanong. Kung gusto mo kumain, kumain ka na lang ahh” sabi ko saka ako pekeng ngumiti.

Hindi na nagsalita pa si Jizel ng tingkol sa paglain namin ni Aaron sa labas Nakahalata ata na ako ay naiinis dahil puro pabalang na ang sagot ko sa kanya. Kita na rin siguro niya sa facial expression ko na naiilang ako sa mga tanong niya lalo pa at hindi naman sumasagot si Aaron sa mga tanong niya.

“Jizel” tawag ko sa kanya.

“Yes?” sagot naman niya.

“May gagawin ka after mo maglunch?” tanong ko

“Wala naman. Bakit?” sagot niya.

“Samahan mo ako sa condo after. May iaabot ako sa iyo.” Sabi ko naman.

“Sige” sagot niya sa akin. “Aray anonba Aaron!” malakas niyang sabi. “Naninipa ka diyan” pagmamaktol niya.

“Hindi ko sinasadya” sabi ni Aaron Itinuon ko naman ang atensyon ko sa cellphone ko at hinayaan na silang dalawa.

Matapos namin kumain, inihatid na kami ni Aaron sa condo. Iniabot ko kaagad kay Jizel ang paper bag na nakalimutan ko iabot noong dumating ako. Agad din siyang umalis at may biglaan daw siyang lakad. Naiwan naman kami ni Aaron ngayon dito sa condo

“Pagpasensyahan mo na si Jizel” rinig kong sabi ni Aaron habang inaayos ko ang pagkaka-upo ko.

“Ha?” napatanong naman ako noong maka-ayos ako ng upo.

“Na-miss ka lang niya kaya inaasar ka niya kanina” paglilinaw niya

“Ah iyon ba? Wala yon” saka ako pekeng tumawa.

“Liar” sabi niya. “I know naiinis ka na. Hindi ka iyong tipo ng taong pabalang sumagot” nagulat naman ako sa sinabi niya.

“What do you mean?” naguguluhan kong tanong.

“Hindi ka sumasagot ng pabalang sa ibang tao. Nagkakaganoon ka lang kapag naiinis ka o nagagalit ka” paglilinaw niya. “So you can’t deny that” habol niya pa

“Ayaw ko lang na inaasar niya pa tayo Ikakasal ka na. Ayaw kong may ibang meaning sa kaniya iyon o sa ibang tao” pagtatapat ko. “Nirerespeto ko ang fiance mo. Ayaw kong sumama ang tingin niya sa akin o sa iyo “ habol ko pa.

“It’s fine Mabait si Sam. Hindi niya iisipan ng iba iyong mga ganon. Besides, alam niyang magkaibigan tayo. Alam niyang dare lang ang relationship natin noon”paliwanag niya.

Matapos ang sinabi niya, hindi na ako umimik pa. Hindi ako mananalo sa kanya, alam ko iyon. Kaya mas pipiliin ko na lang ang manahimik. Masasayang labg energy ko sa kanya.

“About pala sa work” basag ko sa katahimikan.

“Cia, hindi ka pwedeng pumasok bukas. Nasabi na ng doctor na kailangan mo ipahinga ang paa mo” sagot agad niya.

“Hindi~” hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

“Ang tigas ng ulo mo. Kung gusto mo talaga magtrabaho bukas at sa mga susunod pang araw habang hindi oa magaling ang paa mo, ako ang pupunta dito.” Sabi niya habang kinukuha ang kanyang jacket.

“Tomorrow, eight in the morning, nasa labas na ako ng condo.” Sabi niya saka tuluyang naglakad palabas ng condo.