Chapter 22: First Day
Cia’s Point of View
Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ay first day ko na agad. Ang sabi sa akin ay imemeet ko raw muna ngayon ang client namin and itotour sa company para mas mafamiliarize ako. Kaya naman pagkagising ko, ito naghanda na agad ako.
Narinig kong may kumatok sa pinto ng unit na tinutuluyan ko. Naglakad naman ako papunta sa may pinto para tingnan kung sino ito. Noong sinilip ko mula sa pinto, staff pala ng building, may dalang paper bag. Pinagbuksan ko naman ito ng pinto.
“Good morning po!” bati ng staff saka iniabot sa akin ang paper bag na dala niya.
“Ahh thanks. Anyway kanino ito galing?” tanong ko habang tinitingnan ang laman nito. “Wala kasi akong inoorder na food” sabi ko noong makita kong pagkain pala ito.
“Ahh pinapabigay po ni Mr. Aaron” sagot niya kaya naman ngumiti ako.
“Ah sige thank you Ms.” Sabi ko saka siya malugod na umalis.
Agad kong isinarado ang pinto ng condo. Inilabas ko ang mga pagkain sa paper bag at inilagay sa plato. Nagtataka pa rin ako bakit magpapadala si Aaron ng pagkain sa akin. Gusto kong itanong sa kanya pero ayaw ko bigyan ng malisya.
“Oh my gosh! Baka gusto ka pa rin niya!” sigaw ng isipan ko.
“No! Of course not. He’s getting married so it is impossible.” Sigaw ko sa sarili ko.
Wala sa plano kong kainin ang pinadala ni Aaron, pero naisip ko na wala namang ibang kakain nito kundi ako. Imbes na sayangin ko ay napagdesisyonan kong kainin na lang. Sinimulan ko nang kainin ang pagkain na pinadala ni Aaron. Pagkatapos ay agad akong nag-ayos ng aking sarili para makapunta ako ng maaga sa company ng kliyente namin. Nakakahiya naman kasi kung first day pa lang late agad ako. Mabuting ako ang maghintay kesa sila ang maghintay sa akin.
Mabilis akong kumilos dahil sa takot na malate sa first day ko. Ayaw ko pa naman na may masasabi sila sa amin ng mommy ko. Halos wala pang isang oras ay nakarating na ako sa kumpanya at agad na dumiretso sa conference room dahil doon itinuro ng assistant ng client namin ang venue kung saan kami magmemeet.
Ilang minuto na akong naghihintay sa loob ng conference room. Maya-maya ay may narinig akong nagbubukas ng pinto kaya naman umayos ako ng pagkakaupo. Noong marinig kong nakapasok na ang nagbukas ng pinto, agad naman akong tumayo at humarap dito. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ito.
“Aaron?!” gulat na gulat kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin.
“A-anong ginagawa mo rito?” nauutal kong tanong.
“To meet someone” maikli niyang sagot.
“Ha?” paniniguro ko
“I’m here to meet someone” sagot naman niya.
“I-Ikaw ang client namin?” naguguluhan kong tanong.
“No. Iyong Uncle ko ang client niyo. Pinaki-usapan niya lang ako na itour ka dito sa company and pinaki-usapan niya rin ako to work with you” sagot niya sa akin.
“So alam mo na? Bakit di mo agad sinabi? Kaya ba pumayag ka na doon ako tumuloy sa unit mo?” dire-diretso kong tanong.
“No. Hindi ko alam na ikaw iyong binabanggit ng tito ko until he showed me your profile. About my unit, hindi kita pinatira roon for work, pinatira kita doon kasi importante sa akin ang safety mo.” Laking gulat ko ng marinig ko ang huling sinabi niya. Pakiramdam kong tumibok ng mapakabilis ang aking puso.
“K-kasi kaibigan kita” paglilinaw niya na siyang nagparamdam sa akin ng lungkot.
“So, I’ll tour you first before we discuss about work.” Pag-iiba niya. “Is it okay with you?” tanong niya pa.
“Y-yeah.” Sagot ko saka ako tumalikod sa kanya para kunin ang bag ko. Pgakakuha ko ng aking bag ay agad naman kaming naglakad papalabas ng conference room.
Agad naman niya akong inilibot sa company ng Uncle niya. Masyado rin kasi itong malaki at medyo nakakalito kasi halos pare-parehas ng design ang mga office.
Halos thirty minutes na kaming nag-iikot sa company ng Uncle niya Medyo pagod na rin ako dahil nakasuot ako ng heels. Pagpasok sa isang office, walang tao doon. Umupo naman agad ako sa bakanteng upuan na nakita ko at iniunat ang aking paa. Pinagmasdan ko ang opisina. Kung ikukumpara ko ito sa ibang mga nakita ko kanina, medyo feminine ang design nito. Napakaganda at napakaaliwalas tingnan.
“Nagustuhan mo?” rinig kong sabi ni Aaron kaya tumango ako.
“Good to know that. This would be your office from now on.” Sabi niya na ikinagulat ko.
“Ha?” pakiramdam ko kasi nagkakamali ako ng dinig.
“Pinasadya iyan ni Tito Carl” pagmamalaki niya.
“Kaya pala naiiba sa ibang office na ipinakita mo. Pero bakit? Hindi ba unfair iyon sa ibang employee?” nagtatakang kong tanong.
“I really don’t know. But I’m happy you like it” sabi na lang niya.
“Ok lang naman sa akin kung same ang office na titigilan ko sa office ng ibang employee. Beside, ilang buwan lang naman ako dito.” Paliwanag ko.
“I think it is because our families are friends. Nakakahiya sa mommy mo kung ang office mo ay parang hindi pinaghandaan. Kagaya ng sabi mo, ilang buwan ka lang. And I think my Uncle wants you to feel your special and welcome here.” Paliwanag naman niya.
“Thank you!” masaya kong sabi.
“Masakit ba?” nagulat ako sa sinabi niya ngunit mas ikinagulat ko ang paghawak niya sa paa ko. Pinagmasdan niya ito at saka tinanggal ang sapatos na suot ko.
“Tomorrow, huwag ka na magsuot ng heels. Baka sumakit pa lalo ang paa mo” nakatingin lang ako sa kanya habng sinasabi niya ito.
Nagulat ako ng may nagbukas ng pinto kaya naman napatayo agad ako na naging dahilan ng pagkatapilok ko. Agad naman akong nahawakan ni Aaron.
“Aray” mahina kong daing ko naman. Pagtingin ko sa pinto ay si Mr Carl pala ang pumasok.
“Good morning po” bati ko habang pilit na ngumingiti.
“Are you okay hija?” nag-aalalang tanong sa akin ng Tito ni Aaron.
“Okay lang po ako” sagot ko.
“She’s not Uncle.” Sagot naman ni Aaron na siyang ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Okay lang po talaga ako” pagpupumilit ko.
“I think Aaron’s right. You’re not okay.” Sabi naman niya sa akin. Lumapit siya sa akin at inalalayan akong maupo kasama ni Aaron.
“Aaron, check her foot.” Utos niya kay Aaron saka naman sumunod si Aaron.
“Okay lang po talaga ako Don’t worry” pagpupumilit ko pa ngunit dahil sa paghawak ni Aaron napa iling ako.
“Aray” daing ko.
“See, hinawakan ko lang umaray ka na. Now tell me you’re fine” sermon ni Aaron sa akin.
“Dadalhin ko lang po siya sa hospital” paalam ni Aaron.
“Huwag na. Bukas wala na ito” sabi ko naman.
“Hija, sige na magpadala ka na sa ospital. Makakapaghintay naman ang trabaho kung iyon ang iniisip mo. Mas importante sa akin ang safety mo.” Sagot sa akin ng Tito ni Aaron.
“Pero” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong buhatin ni Aaron.
“Aaron, ibaba mo ako.” Mahina kong sabi.
“No. Hindi ka nga makalakad.” Sagot niya sa akin.
“Kaya ko. Isa pa, baka kung ano ang isipin ng ibang tao” sabi ko naman. “Lalo at ikakasal na kayo ni Sam” bulong ko sa kanya.
“Tsk. Anyway, Uncle we’ll go ahead” paalam niya saka siya naglakad palapit sa pinto.
“Wait” bulong ko saka naman siya tumingin sa akin. “Nakaskirt ako” bulong ko sa kanya saka niya ako dahan dahang ibinaba at hinubad ang suit na suot niya at itinali ito sa bewang ko.
“Okay na?” tanong niya saka ako muling binuhat ng makita niyang tumango ako.