Chapter 21: After Five Years
Cia’s Point of View
Limang taon na ang nakalilipas mula noong mnirahan ako dito sa America. Miss na miss ko na ang Pilipinas. Miss ko na ang mga kaibigan ko.
“Pilipinas at mga kaibigan? O si Aaron?” tanong ng isipan ko.
“Ano ba? Kaibigan ko naman si Aaron so included na siya” sabi ng isipan ko.
“Yiee namiss si Aaron” sigaw oa ng isipan ko.
“Anak, ito ibigay mo ito kay Airene” sabi ni mommy saka iniabot ang isang boc ng heels. “ito naman kay Jizel” iniabot naman niya ang isang dress. “Ito kay Mark” iniabot naman niya ang isang box ng sapatos. “ito kay Aaron” saka iniabot sa akin ang jacket.
“Mom, afford naman nila bumili ng ganyan” biro ko kay mommy.
“Patricia Denise, kahit afford nila iyan, maganda ang may dala ka para sa kanila” sagot ni mommy. “Isa pa, limang taon ka nilang di nakita. Ano ba naman ang maiabot mo iyan sa kanila kapag free day mo” habol niya pa.
“Si mom hindi mabiro. Oo naman mom iaabot ko sa kanila iyan. Kahit hindi niyo po sabihin gagawin ko” sabi ko saka iniayos ang mga gamit ko at ang mga iniabot ni mommy sa akin.
“Ito ang susi ng bahay” saka iniabot sa akin ang susi ng bahay na tinitirhan namin noon.
“Thanks mom! You’re the best” sabi ko saka ako ngumiti at nagpatuloy na sa pag-iimpake.
Actually sa Monday pa ang start ng trabaho ko sa Philippines. Pinaaga ko ang flight ko para naman mabisita ko ang mga kaibigan ko. Babalik lang ako sa Philippines for 3 months para sa pinapaayos ni mommy sa akin. Nagkaroon kasi kami ng client from Philippines and gusto nila na kami mismo ang pupunta roon. Hindi naman pwedeng parehas kaming aalis ni mommy kaya ako na lang ang uuwi sa Pilipinas.
“Sige na anak, baka mahuli ka sa flight mo” sabi ni mommy bago ako tuluyang umalis ng bahay.
Ilang oras ang naging byahe ko papunta sa Airport. Pagkadating sa Airport ay naghintay pa ako ng ilang oras para naman sa flight ko. Nang makasakay sa eroplano ay ilang oras din ang hinintay ko. Kumain, natulog, yan ang naging routine ko kakahintay na makarating ako sa Pilipinas.
Nang makarating ako sa Pilipinas, wala naman akong inaasahang susundo sa akin kasi hindi ko naman nabanggit sa mga kaibigan kong uuwi ako. Laking gulat ko ng makita kong nasa harap ko si Airene at Jizel. Bigla nila akong niyakap sa sobrang pagkamiss sa akin.
“Ankng ginagawa niyo rito?” nagtatakang taning ko.
“Tinawagan kami ni Tita, sabi niya ngayon ang dating mo kaya naman pumunta kami dito para sunduin ka” sabi ni Jizel.
“My goshako dapat ang mangsusurprise sa inyo pero ako ang nasurprise.” Sabi ko naman. “Kayong dalawa lang ba?” tankng ko saka ako luminga linga.
“Bakit? Hinahanao mo ba si Aaron?” tanong naman ni Jizel. “Aminin na miss mo siya” pang-aasar niya pa.
“Hindi ka pa nakaka move on sa kanya ano?” sakay ni Airene sa trip ni Jizel.
“Hindi ano ba. Tinatanong ko lang naman” depensa ko.
“Huwag ka mag-alala, kasama namin ang dalawa” sabi naman ni Airene.
“My gosh five years na ang nakalipas pero mahal mo pa rin siya.” Asar ni Jizel.
“Hindi nga kasi. Nakamove-on na ako ok” depensa ko pa.
“Sure ka?” paniniguro ni Airene.
“Oo nga” sagot ko naman.
“Sabi mo” sabi niya na lang.
“Cia!” tawag ng pamilyar na boses.
“Oy Mark! Kumusta?” tanong ko naman noong makita ko siya.
“Ito kasala na.” Saka ipinakita ang singsing sa daliri niya. “ Ikaw hindi ka man lang pumunta noong kasal namin ni Jizel” nagtatampo niyang sabi.
“Sorry. Busy lang talaga ako” sabi ko naman.
“Don’t worry ang sunod na ikakasal sa atin, I promise aattend na ako” pangako ko naman.
“Paano ba iyan, si Aaron na ang sunod na ikakasal” biglang parang nadurog ang puso ko sa sinabi ni Jizel.
“C-congrats.” Maikli kong sabi.
“Wala pa naman. Balak ko pa labg magpropose pero invited ka” bakas sa mukha ni Aaron ang saya. Sigurado akong si Sam iyon.
“Anyway let’s go? Kain muna tayo” aya ni Airene saka naman kinuha ni Mark ang maleta ko.
Habang nasa byahe, nagkikinig labg ako sa mga kwento nila. Ganito pala ang feeling kapag matagal mo silang hindi nakasama. Sobrang nakakamiss. Parang ang dami kong namiss out sa mga ganap nila sa buhay.
“Nga pala Cia, sabi ni Tita hindi raw pala nalinis ang bahay niyo. Hindi raw kasi dumating iyong tagalinis.” Sabi ni Mark.
“Ahh ganon ba? Sige mag check in na lang muna ako sa hotel” sagot ko naman.
“Ha? Eh diba delikado ngayon sa mga hotel?” sabi naman ni Jizel.
“Kaya nga eh. Hindi ko naman maioffer sa iyo ang condo ko kasi doon natuloy ngayon ang boyfriend ko. Hindi ko rin maioffer ang bahay namin kasi nasa bahay din ang mga pinsan ko habang nagbabakasyon sila dito sa Manila” paliwanag ni Airene.
“No it’s fine. Maghohotel na lang ako” pagpupumilit ko.
“Diba may condo ka?” tanong ni Mark kay Aaron
“Y-yeah” nauutal niyang sagot.
“Baka naman pwedeng doon muna si Cia. For her safety” tanong ni Jizel.
“Pwede naman.” Sagot niya.
“Hindi wag na. Maghohotel na lang ako” pagpupumilit ko pa. Nakakahiya rin lalo pa at balak na pala niya magpropose sa girlfriend niya. Nakakahiya naman kung doon ako tutuloy.
“It’s fine. Doon ka na lang muna.” Sabi niya.
“T-thank you. Don’t worry kapag napalinis ko na ang bahay, lilipat din agad ako.” Sabi ko saka siya tumango.
Maya-maya lang ay nasa isang restaurant na kami. Pamilyar ang itsura niya. Hindi ko mawari kung saan ko ito nakita.
“Parang familiar ito” sabi ko.
“Ahh, ito iyong restaurant na kinainan natin before” sagot ni Aaron.
“Ah, ang laki kasi ng pinagbago sa labas pero ang loob ganoon pa rin” sabi ko
“Kumain na kayo dito?” tanong ni Jizel.
“Ahh oo” sagot ko.
“Kelan? Noong kayo pa?” bigla naman akkng natahimik. Naalala ko kasi ang memories namin ni Aaron dito.
“Yeah” sagot ni Aaron saka tuluyang naglakad palapit sa isang table. Sumunod naman kami agad at naupo na rin sa upuan.
Umorder na kami ng mga pagkain. Sobrang namiss ko ang luto dito. Most of the time kasi noong nasa America ako, fast food ang kinakain ko kasi walang time para magluto pa. Sa tuwing uuwi kasi ako, tulog na si mommy. Hindi na ako makapag-luto sa pagod kaya kumakain na lang ako sa labas.
Matapos namin kumain ay inihatid nila ako sa condo ni Aaron. Nauna nang umalis si Airene dahil tinawagan siya ng pinsan niya. Si Jizel at Mark naman ay susunduin pa ang anak nila sa bahay ng magulang ni Jizel. Si Aaron ay naiwan dito sa condo dahil sa mga damit niya. Sinabi ko nga s akanya na huwag na niyang kunin kasi aalis din naman ako pero mapilit siya.
“I’m sorry napilitan ka pang patuluyin ako dito” sabi ko sa kanya habang nagtatanggal ako ng gamit ko sa maleta.
“It’s fine. Don’t worry. Kaibigan kita kaya huwag kang magsorry” sabi naman niya. Naalala ko bigla ang ipinabibigay ni mommy. Nalimutan kong iabot kila Airene.
“Nga pala, ito pala pinabibigay ni mommy” sabi ko saka iniabot ang Jacket.
“Thanks, pasabi na rin kay Tita thanks for this” sbai niya saka kinuha sa akin ang jacket na iniabot ko.
“Ito pala ang susi. Kapag may kailangan ka tawag ka lang sa baba, sabihin mo lang ang name ko.” Sabi niya kaya naman tumango ako.
“Kumusta kayo ni Sam?” basag ko sa katahimikan.
“Ok naman. We’re good” sagot niya.
“That’s good to hear” sabi ko naman.
“Ikaw, may boyfriend ka na?” tanong niya sa akin
“Wala. Wala pa akong plano. Gusto ko kasi kapag pumasok ako sa relationship iyong sigurado na ako” sagot ko ulit
“Oh I see. Pero may sumubok ba na makipagdate? Or ligawan ka?” tanong ulit niya
“Yes meron but I rejected him” sagot ko at nakita kong bigla siyang ngumiti
“Ohh” sabi niya.
“Well, ok naman siya. Mabait, maalaga. Kahit kasi nireject ko na siya, hindi niya ako pinapabayaan.” Open ko sa kanya.
“Bakit hindi mo bigyan ng chance. Malay mo mag work” taning ulit niya
“Hindi pa ako ready” sagot ko naman sa kanya. “Ayaw ko kasi na magpapasok ng tao sa buhay ko na hindi naman magtatagal. I want my last boyfriend to be my husband.” Sabi ko pa kay Aaron.
“Ikaw, paano mo nasabing ready ka na ikasal?” tanong ko naman sa kanya.
“Ayaw ko na kasi siyang pakawalan pa. Siya ang babaeng matagal ko nang gustong pakasalan. Matagal ko na rin siyang hiniling sa diyos. Ngayon na binigay siya sa akin, hindi ko na sasayangin pa ang chance na to” sa sagot niya sa akin parang nadurog ang puso ko.
“I’m happy for you and Sam. Sam is lucky na meron siyang ikaw” sabi ko saka ako ngumiti maya-maya ay nagring naman ang cellphone niya. Sinagit niya ang tawag.
“Ahh mauna na ako Cia. Tawagan mo na lang ako kapag may problema. Susunduin ko lang si Sam” paalam niya. Tumango naman ako saka siya naglakad palabas ng condo unit niya