Chapter 52: Love Overflows
Maya’t maya ay humahalik si Carlo sa mga pisngi ni Magnolia habang nagmamaneho. Naroong ihihinto nito bigla sa gilid ng daan para lang yakapin siya nang mahigpit at siilin ng halik. Lalo itong naging clingy sa kanya. “Carlo, ang OA mo na,” natatawang sabi niya kahit bumabaha ang kaligayahan sa puso niya.
“I can’t help it. You’re mine now, baby. I still can’t believe it. I love you, you love me. Tell me how can I not be like this when I’m this close to the woman I truly love?”
“Oh my Goodness,” aniya at nag-uunahang pumatak ang mga luha. Her heart was overwhelmed with love and happiness that she still couldn’t believe it was happening to her. She was overjoyed that the man she had loved for more than a decade finally loved her back. Her family loved her. Her sister loved her now. She was an accomplished architect. What more could she ask for?
“Oh iyan ka na naman,” malambing na sabi nito at muling inihinto ang sasakyan. Nag-hazard pa muna ito para hindi makagulo sa traffic. “Halika nga dito,” anito at niyakap siya nang mahigpit. Pagkatapos ay siniil na siya ng isang malalim at mapusok na halik na agad niyang tinugon. Hingal na hingal pa ito nang pakawalan siya. “Wait lang, honey,” anito na nakakulong na ang mukha sa kanyang mga kamay. She couldn’t get enough of him that she cut his words with another fervent kiss. “Honey, hindi pa tayo kasal, uubusin mo ang hininga ko,” natatawang sabing nito.
“Sinong honey? Akala ko baby?” Mataray agad ang naging pagsagot niya.
“Oh nagseselos ka na naman. Wala iyon. Ikaw ang honey at baby ko, my one and only. Pero tatlo pala kayong baby ko kasama sina Calix at Catleya. Pero honey, why did you do it?”
“What?”
“The act that you did. You pretended to be Gladiolus. Oh jeez you drove me crazy that night.”
“Obvious naman hindi ba? Natural mahal na mahal kita kaya gusto ko maging memorable sa akin ang last night ng pagkabinata mo. You’re the memory my heart can’t let go.”
“Still you left me.”
“Because I thought you would never love me. I didn’t plan to have Calix and Catleya. I forgot to drink the morning-after pill.”
“That’s what this hot dude does to you,” nakangising sabi nito na mayabang ang asta. “I make you forget things. That’s what you also do to me whenever you kiss me.” He hugged her tight for another few minutes. “Jeez. I can’t believe I let you go. If you only knew how lonely I was when you left me again. I drank almost every night. Joseph even told me to admit that I love and miss you. I did that’s why I followed you. But, I was deeply wretched when you told me about that imaginary asshole businessman.”
“Sorry na.”
“Okay na iyon, honey. Ayaw ko lang talagang tanggapin na may nauna na sa akin. You know it was like driving a car. I was stuck for more than a decade. Just when I was about to get past the stoplight, someone overtook me.”
“Carlo?”
“Hmm?” Nakangiti lang ito habang nagmamaneho gamit ang isang kamay. Ang isang kamay naman nito ay mahigpit lang na hawak ang kamay niya.
“Wala na talaga kayong relasyon ng babaeng sumugod noong nakaraan? Tigilan mo nga ang pagtawa!” Lalo lang itong tumawa. “Tawanan mo pa ako at tatanggihan ko ulit iyung marriage proposal mo.”
“Ito naman, wala namang ganyanan. Ang tagal kitang hinintay eh. Gigil na gigil na nga akong makauwi eh. Hindi totoo ang mga sinabi ng luka-luka na iyon. Sabi ko nga sa’ yo she used to be one of my flings and bedmates. Sorry ha,” anito at napangiwi. “Promise hindi na iyon mauulit saka noong naging fling ko iyon, hindi ko pa naman nakikita ulit ang pinakamagandang babae sa buhay ko,” anito at saglit na tumingin sa kanya bago ngumiti.
“Sige na nga. Carlo, pwede bang sa condo unit ko muna tayo matulog?”
“Oo naman. Paano ang babies natin?”
“Nandoon din sila sa condo unit ko ngayon.”
“Okay. Pauwiin na lang natin ang parents natin. Mga istorbo eh. Paano tayo makakabuo ng isa pang kambal kung ganyan.”
“Ang feeling mo!” Tinampal niya ito at natawa. “I love you, Carlo.”
Hininto nito ang kotse. “Please say it again,” anito at nakapikit pa.
“I love you, Carlo. Mahal na mahal na mahal kita super.”
“Ang sarap namang marinig niyan.”
“Ang sarap sa pakiramdam na malaya ko nang masabi ito sa ‘yo,” aniya at marahan na hinalikan ito at niyakap nang mahigpit.
“Thank you, baby, for staying in love with me. Hindi ko alam na matagal mo na akong hinihintay. Ang layo kasi ng tingin ko eh. Pasensya ka na talaga kung matagal bago ko pa narealize. Kaya pala baliw na baliw ako pati iyung junior ko ayaw nang magpahawak sa iba.”
“Bastos! Pero doon kay Gladiolus, feel na feel mo!”
“Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi ikaw na ikaw iyon eh kaya nadala ako. Ayaw mo pa akong pakawalan noon. Ayaw ko dapat ituloy kasi parang hindi ako faithful sa ‘yo kahit hindi naman ikaw ang pakakasalan ko. Iyon pala mahal na mahal na talaga kita.”
“Thank you, baby ko, for loving me back,” aniya at nanatiling nakayakap dito habang nag-da-drive ito. She grinned and moved her hand toward his crotch.
He groaned in protest. “Magnolia, mamaya na please, baka maaksidente pa tayo. Kawawa naman ang kambal. Saka gusto ko pang masulit iyung labing-labing natin.”
“Hitsura mo ahh,” humahagikgik na sabi niya at niyakap na lang ito.
Nang makarating sila sa condo unit ay naroon nga ang mga magulang nila. Doon na silang lahat naghapunan. Pagkalipas ng saglit na kuwentuhan ay pinauwi na ang mga ito ni Carlo dahil mag-ho-honeymoon pa raw ulit sila. Nang mapatulog na nila ang kambal ay tiningnan siya nito sabay ngumisi. “Alam kong katawan ko lang ang habol mo ngayon pero pagbibigyan na kita,” anito at hinila ang kamay niya at ipinasok sa boxer shorts nito.
“Ang hilig mo talagang lalaki ka walang kaparis.”
“Magkaroon ba naman ako ng misis na ganyan ka-ganda at sexy baka hindi kita tigilan hanggang umaga,” sabi nitong tumaas-baba pa ang kilay.
“Oo na. Puro ka harot!” Iyon na nga ang ginawa nila at magdamag na bumawi sa maraming taon nilang paghahabulan. Paggising nila kinabukasan ay inasikaso agad nila ang kambal at sabay na silang nag-almusal. “Carlo, baby ko?”
“Yes, baby kong mahal na mahal na mahal ko?”
“Ang lambing,” aniya at niyakap ito. “May ipapakita ako sa ‘yo. Pero mag-blindfold ka muna.”
“Ang aga naman niyan, misis. Mabuti na lang at malakas ang stamina nitong mister mo.”
“Loko-loko!” Nilagyan na niya ng piring ang mga mata nito at dinala sa paborito niyang kuwarto na siya lamang ang nakakapasok. Dahan-dahan niyang inalis ang piring. “Iyan na. Tingnan mo na.”
Dumilat nga ito at ilang sandali pa ay umalug-alog na ang mga balikat nito habang tumutulo ang mga luha. “Halika nga dito, Magnolia, misis ko. Mahal na mahal na mahal mo nga talaga ako,” pumipiyok pa na sabi nito. Ayaw siya nitong pakawalan habang tinitingnan ang mga painting niya rito. Lahat ng pader ay ito ang subject mula noong high school pa sila hanggang bumalik siya sa Pilipinas. “Pangako mas mamahalin pa talaga kita at ipapakita ko sa ‘yong hindi ka nagkamaling minahal mo ako. Hindi na kita paluluhain. Sana nalaman ko agad para hindi ka na umiyak nang dahil sa mga kalokohan ko baka hindi na tayo naghintay nang ganito katagal pero ayos lang. Ang mahalaga mahal mo pa rin ako at may kambal na tayo. My God, Magnolia, baby, ngayon lang ako umiyak nang ganito,” anito habang humihikbi pa rin sa pinaghalong kasiyahan at pagkaantig habang nakatingin sa mga paintings niya.
“Maraming salamat, Carlo, mister ko na mahal na mahal ko.” Para nang malakas na ulan dahil sa pagpatak ng mga luha nila. Ang lalaking minamahal niya na parang isang muog na hindi matitinag ay parang batang umiiyak pa rin sa labis na kasiyahan at pagmamahal sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa dahil ito ang katuparan ng lahat ng mga panalangin at pangarap niya.
PAGKALIPAS ng ilang buwan ay ikinasal sila ni Carlo sa Simbahan. Nag-propose ito nang pormal nang bumalik sila sa Brooklyn Bridge Park. Akala niya ay hindi na nito iyon gagawin dahil maayos na ang lahat sa pagitan nila. Ang iniisip lang naman din niya ay ang ikasal na sila. Pero masarap sa pakiramdam nang bigla itong lumuhod at inilabas ang kahita ng singsing. Tinanggap niya agad ito habang mahigpit pa silang magkayakap at pinapalakpakan ng mga turistang naging audience nila.
Ikinasal na din agad sila kinabukasan sa pagpipilit ng mister niya. Hindi na raw kasi ito makapaghintay na maging na asawa niya. Pinayagan na lang ito ng mga magulang nila na nalaman na ang buong kuwento at pinatawad na sila. Ang kapatid naman niya ay tumawag pa para ipaalam na masayang-masaya ito sa kanilang love story. Humingi din ulit ito ng tawad sa kanila. Hindi pa niya nakikita ang anak nito na ilang buwan lang ang pagitan sa kambal nila ni Carlo.
Sa araw na iyon ay naglakad siya sa gitna ng aisle ng lumang Simbahan sa kanilang probinsiya. Napakaganda ng paligid na puno ng anemones. Naalala niya ang isang bungkos ng anemones na ibinigay sa kanya ng lalaki. Iyon ang umaga nang magising siyang wala na ito sa kanyang tabi pagkatapos nitong mangako na palalayain na nila ang isa’t isa. Hindi na naman ito tumupad sa usapan nila na ipinagpasalamat niya.
Nang makalapit siya rito ay malapad ang pagkakangiti nito. “Hello, my pretty baby. I missed you, anito. Dahil sa tradisyon ng kanyang pamilya ay isang linggo itong wala sa tabi niya. Doon muna sila natulog ng kambal nila sa hacienda nila habang nasa kabilang hacienda ito. Hindi rin ito pinayagang makita siya at ang kambal nilang isang taon na at nakakapaglakad na. Ang mga ito ang ring bearer at flower girl na karga ng Daddy nila ni Carlo. Parehong ayaw magpatalo ng mga ito kaya tig-isang kambal ang bitbit ng mga ito.
“Hello, my handsome husband. I miss you, too,” aniya at tinanggap na ang kamay nito.
Habang nagbibigay ng maikling sermon ang pari ay bumulong ito. “One week walang exercise itong si Big Bob. Walang kawala iyang si anemone mo.”
Pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran kaya napangiwi ito. “Nasa Simbahan tayo puro harot pa rin iyang priority mo.”
“Ganoon talaga. Miss na miss kita akala mo ba? I love you, my wife.”
“Miss na miss din kita. I love you, too, my husband.” Napabalikwas na lang din sila nang marinig ang malakas na tawanan ng mga tao dahil sila na pala ang topic ng pari. Nalimutan nilang suot nila ang lapel kaya narinig ng lahat ang usapan nila pati ang kabastusan nito. “Nakakahiya tuloy,” sabi niya at sumubsob sa dibdib nito.
“Huy, mamaya na iyan,” sigaw ni Joseph na best man nito kaya lalong nagtawanan.
Paglingon niya ay tawa nang tawa ang maid of honor niyang si Liberty. Ang kapatid naman niya ang naging Lector sa kasal nila. “Quiet guys,” natatawa na lang na sabi ni Carlo sa mga ito. Nang matapos ang kasal ay muling nagpatawa ang kuwelang pari at sinabihan na silang pwede nang mag-kiss. “Ayun sa wakas,” malakas na sabi ng lalaki kaya muling nagtawanan ang Simbahan. “I love you, Mrs. Magnolia Valderama-Torillo, misis ko.”
“I love you, too, Carlo Frederico Torillo, mister kong gwapo,” natatawang sabi niya at hinintay na ang paglapat ng mga labi nito. Tumagal iyon ng mahigit isang minuto at hindi pa sila maghihiwalay kung hindi na naman nagtawanan ang mga tao.
Ilang buwan pa ang lumipas at nalaman nilang buntis na naman siya. Hindi na siya nagulat dahil totoong bumawi si Carlo at ginawang unlimited ang lovemaking nila. Ayaw na raw nito ng family planning pa dahil gusto nito ng limang set ng kambal na tinawanan lang niya. Nang malaman nilang kambal na naman iyon at parehong lalaki ay tuwang-tuwa na naman ito. Nagtatatalon pa rin ito na parang bata kahit nasa bahay na sila.
“Sabi sa ‘yo, misis,” makakabuo ulit tayo ng kambal. Ibahin mo ‘to,” mayabang na sabi nito na halatang nagbibiro lang. “Good job, my big bob,” sabi nito at sinilip ang loob ng boxer shorts nito.
“Oo nga eh, compatible talaga sina big bob at anemone,” pakikisakay niya sa green joke nito. “I love you,” aniya at hinalikan ito.