Chapter 51: Accepting And Embracing True Love And Happiness
Parehong desisyon nila ang mag-check out na kinabukasan bandang hapon. Pumunta pareho ang mga magulang nila gamit ang kotse ng daddy nito. Gusto ng mga itong parehong bitbit ang kambal. Tuwang-tuwa pa ang mga ito na hayaan na munang mapag-isa sila. Akala ng mga ito ay nagkakaigihan o mas tamang sabihing may relasyon talaga sila ni Carlo. May relasyon din naman talaga sila pero sa seksuwal na aspeto lamang. Kung magiging asawa niya ito, hanggang papel at kama lang sila. Darating ang panahon na magsasawa ito sa pakikipagniig sa kanya. Makakahanap ito ng mas maganda at mas bata sa kanya.
Tahimik lang ang biyahe nila. Hawak nito ang kamay niya na maya’t maya ay hinahalikan nito. Ayaw niya sana dahil baka bigla na lang siyang umiyak pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang mayakap ito. Nang makarating sila sa Brooklyn Bridge Park ay nagdesisyon silang doon na manatili. Nasa loob lang din sila ng kotse habang nakatanaw sa papalubog na araw. Nagtatawanan sila at inaalala ang mga nangyari noong kabataan nila. They were not close, but she had to admit that her sweet moments with him were her most treasured ones. In a way, they were saying goodbye to something they hold dear to their heart.
“Magnolia, I want to ask you something if it’s fine.”
“Okay.”
“Was there a time you fell in love with me?”
“Carlo…”
“Joseph told me he was sure you used to love me.”
She realized there was no point in denying it. After all, she would not tell him she still loved him. “I did.”
“When did you find out you were in love with me?”
“The first time I met you at the open quadrangle. It was the first day of school. You bumped with me. That was when I felt something different toward a man. I have loved you since then. I know it is a very long time. You broke my heart so many times.”
Maang lang na napatitig ito sa kanya. “I-is that why you left for the states.”
“Partly, yes. Pero mas gusto ko rin talagang mag-aral sa MIT para makatulong sa business.”
“I b-broke your heart. I’m very sorry. My God. I’m so sorry,” anito at niyakap siya nang mahigpit.
Kumawala din siya pagkalipas ng ilang minuto. “Okay na iyon. That’s all in the past now.”
“B-bakit w-wala n-na. P-paano na ngayon? Ayaw mo na ba akong mahalin?”
“Why are you asking me that?”
“I’m asking you because I can’t let you go. The thought of you and the babies leaving me is already killing me. Mahapdi eh. Putsa. Baby, I know you’ll miss me. But, I'd like to hear it from you.”
“C-Carlo. L-let’s go home.”
“Why do you always have to deny it?”
"Fine! I’m already missing you! I can’t stand the thought of you leaving!"
Napamaang lang muli ito sa kanya bago muling ngumiti. "Bakit ka galit?" Natatawang sabi nito. "Oh I love seeing you annoyed." He showered her face with butterfly kisses.
"Carlo, miss na miss na kita ngayon pa lang," aniya at niyakap ito nang mahigpit. Saglit pa silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang kumawala siya. "Gusto kita, gustung-gusto kita. Alam mo na naman siguro iyan. Kung hindi wala sanang nangyari sa atin nang ilang beses. Pero hanggang doon na lang siguro ang nararamdaman ko para sa iyo. Hula ko'y gusto mo rin naman ako pero hindi rin marahil ganoon kalalim. Mabuti na rin iyon dahil magiging magulo ang sitwasyon. Mahal na mahal mo pa rin yata ang kapatid ko eh."
Matagal itong tumitig sa kanya. Bago nagbaling sa ibang direksiyon ng tingin. Muli itong tumitig sa kanya at nagpalit-palit ang emosyon sa mukha nito pero hindi niya mabasa. "Ano ba ako sa 'yo?"
"Ikaw ang una at nag-iisang lalaki sa buhay ko."
“Bakit mo ba kasi laging pinapangunahan ang damdamin ko?”
“Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Gusto mo bang ipagpilitan ko ang sarili ko sa ‘yo. Mula noon hanggang ngayon, wala akong naging puwang diyan sa puso mo. Naging libangan mo ako, diversion, spare tire. Masakit iyon pero mahal kita eh kaya tiniis ko. Pero iba na ngayon.”
“Eh iyung sinasabi mong nakilala mong nasa business trip na kunwari ay tatay ng kambal. Nasaan iyon?”
“Wala iyon dahil imagination lang iyon. I had to ward you off dahil baka guluhin mo ako lalo. May asawa na naman si Rose kaya malaya ka nang lapitan ako.”
"Iyun naman pala eh. Bakit ba ayaw mo akong ipaglaban?”
“Ano bang problema mo? Lagi mo na lang ipinipilit iyan.”
“Para kasing dinidikdik ang puso ko kapag sinasabi mong ayaw mo akong pakasalan.” Huminga muna ulit ito nang malalim at tumanaw sa paligid. “Ako narealize kong mahal na kita nang unang beses na papasukin mo ako sa condo unit mo.”
Nanatiling nakabuka ang bibig niya sa gulat hanggang makahanap siya ng sasabihin. “Carlo, if you’re just saying it-”
“Baby, I’m saying it because it’s true. Parang mababaliw ako kagabi dahil hindi ko na kayo makakasama sa iisang bubong ng mga bata. Putsa naman eh." Pumiyok pa ang boses nito habang nakadiin ang hinlalaki at hintuturo sa magkabilang gilid ng mga nito.
"My goodness. Why are you crying?" Napahagulgol siya sa mga palad at agad siyang niyakap nito.
"I'm sorry, baby, for dragging you into this situation. I'm sorry for making you cry so many times. Truth is I don't know if I really loved your sister or if it was pure fondness. When I first kissed you, it was magical. Naalala mo noong nainis ako sa 'yo sa classroom kaya nahuli tayo ni Ms. Esguerra na magka-holding hands? Sinadya ko din naman talaga iyon kasi gago ako eh. Akala ko kasi dati may gusto ka kay Joseph at hindi sa akin. Gusto ko kasi sa akin ka may gusto. I loved the way you kissed me. Parang nakakalimutan ko ang lahat sa paligid ko. Hindi mo na ba ako kayang mahalin? Kasi walang mangyayari sa atin at hindi ako lalapit nang paulit-ulit sa 'yo kung hindi kita mahal.
Noong gabing muntik nang may mangyari sa atin sa condo unit mo, doon ko lang naintindihan na mahal na mahal kita. Noong pinapaalis mo ako at sinabihang huwag nang magpakita sa iyo saka ko narealize na mahal na mahal pala kita. Para akong hindi makahinga noon pero hindi ako makaatras kasi ayokong masaktan sina Lola at Rose. Mahal na mahal kita eh. Iyon ang hinihintay kong sabihin mo at sigurado na akong aatras ako kaya lang ayaw mo sa akin eh. I know I sound like a royal jerk, but I was so confused then. See, all my life I thought I was in love with Rose only to realize later it has always been you I wanted to spend my life with. I love you, Magnolia, so damn much.”
“Kung mahal mo ako, bakit ngayon mo lang sinabi?”
"Itinutulak mo kasi ako lagi sa kanya. Kapag hahalikan kita, lagi mo akong binabara na curious o nadadala ka lang. Noong may mangyari sa atin, sabi mo curious ka lang. Kawawa naman ang pride kong gusto nang lumuhod para tanggapin mo ako. Kasi ako ipaglalaban kita kaya lang itinutulak mo ako palayo eh. Noong may mangyari ulit sa atin sa isang gazebo niyo, akala ko aaminin mo nang mahal mo ako eh. Pero hindi eh, nagpanggap na naman tuloy akong si Rose ang mahal ko. Napakagago ko eh, nakalimutan kong ma-pride ka rin pala. Magnolia, ipaglaban mo naman ako. Mahal na mahal kita eh. Kahit kaunti lang, mahalin mo ulit ako."
"Halikan mo na nga ako," humahagulgol na sabi niya at hinila na niya ito para siya na mismo ang humalik dito. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Mahal mo ba talaga ako? Ang tagal kong hinintay na sabihin mo iyan."
“Mahal na mahal kita. Mahal mo na ako ulit?”
“You idiot! I have been loving you since I was twelve, Carlo, kanina ko pa sinasabi na I have loved you since I first saw you. I didn’t say I already stopped loving you." Natawa na siya nang makitang gulat na gulat ito. "Noong unang kita ko pa lang sa 'yo alam kong gusto na kita. I fell in love with you in a snap. And I have never stopped loving you since then. But, Carlo, kawawa naman si Rose dati kasi akala ko naman mahal ka talaga niya."
"Iyan, iyan, diyan kita lalong minamahal eh. Masyado kang mapagbigay sa kanya eh," nakangiti nang sabi nito habang pinupunasan ang mga luha niya. "I love you, baby, so much."
"I love you so much, Carlo. Mahal na mahal na mahal kita."
"Thank You po," parang batang sabi nito na ipinagdikit ang mga palad at tumingala. Muli itong tumingin sa kanya. "Pero, baby, may naalala ako."
“Ano naman ba iyon?”
“Iyung tanong pa paano nabuo ang kambal. Tinatanggap ko na anak ko sila dahil gusto ko maging anak sila at nakita mong kamukhang-kamukha ko si Calix. Sobrang nalilito ako dahil wala namang pagkakataon na may nangyari sa atin ilang araw bago ang kasal namin.”
"Meron kaya," humahagikgik na sabi niya. "Lagi kang wala sa timing kaya ako na lang ang kumuha ng timing."
"Eh try kaya natin ulit ngayon para ma-practice. Gagalingan ko pa lalo sa timing," puno ng panunudyo na sabi nito.
“Ano pang ita-try mo? Hindi ka nakikinig sa akin. May nabuo ka na nga eh. Anak mo iyung kambal. Ang kulit mo.”
"They are really mine? The babies in our home are really mine? How? Teka naman. Paanong nangyari iyon? Kahapon ko pa tinatanong iyan. Gusto kong maniwala na anak ko sila. Papakasalan naman kita anak ko man sila o hindi.”
"Bachelor's party, a week before your supposed marriage with my sister."
"What has it got to do with it?"
"I'm Gladiolus," tumatawang sabi niya. "And even if I'm wearing a mask, you kept calling my name while we were making love. I was so happy then because I felt that I mattered to you. Pero mahal mo ba talaga ako? Hindi pa talaga ako makapaniwalang mahal mo ako."
"Oh my goodness! It was you! Oh it was you! Baby, it was you!! Thank you, baby," humihiyaw na sabi nito at lumabas ng kotse para lalong sumigaw kung gaano siya kamahal nito. Hiyang-hiya siya dahil maraming mga nakahintong tao na nakita ito. Nagtawanan pa ang ilang bystanders dito. "Hindi ka pa rin ba naniniwala? Maglilitson pa ako ulit. Ipagsisibak kita ng kahoy. Mas maraming litson para maniwala ka. Baby, nakalimutan mo na yata, may proposal ako na pakakasalan kita pero tinanggihan mo ako."
"Ang kapal mo!" Napaiyak na naman siya. "Kung makaalok ka kasi akala mo hindi ka pa ikakasal. Tapos puro ka obliged ka, required ka, na parang pipikutin kita. Pagkatapos narinig ko pa kayo ni Rose na nag-uusap sa likod-bahay noong engagement party niya."
"Eh nagpapikot na nga ako sa 'yo nang ilang beses. Kita mo, pabalik-balik ako sa 'yo. Tingnan mo nga itong epekto mo sa akin.” Tumahimik ito sandali bago muling nagsalita. "Narinig mo iyon? Kung narinig mo bakit ka nagdududa pa rin? Narinig mo nga siguro pero hindi mo tinapos."
Napasinghap siya ng hawakan nito ang kanyang kamay at idiin iyon sa crotch nito. "Napakabastos mo," naiinis na sabi niya.
"Baby, ikaw lang nakakagawa sa akin niyan. Hindi mo kasi tinapos ang pakikinig eh."
“Paano ko pa pakikinggan, parang minamartilyo ang puso ko kasi sabi mo you didn’t want to fall in love with me.”
“Totoo naman eh. I didn’t want to fall in love with you, but I did. Bigla akong nag-alangan kasi baka isipin ng iba ikaw ang dahilan kaya naghiwalay kami ni Rose. Ayokong may mang-away sa ‘yo. Hindi mo ba nararamdaman? Kaya nga pinipilit kitang magpakasal eh. Mahal na mahal kita.
"Anong plano mo?"
"Ikaw, kung ano ang gusto mo, susunod ako. Believe me, you got me wrapped around your finger. Pero mas gusto ko kung pakakasalan mo ako para makumpleto tayong buong pamilya. Gusto ko pa isa pang set ng kambal."
"Ang kapal mo. Akala mo ba madali manganak!" Umalug-alog ang balikat nito sa pagpipigil matawa bago idiniin ang noo sa noo niya.
"Maniwala ka na kasi sa akin eh. Sinabi ko na rin kay Rose ang namamagitan sa atin. Masaya pa nga siya nang malaman eh dahil hindi niya raw alam kung paano gagawa ng paraan para paglapitin tayo.”
"Sige magpakasal na nga tayo agad kung gusto mo. Matagal ko na namang hinihintay ito eh. Akala ko kasi hindi na darating. Mahal mo pala ako. My goodness, you love me, you love me," paulit-ulit na sabi niya habang pinapaliguan ito ng halik sa buong mukha.