Chapter 39: The Pursuit Of True Love

Sunud-sunod na katok ang gumising kay Magnolia. Pagtingin niya sa alarm clock ay pasado alas-kuwatro pa lang ng madaling araw. Lumakas pa lalo ang pagkatok habang nagdodoor bell kaya napabangon na siya. Habang naglalakad ay kinakabahan siya dahil baka si Carlo na naman pero nagulat siya nang pagsilip niya sa peephole ay nakita niya si Rose. Nagtaka man siya ay pinagbuksan niya pa rin ito at tuluy-tuloy na pumasok.

“What do you need?” Pormal ang kanyang pagkakatanong.

“Ate, tulungan mo ako, please,” anito at biglang umiyak. Napasubsob pa ito sa mga palad at may kumawalang impit na hagulgol.

“Maupo ka muna. Babalik ako.” Pumunta na siya sa kusina at ipinagtimpla ito ng mainit na tsokolate. “Magkuwento ka na,” aniya nang mailapag sa coffee table na nasa tapat nito ang isang tasa ng tsokolate.

“Ate, tumakas ako sa bahay?”

“Paki-elaborate nga muna, hindi ko maintindihan.”

“Tumakas ako, ayoko na ate. Hindi ko pala kaya,” anito at muling pang umiyak. Biglang lumabas ang pagka-ate niya at inalo ito para kumalma. Hagod siya nang hagod sa likod nito nang ilang minuto bago ito tumigil sa pag-iyak.

“Inumin mo muna iyang tsokolate bago lumamig. Kumain ka na ba?” Umiling lang ito.

“Diyan ka muna at inumin na iyan,” aniya at pumunta sa kusina. Nagbukas muna siya ng evaporated milk at naglabas ng dalawang itlog. Ginawa niya ang paborito nitong french toast. Natatawa siya dahil kahit anong away nila ay hindi naman ito makatanggi sa tuwing aalukin niya niyon. Napangiti siya dahil narealize niyang parang bata pa rin minsan ang kapatid. Nang matapos ay nagtimpla na rin siya ng tsokolate niya at dinala ang pagkain sa sala.

“T-thank you, ate,” nakayukong sabi nito at sinimulan nang kainin ang early breakfast nagawa niya. Halos maubos nito iyon kaya natawa siya. Nahihiyang napatingin ito sa kanya at ibinalik ang tinapay. “Sige, bunso, ubusin mo na iyan. Alam kong paborito mo iyan kaya dinamihan ko.” Muli nitong kinain iyon at naubos na. “Oh magkuwento ka na.”

“Ate, tumakas ako sa bahay kagabi pa. Sabi ko may pupuntahan ako pero wala naman talaga.”

“Bakit ka pa tumakas? Ano bang gusto mong mangyari? Mag-aalala sina mommy at daddy.”

“Ate, ayokong magpakasal kay Carlo. Hindi ko kaya. I’m in love with someone else. I let him go weeks before. I broke his heart when I chose Carlo pero mali ako,”

“May I know the name of this guy?”

“Danilo Perez, he’s from a simple family in Palawan. Tour guide siya. I met him when I went there with my friends. He became my secret boyfriend.”

“My goodness! Bakit mo ginawa iyon?”

“I don’t know. Ate, I fell in love with him, and that was when I understood the real meaning of love. Hindi ko kayang pakasalan si Carlo. I was never in love with him. Please help me.”

“Paano kita tutulungan? Bakit ngayon mo lang kasi sinabi? Hanggang ngayon immature ka pa rin kaya kita napagsasabihan lagi eh,” sermon niya dito at himalang hindi ito sumagot. Dapat lang dahil sasabunutan na niya ito sa inis. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. “You better talk with Carlo, I’ll be the one to explain to mommy and daddy.”

“But I don’t want to talk to them. Magagalit sila ate. Please, itago mo ako. Better yet, sabihin mo sa kanilang ikaw na muna ang bahala sa akin. Ampunin mo muna ako, ate,” nababahalang sabi nito. Huminto ito bago muling bumuka ang bibig. “Ate, I’m pregnant. Anak ito ni Danny. Gusto ko siyang balikan ngayon pero natatakot ako sa kanila eh. Please naman, tulungan mo kami ng pamangkin mo ate.”

Hindi na siya makakapalag dahil ginamit na nito ang pamangkin niya. “Ilang buwan na iyan?”

“Two months.”

“Sige, ako nang bahala sa ‘yo. I’ll talk to mommy and daddy. Dito ka muna at papupuntahin ko na rin si Daddy para makapag-usap kayo. May guest room dito, doon ka muna mag-stay.”

Tumayo ito bago muling umiyak at lumapit sa kanya. “Ate, I’m sorry for all the things I’ve said and done before. Thank you very much. Babawi ako sa iyo, ate, I promise.”

“That is already water under the bridge.” Get some sleep for now and we will talk later,” she said and hugged her. Saglit pa silang nag-usap dahil gusto rin niyang malaman ang ilan pang detalye hanggang mapansin niyang inaantok na talaga ito. Hinatid na niya ito sa guest room bago pa ito makatulog sa couch. Nang masigurong maayos na ito roon ay iniwan niya na ito at siya naman ay muling umupo. Sa totoo lang ay wala siyang ideya kung paano tutulungan ang kapatid niya mula high school pa lang sila ay kinukunsinti na niya. Kaya naman gusto na talaga niyang kutusan ito sa pinaghalong inis at kawalang-magawa sa sitwasyon.

Hanggang sa mapansin niyang maliwanag na ay hindi na siya nakabalik sa pagtulog dahil sa alalahaning ipinasa sa kanya ni Rose. Gusto niya itong tulungan para magkabalikan ito at ang nobyo na ama ng anak nito pero baka mas maging magulo pa ang sitwasyon. Gusto niyang kausapin ang daddy niya pero wala siya sa posisyon gawin iyon. Baka ma-stress pa ang mga matatanda sa mansiyon lalo na ang kanila abuelo at abuela. Alam niyang sabik na sabik na ang mga ito sa kasal ng kanyang kapatid at ni Carlo sa kamakalawa. Baka mas magkaroon din ng conflict sa pagitan nila ni Carlo kapag nalaman nitong tinulungan niya ang kapatid. Iniiwasan na nga niya ito kahit hindi naman nito alam na siya ang nakipagniig sa bachelor’s party.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya ay ang daddy niya ang tumawag. Ilang beses pa iyong nag-ring bago niya sagutin. “H-hello po Daddy.”

“Magnolia, hija. I am not sure if you are the right person to call up. Your sister is missing. Kagabi pa umalis, hindi pa umuuwi. You need to come home. We will talk.”

“O-okay po. After lunch po.”

“Now, Magnolia, now.” Bumuntong-hininga ito. I’m sorry, hija. I’m just stressed today. Your grandma is out of sorts, too. Please come here now,” anito at ibinaba na ang tawag bago pa siya makapag-protesta.

Muli siyang naupo sa couch para mag-isip nang mabuti kung ano ang sasabihin niya. Malamang ay magtanong ang mga ito sa kanya at hindi niya kayang magsinungaling sa mga ito. Biglang bumukas ang pinto ng guest room at lumabas si Rose na halatang hindi pa gaanong nakakatulog nang maayos. “Dad called.” Parang nag-panic ito pero nagsalita siya para hindi din mastress ito. “He asked me to come home right now. Honestly, I don’t know what to do, Rose. I can’t lie to them and break their hearts.”

“A-ate, please. I need your help right now.”

“Alright. Pupunta muna ako doon. Magpa-book ka na ng flight natin sa Palawan ngayon mismo at pagbalik ko ay pupunta na tayo ng airport. I need to meet the father of your child.”

Lumiwanag ang mukha nito at nasiyahan. “O-okay. Thank you, Ate.”

“May natira pang french toast at hot chocolate. Initin mo na lang. I’ll just take a shower and go home. Pagbalik ko dapat ay okay na ang flight natin.”

Mabilis siyang pumasok ng kuwarto at nag-empake ng damit para sa ilang araw na pananatili muna sa Palawan bago naligo. Nang makapag-ayos na siya ay nagbilin siya kay Rose at sinabing umorder na lang ng pagkain kapag nagutom ito at hindi makapagluto. Pumunta na siya sa basement at sumakay sa kotse niya. Habang nagmamaneho ay magulo ang kanyang sistema. Hindi niya kayang magsinungaling sa mga magulang pero hindi niya kayang pabayaan ang kapatid. Nang makarating sa mansiyon ay nag-aalalang mukha ng mga magulang at lolo at lola niya ang sumalubong sa kanya. Nagmano siya sa mga ito bago umupo sa one-seater sofa. “Ano pong nangyari?” Sorry po, wala po ako sa posisyong pangunahan si Rose.

“Hindi pa kasi umuuwi ang kapatid mo,” sabi ng mommy niya na halatang nagpapanic base sa tono nito at namumulang mga mata nito, mukhang galing sa pag-iyak.

“B-baka naman po, nag-overnight sa mga kaibigan niya.” Ramdam niyang namamawis ang noo niya dahil sa pagsisinungaling.

“No, I already called all her friends and bars she frequents. They didn’t see Rose last night.”

“May alam ka pa ba na pwedeng puntahan ng kapatid mo?”

“W-wala po.”

“Kung may alam ka, apo, sabihin mo na, para hindi kami nag-aalala. Nakakahiya talaga kapag nalaman ito ni kumare,” sabi ng kanyang lola.

“Tumawag na po kaya tayo sa pulis.” Nakagat niya ang labi nang marealize ang nasabi dahil baka ma-trace pa ng mga ito si Rose sa condo unit niya at siya pa ang lumabas na masamang kapatid.

“We already talked with your Ninong Red,” tukoy ng daddy niya sa ninong niyang may mataas na ranggo sa kapulisan. “Kailangan pang twenty-hours na hindi umuuwi o tumatawag si Rose bago sila kumilos. Pero nakiusap ako, mamayang after lunch, magsisimula silang hanapin ang kapatid mo. Have you had breakfast yet, hija?”

“Hindi pa po, daddy.” Tumango lamang ito at pumunta na sila sa kusina. Pagkatapos nilang kumain ay nagmamadali siyang humalik sa pisngi ng mga ito kaya nagtaka ang mga ito. Nagdahilan lang siyang aalamin ang mga posibleng contacts ng kanyang kapatid at personal na pupuntahan ang ilang lugar na pwedeng puntahan nito. Napapayag niya ang mga ito kaya lumabas na agad siya ng mansiyon sakay ng kanyang kotse at bumalik sa condo unit niya. Pagbalik niya ay nakaayos na si Rose kasama ang maleta nito. May flight na raw itong nakuha bago magtanghali. Mahigit dalawang oras pa bago ang flight at patapos na ang rush hour kaya makakarating sila sa airport bago ang boarding time at makakapunta sila ng flight.

Lumabas agad sila ng unit niya at bumaba sa basement para sumakay sa kotse niya. Nang masigurong okay na ito at kumpleto na ang gamit at passport nila ay mabilis na siyang nagmaneho. Hindi siya sanay makipaggitgitan sa mga sasakyan pero dahil kailangan ay parang naging beteranong taxi driver na siya. May isang beses pa na halos beating the red light na ang ginawa niya pero wala na siyang pakialam. Kailangan nilang makarating sa Palawan para makilala ang lalaking mahal daw nito. Doon niya oobserbahan ang mga ito at bubuo ng strategy kung paano masosolusyunan ang problemang pati siya ay sangkot. Pagkarating sa airport ay nagmamadali niyang nilapitan ang isang kaibigan at kaklase nila ni Carlo para makisuyo sa kanyang kotse. Ibinigay niya ang susi rito bago patakbong pumunta sa boarding area. Nandoon na ang kapatid niya at saktong boarding na kaya mabilis na pumila na sila. Nakahinga lang siya nang maluwag nang magsimulang lumipad ang eroplano. Alam niyang maaaring magalit sa kanya ang pamilya at si Carlo pero ayaw na muna niyang pagtuuunan ng pansin. Kailangan niyang asikasuhin ang kapatid bago gumawa ng desisyon para maayos ang gusot na ginawa at idinamay pa siya nito.