Chapter 33: His Bride, His Favorite Whore
Nakakailang na katahimikan na naman ang nakapagitan kina Magnolia at Carlo. Saglit na nagpaalam na lalabas muna si Joseph para kausapin ang doktor. Si Liberty naman ay muling natulog. Pagtingin niya kay Carlo, parang hindi pa rin ito nagsasawa sa baby na nagpangiti sa kanya. Pasimple niyang kinuhanan ang mag-ninong sa cellphone niya at mabilis na itinago iyon. Hindi niya matiis na tingnan muli iyon kaya lalo siyang napangiti. Bagay nga talaga ditong magiging tatay. Naisip tuloy niya kung ano pakiramdam na magkaroon ng anak dito. Gusto niya ay maging kamukha nito lalo na kapag lalaki para lumaking kasinggwapo nito. Magandang lumaki pang mabait at responsable katulad nito. Mabait pala huh samantalang ilang beses ka namang inakit kahit magpapakasal na sa kapatid mo? Mabait pa ba iyung sumasama sa ibang babae sa tabi pa mismo ng condo unit mo? Bigla namang sumabad ang malditang bahagi niya. Nakakainis pero may point ito. Malamang ay obsessed talaga ito sa sex at siya ay isang magandang challenge at ego booster nito. Napasimangot siya dahil sa ideya na nakita naman nito dahil saktong lumingon ito sa kanya. Bahagyang tumaas ang mga kilay nito na parang nagtatanong sa kanya. “What?”
“Are you okay? Are you hungry?”
“Hindi,” simpleng sabi niya pero sakto namang kumalam ang sikmura niya na narinig naman nito kaya mahinang tumawa. Tiningnan niya agad ito nang matalim kaya tumigil din ito pero bakas ang kapilyuhan dito. Saktong bumalik na rin si Joseph at ang doktor at nurse at kinuha na muna ang baby para muling ibalik sa nursery at maobserbahan.
“Pare, pakakainin ko muna itong si Magnolia.”
“Anong ipapakain mo?” Malisyoso itong ngumisi sa kanila.
“Bastos! You are so insufferable, badtrip!”
“What? Tinanong ko lang naman kung ano ang ipapakain niya sa ‘yo, kung rice ba o pasta.”
“Oo na, sobrang daldal mo pare. Diretso na muna akong uuwi. Magpapahinga muna ako saglit. Babalik ako mamaya para may kasama ka,” naiiling na sabi ni Carlo at hinatak na siya palabas.
“Sa bahay na lang ako kakain,” protesta niya pero diretso lang itong naglakad habang hawak ang kamay niya at tumawid na sila papunta sa restaurant sa tapat. Marami itong inorder kaya hihintayin pa nila bago ma-serve. Naiilang siya dahil nakatitig lang ito sa kanya at parang walang pakialam kahit sinusungitan na niya. “What?” Nakataas ang kilay niya habang nagtatanong dito. "Ano na naman? You know it's impolite to stare at someone."
"I'm just admiring your beauty." Hindi niya alam kung totoo iyon o nagbibiro lang dahil wala naman siyang makitang kahit anong bakas ng emosyon sa mukha nito. Para malibang at mabawasan ang pagkailang ay nagdesisyon na siyang mag-browse ng kanyang social media account. Pero mukhang wala iyong silbi dahil malaking pagkakamali ang ginawa niya. Paano ay pagbukas pa lang niya ng Instagram ay lumabas agad ang post ng isa sa mga kaibigan nito. Lumabas pala ang mga ito at nag-surfing. Puro hubad baro ang mga ito at siya naman ay lalo pang pinagpantasyahan ang kakisigan nito.
Dumating din naman agad ang mga pagkain. Nagugutom na rin naman siya kaya hindi na siya nag-inarte pa. Maya-maya’y tumawa bigla ito. Ang cute talaga nito kapag ngumingiti ito. Mestizo ito at maganda ang mga matang biglang nagiging singkit kapag tumatawa na bihirang gawin ng suplado pero sweet na lalaki. Ayaw man niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya minsan ay para lang sa kanya ang mga ngiti at tawa nito pero mabilis niyang inalis ang ilusyon. Naalala niya din kung paano ito tumawa at ngumiti kapag kausap ang kanyang kapatid. “What?” Nakataas ang kilay niya habang nagtatanong dito.
Lalong lumapad ang ngiti nito. “You have something on the side of your lips. You eat like a kid,” sabi nito. Pinunasan niya iyon pero umiling ito at muling ngumiti. Before she knew it, he leaned closer and brushed the side of her lips with his thumb. She suddenly felt an overwhelming feeling that seemed to electrocute her. “Lovely,” tila wala sa sariling sabi nito at mabilis na dumukwang para gawaran siya ng mabilis na halik.
“Carlo…”
“What?” Tila walang pakialam itong muling umupo at isinubo ang hinlalaking ipinahid nito sa sauce sa gilid ng mga labi niya. The gesture was more than enough to make her feel parched. But, his face became devoid of emotions before he continued to eat and winked at her.
Pagkatapos nilang kumain ay tinawag nito agad ang waiter at hiningi ang bill. Hindi na siya nito pinagbayad pa. Nagpasalamat na lamang siya rito na sinuklian nito ng simpleng tango. Inalalayan na siya nitong tumayo at iginiya palabas ng restaurant. Nagpilit pa itong ihatid siya sa sasakyan niya kahit ayaw niya. Pagpasok ay ipinasok niya agad ang susi sa makina. Pero bago pa niya mapindot ang automatic lock ay nakapasok na si Carlo at umupo sa tabi niya. “Bakit? Bumaba ka na,” natatarantang sabi niya pero nanatili ito roon.
“Okay, Magnolia, but not without this.” Iyon lang at agad siyang kinabig at siniil ng halik. Mabilis din siyang tumugon nang parehong init na muling ikinangiti nito. Nang maghiwalay na sila ay pareho nilang habol ang hininga.
“Let me kiss you some more.” Bago ito tuluyang makalayo ay muli niyang ikinulong sa mga palad ang mukha nito at itinuloy ang paghalik. Mas maalab, mas mabagal, mas puno ng pagmamahal, pag-iingat, at pagsusumamo iyon.
Muling idinikit ni Carlo ang noo sa noo niya habang paulit-ulit na hinahalikan ang tungki ng ilong niya. “Baby, do you really want to let me go? Will you let me get married to Rose? Will you not fight for me anymore? The way you kissed me, I know you don’t want to let go of me. Baby, don’t deny it because I will not believe you.”
“Isipin mo na lang bachelor’s party mo iyung nangyari sa atin. Ako ang babaeng regalo na na-enjoy mo. Pareho tayong nag-enjoy. It was good while it lasted.” Pinababa niya na ito pero tiningnan muna siya nito na parang nasusuya bago siya tinalikuran at mabilis na naglakad papuntang kotse nito.