Chapter 32: Read Me Between The Lines

Nang magising siya ay nagulat siya dahil nakasiksik siya sa dibdib ni Carlo habang yakap nito. Hindi niya alam kung dapat bang gisingin ito dahil malakas ang hilik nito. Siguro ay sa pagod at puyat sa pagbabantay. Nasa loob ng private room sina Magnolia at Carlo kasama ang mag-asawang Joseph at Liberty. Natutulog pa ang kaibigan niya gawa ng matinding pagod at hirap sa panganganak. Tulog pa rin si Joseph na ipinagpasalamat niya. Masaya siya para dito dahil kitang-kita niya naman ang pag-aasikaso ng asawa nito sa kanya. Naalala niya nang makita niyang magka-holding hands ang mga ito sa loob ng classroom ni Ms. Esguerra at nahuli sila. Parang malayo kasing ma-develop ang mga ito dahil parang masyadong civil lang dati ang dalawa at hindi nagpapansinan. Hindi niya tuloy mapigilang mapahagikgik nang maalala ang mga nangyari sa kanila sa loob ng classroom. Naalimpungatan ang dalawang lalaking napatingin sa gawi niya.

“Nasiraan na yata ng bait,” nakangising sabi ni Joseph. Sobrang lakas pa rin nitong mang-asar katulad dati. Lumapad lalo ang ngisi nito dahil kitang-kita nito ang ayos nila ni Carlo. Mabuti na lang at nag-mature na siya kaya hindi na napipikon. Pinamulahan siya ng mukha pero lalong niyang hindi mapigilan mapahagikgik hanggang sa parang lumabas na ang tunog niyon sa ilong. “Lakas ng tama natin pare,” natatawa na ring sabi nito.

“I’m sorry,” natatawa pa ring sabi niya habang kumakalas sa pagkakayakap sa lalaki. “I just remembered something funny.”

“Ang alin?”

“Iyung holding hands niyo sa classroom tapos nahuli ako ni Ms. Esguerra na nakatitig sa inyo na parang nanonood lang ng teleserye.”

“Oh bakit pala kinalimutan mo naman iyung holding hands niyo ni pareng Carlo,” ganti nito.”

“Shut up,” naiinis na baling nito sa lalaki

“Uy pare ha, nag-ba-blush ka ha. Kalalaki mong tao baka mamulaklak na naman iyang si Magnolia, loko ka.”

“Tse,” sabad niya sa mga ito.

“Uy oh nagkahiyaan na naman pero grabe ang yakapan. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig,” dagdag pa nito. Mabuti na lang at natutulog pa ang kaibigan niya dahil paniguradong susuportahan pa nito ang asawa.

“Walang ibabalik dahil walang pag-ibig,” sabi niya sabay ismid sa mga ito.

“Ouch! Pare payag ka ba, wala raw pag-ibig? Mukhang pinaiyak mo pa yata ito, bitter eh.”

“Hoy kapal mo! Hindi ako bitter ha! Bakit ako magiging bitter diyan?”

“Pare, si Magnolia na lang kesa iyung kapatid niya. Mas bagay kayo nitong kaklase natin. Maganda nga tingnan, isang row tayo oh partner hanggang makagraduate.”

“Kalalaki mong tao, napakadaldal mo, Joseph! Excuse me ha nandito ako para pag-usapan niyo pa. Saka kapatid ko iyung tinutukoy niyo buti sana kung ibang tao.”

“So, kung ibang tao, papakasalan mo ang kaibigan ko?”

Mukha pa yatang nahuli siya nito sa sinabi niya. Kung bakit naman kasi nagpadala siya sa pang-aasar nito. Tumingin siya sa mga ito at nakitang nakatingin din sa kanya si Carlo. Saglit pa munang nagtama ang paningin nila bago siya biglang umiwas nang tumikhim si Joseph. “Lalabas na muna ako,” seryosong sabi niya sa mga ito pero bago pa siya makatayo ay nagising na rin si Liberty at pumasok na ang doctor at nurse na dala ang baby ng mga ito. Breastfeeding na muna ng baby nito. Napaka-cute nito, gwapo, kamukha ng tatay. “Kamukha pa ng tatay, huwag sana magmana ng kalokohan,” natatawang sabi niya.

Lumabas muna ang doktor at nurse pati si Carlo. Nang matapos ay kinarga naman ni Joseph ang maliit na baby. Bigla ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti. Larawan ng isang masayang pamilya ang mga ito. May namuo pang luha sa mga mata ng lalaki na mabilis din nitong pinahid. “You will be daddy’s number one boy. We will play basketball and soccer. And I will teach you how to flirt with girls.”

“Hoy lalaki,” nakaangil na sabi ni Liberty. "May pa-flirt with girls ka pa! Pati kalokohan mo ipapamana mo pa sa anak natin. Mamaya nambababae ka pa! Huling-huli ka."

Parang biglang naging maamong tupa naman ito na lumapit kay Liberty. “Honey naman, joke lang naman iyon. Hindi na ako tumitingin sa mga babae simula pa nang maging girlfriend kita. Kasal na tayo kumbaga sa house and lot, may titulo na akong nakapangalan sa ‘yo.” Ngumuso ito para halikan ang asawa pero umirap ito at inilayo ang mukha.

“Akin na muna ang baby, Joseph, para malambing mo iyang asawa mo.” Kinuha na niya ang baby at nakangiting inihele. Para pala talagang mga anghel ang mga babies. Habang karga niya ito ay parang may mainis na kamay na humaplos sa kanyang puso. Nanubig pa ang kanyang mga mata. The idea of having a family and kids to carry and tend was so appealing and achingly beautiful that she wanted to cry. Tuluyan nang may luhang kumawala sa mga mata niya.

“Hoy ang drama mo, Magnolia,” natatawang sabi ni Liberty na nakayakap sa asawa nito.

“I’m sorry guys, I just can’t help it,” pumipiyok na sabi niya na ikinatawa ng mga ito. Natawa na rin siya. “Look at him, he’s like an angel. Baby, you will be Ninang Magnolia’s favorite. You’ll be ninang’s number one boy. When you grow up, just go to ninang, and I will give you toys and food.”

“Number one boy huh?” Nakangisi na naman ang lalaking mapang-asar.

“Oo, bakit masama ba? Hindi ko naman aagawin, unang inaanak ko ito,” masungit na sabi niya.

“So number two lang iyung nasa labas?”

“Kapal mo!” Napatigil siya dahil bahagyang umingit ang baby na nagulat sa lakas ng boses niya. “I’m sorry, baby, nagising ka ni ninang. When you get big, baby, don’t be like your daddy ha. He is so insufferable.”

Maya-maya’y pumasok na si Carlo at tumabi sa kanya habang pinagmamasdan ang baby. Bigla siyang nailang dahil sa pagkakalapit nila. Their proximity gave her silly ideas. How wonderful it would be to have kids with the man she truly loved. She couldn’t help but stare at him, still looking at the baby with a small smile. He was beaming, too. “Magnolia, can I carry him?”

“Sure,” aniya at ibinigay dito ang baby. Napatingin siya sa mga ito. Malaki ang braso nito at walang kahirap-hirap na karga ang baby. Para bang walang maaaring gumawa ng hindi maganda sa baby dahil protektado ito ng lalaki. Malaki ang bulto nito pero para bang hindi nito kayang mamalo ng lamok sa paraan ng paghawak nito sa baby. Siguro kapag may anak na ito, mas lalo iyung protektado dito. That was the first time she saw that glow on his face. The sight was so tender that she wished the baby was theirs. Muli niyang sinilip ang baby kaya napangiti siya pero naabala ang moment nila nang may flash na tumama sa mukha niya.

“One happy family,” muling sabad ni Joseph. “Gumawa na nga kayo. Bagay naman kayo.”

“Badtrip ka talaga,” naiinis na sabi niya at binato ito nang nadampot na throw pillow. Nasalo nito iyon at lalo lang siyang tinawanan.

“Huwag mo na kasing pansinin para hindi ka na asarin,” sabi sa kanya ni Carlo na kumindat bago muling tumingin sa karga nitong baby. “Pwede na ba ako maging daddy,” masayang sabi nito at tumingin sa kanya.

“Ahh oo, bagay nga sa ‘yo. Kapag kinasal na kayo ng kapatid ko, bigyan niyo agad ako ng pamangkin.”

Tumitig muna ito sa kanya ng ilang sandali bago sumagot. “Right.”

Nailang siya pero hindi na lamang niya pinansin ang mga titig nito sa kanya.