Epilogue
HARIETH ZARIE FEDENCIO
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng Master Bedroom namin ni Ryker. Pumasok ang walong taong gulang na anak namin ni Ryker na si Zseto. Napanguso ako nang makitang madilim ang mukha niya. Kamukhang kamukha talaga nito si Ryker.
"Baby? What's wrong?"
Mariin niyang kinagat ang labi. "Nakakainis si Ysamari, Mommy!"
Si Ysamari ay anak ni Yaya Celia, four years old na ito, just like the age of the only princess, which is Isza Monterealez, ang pinsan ni Zseto.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong pero hindi siya sumagot. "Baby, bata pa ang anak ni Yaya Celia mo kaya h'wag mong papatulan..."
"Mommy nakakainis naman kasi, eh! Sabihin ba naman na may bato daw sa siko ko. Buto ang nandito at hindi bato!."
Napatawa ako sa pag-akting n'yang pagpapakita ng siko. Napasimangot siya nang makitang tumatawa ako.
"Mommy! Nakakainis naman eh!"
"Hayaan mo na kasi..."
"Bakit ko hahayaan, Mommy? Purkit siya malambot at masarap yakapin, aasarin niya na ang siko ko?"
Nagulantang ako sa sinabi niya. Nanalaki ang mga mata ko sa pagkagulat. "Y-yakapin? M-malambot? Zseto!" Ngumiwi siya kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. As if on cue pumasok sa kwarto si Ryker na galit na galit.
"ZSETO! WHAT DID YOU DO TO YOUR YAYA CELIA'S DAUGHTER?"
Napaawang ang labi namin ni Zseto sa pagpasok ni Ryker. Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa mukha niya kaya nagtatakang napatitig ako sa kanya.
Galit ba siya o ano? Galit ang boses niya pero parang nagpipigil ito ng tawa. Tapos ang mga mata niya para bang amuse na amuse siya sa isang bagay.
Nagtatakang napatingin ulit ako kay Zseto. "Zseto, anong ginawa mo?"
Napangiwi ito at napakamot sa buhok.
"Kasi Mommy, naiinis ako sa kanya kaya-"
"Kaya?"
Hindi ito nagsalita sa halip ay si Ryker ang nagsalita na s'yang ikinamilog ng mga mata ko.
"He kissed her..."
"Zseto!" Sigaw ko sa kanya. Ngumisi si Zseto sa amin bago tumakbo ng mabilis palabas sa kwarto. Akmang hahabulin ko ito nang harangan ako ni Ryker.
Pinanlakihan ko ito ng mata. "Tumabi ka d'yan." Nanggigigil kong sabi sa kanya.
Ngumisi si Ryker. "Later baby, ako muna ang bigyan mo ng pansin..."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata bago hampasin sa dibdib kaya napangiwi siya. "Manang mana talaga sa iyo ang anak mo! Mapagmanantala...."
Humalakhak ito bago ako yakapin at halikan sa leeg.
"Baby love, I miss you..."
Napalunok ako ng biglang nag-init ang pakiramdam ko. Panaka-naka itong humahalik hanggang sa makarating sa labi ko at bigyan ako ng malalim na halik.
"D-diyan ka m-magaling, ang mang-akit."
Ngumisi siya sa akin kaya napanguso ako sa kanya.
"I love you so much, Ryker."
Ngumiti siya sa akin. "And I love you more, My beautiful Wife."
Sa mga bagay na nangyare sa akin, ang pagdating ni Ryker ang pinaka gusto ko sa lahat.
I love him,
He loves Me,
And We love our only Son.
No one can separate us.
This is our story, fast but long lasting.
I am certified owned by Ryker Luis Monterealez.
And I'm proud to say, I am OWNED BY A RUTHLESS GENERAL.