Special Chapter 1: Zseto Luis Monterealez
ZSETO LUIS MONTEREALEZ
"Damn!"
Sunod sunod ang mura ko nang marinig ang nakakarinding boses na 'yon mula sa malayo. Kasalukuyan kaming nagpapaligo ng mga kabayo ni Liara.
"Liara! Tara mamasyal tayo." Masayang sabi ni Ysamari kay Liara ng makalapit siya sa amin, para siyang bata na may patalon talon pa.
Tsk. Kung kumilos ay parang bata! Labing walo na pero parang kinder pa rin.
"Hoy bansot! Kung wala kang magawa h'wag mong idamay si Liara sa pagiging tamad mo, kitang may ginagawa kami." Hindi ko maiwasang pagkunutan siya ng noo dahil nakakairita talaga siya.
"Hoy! Ikaw na tanders ka, day off ngayon ni Liara sabi ni Aling Rosie kaya wag kang epal tanders ka na napatol sa bata."
Mas umigting ang panga ko at madilim ang itsura na hinarap siya. "Bansot ka lang pero matanda ka na, isip bata!" Sinamaan niya ako ng tingin.
May kung anong kuryente ang nasa pagitan ng mga titigan namin. Kapwa bakas ng pagkadigusto. Ganito kami lagi kapag nagkikita.
Kaya lalo akong naiirita sa kanya.
Naputol ang titigan namin ng tumawa ng malakas si Liara. Para siyang baliw sa kakatawa.
"Pffftttttt hahhahaha hahhahaha " Halos mamatay matay siya sa kakatawa.
"Damn! Stop it, you crazy mote." Bulyaw ko sa kanya na lalong ikinalakas ng tawa niya habang nakaturo sa akin.
Ano bang problema ng kamoteng 'to?
"Hahhahaha hahhaha" Napahawak pa siya sa tiyan kakatawa. "Hahhaha hahhahaha"
Malala na ang isang 'to.
"Anong nangyayare sayo?" Tanong ni Ysamari.
"K- kasi hahhahaha a-ano hahhahaha t- teka hahhahahah wait hahhahaha"
"Tsk. Insane." Inis na asik ko pagkatapos kinuha ko ang timba na may sabon at tubig bago umalis.
Hanggang sa pag-alis ko ay rinig ko pa rin ang malakas na tawa ni Liara.
Tsk. Malala na talaga ang babaeng 'yon.
Bago tuluyang mawala sa pandinig ko ang mga tawa ni Liara, narinig ko pa ang sigaw ni Ysamari kay Liara.
"Malala ka na! Ba't kaya di ka magpamental. hmmm,"
Yeah! Right! She needs that.
DUMARETSO ako ng kusina nang makapasok ako sa bahay. Gutom na gutom na ako, idagdag mo pa ang pagod sa pagtakbo ko.
Nang makapasok ako sa kusina, si Mommy ang naabutan ko. Humalik ako sa pisngi niya at bumati.
"Hi, Mom!"
"Baby ko! Mabuti naman at umuwi ka na rin ng bahay. Namimiss na kita."
Napatawa ako ng para siyang bata kung ngumuso.
"Mom, hindi na po ako bata para tawagin mong baby."
"Still, you're my baby boy."
"Yeah! Yeah!" Sumubo ako ng cookies na tapos ng maluto ni Mommy. "Mom, akyat muna ako sa taas."
"Sige! Ay wait! Pakisabi naman kay Ysamari na tawag ko siya, kapag nakasalubong mo siya ah?"
Natigilan ako at nagsalubong ang kilay. "Ysamari?"
Kumunot ang noo niya sa akin. "Yes! Si Ysamari, Anak ni Yaya Celia mo."
Nalukot ang mukha ko. "Anong ginagawa ng babaeng 'yun dito at wala sa hacienda ni Airol?"
"Baby naman eh! Niyaya ko dito si Ysamari. Namimiss ko na ang batang 'yon."
Napailing ako.
Tsk. Fan na fan talaga ni bansot ang Mommy ko.
Bahala na!
Ipinagsawalang bahala ko ang hindi ko pagkasalubong sa bansot na 'yon.
Mabuti nga at hindi dahil ayoko siyang makita.
Napatigil ako sa paglalakad at nalukot ang mukha.
Bakit nakabukas ang pintuan ng kwarto ko?
Sabi ko naman sa kanila, walang papasok sa kwarto ko.
Damn! Naglagay na nga ako ng karatola diyan!
Mabilis akong pumunta sa pinto ng kwarto ko para lang matulos sa kinatatayuan ko.
Si Ysamari, nasa loob ng kwarto ko. Para itong naestatwa sa itsura niya, nakaawang ang labi, bakas ang panlalaki ng mga mata sa gulat. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya hanggang sa inilibot ko ang paningin sa bawat sulok ng kwarto ko, saka ko pa lamang natandaan kung ano ang meron sa loob ng kwarto ko, kung bakit ayaw na ayaw ko na may taong papasok sa kwarto ko kahit pa si Mommy at Daddy pa 'yan.
Nandilim ang mukha ko, tumikhim ako para kunin ang attention ni Ysamari. Saka pa lamang siya nagising sa pagkakatulala.
Gulat ang mababakas sa mukha niya ng makita ako.
"Z-zseto..."
"Didn't I put a warn in my door? It say's 'DO NOT ENTER, NAKAMAMATAY'."
"Z-zseto, s-sorry k-kasi a-ano, a-alis na ako."
Nakakalokong ngisi ang ibinigay ko sa kanya.
"Sa tingin mo makakalabas ka pa ng buhay sa kwarto ko matapos mong makita kung ano ang meron dito?"
"H-hindi ko n-naman a-alam, s-saka b-bakit ang d-daming m-mga p-"
"ENOUGH!" Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin. Soundproof ang kwarto ko kaya walang makakarinig sa amin.
Sinarado ko ang pinto at nilock. Nagmistulang gabi ang loob ng kwarto ko kahit pa tanghale pa lang.
"Z-zseto,"
Dahan dahan akong naglalakad papunta sa kanya habang siya ay panay ang antras.
Ngumisi ako. Ito ang bagay sa mga kagaya mong pakialamero.
"Hindi mo ba alam na masama akong magalit? Nagtitimpi lang ako sa'yo pero sinagad mo na ang pasensya ko."
"P-please! Nakikiusap ako, lalayuan na kita. No, mali! Hindi na ako magpapakita sa'yo, just please pakawalan mo na ako. Atsaka b-baka m-merong..."
"Shut up! Don't talk! Tsk. Pakawalan?" Napatawa ako sa kanya. "Too late for that, nasagad mo na ang pasensiya ko sa'yo. You can't do anything but to follow me. Your my slave, prisoner, and my toy now. You cannot escape in my arms. You are now belong to my paradise. Too late to escape. "
You are now trapped in me.