Chapter 39

HARIETH ZARIE MONTEREALEZ

It's been four months nang bumalik sa dati ang lahat. Paghingi ng tawad, kapatawaran, iyakan, at kasiyahan ang mga nangyare. Natutuwa ako dahil nasa normal na ang lahat.

Nasa M. Exclusive Island na rin kami nanirahan ni Ryker kasama ng anak namin na si Zseto. Sabi kasi niya mas mabuting nandito kami dahil mas mapapanatag siya dahil alam niyang ligtas ang sekuridad dito sa Isla.

Busy ako sa pag-aasikaso sa mga bisita, ito kasi ang araw ng kaarawan ni Zseto. Actually triple celebration kami dahil isang buwan nang nakakaraan nang manganak si Yaya Celia plus the fact na ipinanganak rin ang unang babae sa angkan ng mga Monterealez, si Isza Monterealez. Siya ang anak ng panganay na kapatid ni Ryker.

"Hey! Brave woman, brave love." Nagsalubong ang kilay ko kay Anthony.

Isa pa ang lokong ito na walang tigil sa pang-aasar sa akin dahil nadinig pala niya mula sa chipset sound recorder ang pag-uusap namin ni Ryker. Matapos noon palagi na niya akong inaasar, nakakainis na nga eh.

Natanggal na rin pala ang bagay na iyon sa akin nang malaman ni Ryker. Galit na galit siya, nang makuha nga sa balikat ko ang bagay na iyon, siya mismo ang nagwarak n'on.

"Tumahimik ka Anthony baka gusto mong ibato ko sa iyo ang hawak ko na kaldero."

Hindi niya ako pinansin sa halip ay tumawa siya ng malakas kaya napasimangot ako. Saka naman pumasok ang nagdidilim na mukha ni Ryker.

"Damn you Anthony! Inaasar mo na naman ang Asawa ko."

"Fuck!" Mabilis na tumakbo si Anthony palabas ng kusina nang makita niyang kumuha ng sandok si Ryker at handa ng ibato sa kanya.

"Motherfucker!"

Natawa ako sa reaksyon ni Ryker kaya nakasimangot na humarap siya sa akin.

"I'm jealous!"

Napatawa lalo ako sa kanya bago lumapit at niyakap siya pero nakatunghay naman ang mukha ko sa mukha niya.

"H'wag ka ng magselos, wala ka naman kasing dapat ikakaselos."

"Kahit na! Ayokong nakikita na inaasar ka niya."

Lalo akong napatawa sa kanya. "Ewan ko sa iyo."

"Nakakainis! Pati si Kenie mas naging close niya pa."

"Ayaw mo n'on? Marami ng friends ang kuya ko, mga bigatin pa."

Napakamot siya sa batok. "Fuck! Sige na nga."

Napanguso siya kaya napatawa ko. Nagsalubong ang kilay niya.

"Baby love, kanina mo pa ako pinagtatawanan although gustong gusto ko na palagi kang nakatawa, ang kaso lang, ako naman ang naiirita dahil alam kong tumatawa ka kasi naiinis ako."

"Ang cute mo po kasi."

"Tsk. Tara na nga."

Nagtaka ako ng hilain niya ako paakyat sa taas. "T-teka! Saan tayo pupunta? Birthday ni Zseto at baka hanapin nila tayo sa party."

"Tsk. Makakapag-antay pa sila pero ako hindi na..."

Nagtataka ako sa sinasabi niya. "Er? Hindi makapag-antay saan?"

Ngumisi siya sa akin. "Syempre ipupuslit natin ang sex time."

Nanlaki ang mga mata ko at nagpumiglas pero wala na talaga akong nagawa nang hilain niya ako papasok sa kwarto namin. Hinila niya ako papunta sa kama at halos manuyot ang lalamunan sa ginawang pagsigaw dahil sa pagkagulat nang biglaan niya akong hilain pabagsak sa kama. Ako ang nakapaibabaw sa kanya pero kalaunay ipinagpalit niya ang pwesto namin.

Ngumisi siya bago ako halikan ng mabilis sa labi. Namungay ang mga mata niya. "I love you baby love."

Napangiti ako bago hawakan ang pisngi niya. "I love you too Ryker, My baby love." Iniangat ko ang ulo ko at ako na mismo ang humalik sa kanya.

That moment, napuno ng halinghing, kasiyahan, kapanabikan, at pag-iisa naming dalawa ang buong sulok ng kwarto.

Wala na akong mahihiling pa. Ang mabuhay na kasama si Ryker at Zseto ang siyang layunin ko na lang sa mga oras na ito. I love them, both.

I, Harieth Zarie Fedencio Monterealez, the wife of Ryker Luis Monterealez, swear to love my husband and child for the rest of my life until death.

This is our story, I escape but he catch me. He owned me, I am Owned by Ruthless General.