EPILOGUE

Everything in my life is a lie and I’m so stupid for not noticing it.

I really can’t believe that my marriage with Erem is fake! Bakit nga ba hindi ko naisip na puwedeng mangyari iyon? Dahil ba masyado akong nagtiwala kay Mommy at naniwalang ipinilit ni Erem ang sarili niya sa akin?

I became the worst version of myself because of our marriage na humantong sa pananakit ko kay Erem and because of that, hindi ko namalayan na sumosobra na pala ako.

When I saw Erem again and she showed in front of me, ang unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang makipagbalikan sa kaniya at makasama siyang muli sa iisang bahay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang tungkol doon, basta ang alam ko gusto ko siyang makasama ulit para nang sa ganoon na rin ay makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya.

But I changed my mind wanting her in my life again seeing how she looks so happy with another man— old man to be specific that made me so angry.

Hindi ko pa rin magawang tanggapin na ang matandang iyon ay karelasyon ni Erem. That EJV! Kaya noon pa lang ay may duda na akong hindi lang siya basta relative ng asawa ko, dahil tama ang hinala ko na may relasyon sila! Kaya naman bilang ganti, pinasundan ko si Erem para hanapan sila ng ikasisira nilang dalawa, and that’s how I found out that they have a child.

Sa madaling salita, siniraan ko sila dahil hindi ko matanggap na niloko na nga ako ni Erem, nagawa niya pa rin niyang maging masaya at talagang nagkaanak pa sila ng matandang iyon.

They live happily while I am suffering! Hindi iyon puwede!

But I still want Erem in my life. Gusto kong itama lahat kahit pa alam ko na mahirap at imposible ang bagay na nais ko.

I will take Erem back!

When our dinner meeting happened, maraming bagay at rebelasyon akong nalaman at natuklasan. Mga kasalanan na hindi ko akalaing magagawa ni Mommy at higit sa lahat, si EJV na inakala kong lalaki ni Erem ay ang ama pala na matagal na niyang inaasam na makita at makilala.

So all this time, I believed and lived in lies! Naniwala ako nang hindi ko man lang inaalam ang lahat.

“Is she mine, Erem?” I asked Erem when the kid was taken by Erem’s secretary.

“She’s Cianna and yes Lucas, she’s your daughter,” Erem said after telling that EJV is her father.

“But how?!” malungkot at tila naguguluhan kong tanong sa kaniya.

“I convinced her doctor to inform you that the baby didn’t survive because I want my daughter to have her reason to leave you!” pasigaw na sabi ni EJV bago tuluyang nagmartsa palayo sa lamesa namin.

My child is alive! Sa loob ng limang taon inakala kong patay na ang bata dahil sa kagagawan ko! At dahil doon, mag-isa akong nagdusa at nagsisi nang walang sinuman ang may alam.

My heart is full of happiness and excitement nang ipakilala ako ni Erem kay Cianna na anak namin. I really can’t believe that my child is alive.

Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman ko nang makita ang batang nakatitig sa akin na parang may gustong sabihin. Pakiramdam ko ay nabuhay ang diwa ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

I feel that there is something in her eyes and she’s telling something to me. Na tila gusto niya akong kausapin gamit ang mga mata niya na punong puno ng pananabik at saya dahil nakilala na namin ang isa’t isa.

“Daddy, Daddy!” Cianna said while sobbing then hugged me.

Sobrang saya ko dahil hinayaan ako ni Erem na makilala ang anak namin sa kabila ng mga kasalanan na nagawa ko sa kaniya.

“My baby. I’m sorry anak ngayon lang tayo nagkita, mahal na mahal ka ng Daddy,” I said while carrying Cianna.

“M-may daddy na ako! Tanggap ninyo po ba ako, d-daddy?” umiiyak na tanong muli ng anak ko dahilan para mas maluha ako nang sobra.

“You’re my daughter. Of course! I love you, my princess. Daddy loves you so much and please always remember that. At sorry ngayon lang tayo nagkita, anak. I love you,” I said between my sobs. Ramdam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ng anak ko dahil matagal kaming hindi nagkita. Higit sa lahat, hindi man sabihin ni Cianna ay matagal niya na talagang inaasam na makilala ako.

“Mommy tanggap ako ni Daddy,” Cianna said as she stopped from crying na karga ko.

We spent the day together and bonded as a father and daughter. Maraming baon na kuwento ang anak ko kaya naman bukod sa paglalaro ay marami rin kaming pinag-usapan.

I planned to introduce Cianna to my parents but I changed my mind. Walang permiso ni Erem at nasisiguro ko rin na hindi siya papayag.

We spent the day together on my condo— watching some cartoons and eating all her favorite foods. Nakatutuwa pala ang may anak although hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagsisi.

Kung naging mabuti sana ako kay Erem, siguro naging masaya ang pagsasama namin. Maybe we were able to build a family that Erem is longing for since then— a happy and complete family.

“Daddy, you know what? Mommy never forgot to tell me stories about you,” Cianna said while smiling. She keeps on talking while we are on our way back to Erem’s house. Ihahatid ko na kasi siya pauwi katulad ng napag-usapan namin ni Erem. She will let me be with my daughter as long as I want, basta iuuwi ko palagi nang maayos ang anak namin.

“Really? What did your mom tell you about me?” nakangiti kong tugon sa anak habang focus ang tingin sa kalsada.

“She said that you’re a good person po. You and her are best friends before. Sabi niya rin po na mabait ka sa kaniya at binigyan siya ng burger kaya naging friends po kayo.”

“Wow, that means she never forgot me?”

“Yes po, daddy. Naalala ka po niya kasi part ka raw po ng buhay niya. Mommy is nice and kind po kasi kahit wala ka, she always reminds me that I should love you even you don’t know me yet.”

Wala akong naisagot sa huling sinabi ni Cianna kaya naman ngumiti na lang ako sa kaniya bago itinuon muli ang tingin sa daan.

I didn’t expect that Erem will tell something good about me. Alam ko na mabuting tao si Erem, pero dahil sa mga nagawa ko sa kaniya, I didn’t expect that she will tell good stuff about me. Nagawa niya pang magkuwento ng mga mabuti tungkol sa akin kahit ang totoo ay puro masama ang nagawa ko sa kaniya.

“Goodnight daddy, I love you po,” Cianna said as she bid her goodnight kiss to me. Nang makarating kami sa bahay nila ay kaaagad siyang nagpaalam sa akin na matutulog na.

“Goodnight, my princess. Daddy loves you so much,” tugon ko matapos siyang halikan sa ulo.

Hindi kaagad ako umalis sa bahay nila Erem kahit pa naihatid ko na si Cianna, gusto ko kasi siyang makausap hindi para sumbatan sa pagtatago ng tungkol kay Cianna kung hindi para humingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan ko. Isama pa ang mga kasalanan na nagawa ng mga magulang ko sa kaniya lalo na ni Mommy.

“Gusto mo raw akong makausap sabi ni Dad?” tanong ni Erem sa akin.

Nandito kami ngayon sa garden area ng bahay nila kung saan niya ako inaya, para mas komportableng pag-usapan ang kung anumang gusto kong pag-usapan naming dalawa.

Ramdam ko ang seryosong mga tingin ng Daddy niya kaya nang sabihin ni Erem na sa garden kami ay kaagad akong sumang-ayon sa kaniya.

“If this is about the partnership Lucas, I’m sorry pero hindi ko maibibigay ang gusto mo,” sabi niya sa seryosong tono ng boses niya habang sa mga halaman nakatingin.

“This is not about the partnership don’t worry,” tugon ko.

“Then what? Bakit gusto mo akong makausap?”

“Can we get back together, Erem? Puwede ba tayong magsama ulit, para kay Cianna?” diretso at direkta kong tanong sa kaniya. Alam kong kalabisan ang pagtatanong ko sa kaniya ng ganoon, pero ewan ko ba kung bakit iyon ang kusang lumabas sa bibig ko.

Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago muling nagsalita si Erem.

“You’re joking!” puno ng sarkasmo niyang sabi, “Kung iniisip mo ang tungkol sa anak natin, huwag kang mag-alala Lucas, matalino si Cianna. She will understand everything. Mauunawaan niyang hindi tayo puwedeng magsama bilang mag-asawa.”

“But you want a happy and complete family, right?” tanong ko.

“Alam mo pala ang gusto ko,” walang buhay niyang tugon.

“Of course, y—”

“Pero hindi mo ako hinayaan na matupad ang pangarap na iyon na ikaw ang kasama,” she cut me off when I’m about to say something.

“Let’s get back together, Erem. Bigyan natin ng masaya at buong pamilya si Cianna at hayaan mo akong makabawi sa lahat ng kasalanan ko,” pagsusumamo ko.

“Bakit parang ang dali-dali para sa iyo ng mga sinasabi mo, Lucas?!” Napataas ang boses niya. “Bakit kung makapagsalita ka, parang wala kang ginawa na mali?! Stop acting as if you never did something bad! Baka nakalilimutan mo kung ano ang mga nagawa mo sa akin!”

“Iniisip ko lang si Cianna, Erem. She will grow up like you— longing and wishing for a happy and complete family.”

“Oh, stop acting like you know my daughter very well, Lucas. Matalino si Cianna at alam niya kung ano lang tayo sa isa’t isa. ‘Tsaka sino bang nagsabi sa iyo na mararamdamam iyon ni Cianna? Sa akin pa lang at kay Dad, buo at masaya na ang pamilya niya Lucas. Bonus ka lang sa buhay ng anak ko, kaya huwag kang magsalita na akala mo alam mo ang lahat!” Erem said in very frustrated voice. Halata ang pagkadisgusto niya sa mga nasabi ko.

Dahil sa tensyon ay hindi ako nakaimik agad.

“We can be a good parents to our daughter, Lucas. Hindi natin kailangan magsama para lang matawag tayong masaya at buong pamilya. Maging civil tayo sa lahat ng bagay pagdating sa kaniya. Don’t worry, hindi ko siya ipagdadamot o ilalayo sa iyo kung ‘yon ang iniisip mo. We can be a good parents, Lucas,” pagsisimula niya ulit, “And also, hindi naman natin ipararamdam sa anak natin na may kulang sa buhay niya kahit pa wala tayong relasyon na dalawa,” seryosong sabi lang ni Erem habang diretso ang tingin sa langit habang yakap ang sarili.

Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng lungkot.

Imposible na mangyari ang buong pamilya na nais ko kung saan si Erem at Cianna ang kasama ko.

“Mahal mo pa ba ako, Erem?”

Dahil sa tanong ko natawa siya nang bahagya pero kaagad rin naman bumalik sa pagiging seryoso ng mukha niya.

Yes, I have the audacity to ask her questions about that. Why not, ‘di ba? Kasi baka meron pa naman… baka may nararamdaman pa si Erem para sa akin.

She chuckled. “You’re still that Lucas that I used to know. Masyado pa ring mataas ang tingin sa sarili!” may bahid ng pagiging sarkasmo niyang sabi.

Napayuko ako pero nang magtama ang mga mata namin…

“Mahal kita,” she said while looking directly in my eyes, “Minahal kita pero paulit-ulit mong sinayang at binalewala iyong pagmamahal na mayroon ako para sa iyo, Lucas!” tuloy niya sa sinabi habang hinuhubad ang suot na white blazer.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang braso niyang puno ng peklat. Mga peklat na matagal na na naghilom ngunit nanatiling naiwan ang bakas sa katawan niya.

Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng hiya. Ako ang dahilan ng mga peklat niya na iyon.

“Nakikita mo ba itong mg peklat sa katawan ko, Lucas? Ito ang patunay kung gaano kita kamahal… noon! I stayed with you even it caused me too much pain, kasi mahal kita kaya kahit sobrang hirap, tiniis ko lahat. Kasi umaasa akong baka isang araw, mapansin mo ang mga sugat ko hanggang sa mahalin mo rin ako!”

Napailing siya.

“Pero nabigo ako Lucas, nabigo ako. Kasi halos mamatay na ako sa mga pananakit mo, hindi mo pa rin ako nagawang mahalin!” she said while sobbing.

Dahil sa bigat ay binawi ko na ang tanong ko.

“Forget about my question earlier. I’m sorry,” nakatungo kong sabi.

“It’s okay Lucas, kaya ko namang sagutin iyong tanong mo kanina. Pero gusto ko lang linawin sa iyo na nagustuhan at minahal kita noon, hindi dahil sa pamilya at yaman na mayroon ka kung hindi dahil ‘yon talaga ang nararamdaman ko.”

“Mahal kita at kahit kailanman hindi nagbago Lucas. Hanggang ngayon, mahal kita. Dad is always asking me why, bakit daw mahal pa rin kita sa kabila ng mga kasalanan mo sa akin. Alam mo ba kung ano ang sinabi ko kay Dad?” seryosong tanong ni Erem dahilan para mapaangat ako muli ng tingin sa kaniya at makita kung gaano kalungkot ang mga mata niya sa oras na ito.

“Sabi ko wala Dad e, si Lucas talaga iyong mahal ko,” sabi niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya, “I tried to find someone much better than you, pero tangina Lucas iba talaga iyong epekto mo sa sistema ko! You never loved me pero hindi ko alam kung bakit ikaw!”

“Gusto kitang burahin sa sistema ko. Itinatak ko sa puso’t isip ko na hindi mo ako deserve, lalo na iyong pagmamahal ko! Pero pucha Lucas, nakatatak ka rito e!” umiiyak niya ng sabi habang tinuturo ang dibdib niya kung saan malapit ang puso.

“Paano nga ba naman kasi kita makalilimutan? Cianna is your girl version. She’s like a resemblance of you, kaya iyong pagmamahal na mayroon ako para sa iyo, ibinuhos ko lahat sa anak ko. For five years Lucas, pinaniwala ko ang sarili ko na hindi na kita mahal pero mali ako, mahal pa rin kita!” pag-amin niya.

“Then why we can’t be together again, Erem?” malungkot kong tanong pabalik sa kaniya.

“Mahal kita pero mas mahal ko na ang sarili ko ngayon Lucas! Ayaw ko nang magmahal nang walang iniiwan para sa sarili ko. Ayaw ko nang maubos dahil sa pagmamahal ko sa iyo dahil bukod sa ang hirap-hirap mong mahalin, ang hirap mo ring abutin,” pagtugon niya.

“Hindi mo ba puwedeng mahalin ang sarili mo habang magkasama tayo? You said you love me, pero bakit ayaw mong maging buong pamilya tayo? Mahirap ba talagang bumalik ka sa akin, Erem? Let’s get married again! Pangako, hindi ko na uulitin lahat ng nangyari noon!” nakikiusap kong sabi sa kaniya kasabay ng pagtulo na rin ng luha ko.

“Maaring pinagtagpo lang tayo Lucas, pero hindi talaga tayo ang nakatadhana para sa isa’t isa,” she said seriously.

I don’t know why I am crying basta ang alam ko lang masakit na makitang umiiyak si Erem habang inaalala lahat ng masasakit na nakaraan niya nang dahil sa akin.

“Mahal kita pero hindi na kita kailangan sa buhay ko Lucas! Sinayang mo na iyong pagkakataon na mahal kita, na i-ikaw ang sentro ng buhay ko! Muntik na akong sumuko sa buhay Lucas nang dahil rin sa iyo. Buti na lang at dumating si Cianna sa buhay ko at nakabangon ako ulit. I do love you Lucas, I really do, pero ayaw ko nang hayaan ulit ang sarili ko na maubos na naman dahil sa pagmamahal ko sa iyo,” umiiyak at tila nakikiusap niyang sabi.

“Pero mahal mo pa rin naman ako, ‘di ba?” nakatungo kong tanong sa kaniya. Hindi ko na magawang tumingin pa direkta sa mga mata niya dahil kagaya niya hindi ko na magawang pigilan ang luha ko.

“Minahal mo ba ako kahit minsan man lang Lucas?” seryoso niyang tanong na hindi ko magawang sagutin.

Wala akong sapat na lakas para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko lalo na sa nakalipas na limang taon. Wala na rin yatang saysay iyon dahil kahit na sabihin kong mahal ko na rin siya, hindi iyon magiging dahilan para bumalik siya sa akin kasal man kami o hindi.

I feel her pain. Ramdam ko kung gaano siyang nasasaktan ng dahil sa akin. At pakiramdam ko, kahit pa gustong gusto ko siyang maging akin ay hindi na ako karapat-dapat.

Napailing siya dahil nakayuko lang ako.

“Mahal kita pero sa tingin ko tama na. Minahal kita nang sobra kahit hindi mo ako nagawang mahalin pabalik… Maybe I still love you Lucas but for now, focus muna tayo sa mga sarili natin. Mahalin na muna natin ang sarili natin para kung darating man iyong tamang panahon at puwede pang maging tayo, wala ng dahilan para pigilan natin ang nararamdaman ng isa’t isa.”

Inayos niya ang sarili niya.

“Maging mabuting magulang na lang tayo para sa anak natin. Let me heal and fix myself, Lucas. Ayusin mo rin ang sarili mo. Let’s be civil for our daughter. Hindi ko maibibigay iyong gusto mo. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko.”

“Let’s be good friends for Cianna. Let’s be best friends like before,” nakangiti niyang sabi.

Muli akong napaangat ng tingin dahil sa sinabi niya. She still wants me as her friend for the sake of our daughter. That means I still can be with them, as her friend and as Cianna’s father. Sapat na sa akin iyon.

Tinuyo ko ang luha sa mga mata bago muling humarap sa kaniya at tumingin nang may ngiti sa labi. Alam kong huli na pero gusto kong sabihin sa kaniya ang salitang kailanman ay hindi ko nasabi sa kaniya.

“Can I hold you?” nakikiusap kong tanong sa kaniya.

May pag-aalangan sa mukha niya pero tumango pa rin siya bilang tugon. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi ‘tsaka ipinagdikit ang noo namin para nang sa ganoon ay matitigan ko siya nang malapitan.

Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko, dahil oras ng hawakan ko siya sa magkabilang pisngi ay napakapit siya sa kamay ko.

“Magiging okay ka naman, ‘di ba? Babalik tayo sa dati? Hindi man bilang mag-asawa, kung hindi bilang magkaibigan, ‘di ba?” umiiyak kong tanong sa kaniya.

Tumango lang siya bilang tugon dahil maging siya ay umiiyak na rin kagaya ko.

“What do you want me to do?” tanong ko ulit

“Be a good father to our daughter. That’s all what I want,” saad niya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon habang kapuwa lumuluha. Sinamantala ko ang pagkakataon dahil alam kong ito na ang huling beses na hahayaan ako ni Erem na maging malapit sa kaniya.

“I’m sorry for everything. S-sorry Erem. Patawarin mo ako dahil nagkulang ako bilang kaibigan at asawa mo. Peke man ang kasal natin o hindi, sorry dahil hindi ako naging mabuting asawa.”

“I’m sorry. I love you, Erem,” may sinseridad kong sabi.

After that night, we seldom see each other. Magkikita lang kami sa tuwing hinahatid o sinusundo ko si Cianna sa bahay nila.

Nang gabing iyon matapos kong bitawan ang salitang matagal niyang hinintay na sabihin ko sa kaniya, we both cried like there’s no tomorrow. Umiyak kami nang sabay dahil kagaya ni Erem, nasasaktan ako, dahil masyado na akong huli para iparamdam sa kaniya iyon. Huli na ako na sabihing mahal ko siya, dahil ngayon,, kuntento na siyang mahalin ang anak namin bukod sa Daddy niya. Self love ika nga ng marami.

Hindi kami nagkulang na iparamdam kay Cianna na buo at masaya ang pamilya namin, kahit na walang relasyon ang namamagitan sa amin ni Erem.

We became civil in terms of being parents. We seldom eat together as a happy and complete family. Aaminin kong masakit para sa akin pero natuto na akong makuntento dahil masaya naman ang mag-ina ko.

I watched Erem from a far at sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nahulog sa kaniya nang sobra. Nakita ko kung paano siyang naging masaya habang inaabot ang mga pangarap niya sa buhay.

I made myself better for Cianna. Hindi lang dahil gusto ko kung hindi dahil umaasa akong balang araw ay hahayaan ako ni Erem na mahalin siya.

I became a good person because Erem taught me to be a good one. Hindi para sa iba kung hindi para sa sarili ko.

Sinaktan ko siya pero sa huli hinayaan niya pa rin akong makilala at makasama ang anak namin. Sinaktan ko siya pero sa huli at tinuruan pa rin ako ni Erem na mahalin ang sarili bago ang iba. Higit sa lahat, hinayaan niya akong mahalin siya mula sa malayo habang kagaya niya ay inaayos ang sarili ko.

Erem taught me what real love is. Erem let me see the greatest love of all and that is loving ourselves.

I am more than happy and contented in this situation but I am still hoping than soon, we will live as a complete and happy family together.

I sighed while looking at Erem’s picture in my wallet that I took when we first met each other. A picture of her while eating the burger that I gave her.

I returned my wallet in my cabinet and saw a box. A box with a ring that supposedly an engagement ring for Erem when I planned to propose that night when I asked and begged her for another chance.

I wasn’t even able to give this ring and ask her to marry me but I am still hoping that maybe soon…

Erem will not runaway from me anymore and she’ll be my wife officially.