CHAPTER 22

Nang makarating ako sa kompanya ni Lucas ay kaagad akong nagdiretso kung nasaan ang opisina niya. Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko.

Sigurado akong dahil sa article na lumabas kaya pinagtitinginan ako.

Wala akong panahon para pansinin sila dahil sa mga oras na ito, gusto ko lang namang saktan si Lucas sa paraang gusto ko.

“Excuse me, gusto kong makausap si Lucas Sandoval. Tell him that Erem Blythe Valderama is here!” saad ko sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng elevator na sa tingin ko ay ang secretary niya.

“I’m sorry Ma’am pero kaaalis lang po niya,” nag-aalala niyang tugon sa akin.

“Call him at sabihin mong naghihintay ako!” iritado kong sambit muli. Alam kong hindi dapat ganito ang maging trato ko sa babae, pero sobra ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya hindi ko mapigil ang emosyong nararamdaman.

“I’m really sorry Ma”am pero hindi ko po matawagan si Mr. Sandoval, he’s on his way to Laguna para po sa isang meeting. I was about to call your secretary to say something, but since you’re here Mam, I will tell it personally po, Mr. Lucas Sandoval wants to have a dinner meeting with you together with his parents,” pormal na sabi ng sekretarya.

Dahil sa sinabing iyon ng secretary ay may nabuo akong ideya sa isip ko kung paano makakabawi sa kawalang-hiyaan na ginawa niya, lalo pa akong ginanahan nang mabanggit nitong kasama ang mga magulang ni Lucas sa dinner meeting.

I think that dinner is the best opportunity for me para masabi ko lahat ng galit na matagal ko nang inipon. Hindi ko gusto ang ideyang pumasok sa isip ko pero dahil sa ginawa ni Lucas, dinamay niya si Dad at Cianna, iyon ang hindi ko puwedeng palagpasin.

I guess oras na para pasabugin ang bombang matagal ko ng tinatago.

“What for?!” iritado ko kunwaring tanong sa kaniya.

“To formally ask and convince you about the partnership of your companies Ma’am,” natungo niyang tugon.

“Okay, tell him I am coming,” kaagad kong tugon.

“Ah Ma’am, Mr. Sandoval also told me to tell you that you should come with the EJV,” saad muli ng sekretarya.

Hindi ko tuloy naiwasang mapataas ng kilay dahil mukhang iba ang gustong mangyari ni Lucas sa dinner meeting mamaya, puwes tingnan lang namin dalawa kung matuwa siya sa mga sasabihin ko.

Kaagad rin akong bumalik sa opisina ko matapos makipag-usap sa sekretarya at sabihing darating kami mamaya sa dinner meeting. Hindi ako sigurado sa kung ano ang mangyayari pero ganado akong harapin sila, lalo na ang Mommy ni Lucas na maraming kasalanan sa akin.

Dad called me when lunch time came at ramdam ko ang sobrang galit niya dahil nabasa niya ang article patungkol sa aming dalawa. I calmed him down dahil base sa tono ng boses niya ay parang gusto niyang ilibing nang buhay si Lucas.

I also told him about the dinner meeting pero ayaw niyang magpunta kung hindi ko lang sinabi ang plano ko. Ayaw niya sa gagawin ko dahil baka ako raw ang maapektuhan sa huli kaya naman ipinaintindi ko sa kaniyang kaya ko naman.

The article is still circulating on social media kaya naman nakakatanggap na ako ng samu’t saring bash mula sa mga tao, pinagsawalang bahala ko lang ang lahat dahil hindi ko kailangang magpaliwanag sa lahat lalo na kung sa isang panig lang sila naniniwala.

Imbes nga na malungkot ay natatawa pa ako dahil sa nangyayari. Iyong tipong dalawang araw pa lang ako sa Pilipinas ay may issue kaagad akong kinakaharap.

Nang matapos na ang oras ng trabaho ay umuwi ako sandali para mag-ayos at magbihis at nang tuluyan na nga akong matapos ay sakto namang narinig ko ang pagkatok at tawag sa akin ni Dad.

I wore a simple black fitted dress na pinatungan ko ng white blazer and paired with black heels sandals. Kuntento na ako sa simpleng ayos lang dahil gusto ko palaging maging komportable sa mga sinusuot ko.

Tahimik lang kaming dalawa ni Dad buong biyahe papunta sa restaurant. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito pero isa lang ang nasisiguro ko- nag-aalala siya para sa akin.

We arrived late at the restaurant dahil sinadya ko talagang magpahuli sa oras na napag-usapan. Gusto ko kasing makita ang magiging reaksiyon nila kapag nakita ako.

“Are you sure about this, Erem?” nagda-dalawang tanong ni Dad nang kumapit ako sa braso niya habang tinatahak namin ang daan papunta sa VIP seat na nakahanda para sa amin.

“Yes Dad,” mabilis kong tugon ‘tsaka siya ginawaran ng ngiti.

“I hate the fact that you want me to act as your sugar daddy in front of them!” kunong-noong saad muli ni Dad na ikinatawa ko naman.

The manager assisted us until we’re near to reach the VIP table at mula sa malayo ay tanaw ko ang pamilyang minsan na nagkulong at nagkontrol sa buhay ko. I see how attorney Amanda laughed and smiled like she has never done something wrong to me.

Ang babaeng naging puno’t dulo ng paghihirap ko— Si Attorney Amanda!

Nakasakay na siya sa wheelchair at malayong malayo na ang itsura niya kumpara sa noon. Bakas ang sakit sa katawan at itsura niya pero gayo’npaman ay hindi pa rin nawawala ang pagiging sopistikada niya.

“Oh they’re here,” gulat na bulalas niya nang tuluyang makalapit kami ni Dad sa gawi nila.

Pansin ko ang pag-ikot ng tingin ni Lucas at Nikki sa gawi namin ni Dad na kapuwa abala kanina sa pag-uusap, habang ang Daddy naman niya ay kaagad na tumayo nang makita kami.

“I apologize for being late, Attorney Sandoval,” seryosong sabi ni Dad ‘tsaka nakipagkamay sa ginang na kaharap, na sinundan naman kaagad ni Doc Lucio, na sa mga oras na ito ay ramdam ko ang pag sulyap sa akin.

Hindi pa rin nagbabago at kagaya pa rin noon, mukhang manyak pa rin hanggang ngayon.

Pamilya talaga sila ng mga mapagpanggap.

“Good evening, EJV,” pormal na bati ng mag-asawa kay Dad.

“It’s our pleasure to finally meet you, thank you for accepting our invitation,” Attorney Amanda said as she laid her gaze on me.

“Good evening Lucas Sandoval,” may diin sa boses na sabi ni Dad nang agawin ang atensyon ni Lucas.

Napansin ko ang kawalan niya ng interes sa sinabi ni Dad, kaya naman ako na ang umabot sa kamay ni Lucas para makipag-shake hands.

“Oh the bitch is here!” maarteng sabi ni Nikki sa mahinang boses na hindi nakatakas sa pandinig ko, sino kaya ang bitch sa aming dalawa na halos ayaw yatang mahiwalay ng katawan kay Lucas.

“Who is the bitch are you talking about, hmmm?” nakangiti ko kunwaring tanong sa kaniya.

“Good evening Mr and Mrs Sandoval. It”s been five years, hindi ko akalaing makikita ko ulit kayo,” sambit ko na may hilaw na ngiti sa mga labi ng ituon ang atensyon sa mag-asawang Sandoval.

“Good evening hija,” alanganin niyang tugon sa akin.

“I think we should order our foo-“

“Talagang pumunta ka rito Erem na kasama ang lalaki mo?!”

Hindi naituloy ni attorney Amanda ang sasabihin sana dahil sa sinabi ni Lucas. Gusto kong matawa sa paraan ng pagkakasabi niya pero minabuti kong huwag pansinin ang nasabi niya. Bagkus ay naupo ako sa upuan na hinila ni Dad para sa akin ‘tsaka nagtaas ng tingin sa kaniya habang nakangiti.

“Wala akong komento tungkol sa babaeng kasama mo,” I said while looking to Nikki from head to toe, bagay ma alam kong ikinainis nito dahil sa pamumula ng tenga niya.

“We came here because you invited us for our companies’ partnership, pero mukhang iba yata ang pakay ninyo kay Blythe!” sarcastic na sabat bigla ni Dad. Pansin ko ang pagkadisgusto niya sa inaakto ng mga taong kaharap namin sa oras na ito.

“I think it’s better if I will just cancel our partnership, mukhang may personal na issue ang CEO ng Sandoval Hotel kay Blythe!” inis na sabi muli ni Dad.

“I invited you and her because I want to confirm something at kompirmado ngang sa matanda ako pinagpalit ni Erem,” may pang-aasar sa boses na saad naman ni Lucas na ikinakulo ng dugo ko.

“Excuse me!” sabi ko sa inis na boses.

Planado nga ni Lucas ang dinner na ito at hindi na ako magtataka kung ang pakay niya talaga ay ang mapahiya pa ako lalo sa mga tao.

Sa VIP table kami nakapuwesto kung saan malayo sa iba pero pansin ko ang tingin ng ibang kumakain sa lamesa namin. Marahil ay ramdam ang tensyon na namumuo sa pagitan namin.

“Wala kabang kahihiyan, Erem?! May issue na kumakalat patungkol sa iyo tapos nagawa mo pang isama ang lalaki mo?!” sabat ni Nikki

“EJV, are you not ashamed being with her? You’re a well established man then you let this bitch taint your reputation!” usal naman ni attorney Amanda sa maarteng tono sabay simsim sa wine niya.

“Why would I be ashamed? She’s a good woman with integrity. Isa pa, she’s the only woman I want to take care of my wealth,” puno ng pagmamalaking sabi ko Dad.

“She’s my wife so how can she do that?!” pasigaw na sabi ni Lucas sabay hampas sa lamesa dahilan para gumawa iyon ng ingay.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nagkatinginan kami ni Dad, tingin na alam kong naghihintay siya sa mga sasahihin ko.

Sumimsim muna ako sa wine ko pagtapos ay nag-angat ng tingin kay Lucas,

“I am not your wife, Lucas. Hindi mo ako asawa,” may diin kong sabi habang hindi pinuputol ang tingin sa kaniya.

“Kasal ka sa akin kaya asawa kita!”

“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!”