CHAPTER 21
“Have a sit, Mr. Sandoval,” I said while smiling to the man who is in front of me right now.
Pansin ko ang mga tingin niyang tila sinusuri ang kabuuan ko. Maaring sa mga oras na ito ay hindi siya makapaniwalang magkakaharap kaming dalawa ngayon matapos ang ilang taon.
“So, you are here for?” pagsisimula kong sabi habang hindi nakatingin sakanya.
“I’m here to have a partnership with Valderama Hoteliere, and since you are the CEO, I guess papayag ka?” kumbinsido niyang saad muli dahilan para mag-angat ako ng tingin at taasan ko siya ng kilay.
Sandaling namutawi ang katahikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang kayabangan ngayon, kaya naman bago pa ako ma-suffocate sa presensiya niya ay nagsalita na ako ulit.
“Don’t you think you are being overconfident, Mr. Sandoval? How can you be so sure na papayag ako sa partnership na gusto mo? Is your company even good to have your guts to say that? Baka naman mamaya e bumagsak kami, dahil sa pagkakaalala ko, palpak ka sa lahat ng bagay!” nakataas-kilay kong sabi nang hindi nakatingin sa kaniya.
“Where have you been, Erem?” seryosong tanong niya na hindi ko inaasahan. Umakto na lang akong hindi narinig ang tanong niya ‘tsaka na itinuon ang atensyon sa laptop para ipakita sa kaniya ang design ng bagong building na itatayo namin.
“So as you can see Mr. Sandoval, here’s my sample design for our upcoming project. Take a look at kung may suggestion ka, sabihin mo kaagad sa akin,” seryoso at pormal kong saad sabay balik ng tingin sa kaniya. Saktong nagtama ang tingin naming dalawa na mabilis ko ring iniwasan.
“Hindi mo ba ako balak kumustahin muna, Erem? Talagang trabaho ba kaagad ang pag-uusapan natin?” may iritasyon sa boses niyang tanong dahilan para taasan ko siya ng kilay.
“Mr. Sandoval we’re on a meeting at this time, hindi tayo nandito para mag kamustahan dalawa,” seryoso kong tugon sa kaniya, “At ‘tsaka bakit kita kukumustahin? Importanteng tao ka ba sa buhay ko?!” may sarkasmo sa boses kong saad muli.
“Nasaan ang lalaki mo?!” galit na tanong niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.
Ang lakas naman ng loob niyang magtanong ng ganoon sa akin gayong ngayon pa lang ulit kami nagkita after five years! Ang tagal na ng lumipas at hindi pa rin talaga siya nagbabago, mayabang pa rin at mapanghusga!
Kaagad na sumidhi ang inis ko sa kaniya dahil sa naging tanong nito pero dahil ayaw kong magpaapekto sa kaniya, umakto akong walang pakialam kahit pa gusto ko na siyang itulak paalis ng opisina at huawag nang ituloy ang meeting namin.
“You can leave my office now, tapos na ang meeting natin. I declined your partnership offer Mr. Sandoval!” may awtoridad kong sabi.
“Bakit ayaw mo? Dahil ba ayaw ng lalaki mo at plano mo lang na paasahin ako?! I fucking need this partnership, Erem! I need Valderama Hoteliere para maging CEO na ako!” galit na galit niyang sigaw sa akin.
Ang kapal talaga ng mukha. Kung hindi sana ako ganito kausapin ay hindi naman aabot sa ganito ang lahat.
“I don’t care, Lucas! Leave my office now!” sigaw ko rin pabalik sa kaniya, “Hindi ako makikipag-partnership sa inyo lalo na sa iyo!” segundang sabi ko.
Tumawa siya nang malakas na may pang-aasar.
“Dahil ba ayaw ng lalaki mo ha, Erem?!” akusa niya sa akin habang nanlikisik ang mata sa galit.
Napa-iling na lang ako sa mga akusasyon niya.
“Oh c’mon Erem, tell me. Sino ang lalaki mo?” nakangising tanong niya ulit. Halatang gusto akong inisin at galitin pero sorry na lang siya dahil hindi na ako iyong dating Erem na kilala niya. Hindi na ako basta-basta maapektuhan sa mga sasabihin niya.
Akmang sasagutin ko na sana ang sinabi niya ng mapansin ko ang pagpasok ni Farra sa opisina ko,
“Excuse me Mam Blythe, but EJV is on the line and he wants to speak with you,”
“Okay, thank you Farra,” tugon ko sabay kuha at tapat ng telepono sa tenga ko na nakapatong lang din sa table ko.
“I’m busy Da—”
“Mommy, I miss you!” hindi ko naituloy ang sasabihin sana sa pag-aakalang si Daddy ang nasa kabilang linya, dahil malungkot na boses ng anak ko na si Cianna ang bumungad.
“Excuse me,” sambit ko sa lalaking nakaupo sa harapan ko at tila kuryoso sa kung sino ang kausap ko.
Alam kong nasa kalagitnaan ako ng meeting kay Lucas, pero tumawag ang anak ko na sa mga oras na ito ay alam kong malungkot.
“Yes baby, uuwi ako nang maaga and I’ll cook your favorite dinner,” saad kong muli sa kabilang linya habang nakatayo at nakapamaywang. Hindi tuloy nakawala sa akin ang mapanuring tingin ulit ni Lucas sa akin.
“Yes baby, let me finish my work, oka? Uuwi ako after this. Bye, I love you,” sabi ko bago tuluyang binaba ang tawag.
“So unprofessional, Erem. We’re on a meeting, tapos nakuha mong makipagharutan sa lalaki mo?” iritado niyang sabi nang makabalik ako sa upuan ko at binalewala ko na lang ang kung ano mang sinabi niya.
“Let’s have another meeting next time Mr. Sandoval, you seems so irritated today,” walang buhay kong saad sa kaniya habang nakaturo sa pintuan ng opisina ko.
“All along, I thought that fucking EJV is your relative but damn it! He’s your other man at siya rin ang matandang lalaki na itinanggi mo noon sa akin!” pasigaw niyang sabi sabay hampas sa lamesa ko habang masama ang tingin sa akin.
Pinakalma ko ang sarili ko bago gumanti ng tingin sa kaniya. Hangga’t maari ay ayaw ko siyang patulan pero sadyang sinasagad niya ang pasensiya ko.
Nakipag sukatan ako ng tingin sa kaniya at kita ko sa mga mata niya ang labis na pagka-inis at galit, bagay na hindi ko mawari kung saan galing at ano ang pinanghuhugutan niya.
“Hindi ako nakipag-meeting sa iyo para panghimasukan ang personal kong buhay, Mr. Sandoval. My secretary will call you to reschedule our next meeting so now, leave my office,” malumanay kong sabi sa kaniya.
Ako na ang unang pumutol sa tagisan ng tingin naming dalawa, dahil alam kong hindi naman matitinag ang lalaking ito at ipipilit ang kung ano man ang gusto niya.
Pambihira talaga si Lucas kahit kailan!
“I felt so guilty back then when our baby died dahil sinisi ko ang sarili ko, na kung tutuusin ay kasalanan mo naman talaga Erem! You cheated on me with that old man!” punong puno ng galit niyang sabi sabay hampas muli sa lamesa ko dahilan para magulat ako nang sobra.
I talked to my inner self to calm down and let my breath out. Alam kong darating ang araw na magkikita kaming dalawa ni Lucas kaya naman nangako ako sa sarili ko na hindi na ako matatakot sa kaniya.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nilabanan muli ang galit na tingin niya. Akala siguro niya ay masisindak ako sa kaniya.
“We’re not that close Lucas so stop acting like you know me. Stop accusing me without knowing everything! Huwag kang umasta na parang asawang niloko, leave my office now!” malakas kong sigaw habang nakaturo ang daliri sa pintuan ng opisina ko at hindi pinuputol ang masamang tingin sa kaniya.
“Five years had passed Erem but you can’t erase the fact that I am your husband and you’re my wife. So what you did five years ago was cheating! Niloko mo ako puwes tingnan mo kung ano ang kaya kong gawin dahil sa panloloko mo!” pasigaw niya ring tugon sa akin ‘tsaka mabilis na nagmartsa palabas ng opisina ko at padabog na sinara ang pinto.
Hindi ganitong pagbabalik ang inaasahan ko at mas lalong hindi ang tagpo naming dalawa ni Lucas ang gusto kong mangyari kaagad, pero mukhang tadhana ang may gustong magkita kami at buksan muli ang usapin tungkol sa nakaraan naming dalawa.
He thought that my father is my other man, great!
Itinuon ko ang natitirang oras ko sa trabaho, mula sa pag-check ng mga papeles at pagkilala sa mga empleyado ng kompanya ni Dad. Hindi kasi lahat sa kanila ay aware na ako na ang bagong CEO ng kompanya kaya minabuti kong ipakilala ang sarili ko.
Kinalimutan ko ang kung anumang nangyari sa meeting namin ni Lucas, sa halip ay itinatak ko sa isip ko na hindi kami magkakaroon dalawa nang maayos na usapan kahit pa business partner na kami.
I don’t know what Lucas meant about his last words to me before he left my office, pero wala akong pakialam kung ano man ‘yon dahil sa totoo lang ay naiinis ako sa kaniya.
Paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol kay Cianna kung ngayon pa lang, halos bugahan niya ako ng apoy sa sobrang inis niya?
Malamang ay tatanungin ako ng anak ko pag-uwi tungkol sa ama, pero bahala na kung ano ang puwedeng idahilan. Ayaw ko rin kasing umasa siya na makikilala kaagad ang ama.
Tinapos ko lahat ng trabaho na mayrooon ako para nang sa ganoon ay makauwi ako nang maaga, pero nang pababa na ako sa parking lot ay sakto namang nakita ko si Dad at Cianna habang magkahawak ang kamay.
“Dad,” masayang tawag ko ama nang makitang palapit na sila sa akin.
“Mommy!” masayang salubong naman mi Cianna sa akin sabay yakap nang pagpantayin ko ang tingin naming dalawa.
“Let’s eat outside, sweetie,” saad ni Dad sabay halik sa pisngi ko nang makatayo ako habang karga si Cianna.
“Okay Dad. How’s my baby? Saan kayo galing ng grandpa mo?” tugon ko sabay tanong sa anak kong abala sa paglibot ng paningin niya sa paligid.
“Grandpa enrolled me on daycare, Mommy at ‘tsaka po nag-shopping kami ng gamit ko pang-school,” masayang sagot ni Cianna.
“Wow! Are you happy naman ba?” tanong ko ulit sabay ayos ng seat belt niya matapos ko siyang maiupo sa gitna namin ni Dad.
“Yes mommy! Super happy! Mommy, nakausap mo na po ba si Daddy ko?” mabilis niyang tugon pero may kasunod na tanong dahilan para magkatinginan kami ni Daddy.
“Anak Cianna, busy pa siya e pero bukas try ni Mommy, okay?” alanganin kong sagot sabay tingin muli kay Dad.
“Don’t try it Mommy, please do it po! I want to meet him para magkakilala na kami!” sabi niya pang muli sa nangungumbinsing boses.
Minabuti ko na lang na hindi sagutin ang huling sinabi ni Cianna dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Mabuti na lang din talaga at natuon ang atensyon niya sa hawak na coloring book.
Talagang pursigido ang anak kong makilala at makita ang ama niya, pero hindi ko naman alam kung paano sasabihin kay Lucas ang tungkol sa kaniya dahil siguradong mag-aaway lang ulit kaming dalawa kapag nag-usap kami.
“How’s the meeting, sweetie?” tanong ni Dad na umagaw sa atensyon kong lumilipad na naman sa kung saan.
“Disaster Dad!” inis kong tugon ng maalala ang tungkol sa meeting namin ni Lucas.
“What happened?” kunot-noong tanong ulit ni Dad habang seryoso ang tingin.
“He accused me that I cheated on him back then at akala niya si EJV ay other man ko. He’s also mad because of the case that you filed against him years ago Dad. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang sinabi niyang sugar daddy kita!” kalmado kong kuwento kay Dad pero ang totoo ay naiinis ako. Hindi ko pa nakakalimutan ang mga nasabi niya kanina.
Dahil narating na namin ang restaurant kung saan kami kakain ay napunta ang usapan namin ni Dad sa ibang bagay, kaya naman nagpapasalamat ako dahil pansin ko ang pagkunot ng noo niya lalo nang sabihin kong inakusahan ako ni Lucas na kabit ko siya.
Matapos naming kumain ay nag-aya nang umuwi kaagad si Cianna dahil inaantok na, kaya naman nang makarating kami sa bahay ay mabilis siyang naglinis ng katawan at nagtungo sa kuwarto.
Sandali kong inasikaso ang anak bago bumabang muli sa sala kung saan naabutan ko si Dad na umiinom ng tsaa, kaya naman mabilis ko siyang dinaluhan at nagtanong ng ilang bagay tungkol sa kompanya.
“Tell me if that man did something bad to you, goodnight sweetie,” sambit niya sabay halik sa noo ko ng magpaalam siyang magpapahinga na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga rin akong nag-asikaso para pumasok sa opisina, pero hindi ko alam kung masyado ba akong maaga para pagtinginan ng mga empleyado na ipinagtataka ko.
“Farra what’s happening?” kunot-noong tanong ko sa sekretarya ko na mukhang inaabangan ang pagdating ko.
“Good morning, Miss Blythe,” seryoso niyang bati sabay lapag sa tablet na hawak sa ibabaw ng office table ko.
“I don’t know why and how Ma’am, but those photos are circulating on the internet,” mabilis niyang saad dahilan para tingnan ko ang mga pictures na nasa tablet niya.
Mga kuhang litrato namin nila Dad at Cianna kagabi mula sa malayo kung saan kami kumain ng dinner.
Gusto ko na sanang matawa dahil wala naman akong ibang makitang mali sa mga pictures namin, hanggang sa nakita at nabasa ko ang title ng article na sinasabi ni Farra na kumakalat ngayon sa social media.
“Wife of famous Lucas Sandoval is back after gone for five years, but she is spotted being with a kid and rumored sugar daddy, known as EJV, the owner of Valderama Hotelier. So it’s really true that she cheated on her husband!”
Tila umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa nabasa na nasisiguro kong si Lucas ang may pakana, kaya naman nagmadali akong lumabas ng opisina ko para sugurin siya. Hindi ako makapapayag na idamay niya si Dad sa galit niya lalo na ang anak ko.
Humanda ka sa akin Lucas!