Chapter 5 Afk
"Sino yung kaduo mo kanina?"
Nagulat man sa chat nito ay di na nagpahalata ang dalaga. Ilang araw din kasi itong di nag online. Sa mga panahong yun ay napilitan siyang mag solo game kasi wala naman kasi siyang gaanung friend sa friendliest niya.
"Solo nga ako eh lagi. Busy ka ata?" Tanong niya dito.
"Ayieehhh miss mo na ako?" Mabilis nitong reply.
"Hindi ah. Bakit naman kita mamimiss aber??"
"Kala ko pa naman miss mo ko. Tara na nga rank tayo baka abutin pa tayo season."
Kinikilig man ay di nagpahalata ang dalaga. Di Naman kasi tama ang nadarama niya. Unang una, di niya kakilala ang lalaki. Malay ba niya kung may asawa ito o nobya na. Madalas ganun ang mga lalaki eh. Pinapakilig ka lang pero trip lang pala nila.
"Sino dito babae?" Chat ng kalaban niya sa laro.
"Si hanabi, mukhang girl yan. Bakit?" Sagot naman ng kasama niya.
"Benta ko laro, basta follow back ako later hanabi. Hanap me kaduo eh. hehehe" maya maya ay sabi naman nito.
"Kahit di mo benta laro par, tatalunin ko kayo." Sabat naman ni rico. Mukhang naiinis na nga sa pang eepal ng kalaban.
"Lagot, may kaduo yata yan par. hahaha" sabi ng kateammate niya.
"Hanap ka na lang iba par, baby ko na yan." Sagot naman ni Rico.
"Ayaw par, asawa nga puwede pang agawin, kaduo pa kaya. hahaha" Mapang asar na sabi ng kalaban.
Sa kalagitnaan ng laro ay alam na ng dalaga na matatalo na sila. Malaki kasi lamang sa gold ng kalaban kaya di sila nagkakadamage. Mukhang wala ngang gana si Rico maglaro ngayon at mukhang bad trip na bad trip.
"Ano hanabi, follow back moko ha mamaya ." Sabi naman nung kalaban nila.
Nagulat na lang ang dalaga noong mabasa na nag afk na pala si Rico.
"Ano yun nawalan ng internet?" Sa isip na sabi ng dalaga. Imposible naman kasi na sineryoso nito ang biruan kanina sa game.
Nung matapos na ang laro ay chineck ng dalaga ang profile ng lalaki. Di na niya makita ito sa online player.
"Baka brownout sa kanila at nakawifi lang siya" Sabi na lang niya sa sarili..