Chapter 4 The core and his support

"Arat na rg ulit." Chat ng kaduo niya. Maaga siyang nag online ng araw na yun kasi linggo naman at close ang shop niya. Mukhang kanina pa siya inaabangan na mag online nito kasi kakalog in pa lang niya ay may natanggap na siyang invite mula dito.

"Aga ah." Sabi niya dito.

"Siyempre, inaabangan kita. Road to mythic tayo. hehehe" sabay start nito sa game.

"Alam mo gamitin Ang Angela? Magkocore ako samahan mo ako ha." Hirit pa nito sa picking.

"Di pa ako nakabili niyan eh nana na muna. hahaha" natatawang sabi niya. Paanu kakadownload pa lang niya sa larong yun di pa siya nakakabili ng madaming hero.

"Ok din yang herong yan. Puwede na yan."

Sa unang limang minuto ng laro ay nag concentrate na muna ang dalaga sa pagclear ng mid lane habang patingin tingin sa map kung wala bang nanggugulo sa core.

"Ano ba yan nakakawalang gana magfarm walang kasamang support." Maya maya ay nabasa niya chat nito.

"Samahan mo na nana para ganahan. hahaha" tuksong sabi ng mga kateammate niya.

"Gage, nagbabantay ako sa mid eh." Chat na din niya. Kukulit ng mga kasama mukhang sinasakyan na din ang pagpapacute ng kaduo niya.

"Paanu ba yan par mukhang ayaw eh. Matatalo tayo dito inaagawan nako ng buff oh." Hirit pa din nito. Ayaw niya kasi iwanan ang mid at masipag magpush ang mage ng kalaban.

"Ako na diyan samahan mo na core." Habang papalapit naman ang tank sa midlane.

Napilitan namang samahan Ng dalaga. Ikaw ba naman pagkaisahan ng teammates mo. Takot din naman siya masabihan ng bobo kaya sumunod na lang siya.

"Yaaannn. Gaganahan na ako niyan. Hahaha" wika nito sabay labas Ng emoji ni Layla na nagpapacute.

"Sira ka talaga pag ito matalo, duo no more na tayo ha." Mabilis na chat ng dalaga.

"Ipapanalo ko to para sayo baby."Sabay emoji ulit nito na may kindat pa.

At parang tinotoo nga nito ang sinabi, napabilib siya sa bilis ng kamay nito. Naipanalo nito ang laban ng walang kahirap hirap. Natapos ang laro na ito ang MVP at siya ang best sidekick sa team.

"Mamaya ulit ha alis kasi ako ngayon eh. Bye baby.." chat nito sa kanya.

Nanghihinayang man ay walang magawa ang dalaga kundi ang maglog out na din. Parang nawalan siya ng gana sa isiping baka may date ito.

"Pakialam ko ba sa kanya di ko pa nga narinig boses noon baka boses palaka pala yun turn off lang." Inis na sabi niya pero sambakol naman ang mukha.