Chapter 4: CALL IT OFF

“Do you want me to enjoy my stay here?” May pilyong ngiti ang naglalaro sa mga labi ni Norman nang humarap sa pinsan.

“Of course! It’s an honor for the resort that the famous Luther enjoys his stay here!”

“Then do me a favor,” aniya na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mga labi.

“What favor?”

“I want Sunshine.”

“What?! Are you serious?”

“Yes, and if you do that, I will give you unlimited access to my airline. Unlimited tickets, unlimited tours, what else?”

“Woah! Pinsan, nahihibang ka ba? Talagang iyan ang kapalit ni Sunshine?”

“Kidding aside, Low. You could have all those privileges once you convince her.”

“I don’t know if I can. Actually, hindi lang ikaw ang nag-offer sa akin para lang kumbinsihin siyang sumama sa kanila. Pero lahat ng ’yon tinanggihan niya. Even if it’s worth millions.”

“I will give you five percent of my shares in this resort.”

Kita niya ang pagkatigagal ng pinsan sa iniaalok niya. Paano ba naman, kahit ito ang anak ng may-ari ng resort na ito, Lowelle has only ten percent shares, mas malaki kung ikukumpara sa share niyang twenty percent. Maliban pa sa ibibigay niyang five percent, sino nga naman ang tatanggi sa unlimited free travel? Kapalit lang ng isang babaeng sebidora lang naman sa restobar nito.

“I will try,” usal ni Lowelle.

“Do your best, Lowelle. Sayang ang offer ko sa ’yo.” Tinapik-tapik ito ni Norman sa balikat bago nilisan ang opisina nito.

Patungo na sana ang binata sa exit door ng resto nang hindi inaasahang mabangga siya ng isang babae dahil sa pagmamadali.

“Stupid!” asik niya.

“Sir, I’m sorry. I’m really sorry,” sunod-sunod na hinging paumanhin ng babaeng nakabungguan niya, kasabay ng pag-angat ng mukha nito upang tingnan siya.

“Sunshine…” bulalas niya sa isip nang mapagsino ito. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ng dalaga pagkakita sa kaniya at ang pagkailang nito habang nakatitig sa kaniya. At 'eto na naman siya, tila nahihipnotismo sa magagandang mata ng dalaga.

“S-sorry po ulit.” Tinalikuran siya nito at halatang hindi ito komportable sa kanilang paghaharap. Ngunit hindi pa man ito nakalalayo nang marahas niya itong pigilan sa siko. Nilingon naman siya nito at kunot ang noong tinitigan siya. Nakatuon sa kanya ang nakataas na mga mata nito na may pagkamangha.

Iginala niya ang tingin sa kabuuan ng dalaga at hindi niya talaga mapigilan ang mapahanga lalo ngayon na kaharap niya ito. He has been with different elite women, and mostly beauty queens. But the lady in front of him is far different from the women he mentioned, naiiba sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

“Nice curves,” anas niya sa kawalan ng masasabi. Bahagya pa siyang nagulat nang pumiksi ito at bawiin ang brasong hawak niya. Matalim siya nitong tiningnan bago malalaki ang mga hakbang na iniwan siya sa kinatatayuan.

“BWISET! The nerve of that man! Aaaahhh!” Pigil ang hiyaw ni Sunshine nang marating ang locker room.

Sunod-sunod ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib dahil sa paghahabol sa kaniyang hininga. Hindi maalis sa kaniya kung paano siyang titigan ng lalaking iyon na halos hubarin na ang natitira niyang saplot.

Sanay na siyang nakikita ng mga kalalakihan na naka-two-piece lang. Walang malisya dahil nasa beach naman sila, at higit sa lahat, iyon ang required na suot para malaya silang makakilos sa pagsasayaw lalo na’t may props silang apoy.

But with that man! Para siyang nakaramdam bigla ng hiya. Sa isang iglap, parang ayaw na muna niyang lumabas sa kwartong iyon, isipin pa lang na pinanonood siya ng buwisit na lalaking iyon!

Nanghihina siyang napaupo sa papag na naroon at niyakap ang sarili. Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi dapat! Huminga muna siya nang malalim bago tumayo at tinungo ang washroom. Tutal isang dance number na lang naman at makakauwi na siya.

Pero mukha talagang nananadya ang antipatikong lalaking iyon, dahil nakita niya itong prenteng nakaupo sa harapang bahagi ng entablado at nakangising nakatingin sa kaniya. Nakaramdam na naman siya ng pagkailang dahil sa tiim ng paninitig nito.

Pilit niyang iniiiwas ang paningin dito, pero daig pa nito ang may magnetong nagpapabalik ng tingin niya rito. Dahilan para mawala siya sa konsentrasyon.

“Ouch!” igik niya nang sa isang maling galaw ng kanang kamay ay dumaplis ang fireball sa kaliwang braso niya. Nag-aalalang tumigil ang kaniyang mga kasamahan para daluhan siya. Pero kapwa napatigil ang mga ito at sa kaniyang pagkagulat nang may mga bisig na pumangko sa kaniya.

“T-teka, okay lang ako. Ibaba mo na ako!” pagpoprotesta niya at nagtangkang bumaba sa mga bisig nito, ngunit tila walang narinig ang binata at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kaniya.

“Stay still if you don't want another injury, woman.” Mabilis ang kilos na dinala siya nito sa clinic ng hotel upang lapatan ng lunas ang lapnos sa kaniyang braso.

“Anong nangyari?” usisa ng babaeng nakaputing uniporme na pang-nurse na agad na dumalo sa kanila pagkapasok nila.

“She was hit by a fireball,” tugon ng lalaking may pangko sa kaniya. Inihiga siya nito sa puting kama bago nito binigyang laya na suriin siya ng nars.

“Daplis lang naman, Miss Yula. Yelo lang ang katapat,” pag-imporma niya.

Hinawakan ng nars ang na-injure niyang braso, bago ito umiling-iling. “Pulang-pula ang upper arm mo, Summer. Lulobo iyan kapag hindi naagapan.” Umalis ang nars at nagtungo sa isang bahagi ng clinic. Pagbalik nito may bitbit na itong tray na may stainless bowl na may tubig at malinis na pamunas, cream at gasa. Bahagya niyang sinilip ang napaso, pero hindi niya iyon makita nang buo.

“Palalamigin muna natin ang paso mo. After nito babalutan ko ng gasa para hindi maimpeksiyon. First degree burns lang naman pero mas mabuti na rin ang maingatan. Ano bang nangyari sa iyo? First time mo itong ma-injure sa pagsasayaw mo,” pang-uusisa nito habang panaka-nakang idinadampi ang inilublob nitong pamunas sa stainless bowl. Ang lamig niyon dahilan para guminhawa ang sakit na nararamdaman niya sa bahaging napaso.

“Nawala lang sa konsentrasyon, Miss.” Sinulyapan niya ang lalaking naghatid sa kaniya rito sa clinic. Para itong batang pinanonood ang nars sa ginagawa nitong pagpupunas sa paso niya. At nang magsalubong ang tingin nila, agad niya itong inirapan.

Matapos na mawala ang pag-iinit ng paso niya, itinigil na ni Nurse Yula ang ginagawa. Dinampot naman nito ang anti-inflamatory cream, binuksan at ipinahid sa paso niya.

“Apply this every twelve hour, okay. Kahit na first degree burn lang iyan, maaari iyang mamalat or magka-blister. Kaya siguraduhin mong malalagyan mo ng cream iyan. Babalutin ko ng gasa ngayon iyang paso mo to avoid infection nga. Bukas kung nasa bahay ka lang, pwede mong tanggalin. Pero kung lalabas ka, balutin mo ulitin, okay?” instruction nito habang magaan na binabalot ng gasa ang paso niya.

“She can go home na, Miss? Are you not going to confine her?” kunot ang noong usisa ng lalaki. Sinulyapan niya itong muli pero agad din siyang nagbawi ng tingin nang muling magsalubong ang mga mata nila.

“No, Sir. There is no need to confine her. She can go home now, but she needs to take care of her burn to avoid further infection.”

Tumayo na si Sunshine nang matapos ang ginagawa ng nurse, at saka lang niya napansing wala siyang ibang suot kundi ang black string two-piece na suot niya kanina sa pagpe-perform.

“Miss Yula,” tawag niya sa nurse na nagliligpit na ng mga pinaggamitan sa paggagamot sa kaniya. “Baka pwedeng manghiram ng...” Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil nakaramdam na siya ng hiya. Mukhang nakuha naman ng nars ang gusto niyang sabihin matapos nitong hagurin ang kabuuan niya at ngitian siya. Muli itong nagtungo sa bahagi ng clinic na may malinis na lababo at sa harap niyon ay ang puting cabinet na binuksan ng nurse. Paglapit nito sa kaniya ay iniabot nito ang puti ring tuwalya.

“Maraming salamat.” Mabilis niyang tinanggap ang towel at saka iyon ibinalabal sa halos hubad na niyang katawan. Sabihin nang sanay siyang nakikita ng mga turista aa nakasuot lang siya ng two-piece bikini, pero hindi sa harap ng antipatiko at aroganteng lalaking ito.

Matapos balutan ang katawan, muli siyang nagpasalamat sa nurse at tuloy-tuloy na lumabas ng clinic. Subalit hindi pa man siya tuluyang nakalalayo sa bisinidad ng klinika, hinarang na siya ng tatlong men in black.

“Bring her home safe,” narinig na lang niyang utos ng lalaki mula sa likuran.

“Yes, Master.”

“Hindi pwede. Hindi pa tapos ang trabaho ko.”

“Call it off. I already talked to your boss.”

Laglag ang pangang hindi na nakatanggi pa si Sunshine. Matapos niyang makapagbihis ay iginiya na siya ng mga tauhan nito sa itim na sasakyang naghihintay sa kanila.

TULAD NG araw-araw na nakasanayan, matapos niyang asikasuhin ang ina, ihanda ang mga pangangailangan nito at palitan ang gasa sa paso niya sa brasoa, nagmamadali na siyang sumakay ng tricycle at nagpahatid sa resort. hindi nga lang niya maigalaw nang maayos ang brasong may paso.

“Good morning, Ma'am,” bati niya sa supervisor na katatapos lang mag-punch in ng timecard sa timeclock. Gulat itong napatingin sa kaniya.

“O? Akala ko ba hindi ka makakapasok?”

“Naku, sayang ho ang isang araw na pag-absent, Ma’am. Hindi naman ho malala ang paso ko,” tugon niya, marahil ay ipinagpaalam na siyang hindi makakapasok ng mga kagrupo dahil hindi na niya nakita pa ang mga ito matapos niyang maisugod sa clinic.

“Gano'n ba? Nandito ka na rin lang naman, dumiretso ka na lang sa office ni Sir Lowelle.”

“Bakit daw, Ma’am?” Bigla siyang binundol ng kaba dahil baka hindi nito nagustuhan ang pag-iwan niya kagabi sa trabaho.

“Hindi ko alam. Iyan lang ang bilin niya nang magkasabay kami sa pagdating kanina.”

“Ah, sige, Ma'am. Daghang salamat pud.” Nagmamadali niyang tinungo ang locker room para ilagay sa locker niya ang mga gamit na dala. Pagkatapos ay 'saka niya tinungo ang opisina ng general manager nila.