48 | Care
Follow me on Facebook:
Juanna Balisong
ENJOY READING (/>o<)/
•ווווווווו
"PAANO mo nalaman na nandito ako?" Tanong ni Faith kay Winston at naupo sa katabi nitong sofa saka uminom ng juice sa basong hawak.
"Before I get here, tinanong ko si Ria kung saan ka nag-i-stay and she told me na nandito ka sa Casa ng mga Zembrano." Nagsubo ito ng slice ng cake na ipinahanda niya. "So... You two are now back together huh?"
Napayuko si Faith sa baso sa kanyang kandungan at nilaro ang rim niyon. "I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo..."
Hindi kasi siya gaanong nagbubukas ng mga social media accounts niya kaya bibihira nalang din niya hawakan ang cell phone. Balak din naman niyang sabihin sa kaibigan ang tungkol kay Lorenzo, sadyang naunahan lang siya ng pagkakataon at ito pa mismo ang pumunta at nakaalam sa bagay na 'yon bago pa man niya masabi.
"It's okay."
Napaangat siya ng tingin dito mula sa pagkakayuko.
Winston smiled at her. "Hindi naman kita pipigilan, it's your decision... And I respect it." inilapag nito ang kinakaing cake sa center table at ginagap ang kanyang kamay. "Faith... I'm your friend remember? Hindi kita pipigilang sumaya. I am wishing you all the happiness you deserve... And I am always here for you." He warmly smiled at her.
"Thank you so much Winston." Ngiti niya rin dito. "Nga pala, paano ka nakapunta rito? May kasama ka ba?" Aniya at kumuha ng biscuit sa table.
Kinuha nito ang sariling baso at uminom. "Hindi mo naman siguro ako ipagkakanulo kapag sinabi kong tumakas ako hindi ba?"
Nabitin sa ere ang sana'y pagkagat ni Faith sa biscuit sa naulinagan. "Ano?!"
"You heard it right." Anito at muling nagsubo ng cake.
"T-TUMAKAS KA?!" Animo bombang sumabog ang boses nito sa lakas.
"Lower your voice lady, baka mabasag mo ang eardrums ko." Naririndi kuno nitong tinakpan ang tainga.
"Hey," hinawakan n'ya ito sa magkabilang balikat at iniharap ang lalaki sa kanya. "Winston to himself? Nababaliw ka na ba? Ha?! Bakit mo ginawa 'yun? Hindi mo ba alam na malaki ang magiging epekto n'yon sa career mo?" She crossed her arms on her chest. "Baka nakakalimutan mong you are the Billion-dollar Face that every company could die for just to have you endorsing their products. Maraming nakakakilala sa'yo kaya hindi maaari na basta ka nalang tatakas." Pangangaral niyang wika dito.
Prente itong sumandal sa kinauupuan at tumingin sa kanya. "Sinabi mo na nga rin, kung wala ako, wala rin silang kikitain. Am I not even allowed to have my own life?" He lean his head and close his eyes.
Naiiling na napapumulandit na lamang si Faith sa katabi. "E 'di sana man lang ay nagpaalam ka nang maayos bago ka pumunta dito, hindi iyong nagtatago ka na parang daga sa publiko."
"Can't you just appreciate my effort?"
Muli siyang napatingin sa lalaki.
"Iniwan ko ang trabaho ko just to see you. Pinag-alala mo ako kaya kasalanan mo rin kung bakit nandito ako." Nagpapaawa nitong saad at parang bata na sumimangot.
"Aba! Winston Alfred Fortich tigil-tigilan mo ako sa pagpapa-cute mo, hindi na uubra sa'kin 'yan!" Pagtataray niya rito.
Mas lalo itong sumimangot. He pouted his lips and his blue eyes glitters as if he was truly tearable. "Wala ka nang pag-mamahal para sa'kin, hindi mo man lang na-appreciate yung effort ko at pag-aalala ko sa'yo..."
Hindi malaman ni Faith sa sarili kung matatawa ba o maaawa sa kaibigan. He looks so dumb yet so cute. Para itong batang hindi pinagbigyan ng magulang sa gusto.
Ang totoo ay nagulat siyang makita ito roon. Hindi niya akalain na lilipad ito papuntang Pilipinas para lamang kamustahin siya. She's so blessed that Winston became one of her friends dahil naroon ang pag-aalala at pag-aaruga nito para sa kanya.
She couldn't believe na magiging kaibigan niya pala ang damuhong ito. But one thing she's sure about Winston, He has the purest heart at kung sino man ang babaeng mamahalin nito ay napaka-suwerte ng babaemg iyon dahil ang lalaking nagmamahal dito ay ang taong may pinakapurong pagmamahal that everyone could wish to have a boyfriend like him.
Hindi niya man nasuklian ang pagmamahal nito para sa kanya. Alam niya na may babaeng mas deserve ang pagmamahal ni Winston. She will just wish for that girl to come emmidiatly bago pa tuluyang magsara ang puso nito.
"Tse! Mali pa rin yung ginawa mo. Dapat humingi ka man lang muna ng prior consent sa head ng MMG bago ka pumunta rito. Hindi porket pamangkin ka ng head, abusado ka na." Kumagat siya sa biscuit.
"To tell you the truth, kailan man ay hindi ko ginamit ang apilyedo ko para mang-abuso sa posisyon. I worked hard to be an idol without any help of my surname." Seryosong wika nito.
Bigla ay nakaramdam ng lungkot at takot si Faith. Oo at alam niyang hindi ganoon kadali ang pinagdaanan ng kaibigan para maging idolo. Kahit na may koneksyon ang pamilya ng mga ito sa matataas na pangalan sa iba't-ibang larangan, kahit kailan ay hindi ito humingi ng tulong para abutin ang pangarap.
Winston was like a shining star above the sky. Kumikinang ito na tila ay ito na ang pinakamatingkad na bituin sa langit. And she's so proud that that star was actually her friend.
"Oh Winnie, I'm so sorry... Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. I was just - "
"It's okay Faith, alam ko." Putol nito sa kanya.
Umusog siya dito ng pagkakaupo at pinulupot ang kamay sa braso nito. "No. Alam kong I take it under the belt, sumobra ako. I'm really sorry."
"Nah... It's okay." Iling pa ng lalaki.
"Noooo~ kilala kita. Magtatampo ka na naman at hindi ako papansinin." Mas lalo pang hinigpitan ni Faith ang pagkakayapos sa braso ng lalaki.
"Ano ka ba - Huy! Madudumihan itong damit ko mukha mo!" Tulak ni Winston sa noo ng babae gamit ang hintuturo.
Umayos ng pagkakaupo si Faith at sumimangot. "Grabe ka!" Kinuha niyang muli ang baso ng juice at uminom.
Si Winston naman ay kinain ang huling slice ng cake at inisang subo.
"Saan ka nga pala nag-i-stay kung ganon?" Kumuha siya ng biscuit mula sa lamesa. "Ang sabi mo wala kang kasamang pumunta dito sa Pilipinas, hindi naman pupwedeng mag-hotel ka lang dahil tiyak na may makakakilala sa'yo roon." Aniya at kumagat sa hawak.
Matapos makainom ng juice ay bumaling sa kanya ang lalaki. "I have a friend in Makati at pansamantalang doon muna ako nag-i-stay. Hindi na nga kita nagawang bisitahin sa hospital dahil bago pa ako makarating dito, na-discharge ka na. Kinailangan ko muna magtago ng ilang araw bago kita mabisita rito." He again sipped on his glass.
"'Yan... Daig mo pa ang daga na nagtatago sa lungga. E kung hindi ka ba naman kasi bangag at kumuha ng prior consent, e 'di sana nakakapaglakwatsa ka pa ngayon." Sermon niya rito.
Ibinalik ni Winston ang basong wala nang laman sa table. "I know naman na hindi nila ako pagbibigyan kaya hindi na ako nag-abala pang kumuha." Bale-walang saad nito.
"Aba, aba Alfredo... Tama ba ang naririnig ko sa'yo?" Nanlalaki ang matang binalingan niya ito ng tingin.
"Urgh! Stop that act! Para kang si mama." Anito at napasandal sa kinauupuan.
Napatawa si Faith sa inasal ng lalaki.
Kilala niya ang Ina ni Winston dahil minsan niya na rin nakasalamuha ito. Palaging ikinukwento ng Ina nito sa kanya ang katigasan ng ulo ni Winston noong kabataan nito.
"Well Mr. Fortich, iyang ginagawa mo pang-a-abusado na 'yan." Pagtataas niya ng kilay.
"Well Ms. Fuentes, I don't care." Panggagaya nito sa tono niya. "Yung mga projects na ibinibigay nila sa'kin wala na sa napag-usapan. Magugulat ka nalang na biglang may susulpot na schedule na hindi ka man lang na-inform."
Napakurap-kurap si Faith sa sinabi ng lalaki.
Parang ganoon na rin ang nangyari sa kanya noon nang biglang sumingit sa puno niyang schedule ang project kasama ang winery na Bodega de Zero.
"Kasama na yung mga mahahalaga kong schedule na na-cancel dahil mas inuna nila kung saan sila mas kikita ng malaki sa atin." Dugtong pa nito.
Naalala niya ang na-cancel na proyekto sa Valadares noon sa Brazil. Maraming bata ang umaasa sa tulong niya kaya kahit na ipina-postpone na ni Mr. Tackelson ang proyekto niyang iyon ay gumawa pa rin siya ng paraan para matulungan ang mga bata.
"You know what? There's something wrong sa pamamalakad ng MMG..." Kapag-kuwan ay wika niya. "Wala akong problema sa mga managers dahil alam ko namang sumusunod lang sila sa utos mula sa head. Hindi naman ganoon dati ang pamamalakad sa MMG when it comes to their models and idols. There's really something wrong going here..."
Kunot ang noong napaisip din si Winston.
•ווווווווו
TULAK ang isang wheel chair, binagtas ni Lorenzo ang pasilyo ng hospital patungo sa silid na inuukupa ng kaibigan. He pushed the door by kicking it. Nabungaran niya si Victor na abalang nagbobotones ng polo nito.
"Oh, what the f*ck bro? Hindi ka ba marunong kumatok?" Anito at ibinutones ang huli sa dibdib.
"Bakit? Ano bang ginagawa mo?" Aniya at prenteng iniwan ang wheel chair sa tabi at naupo sa sofa.
"Obviously putting my clothes on?" Sarkastiko nitong saad at kinuha sa lamesa ang pambisig na relo nito at isinuot.
"You're acting like a lady," tawa ni Lorenzo at inilabas ang cell phone. "O baka naman - "
"Seriously?" Victor turned to him. "Kahit pa magpataasan tayo ng ihi dito, hinding-hindi ako maiinggit sa junior mo. Bakit? Ano ba size ng brief mo?"
"Now you’re asking for my size huh?" Aniya at nakalolokong tumingin dito.
"What the heck?!" Naiinis nitong turan. "I'm not a gay you know? Baka magulat ka nalang may anak na ako sa isa sa mga nurses dito." He snippily said.
Nasapo na lamang ni Lorenzo ang noo at iiling-iling na napayuko.
Nang maaisuot ang pambisig na relo ay napansin ni Victor ang wheel chair na nasa tabi. "Bakit may wheel chair?"
"Dr. Salvador said hindi ka pa pwedeng maglakad nang matagal. Baka ma-stress ang muscles mo at tuluyan kang malumpo kung pipilitin mong maglakad." Aniya at sinipat ang kaliwang binti nito. Natatabunan man ng suot nitong baggy jeans, batid niyang may nakapulupot doong benda dahil sa tama ng bala na tinamo nito.
"Hah! You want me to look pitiful huh?" Naniningkit ang nga matang untag nito. "Para ano? Hindi ako lapitan ng mga babaeng nagkakandarapa kuno sa'yo? When in fact ay sa'kin naman talaga gumagapang..." Tawa nito.
Binalewala na lamang ni Lorenzo ang pang-aalaska nito sa kanya at tumayo. Itinulak nita ang wheel chair paharap sa lalaking patuloy pa rin sa pagtawa. "Just sit here Victor, tayo na lang ang hinihintay doon."
Natigil si Victor sa pagtawa at seryosong tiningnan si Lorenzo. "Y-you mean... You're not joking?"
Lorenzo just raised his brow still holding the handle of the wheeled chair.
Nanlalaki ang mga matang napamulagat na lamang si Victor. "OH MAAAAAAN! THIS CAN'T BE HAPPENING!"
**
Hindi maiwasang mapalingon ng ilan sa pagdaan ng lalaking may tulak-tulak na wheel chair kung saan ay may nakasakay na isa pang lalaki. Both men has the strongest sex appeal kaya sinong hindi mapapalingon sa mga ito?
Pakiramdam ni Victor ay daig niya pa ang isang may-edad na lumpo at walang magawa kundi ang maupo sa de-gulong na upuan. He hates this. Being a useless person. Ayaw na ayaw niyang tinitingnan siya ng mga tao nang may awa. He used to be the Victor who's full of worth to himself hindi itong...
Naiinis na napayuko na lamang siya sa kinauupuan habang tulak-tulak ni Lorenzo ang wheel chair.
... Nagmumukha siyang lumpo.
Wala rin naman siyang magawa dahil mismong si Dr. Salvador na ang nagsabi sa kanya na hindi pa niya maaaring ilakad nang matagal ang mga paa dahil maaapektuhan din niyon ang may disgrasya niyang kaliwang binti. Kung magpupumilit pa siya ay baka matuluyan nga siyang malumpo.
Ilang sandali pa ay nasa bukana na sila ng hospital kung saan naghihintay ang sasakyan sa kanila.
"Magandang araw po Sir Victor." Masiglang bati pa sa kanya ni Boyet.
"There's nothing beautiful in this day Boyet." Wika nito na halos nais nang magpalamon sa kinauupuan nitong wheel chair.
Tumawa ang lalaki. "Sir, hindi naman po kayo mukhang kawawa... Kayo pa lang po ang nakikita kong lalaking mas nagmukhang gwapo kahit na nakaupo sa wheel chair." Nagpalinga-linga ito sa paligid. "Tingnan niyo po at maski matatanda na napapalingon pa sa inyo."
Sa sinabi ng lalaki ay napalingon din si Victor sa paligid. Yeah, he's not lying. Kahit na ang mga may bitbit nang anak ay napapatingin sa gawi nila.
"Goodness Boyet! Kung hindi siguro dahil sa'yo baka kanina pa ako nalumpo. Mabuti na lang at hindi ka sadista katulad ng amo mo." Aniya at nanlilisik ang matang nilingon si Lorenzo na ngayon ay may katawag sa cell phone nito.
Lumingon sa kanila si Lorenzo nang marinig nito ang pangalan. "Boyet isakay mo na nga lang 'yan bago pa mapagkamalang may kasama tayong baliw."
"Aba! Kita mo?" Turo ni Victor kay Lorenzo at tumingin kay Boyet. "Ewan ko nga ba kung ano ang nakita ni Faith sa lalaking 'yan e puro palaki lang naman ng t*ti ang alam!"
Nanlaki ang mata ni Boyet. Maski ang mga dumadaang tao ay napatigil sa itinuran ng lalaking nakaupo sa wheel chair.
"Kaya nga siguro naging tigang na 'yan sa paghihintay kay Faith. E ang bagal-bagal naman kumilos."
Si Boyet na ang nakaramdam ng kahihiyan kaya nilapitan niya na lamang ito at inalalayang makasakay sa sasakyan. "S-sir Victor... Kalma lang po. Nasa hospital pa tayo." Kamot-kamot ang ulong inalalayan niya ito sa pagsakay sa sasakyan.
Nang maisakay na ang lalaki sa kotse ay itinupi na ni Boyet ang wheel chair at inilagay sa hood ng sasakyan. Bumaling siya kay Lorenzo na katatapos lamang kausapin ang kausap nito sa cell phone. "Okay na po Señorito."
Tumango ang lalaki saka sumakay na rin ng sasakyan. Umikot siya at sumakay sa driver's seat saka pinaandar ang kotse.
•ווווווווו
INIHINTO ni Boyet ang sasakyan nang makapag-park sa parking lot ng Police station. Agad naman siyang bumaba ng sasakyan upang kunin ang wheel chair ni Victor.
"Heto na po Sir Victor."
Nang makababa sa sasakyan ay naupo naman si Victor sa wheel chair. "Kanina pa nanginginit ang pwet ko sa kakaupo tapos heto at wheel chair na naman ang uupuan ko." Umayos siya ng pagkakaupo.
Kasunod niyang bumaba si Lorenzo na aasta na sanang itutulak ang wheel chair ng umangal siya.
"Dude, I can push it on myself." Ani Victor at gamit ang kamay ay itinulak ang gulong ng inuupuan.
Hinayaan na lamang ni Lorenzo ang lalaki. Nagpatiuna na itong magtungo sa prisinto habang tulak-tulak nito ang sarili.
"Kung hindi ko lang talaga s'ya kilala, baka inisip ko nang binabae ang isang 'yun. Daig n'ya pang magreklamo ang babae." Naiiling na saad niya at nilingon si Boyet.
"Maghihintay na lang po ako rito Señorito." Ani ng katiwala.
"Okay then. Hindi rin naman kami magtatagal." Tango niya rito at sumunod na kay Victor.
"Dito po tayo Mr. Zembrano." Paanyaya sa kanya ng isang pulis upang ituro ang daan.
Nang makarating sila sa office ay naabutan nilang naroon na si Don Severino kasama ang dalawang lalaking anak nito.
Lumapit siya kay Don Severino upang batiin ito. "Nice seing you again Don Severino." Aniya at kinamayan ito saka bumaling kay Damien at Cesar at tinanguan ang mga ito.
"Same here." Ani Victor at itinaas ang kamay sa mga ito.
"How are feeling Vic?" Tanong ni Damien sa lalaki.
"Getting fine and fine. Ayoko talaga ng nakaupo dito sa wheel chair... Nagmumukha akong lumpong gwapo." Anito at dahan-dahang tumayo.
Napatawa si Damien at nailapitan ito. "You careful, nabalitaan namin na medyo delikado ang tama mo sa binti." Anito at inalalayan ang lalaki sa pagtayo.
Marahas na napatingin si Victor kay Lorenzo. Kung gayon ay sinabi pala nito.
Lorenzo just shrugged his shoulder to him.
"Don't blame him, Victor." Ani Cesar sa kanya. "Si Dad ang nag-utos na ipaalam ang kalagayan mo."
Napatingin siya sa Don.
"Ang mailagay ka sa maayos na kalagayan ang tanging magagawa ko na lamang para pasalamatan ka Victor." Lumapit sa kanya ang Don. "You also saved my daughter's and Lorenzo's life." Tapik nito sa kanyang balikat.
"B-but... I was the one who drag them into - "
"But you still choose the right thing to do. Kahit na ang ama mo pa mismo ang kalaban, you still choose to go right and stop his wrong doings."
Tila nahuli na ng pusa ang kanyang dila at wala nang maisatinig pa. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang Don. Hindi niya inaasahan ang ganoon. He didn't expect that after what he did to them ay ganoon na lamang siya nito pakikitunguhan. Hindi niya inakala kung gaano kalinis at kalawak ang pananaw ng mga ito. Fuentes are truely good than what he thought.
"How's my daughter doing, Lorenzo?" Baling na tanong ng Don kay Lorenzo.
"She's doing fine." Tugon niya. "Hindi niya na masyadong iniisip ang mga nangyari."
"You mean... She already recovered?" Tanong ni Cesar.
"Not really. Her trauma was still there." Aniya rito. "Less stress na rin ang kinakaharap niya, Seli, Martha, and nanay Rosa are there to be with her. Kaya kahit na busy ako ay may nag-aasikaso sa kanya."
"Me and the boys, gusto man namin siyang bisitahin ay hindi namin magawa," kapag-kuwan ay wika ni Don Severino. "Ang kaso nga lang ay si Celestina ang pumipigil sa amin na bisitahin siya."
"Bakit naman po?" Naguguluhan niyang tanong.
"A-ah... M-maybe uhm..." Nauutal na saad ni Severino. Nadulas ata siya sa sinabi.
"She told us not to be a commercial." Saad ni Damien. "Hayaan daw muna namin siya until she finally gets recovered."
"Yeah... Mama is kinda weird. When in fact ay alam namin na mas kailangan kami ni Faith ngayon." Dagdag pa ni Cesar.
"Well? You can’t tell Tita Celestina that you can visit Faith in the Casa anytime. I know na ikatutuwa rin ni Faith na makita kayong bumisi - "
"L-let's talk that in some other time." Putol ng Don. Tumikhim ito upang alisin ang bara sa lalamunan. "The inspector's here." Turo nito sa pintuan nang pumasok mula roon ang hepe.
"Good day gentlemen." Bati nito sa kanila.
"What's the news Inspector?" Agad na tanong ni Damien.
"It's bad news for all." Anito at inilapag sa lamesa ang mga papeles na dala.
Lumapit naman roon ang mga lalaki at tiningnan ang mga dokumentong nakahain.
"What's this?" Tanong ni Victor habang hawak ang isang papel na naglalaman ng iba't ibang impormasyon.
"To inform you Mr. Victor Huaño... Naghain ng kaso si Mr. Zembrano at sila Mr. Fuentes upang ipahuli ang ama ninyong si Don Vicente Huaño sa nangyaring pandurukot kay Ms. Fuentes at Mr. Lorenzo Zembrano." Kinuha nito ang isang folder sa lamesa at ibinigay kay Victor.
Binitawan ni Victor ang papeles na hawak at tinanggap ang nakalahad sa kanyang folder at binuklat.
"Nakatala d'yan ang mga sapat na ebidensya na nalikom namin upang hulihin ang ama ninyo. Marami na rin pala siyang kasong nagawa na hindi na nagawa pang iusad sa husgado dahil sa pangengealam niya. Isa na sa mga kasong iyon ang Estapa."
[ESTAPA - (Swindling: Fraud) use deception to deprive (someone) of money or possession; as the act of taking money or property by fraud or deceit.]
"Pero hindi ba dapat ay kasama ako sa mga mahuhuli at makukulong?" Tanong ni Victor habang patuloy na sinusuri ang mga dokumentong hawak.
"Ayon sa aming scoop, nakita ka ng mga tropa ng kapulisan at subdalo na nakahandusay at duguan sa lokasyon kung saan 'di umano nagtatago ang suspect. Napag-alaman din namin na tinulungan mo si Ms. Fuentes at Mr. Zembrano na makatakas na naging resulta ng pagkakaroon mo ng tama ng mga baril dahil sa pakikipag-laban sa mga tulisang tauhan ng 'yong ama." Mahabang pahayag nito.
Wala sa sariling napatango na lamang si Victor.
"Anong balita ang dala mo Inspector?" Tanong ng Don.
"Sa kasamaang palad... Hindi na namin naabutan pa si Don Vicente Huaño sa lungga niya."
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Damien.
"Sa ibinigay na report ng kapulisan sa Zamboanga, agad nilang natunton kung saan nagtatago si Don Huaño... Ngunit nang sumugod na roon ang mga tropa ay ni-alikabok ay wala silang naabutan pa."
Natigilan si Cesar sa naulinagan. "Ibig mong sabihin ay hindi ninyo nagawang mahuli si Don Vicente?"
"Ganon na nga po. May nakapagsabi sa amin na bago pa man makasugod doon ang tropa ay mabilis na nakaalis na ang mga tulisan."
"What about the witness? Hindi ba ay sinabi niyang alam niya kung nasaan si Don Vicente?" Tanong ni Lorenzo.
Bumaling sa kanya ang pulis. "Muli kaming nag-conduct ng interrogation upang muling malaman kung saan nagpunta ang grupo ni Mr. Vicente Huaño, ngunit kahit anong tanong ang gawin namin ay talagang hindi na alam ng mga witness kung saan na nagtungo ang boss nila."
Napabuga ng hangin si Lorenzo. Ngayon ay muli silang natakasan ng mapaglarong matanda. "What should we do now?"
"Sa ngayon po ay nagtalaga na po kami ng restriction orders sa mga airlines at port dahil may posibilidad na lumabas ang mga bandido sa bansa."
Nilingon ni Lorenzo ang tahimik na si Victor.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko..." Anito at naihilamos ang mga palad sa buhok. "Metikulosong maglaro si Papa, hindi mo mababasa ang tumatakbo sa isip n'ya..."
"Hindi natin hawak ang mangyayari Victor," saad ng Don. "Pero darating ang panahon na balang araw ay may makakaharap din si Vicente ng makakalaban niya."
•ווווווווו
NASA kahabaan na sila ng pagbiyahe matapos ang dinaluhang pagpupulong.
Nakasandal sa upuan si Victor habang nakatanaw sa bintana ng kotse. Sa tabi niya ay si Lorenzo na abala sa pagkutingting sa cell phone nito.
"Kanina ko pa napapansin, masyado kang abala d'yan sa phone mo." Aniya at bahagyang sinilip ang cell phone nito.
He's surfing on some site na hindi niya mawari kung ano.
"You looking for sugar mom?" Biro niya at napatawa sa sarili.
But Lorenzo didn't bother to answer him. Patuloy lang ito sa ginagawa.
Curious as he is. Lumapit pa siya rito at itinukod ang kamay sa tabi nito upang masilip ang ginagawa nitong pagkutingting sa cell phone.
"Ano ba at para kang bata - "
"Ways to... Manage someone's... Trauma." Basa niya sa titulo ng article na binabasa nito.
Inilayo ni Lorenzo ang mukha kay Victor dahil kaunti na lang ay magkakapalit na sila sa sobrang lapit. "Man can you just sit on your place?"
Mabilis na nahablot ni Victor ang phone mula sa kanya.
"Hey wait - "
Si Victor naman ay kunot ang noong pinasadahan ng tingin ang article. "Teka... Why are you searching for this kind of stuff?" Tanong sa kanya ng kaibigan.
Muling binawi ni Lorenzo ang phone niya mula rito. "It's none of your business."
"Oh c'mon!" Napapalatak na wika nito. "Trauma cause of what? Sino ba ang may trauma?"
Ilang sandali ang lumipas bago siya sumagot. "It's Faith... And it's because of what happened."
Natigilan ito nang marinig ang kanyang sinabi. "O-oh... I didn't know na nagka-trauma pala siya ng dahil sa nangyari."
"Yeah, that's why..." Muli niyang niyuko ang phone.
"What's your plan?"
"Sa ngayon..." Tumingin siya sa bintana at tiningnan ang kahabaan ng kalsada na kanilang tinatahak. "I already talked to a therapist and she recommended me some therapy na makakatulong kay Faith to recover immediately."
"And that's...?"
Imbis na sagutin ito ay tinapik niya si Boyet na siyang nagmamaneho. "Dumaan muna tayo rito Boyet." Pakita niya sa phone kung saan nakalagay ang address.
"Copy po Boss." Anito nang mabasa ang address at minaniobra ang sasakyan.
"Teka saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Victor nang mapansin na ibang daan na ang tinatahak nila.
"We'll see the person I am talking about." Sagot niya at prenteng isinandal ang sarili sa upuan.
Ipinagkibit-balikat na lamang ni Victor iyon at prente ring naupo sa kinauupuan.
**
Nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan ay agad na nagmulat si Victor. Sumilip siya sa bintana upang tingnan kung saang lokasyon sila naroon. Unang bumungad sa kanya ang puting building kung saan may nakapaskil na 'Dra. Talulah Garcia's Clinic'.
Nauna nang bumaba ng sasakyan si Lorenzo. "Better to just wait me here. Hindi rin naman ako magtatagal." Anito at pumasok na sa building.
Muli na lamang ipinikit ni Victor ang mata at naidlip habang naghihintay rito.
Nang makapasok sa building ay agad na diniretso ni Lorenzo ang front desk. "Ah excuse me?"
"Welcome to Dra. Garcia's Clinic! May appointment po ba kayo?"
"Yes. I'm Lorenzo Zembrano. The one who called her yesterday."
"Just a moment Sir." Anito at humarap sa computer. Ilang sandali pa ay kinuha nito ang telepono. "Dra. Talulah? Yes Doctora. Mr. Zembrano is here. I'll just lead him there. Yes ma'am." Anito at ibinaba ang telepono.
"What did she say?"
Bumaling ito sa kanya. "Nasa office niya na po ang Doctora at hinihintay po kayo. Hali po kayo at dadalhin ko po kayo roon." Anito at umikot nv front desk saka nagpatiunang naglakad.
Matapos makasakay sa bagon ay muli naman silang may tinahak na pasilyo. Sa dulo ng pasilyo ay may pinto at nakaukit mula roon ang pangalan ng doktora.
Nang matapat sila sa pinto ay huminto ang babae at tatlong beses kumatok. "Doctora, Mr. Zembrano was already here."
"Oh, please let him in." Dinig nilang tinig ng doktor.
Binuksan nito ang pinto at hinayaan siyang makapasok. Nabungaran ni Lorenzo ang doktor ma may binabasamg makapal na libro sa lamesa nito.
Nang maramdaman ang presensya niya ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Nice meeting you finally Mr. Zembrano." Anito at itinupi ang sing-kapal ng encyclopedia na libro. Tumayo ito upang batiin siya at inilahad ang kamay.
Lumapit naman si Lorenzo rito at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. "Nice meeting you too Doctora."
"Please have a sit."
Naupo siya sa katapat nitong upuan na naroon gayon din ang doctor.
"How's Ms. Fuentes doing?" Tanong nito at ipinagsiklop ang mga kamay sa lamesa.
"She's doing fine. Actually, she didn't know about this 'coz I wanna surprise her."
Napangiti amg doktor. "You're such a sweet boyfriend Mr. Zembrano, napakaswerte ng girlfriend mo sa'yo dahil may boyfriend s'yang husband material."
"Ah no," iling niya. "I'm the one who's lucky to have her."
"Well? Masasabi ko ngang bagay na bagay kayo sa isa't isa. And oh! Gaya ng napag-usapan..." Tumayo ito mula sa kinauupuan at pumasok sa isang pinto.
Ilang sandali ang nagtagal nang muli itong lumabas dala ang isang tali. A creature with fur and a tail, walks in with the doctor while swagging its tail.
“This is Tobi,” pakilala ng a ani sa aso. “Tobi say hi to Mr. Lorenzo.”
Animo a anit itinaas nito ang isang a anito sa kanya. Yumuko siya dito at he gradually accepts his paw-hand shake. “Hi Tobi…”
“Wooof!” Tahol nito.
“Tobi is a golden retriever and a therapy dog. He is trained to take care of the person who need his help… Like a traumatized person.”
Itutuloy…
•ווווווווו
Hope you enjoyed! Don’t forget to rate★ and leave a comment~