KABANATA 32 (1633 words)

Naglalakad na ngayon pauwi si Leah. Hindi na siya nagpahatid kay Ariel dahil nauna na siyang umalis sa lugar.

Bumuntong hininga naman siya ng maalala ang nangyari kanina.

“Leah Alcaraz, Will…Will you marry me?” Tanong ni Ariel sa kanya.

Hindi siya nakasagot sa mga oras na iyon.. Ngunit isa lang ang masisigurado niya. Habang tinatanong siya ng binata ay naisip niya agad si Troy dahilan upang bumilis ang kanyang tibok ng puso.

Napansin agad ni Ariel na matagal sumagot si Leah

“Ariel… I---”

Hindi na maituloy ni Leah ang sasabihin ng biglang tumayo si Ariel at hinawakan ang kamay niya.

Tumingin naman siya sa mga tao sa paligid bago magsalita.

“Thank you all for supporting me.” Saad ng binata at saka umalis sa lugar na iyon habang hila-hila ang kamay ni Leah. Hindi na rin naman tumanggi si Leah at nagpahila na lamang sa binata.

Naiyuko na lamang ni Leah ang kanyang ulo ng makaramdam ng lungkot at sakit. Pakiramdam niya ay alam na ni Ariel ang magiging sagot niya.

Iniangat naman ni Leah ang tingin niya at pinagmasdan ang likuran ng binata. Habang tinitingnan niya ito ay nagsisimula ng mangilid ang mga luha niya.

Maya-maya ay tumigil sila sa isang lugar kung saan walang masyadong katao-tao.

“Mahal mo pa rin ba siya?” Biglang tanong ni Ariel kay Leah dahilan upang itikom niya ang bibig. Tahimik naman siyang napapahikbi. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang binata.

“Leah, please…just tell me…D-Do you still love him?” Muling tanong ni Ariel at saka lumapit na kay Leah.

“Leah…kailangan kung mala---”

“Oo! Mahal ko pa rin siya. I love him. I…I still love him. Mahal ko pa rin si Troy…Ariel, I’m sorry… I’m sorry…” Tugon ni Leah at napahagulhol na lamang sa iyak.

Natigilan naman si Ariel sa mga narinig niya mula sa dalaga. Unti-unti naman siyang napa-atras at nagbuga ng malalim na hangin saka muli nagtanong.

“Kailan pa? Sinaktan ka niya, Le---”

“Oo! Sinaktan niya ako at hindi ko malilimutan iyon. Mapipigil ko ba ang puso ko na sakanya pa rin tumitibok? Kahit ako ay hindi ko na kilala ang sarili ko. Sinaktan niya ako pero itong puso ko ay walang tigil sa pagtibok sa kanya. H-Hindi ko alam…Hindi ako sigura---Hindi ko ginusto na mangyari ito. Akala ko ay hindi ko na siya mahal dahil sa ginawa niya sa’kin. Pero…

I’m sorry. Ariel, I’m sorry…” saad niya habang umiiyak.

Naipikit na lamang ni Leah ang kanyang mata ng biglang may busina sa gilid niya.

“Huwag kang humarang sa daan! Magpapakamatay ka ba?” Sigaw ng lalaki na nakasakay sa isang truck.

Napatingin naman sa paligid si Leah at napagtanto na lamang niya na nasa gitna na pala siya ng kalsada naglalakad. Agad naman siyang tumabi at saka dumaan ang truck.

“Kung magpapakamatay ka, ‘wag dito. Nakaka-perwisyo ka ng tao.” Sigaw nito sabay alis.

Habang tanaw-tanaw ang truck na papaalis ay huminga naman ng malalim si Leah.

“Ano ba ang nangyayari sayo, Leah?”

Ilang saglit siyang nagtagal bago maglakad ulit. Habang naglalakad ay hindi pa rin niya mapigilang isipan ang nangyari kanina. Sa tuwing naalala niya ay mas lalong dumadagdag ang sakit ng dibdib na nararamdaman niya.

Hindi naman niya aakalain na magpo-propose si Ariel sa kanya. Wala rin naman siyang intensiyon na saktan ang binata ngunit…

“Oo! Mahal ko pa rin siya!”

Napatigil naman si Leah sa paglalakad ng maalala niya ang sinabi kay Ariel. Napa-palo na lamang siya sa kanyang noo.

Hindi niya aakalain na aaminin niya sa sarili niya na mahal niya pa rin si Troy na ilang ulit niya ng tinanggi at pinigilan na magulong ulit dito, ngunit mapaglaro ang tadhana. Nagkita ulit sila at heto siya ngayon mahal pa rin niya ito at dito rin tumitibok ang puso niya.

“Mahirap kalimutan ang isang pag-ibig na minahal mo ng todo lalo na’t ang taong iyon ay handang gawin ang lahat para mabawi lang ang pagmamahal na sinayang.”

“Hays. Sana maging ayos ang lahat bukas.” Tanging saad na lamang niya at nagpatuloy ng maglakad.

•*•*•*•*•

Kinumutan naman ng ayos ni Troy si Carlo na nakahiga at natutulog sa kama nito. Nang makauwi sila ay bagsak na si Carlo dahil sa pagod kaya naman ay idineretso ni Troy si Carlo sa silid nito.

Nang makitang ayos ng natutulog si Carlo ay lumabas na si Troy at bumaba na ng hagdan. Habang pababa ay napatingin naman siya sa orasan na nakasabit sa sala.

Mag-aalas otso na ng gabi ngunit wala pa rin ang dalaga. Kaya naman ay naghintay na lamang siya sa labas at umupo sa hagdan sa tapat ng pinto.

“Leah Alcaraz, Will…Will you marry me…?”

Hindi tuloy mapigilang alalahin ni Troy ang pag-proposed ni Ariel kay Leah. Napapikit at napayuko na lamang siya dahil sa paulit-ulit na pag-replay ng mga katagang iyon sa isip niya.

Nagsisi naman siya na umalis agad sa lugar dahilan para hindi niya malaman ang naging sagot ng dalaga sa pagproposed ni Ariel.

“Nag-Yes kaya siya? Ano sinabi niya? D*mn it. Dapat ay hindi ka umalis doon!” Isip-isip niya.

Bumuntong hininga na lamang siya at inalala ang mga masasayang alala nilang dalawa ni Leah. Napapangiti naman siya sa mga naalala niya. Mga ngiti at tawa ng dalaga na ang dahilan ng pagtibok ng mabilis ng kanyang puso. Mga mata na kaysarap titigan ng matagal, at ang labi nito…na kaysarap dampian ng halik.

Ngunit, ang lahat ng iyon ay nabasag ng sumingit sa alala niya ang nakita kanina.

“Ano na, Troy? Susuko ka na ba?”

Huminga naman siya ng malalim at napasuklay na lamang sa kanyang buhok.

“Troy…? Ano pang ginagawa mo dito?”

Natigilan naman si Troy at dahan-dahang nag-angat ng tingin. At doon niya nakita si Leah na nakatayo sa harap niya na hindi naman kalayuan sa pwesto niya.

Napatayo naman siya at napa-pagpag ng dumi sa likod.

“Leah…”

“A-Ano pang ginagawa mo dito? Wala pa ba si Adrianne? Si Car---” sunod-sunod na tanong ni Leah habang lumalapit sa kanya ngunit naputol ito ng magsalita siya.

“Nasa taas na si Carlo, natutulog at si Adrianne ay baka bukas pa makauwi dahil may aasikusahin pa.” Tugon niya dito habang nakatingin ng deretso sa dalaga.

Nagkaroon naman ng katahimikan sa pagitan nila kaya naman ay nagkaroon ng kakaibang atmospera. Hanggang sa binasag ito ni Troy at nagsalita.

“I…think kailangan ko ng umuwi. Gabi na. May pasok pa tayo bukas.” Tanging saad na lamang ni Troy at saka nilagpasan si Leah.

Napatingin naman sa kanya si Leah. Bago pa makalayo si Troy ay tinawag naman ito ng dalaga dahilan para mapalingon sa kanya ang binata.

“Troy! Uhmm…Salamat.”

“Okay. Good night.” Tugon ni Troy at tumalikod na.

Nang marinig naman iyon ni Leah ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Nang masardo na ang pinto ay nanghina naman ang tuhod ni Leah dahilan upang mapasandal at mapaupo siya sa likod ng pinto.

Napatingin naman si Leah sa kamay niya ng makitang may maliit na tubig doon hanggang sa nadagdag ito. Doon niya lamang napagtanto na umiiyak na pala siya. Napakuyom naman siya ng kamay ng maalala niya ang likuran ng binata ng makitang lumalayo sa kanya dahilan upang mas umiyak pa lalo siya.

“Diba mahal mo siya? Ba’t ayaw mo pang sabihin sakanya? Hahayaan mo na bang mawala siya ulit sayo ngayong narito na siya?”

Napatigil naman si Leah ng marinig ang dikta ng isip niya. Saka niya lamang napagtanto na ito ang oras para aminin niya na ang totoo sa binata bago pa mahuli ang lahat.

Kahit na medyo nanghihina ay tumayo si Leah sa pagkaka-upo at pagkaka-sandal sa pinto at binuksan ito.

“Sana nanditan ka pa. Hwag kang aalis, please.” Dasal niya sa kanyang isip.

Sakto naman ng pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Troy na naglalakad paalis. Hindi kalayuan ang pagitan nila kaya bago pa ito tuluyang makalayo ay tinawag niya na ito.

“Troy!” Tawag niya dito ngunit hindi ito lumingon kaya tinawag niya ulit ito, ng hindi pa rin ito lumingon ay nagdesisyon siyang lapitan ito.

Nang makalapit na dito ay yinakap niya sa likod ang binata dahilan upang tumigil ito sa paglalakad.

“Mahal kita, Troy. Mahal na mahal kita. Hwag kang umalis, Please?” Saad niya saka hinigpitan ang yakap niya dito.

Naramdaman niyang hinawakan ng binata ang mga braso niya dahilan upang lumuwag ang pagkakayakap niya dito kaya naman ay nagsimula ulit mangilid ang mga luha niya.

“What did you say?”

Nagangat naman ng tingin si Leah kay Troy at bakas sa mukha ng binata ang pagtataka nito.

Akala niya ay itataboy siya ng binata ngunit ng tanungin siya nito ay hindi niya mapigilang ngumiti at umiyak sa saya.

“Leah, anong sinabi mo? Panaginip ba ito? Kung panagi---”

“Mahal kita, Troy Salvatore.” Paguulit niya habang nakangiti dahilan para maputol ang sinasabi ng binata. Si Troy naman ay natigilan ng marinig ulit ang sinabi ng dalaga.

“Mahal niya ako! Mahal niya ako!”

Ilang saglit lang ay yinakap ito ni Troy at isiniksik ang ulo nito sa balikat ng dalaga. Yumakap na rin dito si Leah.

“I love you! I love you!” Bulong ni Troy sa dalaga.

Napatawa na lamang si Leah sa binata. Maya-maya ay naramdaman niyang basa ang kanyang balikat.

“Umiiyak kaba?”

Humiwalay naman sa kanya si Troy at hinawakan ang pisngi niya. “No. I’m just happy.” Ngiti ni Troy habang may luha pa sa pisngi.

Pinunasan naman ito ni Leah at saka tinitigan sa mata ang binata at ganun rin ito sakanya na unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha. Nagdikit muna ang kanilang mga noo bago magsalita si Troy.

“I love you, Leah. Hinding-hindi na kita pakakawalan pa.” Saad nito sabay siil ng halik sa dalaga.

Napakapit na lamang si Leah sa balikat ng binata ng hapitin ang bewang niya dahilan upang mas lalong lumalim ang kanilang halikan.

“Wala ka ng takas, Leah. Mahal ko pa rin talaga ang lalaking ito.”