KABANATA 18 (1627 words)

Napahampas na lamang si Troy sa kanyang manibela ng maalala niya ang paglapit niya sa dalaga.

Her scent is so addicting. Kaya hindi niya mapigilan ang sarili na dampian ng halik ang tenga at leeg nito.

Buti na lamang ay nagbukas agad kanina ang elevator sa ground floor, kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila ng dalaga sa elevator.

“Mababaliw nako. F*ck!”

“H-Hindi totoo iyan. At may tatay ang anak ko at isa pa wala kang katunayan na anak mo nga si Carlo.”

Habang pinapakalma ang sarili ay bigla naman bumalik sa alaala niya ang sinabi sa kanya ni Leah. Kahit ayaw aminin ng dalaga na anak niya si Carlo, malakas ang kutob niya na anak niya talaga ito.

Habang nagiisip ng malalim ay tumunog naman ang selpon nito. Tiningnan niya iyon at sinagot ito ng makilala niya ang pangalan kung sino ang tumatawag.

Inilagay niya sa harapan ang selpon niya at pinindot ang loud speaker sa selpon nito.

“Hey. It’s done?” Tanong agad ni Troy sa kabilang linya.

: “Yes. It’s done. I sent it to your email. Just check it. May kailangan pakong asikasuhin.” Sagot ni Nathan sa kabilang linya saka deretsong pinatay ang linya.

Hindi na nakapag-pasalamat si Troy dahil mukhang nagmamadali ito kaya pinatayan siya agad ng linya.

“Hindi na kita pakakawalan pa. Hindi ko na kayo iiwan. Hinding-hindi na kita ulit iiwan, Leah.” Saad niya sa kanyang sarili saka binilisan ang takbo ng sasakyan niya.

Nang makarating sa condo unit nito ay agad siyang dumeretso ng upo sa harap ng kompyuter niya.

Chineck niya ang email niya para kompirmahin na na-send na nga sakanya ni Nathan ang data tungkol kay Leah.

Nang makita ang file ay agad niya itong binuksan. May parte sa kanya na kinakabahan na baka hindi totoo ang hinala niya at may parte na masaya dahil malalaman niya rin sa wakas ang totoo.

Habang binabasa ang file tungkol kay Leah ay hindi niya mapigilang mapahawak sa baba niya.

“She’s pregnant that time when she left the house, that day.”

Nagbasa pa siya ng ibang report hanggang sa mapunta siya sa anak nito.

Name: Carlo Alcaraz

Sex: Male

Birthday: August 21, 20**

Age: 4

Hindi na naituloy ni Troy ang pagbabasa ng makumpirmang anak nga niya si Carlo. Hindi na niya na kailangan pang magpa-DNA test dahil base na rin sa report na ibinigay ni Nathan sakanya.

Buntis na si Leah sa mga panahong nasa ospital siya dahil sa aksidente niya at bukod pa dito ay wala rin itong naging nobyo.

“F*ck!” Mura sa sarili niya ng mapagtanto lahat.

“This time. Babawiin na talaga kita ng tuluyan, Leah. Babawiin ko kayo ng anak natin.”

•*•*•*•*•*

Nang makauwi si Leah ay hindi niya mapigilang ibagsak pasarado ang pinto ng bahay nila at dumeretso ng upo sa sala.

“Hey! Anong problema mo? Baka masira yang pintuan sa lakas ng pagkakasarado mo. Atsaka natutulog na si baby Carlo.” Saad ni Rian habang papalapit kay Leah at tumabi dito ng upo.

Napabuntong hininga na lamang si Leah saka sumandal sa sofa. Tumingin naman siya kay Rian na lalong ikinataka ng kaibigan.

“Kanina ka pa nakauwi?” Tanong niya dito.

“Oo. Maaga akong umuwi dahil walang kasama si Carlo dito.” Saad ni Rian saka tumingin ng deretso kay Leah.

“Ano bang problema mo at napakalalim ng iniisip mo diyan.”

“I think alam na ni Troy na anak niya si Carlo.” Pagka-banggit nun ni Leah ay bigla namang ito napasigaw sa gulat.

“WHAT?! P-Paanong…”

“Nagkita na sila ni Troy nung nagpunta kami ni Carlo sa mall para magbonding.”

Kita naman sa mukha ni Rian ang pagkabigla ng malaman niyang nagkita na pala ang dalawa. Hinawakan naman nito ang kamay ni Leah.

“Ano ng gagawin mo? Ngayon na alam na ni Troy na anak niya si Carlo.”

Hindi naman nakaimik si Leah. Napabuntong hininga na lamang si Rian ng hindi makasagot ang kaibigan sa tanong niya.

“Alam mo friend, support kita sa lahat ng desisyon na ginagawa mo sa buhay mo at ninyo ni Carlo. Basta kapag may problema ka, nandito lang ako, okay?” Pag-aalo ni Rian sa kaibigan.

Ngumiti naman ng bahagya si Leah saka yumakap kay Rian. “Thank you for always there with me.”

“Sus, ano ka ba. Pero, uupakan ko ang Troy na iyon kapag nagkita kami. Aba’y g*go siya. Kahit na ama siya ni Carlo hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sayo.” Diing saad ni Rian saka ipakita sa kanya ang kamao nito.

Napatawa na lang siya sa kabaliwan ng kaibigan niya. Habang nakayakap ay hindi maiwasan mapaisip ni Leah kung anong gagawin niya oras na malaman ni Troy na anak niya talaga si Carlo.

“Wala ng atrasan ito, Leah. Desisyon mo’to. Pinasok mo’to. Dapat ay ikaw rin ang tumapos.”

•*•*•*•*•*

Busy sa pagluluto ng agahan si Leah ngayong umaga. Buti na lamang ay day off niya ngayong araw kaya naman ay makakapag-pahinga at masosolo niya ang anak niya.

Kailangan niyang makabawi dito dahil nag-pramis siya dito na babawi siya.

Habang hinihintay niyang kumulo ang sabaw na niluluto niya ay may bigla namang yumakap sa mga hita niya.

“Good morning, Mama!” Ngiting bati ni Carlo.

Naghugas muna ng kamay si Leah at nagpunas saka yumuko para pantayan si Carlo.

“Good morning, baby!” Saad ni Leah saka pinugpog ng halik ang mukha ng anak.

“Hahaha, stop na po!” Pagtigil ni Carlo sa ina.

“Okay stop na si Mama. Can you help your Mama prepare the table for us, hmm?”

Humalukipkip pa ang anak niya na para bang nagiisip pa kaya naman ay pinugpog ulit ng halik nito ang anak.

“Okay, okay! Stop na hahahaha Mama hahaha.” Saad nito habang nilalayo ang mukha ni Leah.

Tinigilan na naman niya ito. Binigyan niya ng dalawang plato at mga kutsara’t tinidor si Carlo na agad naman itong tinanggap.

“Be careful, okay!”

“Aye, aye!” Saad nito at dahan-dahang naglakad papuntang lamesa.

Itinuon niya ang pansin niya sa niluluto niya. Nang okay na ay pinatay niya na ang apoy at ang kalan saka nagsandok ng ulam.

Nang mailapag na ang bagong lutong ulam ay umupo agad si Carlo. Pinagsandok niya naman ito ng kanin at ulam.

Uupo na sana siya ng may magdoor-bell. Napatingin naman siya doon.

“May bisita ba si Rian? Pero wala na iyon dito.” Saad ni Leah sa sarili.

Walang maisip si Leah na pwedeng dumalaw sa bahay nila kaya naman ay tumayo siya at tumingin kay Carlo na enjoy na enjoy sa pagsubo ng pagkain.

“Wait lang baby, huh. Bubuksan ko lang ang pinto.”

Nag-okay sign naman si Carlo at napangiti siya dito. Kaya naman ay dumeretso siya agad sa pinto. Baka naiinip na ang tao doon sa tagal niya.

“Sandali lang!” Saad niya saka binuksan ang pinto.

“Ano kailangan nil---” Hindi na natapos ni Leah ang sasabihin ng may bumalandra na agad sa kanya na mga bulaklak.

“Leah!”

“Leah!”

Nang marinig ni Leah ang dalawang boses ay alam niya na kung sino ang mga iyon. Hindi alam ni Leah ang gagawin kaya naman ay napapikit na lamang siya at nagsalita.

“Pwede bang pakitanggal ng mga bulaklak na ito sa mukha ko?” Diing utos niya sa dalawa.

“Sorry.”

“I’m sorry!”

Nagsabay na naman ang mga itong nagsalita at nagkatitigan sa isat-isa saka tinanggal ang mga bulaklak sa harap ni Leah.

Bumuntong hininga muna si Leah bago tingnan ang dalawang lalaki na ngayon ay may masamang tinginan na sa isat-isa.

“Anong ginagawa niyong dalawa dito, Troy. Ariel.” Taas kilay na tanong ni Leah sa kanila.

Napatingin naman sakanya ang dalawa at umayos ng tindig.

“To court you.”

“To court you.”

Again. For the third time around. Magkasabay na naman silang nagsalita. Napasampal na lamang si Leah sa noo niya.

Hindi niya alam kung magugulat ba siya sa mga nalaman niya o maiinis sa mga pinagga-gawa ng mga ito.

Akala niya ay makakapag-day off siya ng payapa with her son. But, she’s wrong. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya na mga ito at sumakto pa talaga sa day off niya.

Magsasalita na sana siya ng may maliit na boses ang nagsalita sa likuran niya.

“Mama. What took you so long. Nawawalan na po akong kumain kasi hindi tayo sabay.”

Sabay naman silang napalingon doon. Agad naman na pinuntuhan ni Leah si Carlo.

“I’m sorry, baby. May mga bisita kasing dumating eh.”

“Bisita? Who?” Tanong agad ni Carlo saka tumingin sa pinto.

Lumaki naman ang mga mata nito ng makita ang mga bisitang tinutukoy ni Leah hanggang sa ngumiti ng unti-unti at yumakap sa dalawa na ikinagulat niya.

“Carlo!”

“Daddy Ariel! Mister! You’re here!” Saad ni Carlo saka tumingala sa kanila.

“Hey, buddy.”

“Can you please stop copying me?” Saad ni Ariel kay Troy.

“Why me? I should’ve the one said that! Stop copying me, you---”

Hindi pa natatapos ni Troy ang sasabihin ng sumingit si Carlo.

“Oohh~ beautiful flowers! It’s that for, Mama?” Tanong ni Carlo habang nakaturo at nakatingin sa mga bulaklak na bitbit ng dalawang binata.

“Yes, it’s for your Mom.”

“Oohh~” napatakip pa si Carlo ng bibig niya ng malamang sa Mama niya ang mga bulaklak na iyon.

Humarap naman ulit kay Leah ang anak niya saka hinawakan ang kamay nito.

“Are they’re your manliligaw, Mama?”

Nang sabihin iyon ng anak niya iyon ay bigla niyang nahugot ang pag-hinga niya. Naramdam naman niyang uminit ang mukha niya.

Yumuko siya sa harap nito at saka tinakpan ang bibig nito. Ngunit tinanggal iyon ni Carlo saka nagsalita muli.

“Then, who’s gonna be my, Papa?”

Para namang naestatwa si Leah ng itanong iyon ni Carlo sakanya. Gusto na lang mawala ni Leah na parang bula dahil sa hiyang nararamdaman niya.

“Me!”

“Me”

Ngunit mas lalong nagulat si Leah ng marinig niya na sagutin ng dalawa ang tanong ni Carlo. Kaya naman ay napatingin siya sa mga ito.

“Huh?”