KABANATA 17 (1679 words)

Agad na sumakay ng sasakyan si Troy pabalik ng ospital.

Nang maka-alis si Leah at ang anak nito na si Carlo ay may bumabagabag sa kanya.

Hindi niya maalis sa isip niya ang itsura ni Carlo. Kahit ayaw man niyang aminin sa sarili. Carlo is really his carbon copy.

Kaya naman para makumpirma ang hinala niya ay may tinawagan siyang numero.

Nakailag ring ito bago sagutin.

: “What?” Rinig na sigaw ni Troy sa kabilang linya.

“I need help. Meet me at the hospital. Now.” Maotoridad na ani ni Troy at saka pinatay deretso ang selpon.

“Sana tama ang hinala ko.”

•*•*•*•*•*

“What’s your problem?” Saad ng isang lalaki ng makapasok ito ng silid ni Troy.

Si Troy naman ay napatingin sa kararating lang na si Nathan. Umupo naman ito sa harap niya at umayos naman siya ng upo saka tiningnan sa mga mata si Nathan.

“May kailangan akong ipa-imbestiga sayo.” Seryosong saad ng binata dito.

“Alam mong matagal ko ng itinigil iyan, Troy. At wala akong balak gawi---”

“Just this time. This is my last favor to you. Please?”

Alam ni Nathan na hindi uso kay Troy ang magma-kaawa. This is the second time Troy ask his help again.

Napabuntong hininga na lang si Nathan bago magsalita. “So, What is it? Who?”

“Investigate Leah Alcaraz for me.”

“What?” Para namang nabingi si Nathan sa inire-requesf ng kaibigan niya.

“Leah Alcaraz. I want to know everything about her.”

“Your…ex…?”

Tumango si Troy saka tumayo at sumilip sa bintana kung saan kita ang tanawin sa labas mula sa sid niya dito sa ospital.

“Gusto ko malaman ang tungkol sa kanya mula five years ago after ko ma-aksidente.” Dagdag ni Troy at lumingon kay Nathan.

Matagal nagisip si Nathan kung gagawin ba niya ang pinapagawa ni Troy ngunit sa huli ay pumayag ito.

“This is the last, Troy.”

“Yes. I promised.”

Tumayo na si Nathan sa pagkaka-upo nito sa sofa at dumeretso na sa pintuan. “Give me three days.” Saad nito at tuluyan ng lumabas ng silid ni Troy.

“This time, hindi kana makakawala sakin.”

•*•*•*•*•*

Nang makauwi na sa bahay sila Leah ay nakatulog na sa mga bisig niya si Carlo kaya naman ay idineretso niya ito sa kwarto nito.

Pinalitan niya na muna ito ng damit atsaka iniayos ang higa nito si kama.

Nang makitang mahimbing na natutulog si Carlo ay hindi mapigilang umiyak si Leah.

Hindi niya aakalain na magkakaharap sila Troy at Carlo.

“I’m sorry, If I’m selfish, son. But this is the best way that I think para hindi kayo magkakilala.” Saad ni Leah saka hinaplos-haplos ang mukha ni Carlo.

Nang makita niya kanina na buhat-buhat ni Troy ang anak niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng saya.

“It’s like a ‘Happy Family’.”

Pero hindi pa rin magbabago ang isip niya na ilayo si Carlo sa tunay niyang ama. Hindi niya mapigilang isipin muli ang nangyari sa nakaraan.

Natatakot siya na kapag tinanggap niya ulit ang binata ay baka iwan niya kami at ayaw niyang mangyari iyon.

Kaya labis ang kaba niya kanina ng makitang magkasama ang anak niya at si Troy, lalong lalo na’t magka-mukhang magka-mukha ang dalawa.

Alam na ni Leah na mapapansin ni Troy ang itsura ni Carlo dahil kita niya sa mga mata nito kanina ang pagtataka.

“Siguro ay naiisip niya ngayon na anak niya si Carlo.”

Hindi niya na alam ang gagawin kapag nalaman nito na anak nito si Carlo. Kaya naman hangga’t maaari ay dapat niya ng layuan ito bago pa nito malaman ang totoo.

“I’m sorry, Troy. But you didn’t deserve to be the father of my son.”

•*•*•*•*•*

“Magiingat ka anak! Babawi si Mama, pangako.” Saad ni Leah saka hinagkan ang noo ng anak.

“Pramis iyan Mama, huh. Don’t break your promises.”

Tumango naman na si Leah dito. “Pumasok kana. Male-late ka sa class mo.”

Bago pumasok ng gate si Carlo ay humalik muna ito sa pisngi ni Leah at saka tumakbo na papasok ng gate na ikinangiti niya.

Nang hindi niya na makita si Carlo ay agad na siyang pumasok sa sasakyan niya at dumeretso papuntang trabaho.

Ayaw pa man din niyang pumasok dahil magkikita ulit sila ng binata ngunit hindi na pwede. Tatlong araw na siyang absent at tambak na rin siya ng mga gawain sa desk niya.

Kung hindi pa siya tinawagan kagabi ni Amy at pinapasok kinabukasan ay malamang ay hindi siya papasok ngayon

Nang makarating sa kompanya at nakaparada na ang sasakyan niya ay pumasok na siya sa loob.

Pinindot niya ang numerong sampu kung saan ang pinaka-tuktok ng building na ito. Ngunit bago pa magsara ang pinto ng elevator ay may humarang na dito na kamay.

Kaya naman ay bigla ulit itong nagbukas. Sakto naman na pagpasok ng isang lalaki ay ang pagtingin dito ni Leah.

Laking gulat niya nang makilala niya kung sino iyon.

“Hayst. Wrong timing naman. Ba’t siya pa nakasabay ko?”

It’s Troy. The one who stop the elevator to close. Nakasuot ito ng kulay dark blue na polo na nakabukas pa ang dalawang butones sa harapan na pinaresan ng black slack at brown leather shoes.

Hindi niya inaasahan na nakabalik na ito sa trabaho.

Natauhan lamang si Leah ng tumikhim ito ng mapagtanto niyang kanina pa niya ito tinititigan, kaya naman ay napaiwas siya ng tingin dito at sumiksik sa gilid.

Sumiksik rin si Troy sa kabilang gilid hanggang sa magsara ang elevator.

Walang umiimik sa kanilang dalawa. At tanging tunog lang ng elevator ang maririnig sa tuwing bubukas ito sa bawat floor.

Hindi naman mapakali si Leah sa kanyang kinatatayuan dahil sa lahat ng pwede niyang makasabay sa elevator ay si Troy.

Rinig na rinig ni Leah ang lakas ng tibok ng puso niya kaya naman ay napakuyom na lamang siya.

Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa loob ng elevator hanggang sa magbukas ito sa pang-sampung floor.

Nauna ng lumabas si Troy kaya naman ang kanina pang pinipigilang paghinga ni Leah ay nakahinga na rin siya ng ayos.

Halos manginig ang tuhod niya sa kaba kaya naman ay napahawak siya sa elevator.

“Jusko po…”

•*•*•*•*•*

Buong araw naging busy si Leah. Akala nito ay may mangyayaring masama kapag pumasok na siya sa trabaho ngunit wala namang nangyari.

Parang naging normal lang ulit ang trabaho niya. Sumasama rin siya sa mga meeting ni Troy at hanggang doon lang iyon.

Hindi pa siya pinapansin nito simula ng magka-sabay sila sa elevator. Nalungkot naman si Leah ng mapagtanto iyon.

“Wait. Makungkot? Ako? Huh. Mas mabuti ng ganito para wala ng mangyari pa.”

Napasampal si Leah sa sarili niyang pisngi para magising sa katotohanan.

“Umayos ka, Leah. Umayos ka.”

Saad niya sa sarili at saka ipinagpatuloy ang gagawin.

•*•*•*•*•*

Nagunat-unat naman si Leah ng katawan ng sa wakas ay natapos niya ang tatlong araw na gawain niya.

Napasandal naman siya sa upuan niya at saka tumingin sa orasan. Alas otso na pala ng gabi.

Hindi niya namalayan ang bilis ng oras. Kahit na ayaw niya pang kumilos ay nagligpit na siya para makauwi agad.

Nang makapag-ligpit na ay isinukbit niya na sa balikat ang bag niya at dahan-dahang naglakad papuntang elevator.

Buti ay nahabol agad niya ang papasarang elevator. Papasok na sana siya ng makita kung sino ang nasa loob.

Parang biglang nawala ang pagod at pag-ka antol ni Leah ng makita muli si Troy.

“Huwag mong sabihin na sabay ulit kami?”

“Hindi ka ba sasakay?”

Napatingin naman siya kay Troy ng magsalita ito.

“A-Ah…s-sasakay…hehehe…” Tanging tugon na lamang ni Leah.

Sumakay na lang siya dahil kapag nagintay pa siya na bumalik ang elevator ay baka matagalan pa iyon bumalik.

Kung ano ulit ang nangyari kanina sa kanilang dalawa ay ganoon ulit ang nangyari sa kanila ngayon. Tahimik at walang nagsasalita sa kanila.

Hanggang sa basagin ni Troy ang katahimikan.

“Anak ko si Carlo diba.”

Nagulat si Leah sa itinanong nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na ito ang itatanong niya.

“Panong…”

Tumawa naman ng kaunti si Leah para itago ang kaba nito.

“Paano mo naman nasabi iyan?” Saad ni Leah saka tumingin si binata.

Bumilis ang tibok ng puso ni Leah ng makitang seryoso ang mukha nito at nakatingin sa mga mata niya.

Agad naman siyang umiwas ito. Para siyang mapapaso sa mga tingin nito. “H-Hindi totoo iyan. At may tatay ang anak ko at isa pa wala kang katunayan na anak mo nga si Carlo.”

“Oh, Really?”

Rinig ni Leah sa binata, maya-maya lamang ay isinandal siya nito sa pader ng elevator.

Biglang nahugot ni Leah ang kanyang paghinga ng mapagtanto ang sobrang lapit na mukha ni Troy.

Unting-unti na lang ay magkakalapit na ang mga labi nila. Kapag gumalaw pa siya ay siguradong mahahalikan niya na ang binata.

Nanlaki lalo ang mga mata ni Leah ng mas lumapit pa ang binata sakanya dahilan para mapa-pikit siya.

“Jusko po! Please! Please…”

Naghintay siya ng ilang minuto ngunit wala siyang naramdaman na may dumampi na malambot na bagay sakanya. Kaya naman ay iminulat niya ang mga mata niya.

At nakita niyang nakangisi ito. Magsasalita na sana siya ng ilapit ng binata ang mukha nito sa tenga niya at bumulong.

“Sa oras na malaman ko ang totoo. Humanda ka. Gagawin ko ang lahat makuha kita ulit at si Carlo. Tatanggapin mo’ko sa ayaw at sa gusto mo habang nahuhulog ka sakin ng unti-unti hanggang sa hindi kana makaahon.

Baby, Please be reminded. This is just the start. Once I started, sisiguraduhin kung hindi kana makakawala hanggang sa maging akin kana ng tuluyan. Iba magmahal ang isang Troy Salvatore.” Bulong ng binata kay Leah saka dinampian ng halik ang tenga nito hanggang sa leeg nito na nagbigay elektrisidad sa katawan niya.

*Ting!*

Tumigil lang sa ginagawa ang binata ng saktong bumukas ang elevator. Tumingin muna sa kanya ang binata at saka siya nginitian nito at lumabas na ng elevator.

Ng mawala na sa paningin niya ang binata, saka lang siya nakahinga ng ayos. Halos matumba siya ng magsimulang manginig ang tuhod niya, buti na lang ay nakahawak siya sa pader.

“T-That…j*rk!”