Chapter 9 They are monsters

LOUISE POV

"Louise sabing pumasok kana sa kotse." Utos ni Yara.

"Nahihibang kana b—" Napasinghap ako at napaatras ng lumingon sya sakin na pula na ang mata nya.

"Y-yara?" Natatakot kong sambit. Anong nangyayari dito?

"Now" Cold nyang sabi

Wala sa sariling napatango ako at natatarantang pumasok sa kotse.

Habol ang hiningang nakapasok ako sa kotse at nanginginig ang mga kamay na hinanap ang phone ko nang makita ko ito ay tatawagan ko na sana si Kira ng malaglag ito dahil sa panginginig ko.

Kinkabahang yumuko ako at pilit na inabot ang phone ko. Bakit biglang nagbago ang kulay ng mata nya?

Bakit humaba ang mga kuko nya?

"Gosh baka namamalikmata lang ako." Pilit kong paniwala sa sarili ko.

"Ahhh...!"napasigaw ako sa kaba at takot ng biglang may tumama sa windshield ng kotse

Kinakabahang nag angat ako ng tingin

"O-oh my god!"Para akong mamatay sa nakita ko, tumutulong dugo sa windshield.

Dahan dahan akong lumingon para tumingin sa labas at malaman kung ano na ang nangyayari at napanganga na lang ako sa nakita ko.

"Asan na si Yara?" Tanong ko habang hinahanap si Yara sa paligid.

Nakahandusay na ang ibang lalaki sa lupa may anim pang nakatayo na lumilingon lingon sa paligid na nanginginig.

"Putcha asan na ang lintek na demonyong babae na yun." Rinig kong sigaw ng matabang lalaki na bakas ang kaba sa boses nito.

Binuksan ko ang pinto at bababa na sana ng...

May bigla na lamang na dumaan na parang ipo ipo na pumapalibot sa anim na lalaki.

Sa isang iglap bagsak silang lahat, nanlaki ang mga mata ko at dali daling sinarado ang pintuan ng kotse

Nanginginig kong kinuha ang susi at inistart na ang makina.

"Louise are you okay?" Biglang sulpot ni Yara sa bintana.

"Aaaah…! lumayo ka sakin lumayo ka!" Binuksan ko yung pintuan at nagtatakbo sa labas.

"Hey!" Yara just snap infront of me kaya napaatras ako.

Sa kakaatras ko ay natisod ako at sumalampak sa lupa

"Louise he—"

"Ahh halimaw ka! Lumayo ka sakin!" Pinagbabato ko sya ng bato na mapupulot ko.

"D-did u say that Im a monster” Malungkot nyang sabi at napayuko.

Napatigil ako. "Hindi ba totoo... Ha!" Sigaw ko.

Mapait itong napangiti at nanubig ang mga mata nito.

"Akala ko pag nalaman nyu tatanggapin nyu ko kasi nakikita kong mabuti kayo ni Kira." Sabi nya na parang iiyak na.

"LOUISE!" Napalingon ako sa sumigaw at agad na tumayo para lapitan si Kira.

"Kira" Bigla ko syang hinatak palayo kay Sky. Magkapatid sila ni Yara kaya imposibleng halimaw rin ang Sky na yan.

Kira pov

Nagulat ako ng hinatak ako palayo ni Louise kay Sky at nagmamadaling naglakad paalis habang hatak hatak ako.

"Bess saan ka pupunta I mean saan tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong.

"Bess kailangan na nating makaalis dito bago nila tayo mapatay." Bakas sa bawat salita nito ang takot.

Kaya mas lalo akong naguguluhan. "Ha? Sino papatay satin?" Naguguluhan ko pa ring tanong.

"Sina Yara bess mga halimaw sila wag na wag ka ng lumapit sa kanila baka mapahamak kayo ni baby mo kaya nga siguro nakikipaglapit sayo si Sky dahil gusto nyang kainin ang baby mo." Hysterical nitong sabi pero para sa akin ang OA nito.

Napalingon ako para sana magpaalam kina Yara pero nakita kong yumuyugyog ang balikat nito habang yakap yakap ni Sky. Is she crying?

"Kira bilisan mo baka maabutan nila tayo." Sabi ni louise na parang wala sa sarili.

"Louise okay ka lang ba? Teka tumigil na muna tayo kumalma ka." Sabi ko dito pero agad itong umiling iling at parang baliw na lumingon lingon.

Napabuntong hininga ako at hinayaang na lang ito hanggang sa makaalis na kami palayo kina Sky at Yara.

••••••••

KIRA POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung maniniwala ba ako kay Louise o hindi. Baka naman nasobrahan lang sya kakabasa ng mga fantasy story.

"Kaya Kira please lang wag ka nang lumapit kay Sky o kay Yara man." Sabi nya

"Louise tama na okay." Pigil ko dito.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin!?" inis nitong tanong

"Gosh Kira totoo yung sinasabi ko nakita mismo ng dalawa kong mga mata ano naman mapapala ko sa pagsisinungaling ko isipin mo nga Kira”

Gosh kanina pa sya dada ng dada sinabi nya sakin na hinarangan daw sila ng mga adik na kagagawan ni devon nalaman ko lang ng may marinig akong kausap sya sa phone

"Kira?" Louise snap

"Wag mo munang isipin yan Louise umuwi kana." Sabi ko.

Nandito kasi kami sa bahay at talagang hinatid pa talaga nya ko para daw masiguradong safe ako at ang baby ko

Parang ayokong paniwalaan na halimaw sina Yara at Sky kasi wala namang nga ganun.

But if ever nga… Oh no! pano na lang pala kung si Sky ang ama ng dinadala ko na hinihiling ko talaga.

Bahala na nga hanggang hindi ko na co-confirm ang sinasabi ni Louise hindi ako maniniwala.

"Ay anak ka ng multong sinapian!" Gulat kong sabi, paglingon ko kasi tumambad sa akin ang nakakunot noong mukha ni Devon.

Mukhang umalis na si Louise. "Ahm anong kailangan mo?" Mahina kong tanong

"Nothing I just want to say that the dinner is ready." Sabi nya

Tumango ako at sumunod na sa kanya should I ask him about what happened earlier? I wanna know kung bakit nya ginawa yun.

"Kailan ang check up mo??"tanong nya

Nasabi ko na kasi sa kanya na buntis ako kasi halata naman na kahit na alam ko ng alam na nya na buntis ako.

"Ahm itong darating na sabado." Sagot ko.

"Okay sasamahan kita." Nakangiting sabi nya

Napahinto ako at napakagat labi

Anong gagawin ko eh sasama rin daw kasi si Sky.

Napapikit ako ng mariin. "Hey what’s wrong wife? May masakit ba sayo? tell me." Malambing nitong sabi.

Umiling ako at pilit na ngumit. Sa ngayon ayokong mapalapit kay Devon kasi nga may plano akong umalis. Buo na ang desisyon ko bahala na.

Pero… Tapos si Sky naman— hindi naman siguro totoo yung sinasabi ni Louise.

Pero yung totoo nagdadalawang isip rin ako sa sinabi ni Louise kasi naman tama naman sya sa sinabi nya.

"Paano ngang nangyari na namatay ang lahat na lalaki na humarang sa kanila kung hindi totoong—" Tama na nga Kira tama na sa pag iisip tungkol doon.

"Hon kain na tayo." Tawag ni Devon sa akin kaya napalingon ako dito.

"Ah mauna kana Von may bibilhin lang ako sa labas." Sabi ko dito.

Hindi ko na hinintay ang sagot nya at lumabas na lang ng bahay.

NAGTATAKANG napatingin si Devon kay Kira na paalis ng bahay.

‘Sumama ang expression ng mukha nito habang nakatingin kay Kira pag nalaman kong nakikipaglapit ka sa gagong yun pagkapanganak mo papatayin na lang agad kita’ napangisi ito sa naisip na plano.